Pumasok ako sa isang cubicle ng cr saka sinarado ang lid ng bowl. Doon ko ipinaton ang bag ko at kinuha ang dress ko. Nevermind my white sneakers na sinusuot ko as a school shoes. Babagay naman to sa damit ko.

Sinuklay ko ang buhok kong mahaba na umaabot na sa bewang ko. I need a haircut soon bago siya lumagpas sa pwetan ko.Lumabas ako at sakto lang naman ang oras. Inabot ko kay Niccolo ang bag saka ako tumapak sa mini stage ng bistro at hinawakan ang mic. Tumikhim muna ako bago nagsalita.

"Good evening and welcome! Hi to the regulars, I'm back." sabi ko at ngumiti. "I hope you're all enjoying tonight 'cause I sure am. As of now, I gladly take requests so if you have a song request just write it on a piece of paper or on a tissue and I'll sing it for you." sabi ko.

Lumapit ako sa pianist at binulungan siya. Hawak hawak ko yung mic stand saka ko ibinalik ang mic doon at nagsalita. "For now, habang nag-iisip kayo ng irerequest, kakantahan ko muna kayo. This is Hourglass by Zedd. Listen and Enjoy. Thank you." ani ko at nginitian sila.

Nagsimulang tumugtog ang pianist. Inaabangan ko siyang matapos sa intro dahil mahaba haba rin ang intro nito. Pumikit ako nang matapos ang intro at malumanay na kinanta ang lyrics.

"Just an outline made of skin

And my walls are paper thin

I want to let you color me in"

"Feels like I'm drowning from the sound

Of all the silence all around

My thoughts are gone

I'm going down

I'm turning inside out"

Pumikit ako ng mariin at sinubukan ayusin ang boses ko.

"This time I finally need a light, a light

Tired of seeing in black and white, white

Having flashes in my mind 

Can't take the ticking of time

The time that's passing by"

Nang marinig ko ang tugtog ng drummer ay hinawakan ko ang mic stand at ginawa itong gitara kasabay nang paghead bang. Wala na kong pakielam sa mga manonood. Trip ko to!

"This time I finally need a light, a light

Tired of seeing in black and white, white

Having flashes in my mind

Can't take the ticking of time

The time that's passing by" 

Kinanta ko pa ng isang beses ang verse at nang marinig na piano na lang ang tumutugtog ay inulit ko ang umpisa nang nakapikit pa rin.

Nothing But StringsWhere stories live. Discover now