FREYA'S POV
Hi, ako nga pala si Freya Montefalco. Simpleng babae na may pangarap sa buhay. Maaga ako naulila sa mama at ang meron nalang ako ay yung papa ko na nagtatrabaho sa UAE. Dun niya hinahandle ang oil marketing business ng company namin. Only child so wala akong choice kundi tumayo magisa habang wala si papa. Pinapadalhan naman ako ng allowance ng papa ko sa atm card ko pero the rest ako na bahala kung paano ko yun gagastusin. Tumatawag naman minsan si papa para mangamusta pero hinayaan niya na din naman ako magisa ngayon dito sa pinas na magisa kasi may tiwala naman daw siya sakin. No choice din daw siya kasi kaya naman daw siya nandun kasi para na din saming dalawa. Nasanay na akong ganon. Masyado na ba kong independent sa lagay na yon?? HAHAHA im 16 by the way. Turning 17 next year kaya onting taon nalang maglelegal age na ko.
*may biglang kumatok*
Alyssa: Freya, kumain kana sa baba ng umagahan may pasok ka pa baka malate ka nanaman.
Freya: Opo manang, pababa na po.
Nabanggit ko ba sa inyo na may kasama naman ako dito sa bahay? Siya yung helper namin, si Manang Alyssa. Magiisang taon na siya dito sa bahay at para na din siyang tumayong 2nd mom para sakin. Pero compared to 2nd mom hindi siya mahigpit sakin kaya nagagawa ko parin mga gusto ko pero may limits naman of course.
Pagkatapos kumain, tumaas na ulit ako sa kwarto ko para maligo. Pinatugtog ko sa cr yung ILYSB ng Lany habang naliligo.
Ain't never felt this way
Can't get enough so stay with me
It's not like we got big plans
Let's drive around town holding hands
(Ano ba yan sana magkaroon na din ako ng jowa kung paano pinoportray ni paul yung lyrics ng kanta hays. )
And you need to know
You're the only one, alright alright
And you need to know
That you keep me up all night, all night.
*phone vibrates*
Freya: Ay putek, sino ba naman natawag ng gantong oras.
*dali daling kinuha ni freya ang phone niya para tignan kung sino yung umistorbo sa soundtrip niya sa banyo*
Nicole: Freya!!! gising naaaaa!!
Freya: Ano ba naman yan, akala ko naman kung sino na natawag sakin. Kanina pa po ako gising naudlot tuloy pagkanta ko sa banyo.
Nicole: Sorry naman ginigising lang kita kasi baka malate ka nanaman. First day of school pa naman natin ngayon as a senior high tapos wala pa akong kasama mamaya kung malelate ka nanaman.
Freya: Oo na, eto na nga oh naliligo na. Sige na mamaya nalang kita nalang tayo mamaya sa school.
Nicole: Okiiii byeeeee
Freya: Bye
*ends call, and plays music on phone*
Oh, my heart hurts so good
I love you, babe, so bad, so bad
Oh, oh my heart hurts so good
I love you, babe, so bad, so bad
Sa wakas natapos na din maligo. Siguro nagtataka kayo kung sino yung tumawag sakin kanina no? Siya si Nicole, bestfriend ko since grade 7. Saming dalawa siya ang mas madaldal at mas matalino pagdating sa acads. Ewan ko ba pero ayos na naman sakin kahit anong grade basta pumasa. Siya din nagtuturo sakin pag may hindi ako naiintindihan sa mga lessons namin lalo na sa math kaya lab na lab ko yung babaeng yun.
*habang napili ng damit na susuotin*
Freya: Hala nawawala white shirt ko.
*sumigaw habang pababa*
Freya: Manang!! Nakita niyo po ba yung white shirt ko na plain? Sinuot ko po kasi last week wala pa po dito sa damitan ko.
Manang Alyssa: Ay saglit lang ineng ha, nasa sampayan pa kasi kakalaba ko palang kahapon. Kunin ko lang.
Freya: Sige po salamat.
*habang naglalakad pabalik si Manang, napansin ni Freya na may dala itong sulat na nasa envelope kasama yung white shirt na pinapakuha niya*
Freya: Manang, ano po yung hawak niyo?
Manang Alyssa: Diba pinapakuha mo sakin yung puting tshirt mo?
Freya: Opo, pero ano po yung sulat? Para kanino po?
Manang Alyssa: Etong batang to talaga ang linaw ng mata. Sulat ito ng iyong ama, kakadating lang kaninang umaga kaya isasabay ko na din ibigay sayo.
Freya: Eh Manang, may facebook naman po at messenger, bakit hindi nalang niya po dun sinend yung message niya?
Manang Alyssa: Aba ewan ko na ineng. Basta yan ang sulat ng tatay mo sayo. Magbihis kana at baka malate ka na hinihintay kana panigurado ni Nicole nan sa school niyo, mamaya mo na basahin yung sulat ng ama mo.
Freya: Sige po, maraming salamat po ulit Manang.
*nagbihis na si Freya at nagpaalam kay Manang bago umalis ng bahay at nagdrive na papuntang school*
To be continued...
