Inalala ko at nang may pumasok na pangalan sa utak ko ay saka ko siya tinanong. “Is he Kurt or Kirk?” tanong ko.
“Kurt Ibanez. He came with me.” Aniya
Painom pa lang ako nang sabihin ni Niccolo yun. Binaba ko ang baso at tinignan si Niccolo. Nakangisi siyang iniikot ang pasta na inorder kaya mahina kong hinampas ang mesa. Tumingin siya sakin nang nakangisi pa rin kaya tinaasan ko siya ng kilay.
“Can you say that again one more time para mamura kita.” ani ko.
“Kurt Ibanez came with me.” Aniya at nagkibit balikat.
“You’re not planning on putting us back together again, are you?” tanong ko habang tinitignan siya ng matatalim na tingin.
“Course not.” Aniya na nagpahinga sakin. “That’s his plan though.” Dagdag niya at tumawa.
“Ano?! At pinabayaan mo?” tanong ko.
Binaba niya ang tinidor at tinignan ako. “I didn’t Irina. I told him you wouldn’t be happy once you see him again and he told me he doesn’t care.” Aniya.
“Niccolo!” tawag ko sa kanya.
Nagkibit balikat si Niccolo at ngumiti. “I’m sorry Irina, that dude really loves you.” Sagot niya.
Hinawakan ko yung labas ng pitsel na basa at winisik ang dumikit na tubig sa kamay ko sa mukha ni Niccolo na nagpasimangot sa kanya. Maingay na rin lang naman dito sa bistro, maingay na rin kami.
“That dude tried to rape me! That isn’t love! That is lust!” madiin kong sagot kay Niccolo.
Tumawa si Niccolo at pinaupo ako ng maayos bago sinagot ang sinabi ko. “He didn’t rape you, Irina. You just assumed he would but he didn’t.” aniya.
“Kahit na! Hahalikan niya ko!” sabi ko na halos paiyak na.
“You’re a girlfriend, Irina. Boyfriend mo si Kurt. May karapatan siya. Now, please. Shut up and eat your pasta.” Aniya at kumain na muli.
Ngumuso ako at pinagpatuloy ang pagkain. I don’t think I can handle this. Mapapatay ko to si Niccolo if ever na Makita ko nga si Kurt dito.
Kurt is an ex-boyfriend. Bago ko makilala si Chase ay nagkaboyfriend ako. He was my boyfriend when I was in first year. Akala ko joke lang kaya sinakyan ko but then he tried kissing me which is a disgusting moment for me as a first year student kaya nakipagbreak ako.
And then, Niccolo left with him but now Niccolo's back. He's back too.
Tinawag na ko ng guitarist na 20 minutes na lang at magsstart na. Hindi ko namalayan ang oras dahil sa balitang inuwi ni Niccolo dito. Sinabi ko sa gitarista na magbibihis lang ako na tinanguan niya naman.
YOU ARE READING
Nothing But Strings
Teen FictionBridge. Tuning pegs. Fret. Rosette. All of these are a part of a stringed instrument. Simula ng mapangiti ko siya, mapatawa, I started falling for this guy. Chase is the kind of guy that doesn't like holding someone's hand, not even mine except his...
Chapter 4
Start from the beginning
