Pagkasend ng text ay kumain na ulit ako at nakita ko si Anica na mukhang narape sa gitna ng field dahil kung titignan ang itsura niya, magulo ang buhok at mukhang may hinahanap pa sa paligid. Palinga linga, mukhang may iniiwasan. Yung rapist niya siguro.

Nagvibrate ang cellphone ko at nakita ang message ni Ina Baklita, ang kambal kong mas bakla pa sakin. 

Ina Baklita

Pinapunta ko kasi si Zion sa'yo. Duhh Irina? Nagttraining ako? As in duuhh? Stop texting!

Yan ang narecieve ko kay Ina kaya mabilis akong nagreply sa kanya ng...

Ina Baklita

Whatever, freak!

Matapos masend ay bumaling ako kila Anica na nag-uusap. Inabutan ni Nathalie si Anica ng favorite nitong pizza toast. Kinuha naman ni Anica yung toast at nagsalita kay Nathalie. "I'm not going to feed your curiosity, Nathalie. Masyadong mahaba ang kwento." sagot nito.

Pagkatapos kong kumain ay ipinatong ko sa tabi ko yung cellphone at sinubukan practicin ang itinurong piece sakin kanina. Sila Nathalie naman ay nagtatalo sa pagkain ng karne which is hindi kumakain si Anica pero nakain ng bacon. Magulong babae.

Bigla namang dumating si Eris at Juniel kasama si Nathan, boyfriend ni Niel. "Sorry ngayon lang kami nakarating. Si Ina mamaya pa diba?" tanong ni Juniel.

"Oo, mamaya pa." sagot ko.

Bumaling naman si Nathalie kay Niel at tinanong. "Eh san rin ba kayo galing?" tanong nito.

"Ha? Ahh! Ano kasi etong si Nathan tsaka si Chase na may dala ng baon ni Eris pinigilan si Zach at Jin. Grabee sa harap pa namin ni Eris nagsapakan ang mga loko." paliwanag niya.

At dahil narinig ko ang pangalan ni Chase, tinanong ko siya. "Ha?! Eh ano daw dahilan?" 

Tumingin ang tatlo kay Anica na malaki na kung kumagat sa tinapay na binigay ni Nathalie. Nakangisi si Nathan habang ang sama naman ng tingin ni Eris kay Anica. Don't tell me may something sa kanila ni Zach. Punong puno na ang pisngi ni Anica saka lang nagsalita si Nathan at tinuro si Anica.

"Ayan o! Si Miss Clumsy Perez." ani nito kasabay nang pag-ubo ni Anica.

Mabilis akong lumapit kay Anica at tinapik tapik ang likod nito. Inabutan siya ni Nathalie ng tubig. Naghabol siya ng hininga kaya hinagod ko na lang ang likod niya para mabilis siyang makabawi ng hininga.

Nang maging normal ay tumingin siya kay Nathan at sumigaw. "Paanong naging ako ang dahilan?!" sigaw nito.

"Huy Anica wag mo naman sigawan ang boyfriend ko." sabi ni Juniel na nagpa-irap sakin.

Nakita ni Nathalie ang pag-irap ko kaya pinalo niya ko ng plastic bottle sa braso. Seryoso ayoko sa ugaling ganyan pero wala akong choice kundi intindihin. Probinsiyana si Juniel kaya wala talaga akong magagawa para mabago yun. Nathalie and Ina doesn't mind kaya bahala na lang din.

Nothing But StringsWhere stories live. Discover now