Sinubukan kong lakasan ang pagkakatulak sa pinto ngunit kahit anong pilit ko ay hindi ko pa din mabuksan buksan ang pinto kaya naman sobrang pag-aalala na ang nararamdaman ko nang mga oras na iyon.

I don't want to panic but I can't help it since the door doesn't badge, hanggang magdecide akong dadambahin ang pinto katulad nang mga nakikita ko sa mga palabas kapag hindi nila mabuksan buksan ang pinto, naglakad ako palayo mula sa pinto at huminga nang malalim.

"One, two, three." pagbibiglang ko sa sarili ko pinikit ko pa ang mga mata ko dahil ayokong maghesitate dahil mas lalo akong masasaktan kung bigla akong titigil kaya naman naramdaman ko ang pagtama ko sa matigas na bagay ngunit nagtaka ako nang makarinig ako nang may nagmura na kasamang bumagsak kasama ko.

"What the fuck?" narinig kong mura at nang buksan ko ang mga mata ko ay nagulat ako nang makita ko ang nakatiim na mukha ni Jonathan, dali dali akong tumayo at inalalayan itong makapasok nang bahay ang dala nitong pagkain ay natapon sa suot nitong damit.

"Sorry, sandali lang kukuha kita nang maipampapalit mo." pagkatapos non ay dali dali akong umakyat at naghanap nang puwedeng maisuot nito naisip ko ngang pahiramin ito nang sarili kong damit pero naisip ko masyado nang personal iyon kaya naman kumuha ako nang damit ni Marvin sa aparador nito.

"Jonathan ito na........" ngunit nabitin ang sasabihin ko sa lalamunan ko at parang nalunok ko ang dila ko habang nakatingin sa hubad na katawan ni Jonathan, bigla tuloy nag init ang  pakiramdam ko at parang biglang nanuyo ang lalamunan ko habang nakatingin sa magandang katawan ng lalaking nasa harapan ko, mabuti na nga lang at nakakapagpigil pa ako dahil malamang sa malamang makain ko ito for lunch kahit sabihin na virgin pa ako.

Agad kong inalis ang agiw sa isip ko sa pag-iisip nang ganoong bagay at dali dali kong inabot ang sando dito at agad pumasok sa may sala.

Bigla akong napahawak sa dibdib ko, ang lakas lakas nang kabog nang puso ko sa nakita ko.

"For crying out loud Dustin get a grip of yourself shirtless lang siya at ang dami dami mo nang nakitang nakahubad na katawan nang lalaki kaya bakit ka nagkakaganyan." kastigo ko sa sarili, habang pinapakalma ang sarili ko.

Finally mukhang bumalik na sa normal ang tibok nang puso, bigla naman akong nagtaka nang mga sampung minuto na siguro ngunit hindi pa din lumalabas nang kusina ang binata at akma akong babalik sa kusina nang sakto naman lumabas na din ito.

Mamasa masa ang buhok nito at nang dumaan ito sa gilid ko ay agad kong nalanghap ang amoy nang sabon at shampoo ko sa katawan nito at muli ay nakaramdam na naman ako nang pag-iinit nang katawan.

"Sorry naisipan ko nang maligo na din kasi naman amoy ulam na ako, I hope you don't mind." sinabi nito, hindi ko alam pero parang nawalan ako nang kakayahang magsalita kaya naman umiling na lang ako.

"Sandali lang kukuha ulit ako nang pagkain mo." akma itong maglalakad palabas nang pinto nang kusang kumilos ang mga kamay ko sabay pigil sa braso niya, para tuloy akong napasok nang bigla itong mapatingin sa akin kaya naman binitawan ko din ito agad.

"Hu...huwag ka nang mag-abala kakain ko lang din naman nang almusal kaya busog pa ako." nakayuko kong sinabi dito, nanatakot kasi akong may makita ito sa mukha ko.

"Ahh sige mamayang hapon na lang ako babalik kung ganun." sinabi nito at magpapatuloy na sana ito sa paglabas nang muli ay tawagin ko ito, agad naman itong napatigil bago pa maisara ang pinto.

"Mukhang may sira at ang pinto hindi ko kasi mabuksan kanina kaya naman nabangga kita." nahihiya kong sinabi dito, still avoiding his gaze.

"Walang sira ang pinto nilock ko lang sa labas para hindi ka makalabas kasi grounded ka for three days sa hindi pagpapaalam." pagkatapos non ay tuluyan na itong lumabas.

"Ahhh mabuti na lang pala walang sira ang pinto at nilock lang sa labas....... say what?!" ilang minuto din bago nagregister sa akin ang sinabi nito.

"Hoy Jonathan! Anong ibig mong sabihin nakalock ang pinto buksan mo ito, this is illegal detention!" galit na galit kong sigaw sabay paghampas sa pinto.

"Then sue me then." sinabi nito kasabay nang malakas na tawa na lalong nagpainit nang ulo, hindi ako makapaniwala na magagawa nito na ikulong ako sa bahay na ito.

Bigla ko tuloy naalala ang napanaginipan ko ilang gabi na ang nakakaraan kung saan kinulong ako ni Jonathan sa likod nang rehas pero instead na rehas ay sa bahay ako nito kinulong at hindi ko naman naisip na mangyayari iyon in real life just because hindi ako nagpaalam dito.

"Jonathan!" malakas kong sigaw not sure kung nadidinig pa nito ang pagsisigaw ko.

"JONATHAN MONTERO, YOU'RE GOING TO PAY FOR THIS!!!!"

Learn To Love Again (Boyxboy)Where stories live. Discover now