Simula na nga iyon ng pagiging close
namin ni Jayson.
Kapag nasa school
kami, lagi siyang nagku-kwento
about sa mga ginagawa at pinupuntahan
nila ni Eloy at ng iba pa nilang kaibigan.
Kapag pumupunta naman siya kina Eloy
tuwing araw ng sabado o linggo ay
kumakatok siya sa gate namin,
tapos nag-uusap kami.
O kaya naman,
pagkagaling niya kina Eloy,
tumatambay siya sa gate namin.
God, ang bait mo talaga !
Thanks, Almighty God !
inilapit mo sa akin ang crush ko.
Nagpalitan na kami ni Jayson ng
cellphone number. Naging textmates na kami.
Kapag may pupuntahan na siyang isang
occation ay sinasama na niya ako.
Hindi ko binigyan ng malisya yun,
na baka may gusto siya sakin.
Iniisip ko, gusto rin nya ako ibilang sa
isa sa mga kaibigan niyang babae.
