Chapter 1: Introduction

Start from the beginning
                                        

Nakarating kami sa room ng matiwasay,Hindi na ako nagulat ng maabutan ko si Miss Anie, English teacher namin.
palagi kasi siyang maaga sa klase,  palagi siyang on-time.
Umupo na ako sa upuan ko which is nasa harap. Maliit kasi ako, sina Rina naman May katangkaran. Hindi naman kami pinansin ni Ma'am at nagpatuloy lang siya sa pagsusulat. Tiningnan ko yung paligid ko,  and guess what? matamlay silang lahat na nagsusulat. Hindi ko naman sila masisisi. Palagi nalang kasing ganito ang routine namin.

Nagkibit balikat nalang ako at kumuha ng sarili kong Learning Activity Sheet. ewan ko ba kung bakit kami kasali sa DLP style ng bagong program , eh kami Fourth year na kami. Sabagay,  kami yung last batch at pagkatapos nun,  3 years na magtetake over ang  9th grade ngayon kasi sila yung First batch. Wala kami kasi hanggang this school yeat lang kami at magco-college na,  eh sila? may grade 10,11, 12 pa. Ang tagal nun ah!
----------Cafeteria-------
Nakapangalumbaba ako sa mesa ngayon habang hinihintay ang barkada ko. Ang tagal kasing mag-order akala mo naman isang batalyon ang Kakainin.
Ako naman,  hindi na ako bumili,  nagtitipid kasi ako.

Napaigtad ako ng may tatlong babae ang sumulpot at yung isa pa eh dumeretso ng upo sa tabi ko.  Overall apat sila,  meaning ang barkada ko.

"Hindi ka na naman magsna-snack? aba sobra na yang pagtitipid mo ah!" sabi ni Heart,  ang pinakamadaldal sa barkada.

"asus,  hindi ka pa nasanay jan"

komento din ni Fea ang play girl sa barkada,  hanggang fling lang naman siya,  pero ngayon may seneseryoso na ata. Hindi na kasi siya madalas makipagFlirt,  good for her! nagbabagong buhay na siya. Napangiti nalang ako sa naisip ko .

"oh? ngumingiti ka pa eh pinapagalitan ka na nga? guys! may kailangang dalhin sa mental!"
biro rin ni Nash,  playgirl din to at hindi pa nagbabagong buhay,  hindi nalang siya gumaya kay Fea,  sabagay! ano pa bang aasahan ko sakanya? naloko siya,  at ngayon yan ang epekto! sabi pa niya 'boys will be boys',   sabi ko naman 'and bitter will be better' . Hindi naman siya tumanggi noon nang sinabi ko yan,  kung may magandang epekto man ang panloloko sa kanya

Yun ay ang natauhan siya,  Nagising siya na hindi lahat ng IYO ay pagmamay-ari mo,  yung iba hiram lang pala and worst? Akala mo nga iyo,  shota pala ng bawat kanto.
She even protect us,  kung may typical bitch sa barkada namin? masasabi kong siya yun,  but in a good way.

Wala siyang pakialam kung pangalan niya ang masira,  basta maprotektahan niya lang kami. Ayaw niyang maranasan namin ang naranasan niya, at yun ang hindi ko sinang-ayunan. Mangyayari ang dapat mangyari,  at walang makakapigil dun.

"HOY NAKIKINIG KA BA?!" sigaw ni Rina sa akin.

Hindi ko napansin na napasobra na pala ako sa pagkatulala,  para siguro akong nasapian! nihindi ko nga namalayan na natapos na silang kumain.

"hmmm sorry." sabi ko nalang, medyo pagod na kasi ako.
"you look pale,  are you okay?" tanong ni Fea sa akin. Tiningnan ko silang lahat,  'worry' that word was written all over their face. Ngumiti lang ako at pilit na sumigla.

"ayieeee concern sila sa akin! looovvvee niiyyooo talaga akooo noo?" tukso ko pa.
Hindi naman sila umimik,  seryoso lang nila akong tiningnan. Natahimik nalang ako,  siguro nga kilalang kilala na nila ako.

"pagod lang" sabi ko nalang at sumandal sa upuan. Ano pa ba? wala na kasi akong ibang maisip na dahilan.

"tss,  bakit kasi hindi ka nalang sa papa mo tumira? di hamak naman na mas maganda yung offer dun" sabi ni Heart. Natanong ko na rin yan sa sarili ko,  bakit nga ba?
Sarili kong tanong hindi ko masagot. There's something inside me na ayaw sa desisyon na yun,  siguro dahil sa utang na loob.

"oh come on! don't answer me with thesame answer okay? kung utang na loob man yan! for petes sake DivIna! matagal ka ng bayad! sa lahat ng paghihirap mo? Gosh! I cant understand you!"   untag din sa akin ni Nash.

Hindi na ako nagsalita,  hindi rin naman sila umimik. Pakiramdam ko kasi kapag nagsalita ako mauubos ang lakas ko. This sh*t is killing me slowly! 

Hanggang sa papauwi ako,  hindi ako nagsalita. Malayo pa ang kanila,  yung sakin naman in a sepatate way ang daan pero walking distance lang naman. Habang naglalakad ako,  naisip ko yung sinabi ni Nash. Kahit kailan ang tabil ng dila niya,  pero tama naman siya.

Another thing about me? I mean about my life, ?
I don't have a perfect family... My mom and dad separated 8 years ago,  parang sa isang iglap nagbago ang pamilyang dati rati ay kinasanayan ko. I have a brother,  not half! full noh. May stepfather ako,  and 8 years na rin sila ni mama,  wala naman akong sinisisi!  kasi parehong may kasalanan si mama at papa.

Sabi ko nga 'nangyayari ang lahat ng may dahilan',  pero ang isa sa ayaw ng barkada ko sa akin? ay kung bakit yung mama ko ang pinili ko,  SINASAKTAN niya kasi ako. Literally and Emotionally

Again,  sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi ko namalayan na nasa harap na pala ako ng bahay namin...

Now,  get ready to know me more...

and

get ready to meet my mom...

Connecting DotsWhere stories live. Discover now