"Sa akin ka lang ngingiti ng ganyan," he whined. I rolled my eyes and smacked his arm playfully.

"You're a jerk," I gritted my teeth.

"At least, ililibre kita," he smirked. "Sila, saan ka ililibre? Sa mamahaling restaurant? Eh, hindi mo naman gusto do'n. You like amusement parks yet they were bringing you somewhere pricey." He pointed out.

"Nakakainis, bakit mo kasi ako kilala?" Bumusangot na ako.

"Swerte mo, Harriet." He chuckled. "Ejercito Sandejas 'to, oh, ang pinakagwapo sa buong Sta. Monica."

"Wow! Ang yabang!" Sinipa ko siya pero tumawa siya ng malakas at ginulo ang buhok ko. "Kapal ng mukha ng Sandejas na 'to!"

"Alam n'yo para kayong magkasintahan," natahimik kami. Sabay na napalingon kay Cess na nakatitig na sa amin na natatawa pa.

"H-Hindi, 'no!" We both exclaimed at nakita kong nangisi si Cess sa amin at nailing.

"Kung hindi ko lang kayo kilala, iisipin kong may relasyon kayo kaso medyo may saltik pala kayong dalawa." Tawa ni Cess kaya umawang ang labi namin. "Bye! Mauuna na ako sa room! Manhid n'yong dalawa."

Pagkaalis ni Cess ay tulala pa rin kaming dalawa bago nagkatinginan.

"Ano raw, bakit manhid?" I asked him. He blinked rapidly and cleared his throat.

"Na...mamanhid lang ang paa ko." Ngumiwi siya bigla.

"Oh?" I looked at his feet. "Sa 'yo lang naman pala eh, bakit ako rin daw, manhid? Eh, hindi naman namamanhid ang paa ko."

He gulped, nakita kong binasa niya ang pang-ibabang labi at nagkibit-balikat.

"Ewan ko, she's being crazy again." He murmured.

Napasulyap naman ako sa uniform niya at halos masapo ko ang noo nang makitang hindi na naman nakaayos ang necktie niya.

"Ano na naman ba 'yan, Ejercito?" I murmured and pulled him softly on the side, nahuli ko ang pagtataka sa kanyang mata pero napanguso nang abutin ko ang necktie niya at ayusin.

"Anong ginagawa mo?" I hissed. "Your uniform's messy again. 'Di ba, sabi ko dapat maayos palagi ang uniform mo? Papagalitan ka ng dean, and your necktie?"

"I keep on messing it all the time," he murmured, watching me fix his tie. "Wala kasi si Mommy kanina sa bahay kaya walang tutulong mag-ayos. I don't really know how to properly tie it."

"Tuturuan na lang kita," I murmured.

"Bakit pa? You can always fix it, anyway," he answered.

"A big no," I shook my head. "Hindi ako palaging nand'yan lang sa tabi mo, Jer. Sometimes you have to do things without me, kahit ang necktie mo."

"I wouldn't learn how to do it properly, anyway." He murmured.

"You will learn," I said.

"Hindi nga," Iling niya. "Sa 'yo at kay Mommy lang naman ako nagpapaayos ng tie, she even taught me how to do it too pero walang nangyari."

Hindi na ako umimik, inayos ko ang kwelyo ng damit niya at kinuha ang coat niya na nasa balikat lang at hindi sinusuot.

"Wear this," I said, lifting my gaze at him until our eyes met. We both froze when we saw each other's eyes.

Kumalabog ang lintik kong puso at para pigilan ang nararamdamang kakaiba ay ngumisi ako at kinalabit ang ilong ni Ejercito.

"Do you like me, Jer?" I teased.

His face blushed profusely. Umawang ang labi niya at kumurap sa akin.

"N-No way, Harriet." He breathed and I just laughed and flicked his forehead.

Paper Planes (Sandejas Siblings: Companion Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon