Tubig ng Kalikasan

61 5 0
                                        

Kay linis ng ating karagatan,
Pati ang ilog at mga batisan.
Animo'y mga kristal sa katubigan,
Sapagkat ito ay nagkikislapan.

Ngunit sa bawat lumilipas na taon,
Tila ito rin ay kumukupas ngayon.
Sa kanan ay lumulutang na basura,
Sa kaliwa'y walang buhay na mga isda.

Alingasaw ng tambak ng basura,
Nagdadala ng sakit sa baga.
Munting dumi ng sangkatauhan,
Nagdudulot ng malaking pinsala kay kalikasan.

Nasaan na ang dating katubigan?
Na inaalagaan pa't binabantayan.
Nawa'y inyong ibalik sa nakaraan,
Upang masilayan muli sa kinabukasan.

__________________________________________________________________

Pasensya na at ito ay maliit lamang pero sana ay makapulot kayo ng aral. Salamat sa pagbabasa!

Tubig Ng KalikasanHistórias para pegar e não largar. Descubra agora