"Seriously, Irina? A guy?" aniya na hindi ko naintindihan.
"Anong gusto mong iparating? Alam kong lalaki yun. Gwapo rin kasi kaya inakala mong bakla." ani ko at didiretso na sana sa loob nang harangan niya ang dinadaanan ko.
"What's up with you and him, Irina?" tanong nito.
Tinignan ko si Chase na hindi nakatingin sakin. His jaw tightened na parang nanggigigil at ang kamao niyang nakaharang sa daan ko ay nakakuyom. Gusto ko biglang hawakan si Chase but I shook the idea away. He cutted my strings of hope, now why is he acting up like this?
"Hindi kita pinakikielamanan----" naputol ang sinasabi ko nang magsalita si Chase.
"You always get mad at me whenever I reject girls. I think you could call that pakikielam." ani Chase at binigyang diin ang pakikielam.
Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Chase. He's scarying me inch by inch because of his sudden words and actions. Parang nagtatayo ng bitag si Chase para sakin. Once I give in, it'll be the end of me.
"Ex ko, Chase. Happy?" ani ko sa bored na tono.
"What kind of an ex is that? Kissing his ex-girlfriend on the cheeks? Tss. Get inside." aniya at pinapasok na ko.
Nalate ang teacher namin sa Advance Algeb. dahil may meeting raw sila. Suddenly their meeting ran late kaya nalate rin siya. Nakaupo si Chase sa tabi ko. Nagugulat ako dahil bigla bigla siya natingin sa labas ng bintana at hindi nakikinig sa guro.
Tinignan ko yung mesa ko at naghanap ng kung anong pwedeng ibato kay Chase. Tulala si Chase habang nakatingin sa labas and I admit, mas nakakainlove pa rin ang kagwapuhan niya kesa kay Kurt.
Kinuha ko yung panyo ko at saktong pagharap ng guro sa board ay ibinato ko sa mukha ni Chase ang panyo na nagpabalik sa kanya sa katinuan. Tumingin si Chase sa panyo ko na nalaglag sa lapag at pinulot ito. Bumaling naman siya sakin at tinaasan ako ng kilay.
Tinuro ko ang board at nagmouth word sa kanya na makinig dahil mapapahamak siya kung mahuhuli siyang nakatunganga at nakatingin sa kawalan.
"What do you want?" simpleng sabi niya.
"Makinig ka kay Sir." ani ko at humarap na sa board.
Narinig kong nag-tss si Chase at bumaling na rin sa board. I heaved a big sigh nang makinig na si Chase. Nagpaparticipate na rin siya pero di siya natingin sakin.
Mabilis natapos ang mga klase ko. Hindi na ko nagulat nang makita ko si Kurt sa labas ng classroom ko. Hindi ko naman sinabi sa kanya kung saan at kung anong next subject ko ah? Must be Niccolo or Ina.
Napatingin ako kay Chase na nakahalf sit sa table niya at ang coat ay nakasabit sa kanang balikat. Pinanood ni Chase kung paano ko ayusin ang gamit ko. Napahinto ako dahil hindi pa rin naalis si Chase sa pwesto niya kaya nagsalita ako.
YOU ARE READING
Nothing But Strings
Teen FictionBridge. Tuning pegs. Fret. Rosette. All of these are a part of a stringed instrument. Simula ng mapangiti ko siya, mapatawa, I started falling for this guy. Chase is the kind of guy that doesn't like holding someone's hand, not even mine except his...
Chapter 5
Start from the beginning
