Eto na naman tayo.
"Hi tito, mano po," sabi ko at nag mano kay Tito Dan. Siya ang 'Mr. Pogi-kapit-bahay' namin (para sa mga matatanda) and ang anak niya ay si Mr. Pogi the Second. May itsura pero ang panget ng ugali, ang sarap bakbakin ang mukha. Pogi nga, nag papapanget nga lang ay ugali niya. Killer looks pero killer mood.
Nasa tapat ako ng bahay nila at sabay kami papasok ni Mr. Pogi the second. Everyday, sabay kami papasok, it's either susunduin ko siya or susunduin niya ako. As usual, ang tagal na naman mag handa ng mokong na yun kaya nag uusap na naman kami ni Tito about school and Mr. Pogi the second.
"So what's going on sa inyong dalawa? Are you getting along na ba?" Tanong ni Tito.
"Hahaha, same as the past 18 years that we've known each other Tito...absolutely NOT," sagot ko at napatawa naman si Tito...anong nakakatawa sa sinabi ko?
"Actually, we never told you and Dean this pero up until you two were 8, you guys were inseparable," sabi ni Tito Dan at abot langit ang ngiti. Dean is Mr. Pogi the second's name pala.
"WHAT?!" Sigaw ni Dean habang lumalabas siya ng front door. Offended ako of course!
"Hoy! Tigas ng mukha mo! It's not like i liked the thought..sige po Tito, we'll go ahead na po, mano po," sabi ko at nag mano.
"Sige, mag ingat kayong dalawa, go make friends instead of sticking to each other but not even talking! Hahaha..." sabi ni Tito Dan habang nag wave siya sa amin. We got in my car kasi nasiraan yung car ni Dean. And of course, driver ako today.
We don't talk at all. Kahit we're forced to be in the same room or car or school, we don't talk, we never do. We used to be inseparable?! No way....sa totoo lang, we're still inseparable. We're ALWAYS together, at school, after school, at lunch, everywhere. When one goes somewhere, the other goes with. Siguro ganito kami dati. Since his mom died and my dad left, hindi na kami nag usap. 8 years old kami nung iniwan kami ni Dad and 8 years old din si Dean nung namatay ang mom niya.
Ever since then, wala na kaming maalala from our childhood. Trauma daw sabi ng doctor kaya siguro we can't make any friends kahit habol si Dean sa school, wala siyang pinapansing iba. Matalino na at gwapo pa, kaso rude! Pero sakin lang siya maingay at sa bahay.
We attend Ridge Academy. Malapit lang sa bahay so mabilis lang ang drive.
"I'll be back here by 3," sabi ni Dean right after we parked at yun, ang bilis bumaba. I opened my door para marinig niya ako.
"Dean! I have practice after school, 4 ako matatapos," sabi ko habang bumababa ng car.
"I'll wait for you," sabi niya without turning around.
So we went to class together, without talking na naman. Alam ng buong school what happened to us kasi kailan pa hindi nalagay ang families namin sa chika news dito.. mga utchosero at utchusera. Kaya rin siguro we can't make friends kasi nakakainis rin mga tao dito. Kaya we decide to put up with each other kahit ayaw namin sa isa't isa. Nobody comes near us kasi they know na wala kaming gustong kaibiganin. Mabuti nga alam nila eh, pero the girls at the school don't try to hide na crush ng bayan si Dean. Pero hindi naman nila ako mapatulan kasi kilala ang pamilya ko, pero kung may maiinis man sakin, hinahayaan ko lang. May magagawa ba ako kung pogi si Dean. Pag dating namin ng class, sakto sa bell.
Pag pasok ng teacher, tumahimik na lahat. Sa pinaka likod kami ni Dean nakaupo..Yes, magkatabi kami. Talagang hindi kami mapag hiwalay. First class namin is Psychology and alam namin na it's our favourite class.
"Did you know na the less you interact with someone, the more you have to say to that someone," sabi ni Mr. Miguel. Lumaki mga mata ko at mabilis akong tumingin kay Dean, halatang affected rin siya pero wala siyang sinabi. Lahat naman ng estudyante lumingon sa likod para tignan kaming dalawa. Inayos ni Dean ang upo niya at ako hindi gumalaw. Sobrang apektado naman to..marami nga ba kaming kailangan sabihin sa isa't isa. Nasagi niya yung mga pens and pencils niya kaya yun, nahulog. Lahat na naman lumingon samin pero wala akong reaction at tinulungan siya mag pulot. Bumalik na sa pagturo si Mr. Miguel kaya wala nang pumansin samin.
"It's fine, ako na," sabi niya habang naka squat sa ground.
"Wag kang maarte," sagot ko.
At yun, tapos ang moment.
STAI LEGGENDO
My First and Last
Storie d'amoreMy best friend and my only friend is someone I hate; he's rude, mayabang, panget ang ugali...gwapo..mabait minsan.... We're always together kahit hindi kami nag-uusap kasi ganun ang buhay namin: Close but distant. Nag kalimutan na kami dahil sa trau...
