"Noona," tawag sakin ni Zion na nakatayo sa harap ko.
Yumuko ako at tinignan si Zion saka siya tinanong. "Anong ginagawa mo rito, Zion? Sino nagdala sa'yo dito? Alam ba ni appa to?" paulan ko ng tanong sa kanya.
"Noona, calm down. You have too many questions." sagot ng suplado kong kapatid.
"Eh ano nga?" tanong ko ulit at nakaramdam ako na may naglagay ng kung ano sa likod ko sa may bandang pwetan kaya napalingon ako.
Nakita ko si Chase na nakatingin sa amin ni Zion at wala na siyang coat. Pinatong niya yung coat niya sa bandang pwetan ko kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Skirt's too short." simpleng paliwanag niya pero bumaling na ko kay Zion.
"Who are you supposed to be?" tanong ng kapatid ko na nagpalaki sa mata ko kaya agad kong tinakpan ang bibig nito.
Tinanggal ni Zion ang kamay ko sa bibig niya at tinignan ako. Nanlalaking mata akong nakatingin sa kapatid kong suplado na nakakunot ang noo at nakanguso.
"Noona, geuneun dangshin-ui namja chingu?" ani Zion sakin.
Mabilis akong umiling at ngumiti sa kanya. "What did he just said, Irina?" tanong ni Chase pero di ko siya pinansin.
"Zion, he is not. Geuneun goemul ibnida." ani ko pero ang kapatid ko ay humalukipkip pa sakin kaya lumuhod na ko sa harap niya.
"Noona, you said I'm your baby. You told me that I'm your only baby." ani sakin ni Zion.
Napakamot ako sa ulo ko dahil kay Zion. He's 9 but he acts both childish and mature. Hindi ko na rin minsan maintindihan ang tumatakbo sa utak ng kapatid kong ito.
"Ikaw nga lang baby ko. Eto naman tampo. Mamaya na tayo mag-usap ha? Kakain muna si noona. Uwi ka muna Zion. Arajji?" ani ko sa kanya.
Dahan dahan siyang tumango kaya ngumiti ako at hinalikan ang magkabilang pisngi ni Zion. Tumakbo na siya pababa ng floor para makauwi. Tinanggal ko sa bewang ko ang coat ni Chase at inabot sa kanya.
Inayos ko ang uniform ko at may narinig pa kong may ibinulong si Chase sa sarili kaya nang tignan ko siya para tanungin kung ano yun, nakakunot siyang tumingin sakin at umiling. Nagkibit balikat ako at dumiretso na sa canteen kung nasaan si Nathalie.
Bumili ako saglit ng pagkain at napagdesisyunan naming sa bleachers na lang kumain. Lumingon ako sa likod at nakitang hindi na ko sinundan ni Chase. Good for him. I'm sure sinundan na nun sila Zach dahil anong oras na rin naman.
Umupo ako di kalayuan kay Nathalie saka kinandong ang violin ko. Kakain muna ako bago itono. Besides, na kay Juniel pa naman ang music sheet ng ginagawa naming kanta. Dinukot ko na lang sa bulsa yung cellphone ko ulit at tinext si Ina.
Ina Baklita
Nandito si Zion kanina. Ba't nandito yun?
VOUS LISEZ
Nothing But Strings
Roman pour AdolescentsBridge. Tuning pegs. Fret. Rosette. All of these are a part of a stringed instrument. Simula ng mapangiti ko siya, mapatawa, I started falling for this guy. Chase is the kind of guy that doesn't like holding someone's hand, not even mine except his...
Chapter 3
Depuis le début
