Panakip Butas

6.8K 80 20
                                    

“Lyra! Hindi lang ikaw ang nasasaktan sa pagkawala niya.” araw araw kong naririnig sa aking kaibigan na si Darryl.

Ako si Lyra, nasa ikaapat na taon sa kursong accountancy. Masasabi niyo na ako ay isang tanga dahil hanggang ngayon nagmamahal ako kahit alam kong walang pagasa. Araw araw akong umiiyak, araw araw sinasaktan ang sarili ko dahil araw araw umaasa akong babalik siya.

Iniwan kasi ako ng kasintahan kong si Allen. Hindi niya ako niloko, hindi niya ako sinaktan pero ngayon naramdaman ko ang sakit ng pagkawala niya. PAGKAWALA niya. Masakit isipin na ako ang dahil ng pagkawala niya. Masakit tanggapin na dahil sakin namatay ang pinakamamahal ko. Hindi ko man lang nakita kung paano tumigil ang paghinga niya habang nasa ospital. Hindi ko man lang siya nakitang nilibing. Bakit nila ipinagdadamot sakin si Allen? Mahal ko naman siya eh, hindi ko rin naman ginusto ang nangyare. Tama nga siguro sila, ako ang dahilan ng pagkawala niya.

Nandito kami ngayon sa garden ng campus kung saa kami madalas tumambay. Walang tao dito. Minsan lang kasi puntahan ng mga estudyante ito.

“Hindi mo kasi naiintindihan Darryl! Ako ang dahilan kung bakit siya nawala.” Sigaw ko habang pinupunasan ang aking luha.

“Almost four years Lyra! College na tayo, graduating na tayo. Tanggapin mo na! Walang may ginustong mabangga yang sasakyan na yan!” sinisigawan na ako ni Darryl. Pero ang sigaw na yon ang nagpagising saakin. Araw araw nandyan ang kaibigan ko para magabot ng tissue at punasan ang luha ko. Pero mahal ko pa si Allen. Ano bang dapat kong gawin?

“Lyra, huwag mo sisihin ang sarili mo. Hindi mo kasalanan. Walang may gusto sa nangyare. Tanggapin mo na, na masaya na siya kung saan man siya naroroon. Huwag mong isipin yan. Magmahal ka ng iba. Magiging masaya si Allen kung magiging masaya ka.”

Sa apat na taong kasama ko si Darryl sa pagiyak ko. Ngayon niya lang sinabi sakin ang mga salitang to. Ngayon niya lang ako ginising sa katotohanan. Marahil tama nga siya, kailangan ko rin maging masaya. Kailangan ko rin magmahal ng iba.

“Darryl, anong nararamdaman mo para sakin? Bakit lagi kang nandyan para sakin? Bakit hindi mo ako iniiwan?” totoo naman, nandyan siya para sakin kahit pinagtatabuyan ko na siya. Nandyan siya kahit puro bukangbibig ko ang pangalan ni Allen.

“Bakit ngayon mo lang tinanong yan? Bakit ngayon mo lang nakita yan? Bakit ngayon mo lang napagtanto yang mga bagay na yan. Alam mo ba kung gano kasakit na ako yung nandito sa tabi mo NAGMAMAHAL sayo ng hindi mo alam kahit puro bukangbibig mo ang pangalang Allen. Oo Lyra, mahal kita matagal na.” sagot niya sakin na maluha luha. Ngayon ko lang nakita sa mga mata ng kaibigan ko ang mga mata niyang puno ng lungkot o sadya bang hindi ko nakikita yon kasi ang lagging tumatakbo sa isip ko ay ang pangalang Allen?

“Lyra mahalin mo rin naman ako? Puro nalang kasi Allen. Lyra wala na siya tanggapin mo na yon.” Pagmamakaawa niya sakin.

Pwede bang sumaya naman ako ulit?

“Lyra gusto mong kalimutan si Allen? Mahalin mo ako. Kahit hindi buo pero sana matutunan mo rin akong mahalin hindi bilang kaibigan kundi bilang kasintahan.” Papayag ba ako? Masasaktan ko naman siya? Pero pwede ko naman subukan diba?

Ilang buwan ang nakalipas. Naging masaya ako sa mga kamay ni darryl. Ibinigay niya ang lahat ng pagmamahal niya sakin. Buong buo. Natutunan ko rin siyang mahalin. Mahal ko din siya bilang kasintahan at hindi bilang kaibigan.

Nakabihis na ako ng toga ko dahil maya maya ay magtatapos na ako ng kolehiyo. Ako ang summa cum laude sa batch naming kaya naghanda ako ng speech.

“May we call on Lyra Cortez for her inspiring speech.” Tawag ng tagapagsalita mula sa mikropono.

Naglakad na ako papunta sa entablado.

“Magandang umaga mga blockmates, schoolmates proffessors at mga magulang. Ngayon tayo ay magtatapos na ng kolehiyo. Bagong buhay, buhay ng isang manggagawa. Hindi na tayo estudyante, maraming natutuwa dahil sa wakas tapos na tayo! Graduate na tayo pero hindi naten mapagkakaila na mamimiss naten ang buhay ng isang kolehiyala. Iyakan, tawanan, awayan, at kung ano ano pa. Hindi nga ako makapaniwala na ako ang summa cum laude.

Una sa lahat, nais kong  pasalamatan yung mga blockmates ko na pag wala akong assignment pinapokopya ako.” Nagatawanan ang mga manonood.

Salamat din sa aking mga magulang kahit wala sila dito para saksihan ang aking pagtatapos. Salamat dahil binuhay niyo ako. Sa mga professor ko rin na kahit napakagulo ng klase namin ay nagtitiis parin samin. At higit sa lahat sa aking boyfriend at bestfriend na rin na sa kabila ng pagiyak ko ay pinupunasan ang luha ko, na sa kabila ng ako tanggap at mahal parin ako. To my dear graduates, congratulations and goodlu-“

Hindi ko natapos aking sasabihin dahil may nakita ako sa bandang dulo, nakangiti saakin. Bakit siya nandito? Pinikit ko ang mata ko at dinilat muli, hindi ito kathang isip lamang. Nandon parin siya sa kinatatayuan niya. Bakit pa siya bumalik? Ano itong nararamdaman ko? Bakit tumitibok nanaman ang puso ko na parang tibok noong kasama ko pa siya at masaya pa kami? Ano ito? 

Hindi napigilan ng mata ko ang pumatak na luha.

Minahal ko nga ba si Darryl bilang kasintahan o pinaniwala ko lang siya at ang sarili kong mahal ko siya? Ginawa ko ba siyang panakip butas?

Bakit pa siya bumalik?

Napako ako sa kinatatayuan ko habang tinitignan siya. Hindi ako makapagsalita. Naguguluhan narin ang mga taong nanonood. Totoo ba talaga ito?

Isang salita lang ang nasabi ko mula sa mikropono habang umiiyak ako. Ang pangalan niya.

“Allen...”

A/N: I'm inspired by Alesana Marie's short story kaya dedicated po sakanya to ^__^ Naisipan ko lang gumawa ng oneshot dahil output namin sa filipino class. Hope you like it ^__^

Panakip ButasNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ