Nakita ko si Justine na inaayos yung mga gamit niya.

"Ahm...Anong Oras kaya sila makakauwi?" Tanong ko..

"Mga 4 or 5 Ng hapon yata!" Sagot niya.

"Makakahabol pa pala tayo" sabi ko.

Tumalikod na ko sa kanya at pabalik na sana sa tent ko nang mag-salita sya.

"Ann please let me explain...Tungkol don samin ni Venus." Sabi nya.

"Justine pwede wag mona masakit ang ulo ko, baka sumakit lalo ito kung dadagdagan mo pa" sabi ko.

"Nag-rarason ka lang Ann, Please kahit mga ilang minuto lang Ann."

"Justine kahit mag explain ka pa,wala nang magbabago ilang beses na kitang binigyan ng chances pero Ano! sinayang mo lang, tapos hihingi ka na naman.,Nakakasawa na Justine..Sawang-sawa na ko"sabi ko nang di umiiyak sa harap niya.

"Ann, di ako perpektong tao nagkakamali rin ako, gusto kung magpaliwanag sayo pero kung yan na talaga ang desisyon mo, Wala na Kong magagawa ,Tatanggapin ko nalang kahit masakit, Kakayanin ko" sabi nito sa kanya at iniwan syang mag-isa.




____________________________________

Emma POV

Nakarating na kami sa ilog at lahat na nang kasama namin nagsasaya na..

"Emma...Halika punta tayo dun sa malaking bato na yun" sabi ni jack.

"Ahm--Sige" sagot ko.

Umakyat kami sa malaking bato ni Jack.

"Emma mag da-dive ako dito tapos sunod ikaw naman." Nakangiting saad ni jack.

"Baliw ka ba jack!Baka malumos lang ako nyan eh,Papatayin mo ba ko!" Sabi ko.

"Wag kang matakot Em.Ako bahala sayo nasa baba lang naman ako eh...Syaka di kita papatayin no,Importante ka kaya sakin maliban nalang..." saad ni jack pero di ko na narinig yung huli nyang sinabi dahil sa mga nagsisigawan sa baba.

"Tumalon na kayong dalawa..Em..Jack"

"Tama na...ang lambingan tumalon na kayo.!"

"Duwag siguro tong dalawa...Di kayo mag-tatagal nyan!"

Naiirita ako sa mga pinagsasabi nila.

"Ano nga yung sinabi mo..di ko narinig eh,ang ingay kasi nila." Tanong ko.

"Ang sabi ko Mahal kita Em!" Sigaw niya at biglang tumalon, tiningnan ko sya sa baba at Nagpalakpakan yung iba Kay Jack.

"Baliw ka talaga Jack,Dapat sabay tayo eh.." Sigaw ko.

"Kaya mo yan em! di kita hahayaan na malumos dito." Nakangiting saad ni jack.

"Sabi mo yan..kapag nalumos ako dito jack Yari ka sakin mamaya." Banta ko.

Pero Tumawa lang Ang gong².

Huminga ako ng malalim at nag ready sa pagtalon , hinanda ko na Sarili ko sa pagtalon pero Ng Papatalon na sana ako ng biglang nalang may nagtulak sakin at naramdaman ko nalang nasa ilalim na ko nang tubig.

Dumilat ako at nakita ko sya...Yung blacklady,Akmang sasakalin niya ako sa ilalim ng tubing ng may biglang humatak sakin pataas.

Nakita ko si Jack at niyakap ko sya.

"Emma, Ayos ka lang ba?Bakit ganon yung pag dive mo!Muntik nang tumama yung ulo mo don sa bato kanina alam mo bang nag-alala Ako sayo." Sabi niya.

Tulala Ako saglit pero nakabawi din Ng tinawag Niya ko ulit.

The Forest Where stories live. Discover now