AUTUMN MEETS WINTER ( XXVII )

2.5K 118 32
                                    

"Arista! Where the fuck have you been? Uwi ba 'to ng estudyante?!" ang nanggagalaiti sa galit na sigaw sa akin ni kuya pagpasok ko ng bahay.

Nanatili ako sa kinatatayuan ko dahil hindi ko alam ang maaaring sunod na mangyari sa paghakbang ko. Baka mamaya magulat nalang ako tumalsik na ako sa kabilang dulo nitong bahay. Pero teka, dapat ko bang sagutin yung tanong niya? At ano naman ang isasagot ko?

"Arista!" aatras sana ako kaso masyadong mabilis ang naging paghakbang ni kuya papunta sa direksyon ko at kinwelyuhan ako.

"K-kuya. ."

"What? Cat bite your tongue?" lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa kwelyo ko kaya napahawak na ako sa kamay niya at pinisil ito ng marahan para iparating na nasasaktan na ako. Pero sino ba naman ako para mapigil siya di ba?

"S-sorry. H-hindi na po mauulit. M-m-masaya lang ako kanina kasi di ko inakala na m-mananalo kami at. . at. . p-pupunta ka." hindi ko alam pero bigla nalang akong naiyak sa kalagitnaan ng pagsisinungaling ko ng maalala ko ang sinabi ni Pearl kanina na nanduon si kuya at napanuod ako magperform sa stage.

Nagulat ako ng bigla akong bitawan ni kuya at lumakad palayo sa akin.

"Don't assume that I was there to watch you. I was chosen to be one of the judges." saad niya na nakatalikod sa akin at tuluyan ng lumakad paalis.

Nagulat ako ng hindi niya ako nagawang bugbugin kahit na alam kong galit na galit siya sa akin at ano nga ulit ang sinabi niya? Isa siya sa mga judges kaya siya nanduon? Kung ganun. . Impossible! Hindi niya gagawin 'yon. Malamang ibang grupo ang binigyan niya ng mataas na score at hindi kami.

"Get up and follow me." dinig kong saad ni kuya na iba na ang suot na damit at mukhang may pupuntahan. Huh? Follow him?

Napatigin ako sa suot kong damit at ganuon din siya.

"Hurry up and change. I'll wait for you in the car."

Dali-dali akong umakyat ng kwarto at nagpalit ng damit at nagtatakbong pumasok sa luob ng kotse ni kuya dahil baka biglang topakin at iwan ako. Pero saan kaya ang punta namin? Bihira lang mangyari ang ganito na may pupuntahan siyang kasama ako.

"Here. Use that." napatingin ako sa mamahaling bote na inabot ni kuya sa akin na perfume pala. Pasimple ko itong inamoy at laking pagtataka ko na ipapagamit sa akin ni kuya ang signature scent niya. Ito yung pabango niya na kumakapit sa mga damit niya na bangung-bango ako kasi napaka manly ng amoy. Nagcocompliment kasi ito sa natural scent na meron si kuya.

Tatlong tipid na spray ang ginawa ko at grabe. Para akong niyakap ni kuya sa tindi ng kapit ng pabango niya sa akin. Inabot ko ito pabalik sa kanya na siya namang nilagay niya sa glove compartment.

"K-kuya, s-saan tayo pupunta?" tanong ko.

Hindi siya sumagot. Bagkus ay tinignan niya lang ako sa rear-view mirror ng ilang segundo at binalik ulit ang tingin sa kalsada.

Bigla akong kinabahan sa hindi malaman na dahilan. Saan kaya kami pupunta? Oh shit. Hindi naman niya siguro ako ibebenta sa auction? Oh my gahd! Sigurado namang walang bibili sa akin eh pero shit. Kinakabahan talaga ako. Whew.

Huminto kami sa isang pamilyar na building na may pamilyar na pangalan: Virèx?

"Lets go." saad ni kuya pagka park ng kotse niya na siya namang sinundan ko.

AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα