SECRET FOUR: Ralph & Zach Are Missing (Nawawala Si Ralph At Zach)

Bắt đầu từ đầu
                                    

Tinignan ko siya bago nagsalita, "Ayaw ko, hindi ako kumakain ng pagkaing pinapakain lang sa mga baboy."

"Bahala ka, hindi naman ako ang mamamatay, ikaw naman. Ikaw na nga itong pinapakain ko, ikaw pa umaarte? Kakain ka o hindi?"

"HINDI!" Bulyaw ko.

"Hindi talaga?"

"Hindi nga!"

Lumapit siya sa akin.

"Gusto muna kita gawing stuffed bago ka mamatay. Kaya sa ayaw at gusto mo, kakain ka!"

Pilit niyang binuksan ang bunganga ko at pinasakan ng pagkain. Halos mabulunan ako sa ginagawa niya. Nagpupumiglas ako sa kanya kaya lang mas malakas siya. Ginawa niya iyon ng ginawa hanggang sa maubos ang laman ng pinggan.

"Eh di nabusog ka?  Hindi ba?"

"HAYOP KA!"

"Mas hayop ka!"

"Bakit hindi mo pa ako patayin?"

"Huwag kang mag-alala. Mag-uumpisa na ang laro."

DANIEL

"Babes."

Pagkabukas ko pa lamang ng pintuan, agad na bumungad sa akin si Brett.

"Babes." Tawag ko din sa kanya kasabay ang mahigpit na yakap.

Niyakap niya din ako.

Niyaya ko siyang pumunta sa sala at umupo sa sofa.

"Brett, gagawa lang akong meryenda natin. Teka lang."

"Dito na ako titira." Pahayag niya.

"Huh?"

Tumayo siya sa pagkakaupo at niyakap ako patalikod.

"Ayaw kong nag-iisa ka dito. Gusto kitang samahan."

Napaharap ako sa kanya, "Pa'no 'yung sa bahay niyo?"

"Nandoon naman 'yung mga katulong at si ate. Nakapagpaalam na ako at pumayag naman sila."

"Thank you Babes. I love you."

"I love you too."

Pagkasabi niya niyon ay hinalikan niya ako.

"Sige, maghahanda lang ako ng makakain. Anong gusto mo?"

"Ikaw."

"Heh! Magtigil ka diyan. Makakagat kita ng wala sa oras. Sige, maupo ka na doon."

"Sige."

Natapos akong magluto ng pizza at ngayon ay kumakain na kami.

"The best ng pizza mo Babes."

"Siyempre naman, ginawa 'yan na may pagmamahal."

Habang nagkukulitan kami, may biglang nagdoorbell.

"Babes, may nagdodoorbell. Wait lang ha? Titignan ko lang."

Agad akong tumungo sa pintuan at binuksan iyon.

May taong nakaitim at nakahood na bumungad sa akin.

"Ano po iyon?" Tanong ko.

"May nagpapabigay po." At may iniabot siyang puting envelope.

Kinuha ko iyon sa kamay niya saka nagpasalamat. Sinarado ko na ang pintuan, pagkatapos.

Bumalik naman na ako sa tabi ni Brett.

Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: Oct 29, 2014 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

Zelena's Secret #Wattys2016Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ