ABOUT THAT SUMMER: Meeting Him

6 0 0
                                        

CHAPTER ONE

"Andito na tayo, Marcelo."

Tinanggal ko ang suot na headset at binaling ang atensyon sa nag da-drive kong ina.

"sabi ko andito na tayo." Ulit nito na parang di ko siya narinig.

Tumango lang ako bilang tugon at muling tinuon ang atensyon sa labas ng sasakyan.

Hindi ko alam kung ano ang eksaktong address ng lugar na 'to. Ang sabi lang ni mama ay nasa Samal Island daw kami somewhere in Davao del Norte.

Kung bakit kami nandito?

Sasabihin ko sa inyo ang kwento ko.

Marcelo Sebastian ang pangalan ko, tawag sa akin ng mga kaibigan ko ay Mars, Selo o di naman kaya ay Seb. Si mama lang talaga ang tumatawag sa akin gamit ang buo kong pangalan.

Ewan ko ba pero sa tuwing tinatawag ako sa buo kong pangalan ay nakakaramdan ako ng inferiority. kaya naman minsan kung may nagtatanong sa pangalan ko ay mga palayaw ko lang ang sinasabi ko.

Si mama ay isang private nurse. Hindi ko alam kung magkano ang kinikita niya pero sapat naman siguro dahil nakakabayad pa naman ako ng tuition ko at may extra pang allowance na minsan ay naiipon ko pa.

Gusto ko ang trabaho ni mama dahil nag aalaga siya ng mga tao na kailangan ng special attention, para sa akin isa siyang superhero at proud na proud ako sa ginagawa niya.

Ang ayoko lang sa set up namin ay lagi kaming lumilipat ng bahay. Naka contract kasi si mama kaya kung minsan, sa isang taon ay tatlong beses kaming lumilipat ng bahay depende sa kung saan naman ang sunod niyang contract. Kaya minsan kapag hindi umabot ng isang taon ay inienroll na lang niya ako sa isang home schooling. Isa sa mga rason kung bakit nahihirapan akong makahanap ng kaibigan. TUNAY NA KAIBIGAN.

Nakakapag aral lang ako sa isang paaralan kapag umabot ng isang taon ang kontrata ni mama tulad na lang ngayon.

Malayo ang Samal Island mula sa Manila, ewan ko ba pero nung nakita ko ang isla ay parang nakaramdam agad ako ng koneksyon dito. Pakiramdam ko ay may magandang mangyayari dito sa akin.

Martizano Residence

Ang sabi ni mama ang mga Martizano daw ang pinaka mayaman na pamilya sa isla. Kaya naman pala halos lahat na establishment na nadaanan namin ay may pangalan nila, tuloy ay hindi ko maiwasan na ma curious kung anong klaseng pamilya ang meron sila. Konte lang naman kasi ang nasabi ni mama sa akin.

Ang alam ko lang ay tatlong tao na lamang ang nakatira sa malaki nilang bahay. Yon ay si ma'am Anita, si Sir Rodolfo at si sir Bryce. Si Sir Rodolfo ay ang ama ni maam Anita na siyang aalagaan ni mama, si Sir Bryce naman ay ang nag iisang anak ni maam Anita na nakwento ni mama.

Isa lang ang laging sinasabi sa akin ni mama. Ang lagi niyang pinapaalala sa akin.

"Huwag kang lalapit sa anak nilang si Bryce. Umiwas ka kung maaari."

Tinanong ko si mama kung bakit pero hindi rin naman niya ako sinasagot. Basta umiwas lang daw ako dahil 'yon ang makakabuti sa akin.

Sobrang laki ng bahay ng pamilya Martizano. Sa sobrang laki ay sa tingin ko mansyon na siguro ang dapat na itawag doon. Parang ang sayang naman na tatlong tao lang ang nakatira dito.

" Basta ang sinabi ko sayo, Marcelo." Paalala ni mama sa akin bago niya pinindot ang doorbell.

Ilang segundo lang ay bumukas na ang pinto at sinalubong kami ng nakangiti na si maam Anita.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 02, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ABOUT THAT SUMMERStories to obsess over. Discover now