Ang Paglipas ng Panahon

29 1 1
                                        

Ang mga araw at buwan ay lilipas nang kaybilis.
Di mo ito mamalayan gaya ng paghinga sa bawat sandali.
Ang kahapon at ang ngayon ay magiging isa,
Tulad ng nakaraang nais mong maging kinabukasan.

Nais mong bumalik.
Nais mong balikan.
Ngunit Di aayon ang tadhana.
May ibang magaganap.
May ibang nakatakda.
Hayaan mong ihantong ka ng tadhana sa iyong kapalaran.

Lumingon ka ngunit h'wag manatili.
Di ka nabubuhay para mamalagi.
Lisanin mo ito ngunit wag kalimutan
Pagkat Ito ang dahilan kung bakit nasa kasalukuyan.

Lumakad pasulong.
Humakbang pasilangan.
Harapin ang bukang liwayway na may ngiti nang pag-asa.
Hayaang ang init ng sinag nito'y humalik sa iyong balat. Manuot sa iyong buto. Tumagos sa iyong kaluluwa.

Ipikit ang mga mata.
Pakinggan mo sya.
Damhin mo ang simoy ng sariwang hangin.
Ibulong sa Kanya ang iyong panalangin.
Idulog ang inaasam ng puso mong patuloy na nananalig.

Ang takipsilim man ay hudyat ng Pansamantalang kadiliman mula kanluran.
Ang silangan naman ay habangbuhay babati sau ng magandang umaga.



Thanks for reading. Kindly share like or leave some comments.

PanahonDes histoires addictives. Découvrez maintenant