Chapter 2- Going to know about Aurea

12 3 0
                                    

Sir De Leon's POV

I'm Earnest De Leon, 24 years old and a Physical Science teacher. Hindi ko alam bakit ganun na lamang ang nangyayari sa tuwing nakikita ko si Ms. Aurea, hindi ko lubos akalain na natutulala ako kapag nakikita ko siya. Nagiging concern din ako kay Aurea 'di ko maintindihan ang nangyayari sa akin kapag nakikita ko siya. Hindi ko rin lubos akalain kung bakit ba siya laging nasa panaginip ko, umiiyak. That was my weakness to see a girl crying pero ang makita si Aurea mismo ang umiiyak sa panaginip ko grabe yung emosyon ko sa panaginip ko. 'Di ko mapigilang masaktan sa t'wing nakikita siyang ganon.

Hindi ko alam, kung bakit tila may koneksyon kami ni Aurea. Ibang saya kapag lagi ko siyang nakikita. First time ko siyang makita sa campus Iam really sure na siya yung laging laman ng panaginip ko, and sinadya ko talagang kuhain yung schedule niya para ako ang maging teacher niya kahit sa isang subject, because I want to know who is Miss Aurea, I want to get close with her, I want to take care of her and I want to be part of her life because from now she's part of my life.

And para talaga akong nanalo sa lotto nung time na malaman kong si Austin and Aurea is magkapatid, na sa akin talaga ang langit ngayon. Mabait naman si Austin matalino, may paninindigan at higit sa lahat mana sa physics teacher na gwapo hehe. Nung una ang dami kong gustong itanong kay Austin kaso 'wag muna pabigla-bigla, one time naka-kwentuhan ko si Austin I asked him bakit he always late.

Flashback....

"Austin, you always late. Why?" Tanong ko

"Ah, sir sorry po kasi po gawa po ni ate eh madalas napupuyat po ako kapag po naririnig kong humahagulgol si ate sa gabi. 'Diko po alam bakit po siya ganun lagi." Nagulat ako sa reason ni Austin, 'diko naman alam ang gagawin. Tumango nalang ako bilang sagot.

Parang sumikip yung dibdib ko nung malaman na lagi raw umiiyak si Aurea sa gabi, pero bakit siya iiyak?

Pero ngayon, isa lang ang nasa isip ko hindi ko na ulit hahayaang umiyak si Aurea mag-isa, I will be her crying shoulder. Though 'di pa man kami gaano close but I will do my best to get close with her.




*******************


"Ate 'di ko alam bakit parang intresado sayo si Sir De Leon? Hmm bakit kaya? Siguro Hindi ka naman crush nun kasi pangit ka hindi ba? Pang-aasar na naman ng kapatid ko habang nakatayo sa labas ng pinto ng kwarto naming dalawa.

"Puro ka panlalait sa Dyosa Austin, kapag nagalit ang Dyosa iba sila mag-higanti tandaan mo 'yan." With matching duro pa kay Austin habang palabas ako.

"Dyosa nang kapangitan HAHAHA." Dagdag pa ni Austin dahilan para mainis ako at batuhin siya ng tambo.

"Ate, ang sakit eh. Alam mo namang biro lang 'yun, 'di naman ako papayag na may kamukha akong panget." Sabi niya sabay yakap sa akin. Malambing din naman si Austin eh mapang-asar nga lang, pati ang sabi ng nakararami na para raw kaming xerox copy ni Aus kasi siya ang lalaking version ko HAHAHA naks! Kaya once na sabihan niya ulit akong pangit e'di pangit din siya, dzuuuh. Its damn tie.

"Sus! 'Tong magkapatid na 'to halina't tayo'y maghapunan na, hindi makakasabay sa atin ang Tatay niyo sa hapag at siya'y gagabihin raw." Tawag sa amin ni Nanay.

"Opo, nay baba na po." Sabay naming tugon ni Austin

"Mahuli panget HAHAHAHA." Si Austin, talaga naman akala ko okay na kami nakuuu.

"Ano anak, Au? Kumusta school mo? Okay kalang ba? Bakit sabi raw ni Sir De Leon mo ay lagi kang namumutla?" Pagbasag ni nanay sa katahimikan, nakwento na agad ng walangh'ya kong kapatid kay nanay ang nangyari. Ugh!

"Nay, wala po iyun siguro gutom lang po ako kaya ako namumutla." Naka-ngiti kong sagot para 'di na mag-alala pa si nanay.

"Gutom? Aba! Anak. Binibigyan kita ng baon, bakit hindi ka kumakain aber?" Nag-aalalang tanong ni nanay. Sinasabi ko na nga ba eh.

An Accidentally Love StoryWhere stories live. Discover now