UNO

135 13 8
                                    

[chapter 1]

"Laceeee! Give me a hug!" request ni Diana. Binigyan ko siya ng napaka-higpit na yakap kahit hindi naman kami ganun ka-close. Isa kasi siya sa friendly at sweet girl sa classroom namin.

"Pasalamat ka 'di ko pinagdadamot ang yakap ko." sabi ko.

"Ako nga rin Lace, pa-hug."

Yayakap na sana si Thompson, pero pinigilan ko.

"Ayaw!" pagtanggi ko.

Kinuha ni Diana ang ballpen nya na pink, at nagsimulang mag-lettering ng kung ano ang maisip nya.

"Bakit ba kasi hindi mo nalang ligawan si Lace, huh, Tom?" tanong ni Diana.

"We're friends, we're good friends. Diba Tom?" hinakbayan ko si Thompson at tumango siya.

"Tsaka, wala pa sa isip ko yung mga ganyan, Grade 10 palang tayo. Let's enjoy being young!" sabay lapag ang kamay sa table.

Pero ang hindi nila alam, nagkakagusto na ako, at nagmamahal ako ng tao na pero hindi nila alam na nag-eexist ako.

Naalala ko noong Grade 7 palang ako, bagong salta sa school, naging crush ko yung isang Senior High School na tinatawag kong si Kuya dahil inassist nya ako noong nahihirapan akong hanapin ang classroom ko.

Sinubaybayan ko sya, ultimo maliliit na bagay na meron sya, tila importante na para sakin.

Alam ko kung papaano ang hugis ng patilya nya, ang mga gestures nya na tila pinupunasan ang ilong nang pagdampi lang at higit sa lahat ang pabango niya; ang amoy nyang nakakabaliw. Noong naamoy ko, at nakita ko na itinago niya yung pouch ng aficionado sa bag nya, tuwing pupunta kami ng SM dideretso ako agad sa area ng mga pabango at aamuyin ko kaagad yung mga panglalaki na scents.

"Lacey, anak, mayroon ka ng VS perfume doon sa bahay bakit tumitingin kapa dyan?" tanong ni Mama

"Ma, inaamoy ko lang po, baka-"

"Bakit panglalaki yang inaamoy mo? Tomboy ka ba?" pabiglang tanong ni Mama.

Pinagkamalan pa akong tomboy ni Mama, pero sa tsaga kong yun, nakita na kung anong F ang pabango nya: F55.

Oo na, Ultimate Stalker 101 na ang datingan ko. Pero sa paraan na yun, minahal ko siya kahit 'di niya ako mahal at kahit hindi niya alam na minamahal ko siya.

Sinubukan ko rin siyang i-chat, normal na usapan lang, pero binibigyan ko na ng meaning.

Chat

Me: Hi kuya :)

Kuya: Hello

Ang saya ko nung nag-reply sya after 5 or 6 seconds I guess.

Me: Kamusta po?

Kuya: Ayus naman, ikaw ba?

Nung sinabi niyang ikaw ba? Parang magugunaw na ang mundo ko, so he cares about me too? Hindi ko alam ang isasagot ko sakanya, kasi nga, make one wrong move baka mag-end na agad ang usapan namin.

Me: Okay naman po kuya...

Erased

Me: Ayus naman kuya, thank you sa pag-tanong...

Erased

Me: Masaya po, kasi ka-chat kita...

Erased

Me: Okay lang po.

Sent

Kuya: Typing...

When Ate Met Ading [COMPLETED]Where stories live. Discover now