Habang nag-uusap sila, tinapik ko si Nathalie para sabihin na mauuna na ko. May klase pa ko at kung trip nila pagchismisan ang pag-aaway nila Jin at Zach, bahala sila. Mag-aaral muna ako, mamaya na ko lalandi.

Naglakad ako papunta sa pasukan ng building. 

"Bola!" sigaw ng isang pamilyar na boses.

Napatingin ako sa sumigaw at akmang matatamaan na ko nang may tumulak sakin ng marahan at dinibdib niya yung bola ng soccer. Tumingin ako sa sumigaw at nakita si Jacob na tumatakbo palapit sa akin.

"Ayos ka lang Irina?" tanong ni Jacob sakin.

"Ayos lang naman." sagot ko saka inayos ang uniform ko.

"Tanga kasi ni Chase eh. Sorry ah?" sabi niya.

Tumango ako sa sinabi ni Jacob. Ngumiti naman siya at kumindat sakin. Umalis si Jacob at pinuntahan ang kalaro nila kanina. Tumingin ako sa taong nasa tabi ko na si Chase. Ang hayop tinulak ako buti na lang di ako naout of balance.

Tumingin siya sakin at ngumiti. Seriously what's going on with that mind, Chase?

"Tapos ka na magpaiyak, I guess." ani ko at tinalikuran si Chase.

Naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko at kahit nakacoat ako ay nagtaasan ang balahibo ko. Oh what the hell?

Iniharap ako ni Chase sa kanya at napakamot siya sa ulo niya. Para siyang inosenteng lalaki na pinagbibintangan ko ng isang gawain na hindi niya naman ginawa. He should stop that. He's not innocent. Hindi nga siya playboy pero asshole naman. Parang si Zach lang.

"Can you tell me why are you always mad at me everytime you see me reject girls?" aniya sakin.

"I ain't telling you why, Chase. Dapat alam mo na yan." sagot ko at lalakad na ulit pero nakahawak pa rin sa braso ko.

"I just want to say no, Irina. I don't want relationships. Not unless she's ready. I'm just waiting for her to confess that's all." aniya at sinuklay ang buhok.

Kumirot ang puso ko sa sinabi ni Chase. He's waiting for her. Kung sino mang her yan tangines siya. Matagal ko nang kasama si Eris at matagal na rin simula nang makasama ko siya sa kasal ni ate Cyrille. We were second year back then at walang bumabakod kay Chase noon. I guess, hindi nga talaga sa tagal ng pagsasama ito.

"Okay." sabi ko at ngumiti.

Tinanggal ko isa isa ang daliri ni Chase sa braso ko saka ako umalis. He didn't bother to follow me kasi siguro, naclear niya na. Nasabi niya na sakin. He cutted my strings of hope sa kanya. I will never be a string. 

Pumasok ako sa mga natitira kong klase. Pagtapos ng Physics ko ay dumiretso ako sa locker ko para kunin ang iba kong gamit saka ako bumaba. Sa hagdanan, may nakita akong isang pamilyar na pigura ng lalaki na nakatalikod sakin. Palakad lakad siya hanggang sa humarap na siya sa pwesto ko.

He smiled nang makita ako. Si Niccolo, ang anak ni tito Eli at tita Jade.

"Irina?" tanong niya habang nakangiti.

Tumango ako at ngumiti sa kanya. Tinakbo ko ang distansya namin ni Niccolo saka ko siya niyakap. This is Niccolo Villanueva. Kababata namin ni Ina, Bianca at ate Cyrille. Ampon siya nila tito Eli at tita Jade dahil may problema si tita Jade sa pagbubuntis which tito Eli accepted. 

"Seriously, I thought you were Ina." aniya at bumitaw sakin.

"Duhh? Niccolo, we're twins. Anong ineexpect mo?" tanong ko.

"Nothing. Where is she anyway?" tanong niya sakin.

Sumimangot ako saka hinampas sa kanya yung violin case na dala ko. Tumawa si Niccolo at ginulo ang buhok ko. "Ako kausap mo pero kambal ko ang hinahanap mo? Bastusan ba to, Niccolo?" ani ko.

"Nagbibiro lang ako. Besides, alam mo namang mahal ko kambal mo." aniya at kinindatan ako.

"Oops! Hindi pwede! Reserved! Ayaw niya sa'yo diba? Pupush ka pa rin?" tanong ko.

Umiling si Niccolo at ngumiti sakin. 

"Alam ko. Pwede bang ikaw na lang?" tanong niya at tinaas baba ang kilay sakin.

Nagkibit balikat ako at ngumisi kay Niccolo. "I'm always available." sagot ko at nagtawanan kami.

 Inakbayan ako ni Niccolo saka kami bumaba ng hagdan. “Kain tayo. Treat ko.” Aniya at bumaba na kaming dalawa saka ako dinala sa kotse niya.

Nothing But StringsWhere stories live. Discover now