EPISODE 6-Aldrich Montenegro

1.4K 48 0
                                    


"hoy magkwento ka naman paano ka napunta dito" tanong ni Kervin.

"anu namang nakakapagtaka alam nyo namang kung nasaan ang mga angel nanduon din ang devil hahaha"

nagkatinginan sila

"wala ka paring pinagbago Krisma.... siguro marami ka ng nabubully sa ugali mong yan" Jerome

"grabe ka naman...kung makapagsalita kayo parang wala tayong pinagsamahan ah.....kumg hindi dahil sa akin boring sana ang highschool life nyo" sabay subo ng pasta.

(^^)....ang sarap...

"anung hindi boring.....kunsimisyon nga ang inabot ko sayo"sabi ni Kervin. tumango tango naman si Jerome.

"tama si Kervin hinding hindi ko malilimutan yung nilagyan mo ng tunaw na chocolate yung jersey ko hindi tuloy ako nakalaro nun... ." paliwanag ni Jerome

"aba malay ko bang jersey mo pala yun malay ko bang eleven ang no. na nambastos kay timmy tsaka okay lang yun nanalo naman kayo eh" paliwanag ko nailing nalang di Jerome.

"at hindi lang yun.....remember what you did to my bag binuhusan mo ng juice eh nandun yung latest at pina ka bagong labas na loptop ko nasira tuloy....hinabol ka pa nga namin nun eh" natatawang paliwanag ni Kervin

"yeah I remember that hahahaha diba Kerv dun din nagumpisa ang CR scandal hahahaha"Jerome. sinamaan ko ng tingin si Jerome

"oo nga nho hahaha teka alam ko na kung sino ang nagpasok sayo dito....kamusta na kayo ng fiancee mong si Aldrich the great" nagapiran pa ang dalawa.

Hindi ko nalang sila pinansin at dinalawang subo ang natitirang pasta.

"ahh alam ko na broken hearted ka nho?" napakunot noo ako  sa sinabi ni Kervin. Ngumiti ito at itinuro yung nasa kabilang table.

Are eyes met. Kasama nya si Anne. Nginitian ko sya at ibinaling muli ang tingin kay Kervin.

"pwede ka na bang mag kwento huh....emo girl"nakangiting wika ni Kervin.

"hindi ako emo.....mga panget kayo" nagtawanan lang sila.

Hindi ko alam kung bakit nawalan ako ng gana bigla pagkakita sa kanila. Parang gusto kong sabihin sa babaeng yun na ako ang fiancee ng boyfriend nya na dapat ako ang kasama nya pero wala naman akong karapatan.

"mahal mo sya nho?" kervin

"hindi ah"ako

"eh bakit labas sa ilong"-jerome

"oo nga tsaka ikaw ang fiancee martir queen ka na ba ngayon huh"-Kervin

"tigilan nyo nga ako tsaka wag kayong maingay baka marinig kayo ng girlfriend nya" ako

"eh mas okay nga iyon dahil ikaw naman ang fiancee"-Kervin

"trip lang nila Papa yun nho hindi nya ako mahal"-ako

"pero mahal mo sya" Kervin

"heh!!!tigilan nyo ako ang mabuti pa ipakilala nyo ako sa mga friend nyong gwapong Leisure  boys para naman sumaya saya ako..." ako

"naku Krisma  kami na ang pina ka gwapo wala ka ng ibang makikita diba Kervs"Jerome.

Inirapan ko lang sila kahit kailan mahahangin parin ang utak ng mga ito.

"teka Krisma kay Aldrich ka pa rin ba umuuwi"Kervin

"oo bakit ?" nagkatinginan yung dalawa

"DATE TAYO"sabay na wika nila.

Napataas naman ang kilay ko. Anong meron at naisipan nilang I Date ako.

"nagdra-drugs ba kayo?" tanong ko nagtawanan lang sila.

Bandang tanghali dumating yung parents namin. Naging maganda naman ang pag dalaw nila. Panay nga ang puri nila sa school daw namin. At ito pa ang malala ang buong topic nila sa buong lunch eh yung tungkol sa kasal namin.

Kung ilang apo ang gusto nila. Kung anong pangalan. Natatawa nalang ako lalo na sa reaksyon ni Aldrich  Mabuti nalang at may klase na si Anne kaya wala na sya dito sa Dream palace.

Masaya rin ang buong maghapon dahil inilibot pa kami ni Aldrich  sa buong Dream Palace.

Pero sandali lang iyon. Masaya ako dahil kahit papaano naramdaman ko na naging tunay kong boyfriend si Aldrich  kahit sandali.

"Krisma?" tawag ni Aldrich sa akin pababa ako ng hagdan.Nakauwi na kami.

"oh bakit" tanong ko.

"tumawag si Kervin....niyaya ka ba nyang makipag date?"

napaisip ako....

seryoso talaga sila.

"ummm seryoso pla tlaga sila" sagot ko. bigla itong tumayo at galit na lumapit sa akin.

"anong sila you mean hindi lang si Kervin"

"yeah niyaya din ako ni Jerome"

"bakit ka pumayag.....alam mu ba kung ilang babae ang pinaiyak ng dalawang iyon huh"

"calm down Aldrich date lang yun nho tsaka anung masama doon"

"iyon ang masama....ngayon date lang yan tapos one or two weeks manliligaw na yan baka nga bukas manliligaw na yan " tinaasan ko sya ng kilay.

"so whats wrong with that " nagcross arm ako at hinarap sya

"hindi ako papayag na manligaw ang isa sa mga yon o kahit na sinong lalaki"

"at bakit naman" natahimik sya saglit nakatitig lang sya sa akin o mas magandang tignan na nagkatitigan kami.

Theres a part of me na may nagsasabi sa akin na nagseselos si Aldrich na tulad ko ay may nararamdaman din ito sa akin na tulad ko mahal na rin nya ako.Pero syempre imposible naman iyon.

"sabihin mo nga sa akin nagseselos ka ba?"

Kinakabahan ako at natatakot sa magiging sagot nya.

"Im....Im...." nanatiling nakatitig sya sa akin.

....tell me Aldrich sabihin mo sa aking mahal mo rin ako....

"Im just concern....kakilala ko ang mga iyon hindi sila ang nababagay sayo maraming ibang lalaki jan isa pa bata ka pa"

"Hindi na ako bata Aldrich matanda na ako"

.....concern ??....

"Krisma"

"you know masyado ka ng nagiging unfair Aldrich look at you may girlfriend ka na ako wala may love life ka ako wala paano naman ako" gusto kong umiyak pero ayaw kong ipakita sa kanya.

"nandito naman ako ah..."

pilit na ngumiti ako.

"Ang kailangan ko yung taong mamahalin ako at mamahalin ko......at hindi ikw yun "

Akmang lalapit sya nung tumulo ang luha kaya tumakbo ako paakyat.

Sa loob ng ilang taon pilit kong sinusubukang iwasan sya na kalimutan sya. Kaya nga lumayo ako ng school para maka move on ako. Kaya nga kahit masakit itinataboy ko sya.

Akala ko kapag lumayo ako kapag kumilos ako ng iba sa gusto nya lalayo sya at makakalimutan ko sya pero bakit ganun.

Kahit ilang besed kong pinupukpok an utak ko at sabihing tama na wag mo na syang mahalin sige parin ito.

ALDRICH MONTENEGRO-Leisure boys batch 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon