Chapter 16: Race

5K 104 13
                                    

“Dragon? Siya ba ‘yung friend ni Lee na tinutukoy mo sa’kin?” Bulong ni Lana sa’kin.

“Siya nga.”

“Bakit hindi mo sinabi na ganito pala siya kagwapo Chan? Grabeh! My God! Hihimatayin yata ako. Ipakilala mo ko dali!”

“Huwag na! Mapapahamak ka lang sa mga taong kagaya niya.”

Sa totoo lang kahit na mukhang bad boy si Dragon dahil sa itsura niya, sa tingin ko naman may tinatago siyang kabutihan. Kaya lang hindi ko siya kilala ng lubos kaya ayokong ipaubaya sa kanya si Lana. Dahan-dahan akong naglakad papalapit kay Dragon.

“Anong ginagawa mo dito Dragon?”

Ngumiti siya sa’kin saka niya ako sinagot. “May usapan kasi kami ngayon ni Mayhem na magkikita pero hindi niya ako sinipot. May emergency daw. Uuwi na rin sana ako pero naalala kita. Kakamustahin lang sana kita.”

“Okay lang naman ako. Thank you nga pala Dragon ha. Dahil sa’yo hindi ako napagalitan ni Daddy. Haha. Ginayuma mo yata siya.” Pagbibiro ko.

“Haha!” Tawa niya sabay kamot sa ulo niya. “Kinausap ko lang naman siya ng maayos. Mabuti naman at nakatulong ako sa’yo kahit papano. Siyanga pala, gusto mo bang ihatid na kita?”

“Hindi na!” Sagot ko. “Ihahatid rin naman ako ng kaibigan ko ngayon. Thank you sa offer.”

“Hello?”

“Yes Dad!”

“Sige Dad pupunta na ako diyan ASAP.”

Napatingin kaming dalawa ni Dragon kay Lana na nasa likod lang namin. Kausap niya ang Daddy niya sa cellphone niya. Agad naman siyang lumapit sa’min pagkatapos niyang ibaba ang kanyang phone.

“Ahm.. Dragon diba?” Tanong niya kay Dragon at tumango naman nito. “Ganito kasi.. may emergency kaya baka pwedeng ihatid mo muna si Chandrielle sa bahay nila.”

“Lana!” Bulalas ko.

“I’m sorry Chan may emergency kasi.” Sabi niya saka niya inilapit ang mukha niya sa tenga ko. “Wala talagang emergency. Magmoment muna kayo. Ang gwapo eh. Crush ko sana kaso mukhang ikaw ang type. Haha. Pag ayaw mo sa kanya ako na lang sasalo. Enjoy. Haha!” Bulong niya sa’kin saka siya ngumisi.

“Sige mauuna na ako Chan!” Malakas na sambit ni Lana para marinig ito ni Dragon. “Ikaw na bahala sa bestfriend ko ha Dragon?”

Pinanood lang namin si Lana na naglakad papasok sa kotse niya. Hindi nagtagal, unti-unti na itong naglaho sa paningin ko.

“Hay!” Napabuntong-hininga na lang ako. Si Lana talaga. Ayaw niya kay Lee pero gusto niya si Dragon eh mas mukha pang bad boy si Dragon compared kay Lee.

“Tayo na?” Tanong ni Dragon sa’kin saka niya inabot ang extrang helmet niya.

“Pasensya ka na talaga. Naistorbo na naman kita.”

Sinuklian lang ako ng ngiti ni Dragon saka niya sinuot ang helmet niya. Isinuot ko na rin ang helmet na binigay niya sa’kin saka ako umangkas sa motorbike niya. Tatlong beses pa akong naka angkas sa motorbike, una kay Lee tapos dalawang beses naman kay Dragon.

Tama ba ‘tong ginagawa ko?

Nagpanggap lang kanina si Lana na may emergency at pwede naman talaga akong magpumilit na sumama sa kanya instead na sumama kay Dragon pero hindi ko ginawa.

---

“Thank you Dragon.” Sambit ko sa kanya pagkatapos kong makababa sa motorbike niya. Sobrang bilis naming nakarating dahil sa matulin na pagdadrive ni Dragon. Halos paliparin na talaga niya ang motorbike niya.

That Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon