"I just want to talk to you, Irina. Stop hurting me." aniya at hinila na ko palapit sa kanya.

"Bitawan mo ko!" reklamo ko pero naramdaman ko na ang kamay niyang pumupulupot sa bewang ko saka niya ko niyakap.

"Come here, baby. Stop fighting. I missed you." ani Kurt at niyakap na ko sa bewang.

Nilagay niya ang parehong kamay ko sa balikat niya and I swear to God hindi ko alam kung bakit hindi na ko maka-angal o makagalaw. Hinayaan ko si Kurt yakapin ako. Siniksik niya pa ang mukha niya sa leeg ko. Sinamaan ko ng tingin si Niccolo na nakangisi at nagsalita.

"You're fvcking cheesy, dude. It's disgusting." pang-aasar ni Niccolo.

"Shut up, Niccolo. Parang ikaw hindi." ani Kurt na nagpatawa sakin.

"Namiss rin kita kahit papano." sagot ko na nagpa-wooooh kay Niccolo.

Bumitaw si Kurt at humalik sa pisngi ko. Nakapulupot pa rin ang kamay niya sa bewang ko. Tumingin si Kurt sa mukha ko at promise, nakakailang ang pagtingin niya sakin. Parang ang sarap niyang itapon pag tinitignan ka niya ng ganito.

Inangat ko yung coat ko at tinignan ang wrist watch ko. Advance Algebra ang next ko. Kailangan ko nang umalis at baka malate ako. Strikto pa man din yun.

"Aalis na ko. Mamaya na tayo mag-usap." ani ko kay Kurt.

"Ano ba next mong klase? Hatid na kita." aniya sakin at humawak sa bewang ko. Tsansing.

"Advance Algeb." simpleng sagot ko.

Nagpaalam siya kay Niccolo at sinabing itetext na lang niya ito kung saan sila. Bumaling sakin si Niccolo at kumaway sakin. I slapped his hand away saka ako naunang maglakad. Akala ko hindi na susunod si Kurt pero sumunod pa rin ang hayop.

 Hindi ko na pinansin si Kurt at hinayaan na lang siya sumunod sakin kung saan man ako pupunta. Dumiretso ako saglit sa locker ko para kunin ang gamit ko saka ako pumunta sa classroom. Napahinto ako nang makita ko si Chase sa may pintuan at nakayuko.

Humawak sa likod ko si Kurt at kinausap ako. "Ba't hindi ka pa pumasok? Something wrong?" tanong ni Kurt sakin.

Umiling ako at ibinaling ang atensyon kay Kurt. "Balik ka na kay Niccolo. Papasok na ko." ani ko sa kanya. Lumapit si Kurt sakin at humalik sa pisngi ko.

"We'll talk later, alright?" aniya na tinanguan ko.

Umalis na si Kurt at napangiti ako sa ginawa niya. I don't know. Siguro kahit papano may natira akong nararamdaman para kay Kurt. I guess makakamove on ako kay Chase agad with the help of Kurt. 

Napatingin ako kay Chase na masamang nakatingin sakin. Tumingin ako sa paligid ko at tama nga ang hinala ko na sakin siya masamang nakatingin. Ano na naman ginawa ko sa taong to?

Nothing But StringsWhere stories live. Discover now