Tila signal iyon nang nakita kong dumungaw si Xander sa pintuan ng dining room. Muntik ko na tuloy na maibuga ang kaiinom ko lang natubig. Nakita ni Xander iyon at agad na ngumisi sa akin bago tinapik si Kuya Ken.

Kahit na inaasahan kong sa tabi ko siya uupo ay hiniling ko na sana hindi. Sinasanay ko pa lang ang sarili ko sa harapan no Kuya Marcus at Margou. Baka kung tumabi siga ay maitapos ko na lang ng hindi sinasadya itong mga pagkain sa harap ko.

Luckily he didn't sit beside me. Tumungo siya sa gitnang upuan sa lamesa at kahit na ang katawan ay nakaharap kay Kuya Ken, nasa akin naman ang mata.

"Tinatanong na ako ni Darius kung may balak ka raw ba na sumali sa next leg. Second week daw ng november sa Bongabon lang rin,"

Nagsimula si Kuya Ken ng usapan nila. Nagpatuloy ako sa pagkain ko. At sa tuwing susulyapan ko silang nag uusap ay nahuhuli ko ang mga mata ni Xander na nasa akin.

Tumayo ako nang matapos ako. Kinuha ko na rin ang plato at baso na ginamit ni kuya at nilagpasan silang dalawa para ibaba ang mga dala sa sink. Kahit na hindi ko tignan ay alam kong naka sunod ng tingin si Xander.

"Naka kondisyon naman yung honda mo. Ilaban mo," yun ang huli kong narinig nang umakyat na ako sa taas para mag bihis.

Tingin ko ay dapat ko rin kausapin si Xander tungkol sa pagkarera niya. He's reaaly good in it. Hindi ko rin alam kung bakit siya tumigil. Huminto rin naman si Kuya Marcus pero ang alam ko ay sasalu siya sa nabanggit na leg ni Kuya Ken. Do I ask him why he stopped?

Nasa garahe raw sila sabi ni Manang nang bumaba ako dala ang bag ko.

"Tara na?" nakita ata agad ako ni Xander nang lumabas ako sa sa front door.

I tried to look normal as long as I can. Tahimik akong sumakay sa front seat ng pick up ni Xander. Hindi niya ako pinag buksan ng pinto at halos pagsikupin ko ang kamay ko at magpasalamat sa Diyos na hindi niya nga ginawa iyon. Tinted man ay tuwid pa rin akong nakaupo hanggang sa makalagpas sa bahay.

We talked like the usual on the whole short trip to school. Binaba niya ako sa harap ng building ng senior high.

"I'll fetch you again later," ngumiti ako bago isarado ang pintuan.

Tinalikuran ko na ang sasakyan niya at tahimik na umakyat sa floor ng room namin. Doon nag hihintay sa akin si Evan.

"Bakit absent ka nung sabado?"

Umupo ako sa tabi niya.

"May pinuntahan kasi ako nun,"

"Sinong kasama mo?"

Nilingon ko siya. Seryosong seryoso siya. Akala ko ay kambyo lang iyon para sa mga kwento niya pero mukhang kuryoso talaga siya sa pagka absent ko.

"Isang... kaibigan. Hindi mo pa siya nakikilala," nag iwas ako ng tingin. Ang sakit na kahit sa nag iisang tunay na kaibigan ay kailangan kong mag sinungaling.

"Sino? Hindi ko kilala? Kaninong circle of friends ba? Saang school?"

Sunod sunod ang tanong niya.

Ang dami ko nang pinag sisinungalingan. Ang dami ko nang niloloko. Kung sana lang ay ganon kadali na lumantad kasama si Xander. Kung sana lang ay normal ang sitwasyon namin.

"Ipapakilala ko rin siya sayo pag nagkaroon ng pagkakataon. Mas magandang ikaw ang personal na makakilala sa kanya kesa ikwento ko sayo. Mag... rereview muna ako,"

Hindi ko siya nilingon at binuklat na ang libro para sa quiz. Sa pangalawang subject pa naman iyon pero hindi ko na kayang patungan pa ng kasinungalingan ang kasinungalingang sinabi ko rin sa kanya.

Road to your Heart: Starting line (Book 1 of Road trilogy)Where stories live. Discover now