Chloe: Ano to'ng narinig ko na nag eskandalo na naman si Chinky kahapon?

Ayana: Oo may nasagap din ako pero hindi malinaw eh. Alam mo yung story, chlo?

Chantal: Scandal? Anyare?

Kelsey: Naeskandalo na naman si ate? Kaya siguro badtrip nung umuwi kahapon.

Deo: ang aga aga pa pero nag chichismisan na kayo.

Kier: May narinig din ako pero di ako chismosa katulad niya kaya tatahimik ako.

Jim: Anong meron?

Kendrick: Scandal? Baka si Xander alam. O kaya si Jessica.

Chloe: Bakit si Jessica?

Ayana: Anong alam mo Kier? Wag kang bakla sabihin mo na!

Chantal: Hindi pa ata gising si Jessica.

Kier: Wag ako. Si Xander tanungin niyo.

Napansin ko na puro seen lang ang ginawa ni Xander mula nang mapag usapan iyon. Kahit si Kuya Marcus ay hindi nag rereply. Seen lang rin si Margou. Alam na kaya ng kapatid ko? O ni Margou?

Kelsey: Hoy Xander anong meron? For sure ikaw nakaka alam ng nangyari kay ate.

Deo: Ano bang bago eh lagi naman nag eeskandalo si Chinky.

Xander: Wag niyo nang tanungin. Tapos naman na.

Chloe: Hala pati dito ang showbiz mo pa rin!

Deo: Hala pati dito ang chismosa mo pa rin!

Chloe: Fuck you Deogracias!

Chantal: Ang gulo niyo. Ano nga nangyari?

Chantal: Kier? Xander?

Travis: Kayo yung magulo ka aga aga e kaingay niyo. Nag toothbrush na ba kayo niyan.

Ayana: Ako done na.

Kelsey: Ako rin!

Chloe: Okay alam ko na nangyari. May source ako. Walangyang Chinky talaga yan.

Kumunot noo ko. Of course may source siya.

Ayana: Spill!

Chantal: Type mo, Chlo. Maliligo lang ako.

Kelsey: Ano daw?

Chloe: Ipinahiya lang naman pala ni Chinky si Jessica!

Ayana: Oh shit bakit?

Kelsey: OMG

Chloe: Bubuhusan daw sana ng coke ni Chinky si Jessy pero tinabig ni Xander. Nabasa pa nga raw si Xander pero hindi naman sobra.

Ngumiwi ako. Kung may nagkwento man, isa iyon sa tatlong babaeng naroon. Detalyadong detalyado ha.

Kier: Kagago talaga ni Chinky.

Deo: Hina naman magpakalat ni Chinky ng scandal. Ako na lang magpakalat ng scandal ko. Mas maaaliw kayo.

Chantal: Manahimik ka nga Deogracias.

Ken: Sabi na eh. Kaya pala hindi maganda pakiramdam ko nung inaya ni Chinky kapatid ko.

Kier: Gago HAHAHA

Travis: Paano palang nakasama ni Jessica si Chinky?

Kelsey: Ew D.

Ayana: Inaya? Kahapon?

Road to your Heart: Starting line (Book 1 of Road trilogy)Where stories live. Discover now