I'm findin' it hard to believe
We're in heaven
And love is all that I need
And I found it there in your heart
It isn't too hard to see
We're in heaven"
Natigil ako sa pagkanta nang may maaninag akong pumasok sa bistro. Parang ang sarap ihambalos ng gitara na to sa taong pumasok na yun. Tinapik ako ng kasama ko at tinanong kung okay lang ako. Doon ko napansin na natigilan ako sa pagkanta. Sinong hindi matitigilan kung makikita niyo si Chase na pumasok ng bistro. Ano bang ginagawa nito dito?
"Looks like my friend is tired." aniya sa mic pero mabilis akong nakabalik sa sarili.
"I-I'm not. Sorry! I was a bit astounded." pag-amin ko.
"We'll take a break but, please keep the request coming." aniya at kinuha sakin ang gitara.
Binulungan niya ko na umuwi muna at magpahinga. Tumango ako at bumaba saka ako dumiretso kay Niccolo. Hahawakan ko na sana ang baso nang pigilan ako ni Niccolo sa pag-inom.
"Kumanta ka tas iinom ka ng malamig? Gusto mong mapaos?" tanong ni Niccolo sakin.
Doon lang ako natahimik kaya umupo ako at humingi ng maligamgam na tubig. Inabutan ako ng waiter ng tubig saka ako bumaling kay Niccolo na hawak ang bag ko. "Uwi na tayo?" tanong ko.
Tumango siya kaya kumaway ako sa gitarista na kumakanta ngayon. Tinanguan niya lang ako saka kami lumabas ng bistro. Nagulat ako nang makita ko si Chase sa baba at nakasandal sa hood ng kotse niya. Hinarap ko si Niccolo at hinawakan ang sleeve ng damit niya at hinila hila ito.
"Problema mo?" tanong sakin ni Niccolo.
"W-wala. Tara uwi na tayo." sabi ko at mabilis bumaba ng hagdan.
Mukhang nakita pa ko ni Chase dahil bigla niya kong nahawakan sa braso at dahil wala na kong coat, naramdaman ko na ang hawak niya na nakakataas balahibo. Tinignan ko si Chase na nakahawak sa braso ko. Bumitaw naman agad siya nang tignan ko ang hawak niya.
Binalik ko ang tingin ko sa mukha niya at tinaasan siya ng kilay. Napasuklay siya sa buhok niya at umiwas ng tingin.
"You left this." ani Chase at may inabot sakin na papel. Yung music sheet. "It looks like your project so here." aniya at inabot pa sakin ang papel.
Kinuha ko yung papel at tinignan ito. Eto nga yung project ko pero paano niya nalaman na nandito ako?
Binigyan ko si Chase ng isang makahulugang tingin. Tumingin siya sa mata ko at doon ko napansin na parang nagsisi pa siya sa pagtingin niya sakin. Seriously, ba't hindi siya makatingin sakin eh hindi ko naman siya kakainin.
"Paano mo nalamang nandito ako?" tanong ko.
"Followed the car. Are you going home? I'll take you home." aniya at akmang hahawakan ako nang magsalita si Niccolo.
"I got her. Ako na maghahatid sa kanya." ani Niccolo at tinignan ng masama si Chase.
Tumingin sakin si Chase at hinintay ako magsalita. Nginitian ko si Chase at sumagot. "Si Niccolo ang kumuha sakin, siya rin ang magbabalik sakin. Okay lang, Chase." ani ko.
"Are you avoiding me?" tanong niya sakin.
"I will never, Chase. Sige na. Next time na lang." sagot ko.
Sumama ako kay Niccolo saka kami sumakay sa sasakyan niya. Tinanong ako ni Niccolo kung sino yun at sinabi ko na lang na kaklase ko si Niccolo at isang matalik rin na kaibigan. Honestly Chase, kung ano man ang tumatakbo sa isip mo ngayon kung bakit mo ko hinahabol, sana tama ang hinala ko.
YOU ARE READING
Nothing But Strings
Teen FictionBridge. Tuning pegs. Fret. Rosette. All of these are a part of a stringed instrument. Simula ng mapangiti ko siya, mapatawa, I started falling for this guy. Chase is the kind of guy that doesn't like holding someone's hand, not even mine except his...
Chapter 4
Start from the beginning
