1 story

10.2K 138 11
                                    

------------------------------TITLE: Book 2: Diary ng Hindi Malandi (Slight lang!)LENGTH: 1462DATE: Apr 13, 2014VOTE COUNT: 1371READ COUNT: 150853COMMENT COUNT: 344LANGUAGE: FilipinoAUTHOR: owwSICCOMPLETED: 1RATING: 4MODIFY DATE: 2014-07-30 22:44:24------------------------------####################################Book 2: Diary ng Hindi Malandi (Slight lang!)#################################### Sic poging's note:Book 2 na 'to kaya malamang may book 1. Kung hindi mo pa nababasa ang book 1 'yun muna basahin mo. Wag ka ng umangal pa kundi isusungalngal ko sayo panty ni Pipay. Hahaha! BOOK 1 is already published. Nahati sa two books. See the multimedia for the picture of the actual books! :)_____________________________________PROLOGUEHindi sya malinis sa katawan pero may boyfriend sya.Hindi sya kagandahan pero may boyfriend sya.Hindi mabango ang anes nya pero may boyfriend sya.Ikaw na maganda, malinis sa katawan, at mabango ang anes, MAY BOYFRIEND KA BA? WALA! Shutang inerns ka! Anong secret nya?Secret nga eh. Bakit nya sasabihin?Pero echos lang. Eto talaga ang secret nya! ;)Malandi kasi sya.Shutang inerns author hindi ako malandi!!!! Slight lang..Dear Diary,Today ang first day ng college life ko. First year college na ako taking Bachelor of Science major in vulcanizing. Pero kahit college na ako at may boyfriend, bakit virgin pa din ako? Hihihi. Hindi ako atat ah? Time is gold kasi. Ang tagal-tagal gumawa ng moves 'tong boyfriend ko. Yung tetee? Ayaw ba nya o beki sya? Emeged. Wag naman sana.Til now virgin pa din,Pipay Ps. Shutang inerns diary namiss kita. High five naman tayo dyan! High five ka sa pempem ko! Hihihi.______________________________________Diary ng Hindi Malandi (Slight lang!)Book 2, Season 2, Sequel, Whatever.Written by owwSICAll rights reserved. (c) 2014####################################Malandi 1####################################Vote and comment. Oo sapilitan 'to. HAHAHAHAHADear Diary,Ang aga-aga ang ingay ng bibig ni Inay, diary. Akala mo machine gun na pinasukan ng sobrang daming bala kaya dire-diretso ang mga sermon sa akin ngayon. Jusko day! Ilayo nyo nga sa akin 'yang si Aling Tinay baka mag dilim ang paningin ko at maibala ko 'yan sa kanyon papuntang Lebanon. Charot!"Ano, mag pupuyat ka pa, Pilar? Ilang beses kitang pinaalalahanan kagabi na matulog ka na dahil ngayong araw ang first day of college life mo pero hindi ka nakinig." Sermon nya sa akin habang nasa likod ko sya at inaayos ang mga damit na lalabhan nya. "Ang panget-panget mo na nga ang tigas pa ng bungo mong bata ka. My God! Stress much.""Inay wag kang OA." sabi ko sa kanya sabay kagat ng tinapay "Alas syete pa lang ng umaga at alas dyes pa ang pasok ko." busangot na sagot ko sa kanya."Wag kang sumasagot habang nagsasalita pa ako. Bastos talaga 'tong batang 'to." sabay batok nya sa akin. "Sa susunod na mag pupuyat ka kukunin ko na ang iPad air mo pati 'yang iPhone 5s mo."Hindi ako sumagot."Hoy!" binatukan nya na naman ako "Kinakausap kita kaya sumagot ka.""Ano ba talaga, Inay? Ang gulo-gulo mo naman kausap eh!!" naiinis na sagot ko sa kanya "Sabi mo wag akong sasagot habang nagsasalita, ngayong hindi ako sumasagot nagagalit ka pa din. Enebe, Inay. Hindi kita magets. Saka wala nama akong iPad air saka iPhone 5s e. Naka-drugs ka ba?""Echos lang 'yun iPad air saka iPhone 5s. Practice lang, malay mo next week bigyan kita.""Talaga, Inay?" *_____*"Joke." =___= "Tigilan mo ko, Pilar. Hindi ka rich kid kaya wag kang mag hangad ng magagandang gadgits. Ang mahal na ng tuition mo kaya wag ka ng dumagdag sa gastusin." bulyaw na naman nya sa akin "Mag-aral kang mabuti para matuwa ako sa'yo pati ang papa mo. Sige dyan kana at maglalaba pako ng mga panty mong nangingitim na sa dumi. May boxing pala ako mamaya, nood ka ha?""Hindi ako makakanood. Busy ako. Tulog. Naglayas." =___="Ay nag tampo ang panget kong anak." tumawa si Inay "Sakit ba bH3? Sorry na bH3. Hahahah." tawa ng tawa si Inay bago pumunta sa likuran ng bahay namin para mag laba.Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ng almusal ko, diary. Tinuon ko nalang 'yun pagka-badtrip ko sa tinapay na nasa harapan ko. Nagugutuman na ba kami diary kaya tinapay lang ang almusal ko ngayon? Saka ano bang pinagsasabi ni Inay na ang mahal daw ng tuition na binayad nya sa school na papasukan ko? Heller, Inay. Naka-shabu ka ba? Paaral kaya ako ni konsehala. Lately talaga hindi ko na magets mga pinagsasabi ni Inay. Mukhang naalog na ang maliit nyang utak sa pakikipag basag ulo kay Aling Petra. Jusme, kung kailan tumanda saka naging sakit ng ulo ko eh. Mas lalong naging basagulera eh. Palayasin ko na kaya ng bahay 'yan para stress-free na ako?Habang inuubos ko ang pagkain ko biglang may kumatok sa pintuan. Agad akong napalingon diary para makita kung sino ang nandun.Agad napangiti ang pempem este ang puso't labi ko dahil sa lalaking nakatayo sa harapan ng pintuan. Nakangiti sya ng malapad sa akin habang nakatingin na para bang may pagnanasa chenes lang. Ang gwapo nya sa suot nya ngayon diary at mukhang pinaghandaan nya ang first day of our college life together."Kung pumapasok ka kaya dito sa loob ng bahay tapos halikan mo agad ako, edi natuwa ako sayo diba?" sabi ko sa kanya saka sya inirapan.Agad naman syang pumasok ng bahay at hinila ako patayo. Magkaharapan na kaming dalawa ngayon."Sorry na. Eto naman aga-aga galit agad." hinawi nya 'yun buhok ko "Ang ganda mo ngayon, Pipay." hinalikan nya ako sa labi "Baka madaming lalaki ang mag kagusto sayo ngayong college na tayo at iwan mo ako. Naku, papatayin ko sila kapag inagaw ka nila sa akin." hinalikan naman nya ako sa ilong.Emeged, diary. Kilig pempem na naman ako dahil sa mga sinabi ni Josh ko. >///////<"Lagi naman akong maganda, di ba?" tumango sya "Saka ano naman kung madami magkagusto sa akin. Sanay naman na ako dun e.""Sanay ka na? Ilan ba nagkagusto sayo nung high school pa tayo? Ako lang naman saka si Prince ah?" nagtatakang tanong nya."Oh dalawa kayo ni Prince. More than one 'yan kaya madami na. Bobo much lang?" tumawa ako "Saka wala namang kaso kung may mag kagusto sa akin, Josh ko. Ang tanong, gusto ko din ba sila? Di ba nga iCkAw LhArN zHaPaT nHa? Ikaw lang din ang tinitibok ng pempem este ng puso ko." Natawa sya. "Sira. Ikaw talaga puro ka kalokohan." pinisil ni Josh 'yun ilong ko. Naamoy kong amoy zonrox ang kamay ni Josh. Emeged. Anong ginawa ni Josh at bakit amoy zonrox ang kamay nya?"Kumain ka na?" umiling si Josh "Tara kain ka muna bago tayo pumasok sa school."Pupunta sana ako sa kabilang upuan pero pinigilan ako ni Josh. Umupo sya sa upuang inuupuan ko kanina at hinila ako para kumadong sa kanya. Nararamdaman na ng likuran ko 'yun matigas na bagay na tumatama sa likod ko, diary.Wag kang malisyosa. Sinuturon ang tumutusok sa likudan ko. Ang dirty dirty talaga ng utak mo, diary. Wag ganyan. Magagalit si bro."Anong oras ang first class mo?" tanong ko kay Josh sabay subo sa kanya ng tinapay. Naka-back hug sya sa akin kaya medyo nahihirapan akong kausapin at subuan sya."10:30 pa." sagot nya habang ngumunguya. Sinandal nya pa 'yun ulo nya sa likod ko. "Ang bango mo, Pipay. Hmmm..." sininghot nya 'yun amoy ko.Mabango pala sa katawan 'yun PhCare 'nuh? Ginawa ko kasing body scrub kanina eh. Akala ko pang buhok lang ang Pang Hair Care pero hindi pala. Hihi. Pipay learned something new."Saan ang first subject mo?" tanong ko ulit kay Josh."Sa engineering department. Dun lang naman ata lahat ng subjects namin unlike sa inyo na palipat-lipat ng building. Kawawa naman Pipay ko mapapagod kakalakad." hinaplos ni Josh 'yun buhok ko "Basta lagi tayong sabay mag lunch at uuwe, Pipay ah. Saka kapag may lalaking ginugulo ka sabihin mo agad sa akin para babalian ko agad ng buto.""Oo na po." napangiti ako dahil sa sinabi ni Josh "Ikaw din, Josh ko ah. Kapag may babaeng lalapit sayo at lalandiin ka sabihin mo sa akin para maipatumba ko agad. Akin ka lang tandaan mo 'yan.""Syempre naman." ngumiti si Josh "I love you, Pipay.""I love you, too." matamis na sagot ko sa kanya."To the pempem and back?" tanong ulit ni Josh, diary."Of course." tumango ako ng bongga. "To the pempem and back and forth. JoPay LhArn ZhApAt nHa. Don'T mEss WiTh ThE bHosxz." saka hinalikan ulit ako ni Josh ng medyo matagal.Tumayo na kaming dalawa at nag-ayos para pumasok. Humingi ako kay Inay ng baon pero ang binigay nya lang sa akin ay isang zest-o at isang fudge bar. Shutang inerns. Ano ako kindergarten? Aangal pa sana ako kaya lang sinabi agad ni Josh na wag na daw at hayaan nalang dahil ililibre nya nalang daw ako ng lunch. Hay nakakahiya naman sa boyfriend ko. Nakakahiya talaga kaya kapag nag date kami papabili ako sa kanya ng touch screen na cellphone, charot.Lumabas na kami ng bahay at pumunta sa motor ni Josh. May motor na si Josh na regalo sa kanya 'nung bruhilda nyang nanay, diary. Kaya wala ng hassle sa aming dalawa kapag gumagala kaming dalawa. Lagi ko pang nayayakap si Josh at nahahawakan ang mga muscle nya sa katawan. Hihihihi."Pipay binilhan kita ng helmet." sabi nya sa akin saka pinakita 'yun color pink na helmet na hawak nya "Terno tayo ng design. Letter LO ang nasa likod ng helmet ko." pinakita nya 'yun design nung kanya "Samantalang sayo VE naman.""Bakit LO sayo at VE ang sa akin?" tanong ko."Kasi hindi mabubuo ang LOVE kapag walang LO ang VE. Parang tayong dalawa, paano na ako kapag walang ikaw?" seryoso nyang sagot sa akin."Nakakainis ka. Ang cheesy mo!" pinalo ko sya sa braso ng mahina."Hindi ko nga ba alam,eh. Sa bawat araw na nagdadaan mas lalo kitang minamahal. Pwede pala 'yun nuh?" ngumiti sya."Tse, tama na ang bola. Let's G na sa SOGO." "Anong SOGO? Sa school tayo pupunta hindi sa motel, Pipay." natatawang sabi nya."Sa school nga. South of Gordon Orlex University ang name ng school natin. SOGO for short." pag papaliwanag ko sa kanya."Ang panget naman ng pangalan ng school natin. Ang bobo talaga mag-isip ni author, nuh? Kainis." iritableng sabi ni Josh."Sinabi mo pa." pag sang-ayon ko naman sa kanya "Ano bang aasahan natin sa author na 'yan? Alam lang nyang puro pag papapogi e. Tara na nga baka mabadtrip pa ako kay author."Nag simula na kaming bumyahe ni Josh papuntang school, diary. Kahit dalawang bwan palang kay Josh 'tong motor nya alam na alam na nya agad kung paano patakbuhin. Ang galing talaga ni Josh sumakay sa motor 'nuh? Sana someday ako naman ang sakyan nya para malaman ko kung gaano sya kagaling. Echos lang, diary. Naughty mo ah! HihiMaaga kami nakadating sa school diary dahil walang masyadong traffic. Ang laki-laki ng SOGO diary unlike sa dati naming school ni Josh. Siguro sampung beses ang laki nito kesa duon. Sabagay university na 'to. Ang dami din agad na estudyante sa paligid namin. Mga halu-halong estudyante na akala mo may mga pinagmamalaki sa buhay.May mga magaganda at gwapo. May chaka at feeling pretty din. Samahan pa ng mga mukhang kuko at mga mukhang parang takas sa preso. My Gosh. Are they even a students?May mga halatang rich kid din at mga feeling rich kid. Opps, may social clamber din pala at mukhang snatcher ng cellphone at carnapper. Halu-halo na talaga ang mga students kapag university nuh? Hindi na nasasala.Pumasok na kaming dalawa ni Josh sa loob ng school habang mag kahawak pa ng kamay. Pansin ko ang mga malalagkit na tingin kay Josh ko ng mga malalanding pokpok na nadadaanan namin. Yun iba napapanganga pa dahil sa kagwapuhan ng boyfriend ko. Mukhang may mga lalandi agad sa Josh ko ah. Subukan lang nila at makakatikim sila ng panty na hindi nahugasan ng isang bwan.Wag nyo gagalitin, Pipay. Iba ako magalit. Grrrrrr.Hindi binitiwan ni Josh ang kamay ko hanggang makarating kami sa tapat ng classroom ko, diary."So paano? Text mo nalang ako kapag labasan nyo na ah?" sabi nya sa akin habang nakangiti."Opo." humalik ako sa pisngi nya. "I love you.""Ako dapat magsasabi nyan. Inunahan mo naman ako e." inis na sabi nya "I love you Pilar Payoson-Manalo."Natawa naman ako. "I love you, too." hinalikan naman ako ni Josh sa labi ng mabilisan.Mag papaalam na sana si Josh kaso biglang may humarang na dalawang babae. Mukhang kambal sila dahil mag kamukhang mag kamukha sila. Ang jeje ng porma nilang dalawa. Parang pokpok sa kanto."Hi pogi." sabi nung babaeng malapad ang noo. "Anong name mo?" tanong nya kay Josh ko."Ah.." napatingin si Josh sa akin. Sigurado naghihintay ng sagot ko kung kailangan nya bang sumagot sa mga malalanding gagang nasa harapan namin. "I'm hers..""Hers?" gulat na sabi ng isa pang malanding kambal "Is that even pangalan? Hers? Weird ah.""I'm hers.. I mean, her boyfriend." magalang na sagot ni Josh saka hinawakan 'yun kamay ko "I'm Josh. Her property."Nalaglag sa ere 'yun mga panga ng dalawang mamalanding babaeng kambal na nasa harapan namin ni Josh. Napangisi nalang si Josh habang ako natawa naman sa reaction nilang dalawa."OH...MY...GOLLY... You mean girlfriend mo sya?" gulat na tanong ng isa."Yes." tumaas-taas ang kilay ng boyfriend ko."I thought katulong mo sya." hindi makapaniwalang sagot ni gaga "In all fairness ah. Hindi naman hamak na mas maganda kami dyan sa girlfriend mo. Wala kang taste nuh?""May taste naman ako." natatawang sagot ni Josh "Kaya nga never ko kayong papatulan e.HAHA." tumingin sa akin si Josh. "Sige na Pipay papasok na ako. Love you." kumindat pa si Josh saka lumakad palayo sa building namin."Ang yabang nya!! Akala mo naman kung sinong gwapo!!" pag mamaktol ng isang gaga."Gaga, twinnie. Gwapo talaga sya." sagot naman ng kambal nya."Magiging boyfriend din kita. Aagawin kita sa panget na 'to." tinuro nya pa ako."You know what girl," sabi ko sa kanya "Just grow up." pumasok na ako ng tuluyan sa loob ng classroom na may ngiting tagumpay sa labi.Sige na diary kwentuhan nalang kita sa susunod. Malapit na dumating ang prof namin.Nagmamaganda ngayong college,Pipay.Ps. Shutang inerns lang si author. Chapter 1 palang ng story may kontrabida agad. Hindi lang isa kundi dalawa pa. Pakyu, sic. Pakyerns.####################################Malandi 2####################################Sic's paalala : ☺ Guys, una, about sa special chapter na nabasa nyo sa book 1, wala 'yun kinalaman dito sa book 2, okay? Para hindi na kayo maguluhan.☺ Kahit diary-ish style ang kwento, I decided to put others' pov. So yeah, may mababasa na kayo ibang POV aside kay Pipay. Nakakasawa si Pipay, e. (Pakyerns ka, Sic! LUL!)JOSH PIC ------>JOSH'S POVNatatawa ako sa reaction ng mga tao nung pumasok kami ni Pipay sa loob ng school. Nakatuon lang ang pansin nilang lahat sa akin at 'yun iba nakanganga pa. Parang may isang bagay silang nakita na hindi katanggap-tanggap sa lipunan o sa mga mata nilang mapanghusga.Mas lalo kong hinigpitan ang hawak ko sa kamay ni Pipay. Isang hawak na nagpapakitang wala akong planong pakawalan sya kailan man at proud na proud ako na tulad nya ang girlfriend ko.Actually sanay na ako sa mga ganyang klase ng titig sa ilang bwan na pagiging magkarelasyon namin ni Pipay. Noong una, inis na inis ako sa ganyang klase ng tingin. Para kasing sinasabi nilang gumagawa kami ni Pipay ng isang kasalanan na labag sa batas. Kailan pa naging kasalanan ang pagmamahal sa aso... opps, joke lang, Pipay ko. Pero seryoso, sa bawat tingin nilang ganyan, mas lalo ako nagkakaroon ng urge para ipakita sa kanila kung gaano ko kamahal at kaimportante sa akin si Pipay.Maraming nagtatanong sa akin kung ano daw nakita ko kay Pipay at parang baliw na baliw ako sa kanya. Ako daw 'yun tipo na parang mas nag mamahal sa relasyon naming dalawa. Tanging ngiti lang ang sinagot ko sa kanila. Ayoko sabihin ang rason kung bakit ko sya ganito kamahal, dahil natatakot ako na kapag nalaman nila, pati sila mainlove sa mahal ko. Sa Pipay ko. Sa Pilar Payoson ng mahal ko.Natatandaan ko 'yun sinabi ni Pipay bago mag pasukan. Natatakot daw sya. University na daw kasi ang papasukan namin at tyak mas maraming babaeng magaganda at mayayaman ang lalapit sa akin.Pauwi na kami nun galing sa pag gagala. Sinamahan ko kasi syang bumili ng bag nya at lalagyan ng baon nya. Parang bata di ba? Hinayaan ko nalang sya dahil kung saan masaya si Pipay, duon ako."Bakit ka naman matatakot?" napahinto kami sa paglalakad at napatingin sa akin si Pipay. Tumingin ako ng seryoso sa mga mata nya. "Matakot ka lang kapag nagkaroon ka ng kakambal, Pipay. Yun lang ang tanging reason para mahati ang pagmamahal ko sayo."Alam kong kinilig si Pipay dahil sa sinabi ko. Nakita ko kasing nangitim, joke lang, nag blush sya dahil sa sinabi. Hinampas nya pa sa akin 'yun plastic na hawak nya. Tumama tuloy sa ano. Ang sakit."Awwww. Ang sakit." napahawak pa ako sa ano ko dahil sa sobrang sakit. Mukhang may nabasag sa ano ko."Ay Josh ko, sorry. Waaah! Di ko sinasadya. Saan ang masakit? Ikikiss ko dali." nagulat ako sa sinabi ni Pipay at agad tinakpan ang bibig nya dahil ang daming tao na nasa paligid namin 'nun."Sssh. Ikaw talaga puro ka kalokohan. Ikiss mo nalang ako sa labi. Mawawala ang sakit." wala ng sinayang na oras si Pipay dahil bigla nya akong hinalikan. Napaupo tuloy kaming dalawa sa kalsada at pinag tinginan ng mga taong nag dadaan.Napapangiti ako sa sarili ko habang naglalakad papunta sa engineering building kung saan ang first subject ko. Lagi talaga ako napapangiti kapag naalala ko mga kalokohan ni Pipay. Mga kalokohan na hindi nya sinasadya pero nagbibigay sa akin ng labis na kaligayahan. Sinong tangang lalaki ang magloloko at ipagpapalit si Pipay para lang sa isang maganda at sexy na babae? Ako? I'll will never cheat on a girl that could make me smile easily to a girl who's sexy and pretty. Kung si Pipay ay isang bato at sila naman ay diamond? Si Pipay pa din ang pipiliin ko. Ang bato pwede mo ipanghilod, ang diamond ba, pwede? Hindi diba? Mas useful si Pipay ko.Napatingin ako sa orasan ko nung nasa tapat na ako ng classroom namin. 10:35 a.m palang at kakahiwalay lang namin ni Pipay pero namimiss ko na agad sya. Sana matapos agad ang klase ko at mag lunch break na. Gusto ko na agad makita si Pipay ko.Nagtext muna ako kay Pipay bago tuluyang pumasok ng classroom.To: My Sky and UniverseNasa room na ako Pipay ko. Miss na agad kita. I love you.Pag pasok ko ng classroom ang dami na agad tao. Mukhang sila ang makakasama ko sa buong first semester. Ang iingay nila at may kanya-kanya na agad na grupo. Pero mas napansin ng mga mata ko 'yun kalalakihan na may pinapalibutang tatlong babae. Magaganda 'yun mga babae at mukhang mayayaman. Inalis ko nalang agad 'yun paningin ko sa kanila dahil wala naman akong interest.Dumiresto agad ako sa likuran at umupo. Pansin ko agad 'yun mga mata ng mga estudyanteng nadaanan ko. Nakatitig sila sa akin. Alam kong gwapo ako pero ilayo nyo mga mata nyo sa akin. Nilabas ko nalang cellphone ko at naglaro ng clumsy ninja.Bakit ba kasi ang tagal-tagal ng mga teacher kapag first day of school? Mga pa-importante.Napansin kong parang bigla nawala ang ingay sa paligid at may parang tao na nakatayo sa harapan ko. Inangat ko agad ang paningin ko kaya nakita ko ang isang babaeng mukhang manika na nakangiti sa akin."Hi, I'm Monica. And you are?" masayang bati nya sa akin.Bago ako sumagot napatingin muna ako sa paligid. Kaya pala nakatahimik silang lahat dahil nakatuon ang pansin nila sa aming dalawa. Etong babae na 'to 'yun isa sa tatlong babae na pinapalibutan ng ilan lalaki sa harapan. Sya ang pinakamaganda sa kanilang tatlo."Ah, I'm Josh." naiilang na sagot ko sa kanya."It seems that you're lonely there, come, mind if you join us?" bihasa sa salitang english 'tong si Monica. Mukhang may lahing America.Tumingin muna ako sa sinasabi nyang pag-jo-join-nan ko. Yun mga friends ata nya na nasa harapan ang tinutukoy nya. Nakangiti sila sa akin na parang nagsasabing welcome ako sa barkada nila."Okay lang ba?" naiilang pa din ako. Pero ayos na 'to kesa naman wala ako maging kaibigan. Mahirap maging loner lalo na't malayo si Pipay sa akin ngayon."Of course. You're handsome dude. Who would dare to turn you down?" nakangiti nyang sagot. Mukha talaga syang manika dahil sobrang ganda nya at ang haba pa ng buhok nya. Pero syempre mas maganda pa din si Pipay ko. Hindi man para sa kanila, para naman sa mga mata ko.Tumango ako at ngumiti. Sabay kaming dalawa naglakad papunta sa harapan. Binigyan agad ako ng upuan nung isang lalaki."So guys, may bago na tayo sa barkada. Meet Josh." pag papakilala nya sa akin. "Josh, this is Coleen and Anne." pagpapakilala naman nya sa dalawang babae na magaganda din. "And we're the Campus Chix." sabay-sabay nilang sabi with maarte tone."Nice meeting you, girls. Josh nga pala." nakipag shake hands ako sa dalawa. Nakita ko pang pasimple nilang inamoy mga palad nila after ko hawakan kamay nila."Girls, stop flirting." pagsaway ni Monica sa kanila. "Sorry about that, Josh. Anyway, this is Mike, Chard and Mong." Nakipag apir naman 'yun tatlong lalaki na pinakilala sa akin ni Monica. Nung nakilala ko na sila nag kwentuhan agad sila sa akin. Nagtanong ng kung anu-anong mga bagay para makilala ako. Masaya silang kausap dahil puro din kalokohan. Kahit mukhang mga anak mayaman, may mga kalog din sa utak. Pansin ko 'yun mga tingin sa akin ni Monica habang nakangiti. Ngumingiti nalang din ako pabalik."So pare.. Matanong ko lang.. Do you have a girlfriend?" tanong sa akin na nag ngangalang Mong. Sa kanilang tatlong lalaki mukhang sya ang leader."Ewww. Seriously, Mong? Ikaw talaga nagtanong nyan? You are not a gay, aren't you?" sagot naman ni Coleen. Nagtawanan silang lahat."Loko. Hindi nuh. Tinanong ko lang since mukhang may isa dyan na gustong malaman." ngumisi si Mong saka tumingin kay Monica. Nag blush naman agad si Monica."Yeap. May girlfriend ako." proud na sagot ko sa kanila. "Actually dito din sya sa school nag-aaral. Sa management department nga lang.""Awwww. Did the heart of the heiress' heart get broken?" pangangasar naman ni Anne kay Monica."I'm not." pag tatanggol naman agad ni Monica sa sarili nya. Bumulong agad si Monica kay Anne at Coleen na parang may sinabing nakakatawa."Haha! Seriously? Dare." sabi naman ni Coleen habang natatawa pa din.Hindi ko alam kung ano 'yun sinabi ni Monica sa kanilang dalawa pero mukhang may kinalaman sa akin. Nakangisi lang kasi si Monica habang nakatingin sa akin ng seryoso.Dumating na 'yun first subject professor namin kaya umayos na kami ng upo. Nag orientation lang muna kami dahil first day of school palang naman. As usual nag elect din ng class officer. Tae, parang high school naman. Atat na atat na akong lumabas ng room para puntahan si Pipay e."I nominate Mr.Josh Manalo for escort." nabaling ang tingin ko kay Monica dahil sa sinabi nya. Nakaturo pa 'yun kamay nya sa akin habang nakangiti sa professor namin."Wow! He's so perfect for the escort Ms.Gordon." magalang na sabi ng prof namin kay Monica. "So who's the muse, then?""Isn't it obvious, Mam? Me, of course." proud na proud na sabi ni Monica.Walang nag react sa pag vovoluntary nominate nya sa sarili nya kaya sa kanya na binigay ang muse na position. Aangal sana ako na ako ang escort dahil ibig sabihin magkakaroon ako ng postion, meaning magiging buys, meaning mababawasan oras ko kay Pipay, meaning malulungkot si Pipay ko.Pero hindi ko nagawang umangal dahil sa pag-aasar ng buong klase. Tuwang tuwa na kasi si Monica at mukhang mapapahiya kapag tumanggi ako.Bwisit. Bahala na nga."So it's now decided, Mr.Manalo and Ms.Gordon would be our Escort and Muse. Kayong dalawa ang laging magkapartner sa mga activity na paglalaban ng engineering freshmen department."Shit. Sabi ko na eh.Nag bell na kaya tapos na ang first subject ko. Lunch break na namin kaya dali-dali kong sinuot ang backpack ko saka lumabas. Palayo na sana ako nang bigla akong tinawag ni Monica."Josh join us on our lunch!" pag-aaya nya."Sorry, hindi pwede. Kasama ko girlfriend ko." magalang naman na sagot ko."Okay." nakangiti nyang sagot pero mukhang nainsulto sya. Napansin ko pang pinag-aasar sya ng mga kaibigan nya kaya sumimangot sya.Tumakbo na ako papunta sa building nila Pipay ko para hindi malate. Shit. Kinuha ko agad 'yun cellphone ko para tignan kung may text ba si Pipay.From: My Sky and Universe.Josh ko nasa CR ako ng canteen. Ang sakit ng tyan ko.Kinabahan naman agad ako dahil sa text nya kaya napaliko ako ng takbo para pumunta sa canteen. Mabuti nalang na-tour kami dito ni Pipay nung enrollment kaya alam ko na ang pasikot-sikot.Pag dating ko sa canteen agad akong pumunta sa may tapat ng CR. Tinawagan ko si Pipay para sabihin na nasa tapat na ako."Pipay Ko andito na ako. Ano masakit pa ba tyan mo? Ano ba kasi kinain mo?" tanong ko agad sa kanya. Alalang-alala ako e."Wag OA, Josh. Meron lang ako ngayon." nahihirapan nyang sagot mula sa cellphone."Anong meron?" "Meron. Hay jusko. Minsan ang slow ng boyfriend ko. Meron as in mens. Slow much?" iritado nyang sagot."Ay sorry. Anong gagawin ko? Ayos ka lang ba?" sagot ko."Ayos lang. Kaso wala akong napkin, Josh ko. Bili mo ko sa labas." pakiusap nya."Yun lang ba kailangan mo? Napkin lang ba? Biogesic o alaxan?""Hindi naman masakit pempem ko. Saan ko gagamitin ang biogesic o alaxan?" Narinig ko pang tumawa sya.Puro talaga kalokohan 'tong si Pipay."O sige. Sandali lang. Tatakbo na ako para bumili ng napkin." sabi ko sa kanya."Sige bilisan mo ah? Baka manganak na ako agad e." tumawa na naman sya."Untog kita sa pader, Pipay, e." tumawa din ako "Joke lang! I love you!"Tumakbo na ako sa labas para bumili ng napkin ng mahal ko.####################################Malandi 3####################################Dear Diary,"Nakita mo ba 'yun pag dunk ni Ravenom, Pipay ko? Astig grabe. Yan ang idol ko sa lahat!"Hindi maalis ang ngiti ni Josh diary habang nakaupo kami dito sa court. Kakatapos lang ng klase naming dalawa kaya napag desisyunan naming dalawa na dito nalang sa court mag lunch break since may dala syang baon namin. Napapangiti nalang ako habang nakatingin ang boyfriend ko na naglalaro sa harapan namin."Oo naman, Josh ko. Pero mas magaling ka pa din magdala ng bola." sabi ko naman sa kanya diary habang nakangiti din. Gusto ko pa sana dagdagan 'yun ng 'Sa sobrang galing mo magdala ng bola, Josh ko. Ayaw mo ipahawak 'yun sarili mong balls sa akin.' kaso wag nalang, diary. Baka biglang kunin ni Josh 'yun bolang nilalaro ng mga player sa harap namin at ipalunok sa akin."Sana makasali ako sa team ng South of Gordon Orlex University." hindi ko alam kung sakin nya pa din ba 'to sinasabi o sa sarili nya. Mag kahalong inggit at amused diary ang nakikita ko sa mga mata ng boyfriend ko."Bakit kasi hindi ka sumali? Magaling ka kaya mag basketball. Saka di ba kaya nga tayo pumasok sa SOGO dahil 'yan ang main reason mo, ang basketball team?" tanong ko sa kanya.Tumingin si Josh sa akin bago sumagot. "Mahirap makapasok sa Gordon Orlex basketball team, Pipay ko." ramdam ko ang panhihinyang sa boses nya diary. "Hindi basta-basta. Mahigpit sila kumuha ng member. Kaya nga kinukuha nila ang magagaling sa ibang school bago mag college. Only the best talaga." tapos umupo sya sa tabi ko saka yinakap ako ng mahigpit. "Saka hindi lang naman 'to ang reason, Pipay, e. Eto ang pinili kong school dahil eto ang mas malapit sa ating dalawa. Ayoko sa malayo mag college. Gusto ko kahit saan basta kasama kita."Nakakainis, diary. Ang sweet na naman ng sinabi ng boyfriend ko. Ramdam kong bumilis na naman ang tibok ng boyfriend ko. Muntik na naman maluha si pempem dahil sa sinabi nya. Sa sobrang sweet ng boyfriend ko pati si pempem naiiyak na. Don't cry pempem. Papakiss nalang kita kay Josh. Hihihi."May naisip ako, Josh ko." sabi ko kay Josh habang malapad pa ang ngiti ko sa labi. May naisip kasi akong magandang idea. As in bright idea, diary. Mahihiya ang kilikili ni author sa pagkabright nito."Ano naman 'yun?" tanong nya."Ako nalang maglalaro ng balls mo. Hihihi." tuwang-tuwa na sabi ko sa kanya."Pipay naman e." =_____="Joke lang. Eto naman hindi mabiro." "Good. Tara na balik na tayo sa classroom natin. Mag ta-time na din e." sabi nya pag tapos ni Josh iligpit 'yun mga kalat na pinagkainan naming dalawa."Pero Josh ko.." paglalambing ko sa kanya habang naglalakad kami na magkahawak pa ang kamay."Ano 'yun, Pipay ko?""Ayaw mo ba talaga ipalaro ang balls mo?" bigla nya akong tinulak kaya nauntog ako sa poste na nadaanan namin."Ay Pipay ko. Sorry..Sorry.. Hindi ko sinasadya.. Saan ang masakit?" hinawakan nya 'yun mukha ko. "Saan ang masakit, Pipay ko. Ikikiss ko dali para mawala ang sakit.."Gusto ko sanang sabihin na masakit pempem ko kahit na noo ko ang tumama dun sa poste kaso wag na, diary. Alam kong maiinis si Josh at baka hindi na ako sa poste iuntog kundi sa sahig na ng court."Dito po oh. Ang sakit. Huhuhu." tinuro ko 'yun noo ko na nauntog. "It hurts, Josh ko. Parang may lalabas na bus at kotse. Huhuhuhu.""Aww. Kawawa naman, Pipay ko." saka hinalikan ng madiin ni Josh ang noo ko. "Saan pa ang masakit?""Dito pa po." tinuro ko 'yun labi ko. "Ang sakit sakit.""Mwaaaaaah." hinalikan ni Josh ng madiin ang labi ko. "Yehey, wala ng sakit." tuwang-tuwa na sabi ko kay Josh "Totoo palang a kiss makes the pain go away 'nuh?" "Syempre naman. Ang kiss ko ata ang pinakamabisang gamot sa sakit na nakukuha ni Pipay." tumaas-taas pa ang kilay ni Josh. Hmm..yabang.. Pero sabagay, diary. May point ang boyfriend ko. Hindi lang point kundi super point."Kaya dapat akin lang ang mga labi na 'yan, ah?" hinawakan ko si kwelyo si Josh. "Subukan mo lang na humalik sa ibang babae. Pag uuntugin ko ang mga ulo nyo at puputulin ko 'yang si flappy bird mo. Get that?" pananakot ko sa kanya."Yes, Mam." nag salute pa sya "I, Joshua Renz Manalo, promise that I wouldn't kiss any girls except to my girlfriend, Pilar Payoson." tinaas nya pa ang kanang kamay nya saka nangako."Pinky promise?" tinaas ko ang hinlilit ko."Pinky promise." saka kami nangako sa isa't isa using our pinky promise. "I love you.""I love you, too." sagot ko sa kanya "Ikaw lang ang dahilan ng pag tibok ng pempem ko."Saka nya na naman ako binatukan. Pero mahina lang."Puro ka kalokohan." saka kami nag tawanan dalawa.Mag kahawak kaming dalawa ng kamay ni Josh habang naglalakad sa campus at papunta sa room namin. Lagi akong hinahatid ni Josh ko dito sa tapat ng classroom namin. Hindi sya pumapayag na kung saan lang nya ako iwan dahil ang sabi nya.."Responsibilidad ng isang boyfriend na masiguradong ligtas ang girlfriend nya.."Sinong hindi maiinlove sa lalaking katulad ni Josh? Kaya subukan lang nilang lapitan ang landiin si Josh ko. Etong panty ko huhubarin ko sa harapan ng mga malalantod at isusungalngal ko mismo sa mga bunganga nila. Sige. Lumapit kayo malalantod.Humalik muna si Josh sa labi ko for the last time at nag i love you bago tuluyang umalis ng tapat ng classroom namin, diary. Pag harap ko at pag pasok ng classroom naabutan kong nakanganga lahat ng kaklase ko. Bakit ganyan reaction nila? May nakita ba silang isang nakaka-bilib na bagay o nagagandahan lang silang lahat sa akin? Siguro 'yun huling sinabi ko ang dahilan."I wonder kung anong nakita ni Josh sayo. You're so chaka naman e." sabi ni Charry sa akin. Isa sya sa kambal na feeling bitch pero mukha namang witch. Kaklase ko ang dalawang gaga."Baka naman twinnie mangkukulam sya. And her mother is like kayang gumawa ng gayuma. OMG." sabi naman ni Kathy sa kakambal nya. Pag umpugin ko kaya tong dalawang 'to para maliwanagan?"Alam nyo Chaka.." sabi ko sa kanila.."Anong tawag mo sa aming dalawa ng twinnie ko?" gulat na sabi Charry."Chaka. Ikaw si Charry at ito naman si Kathy. ChaKa. O diba bagay sa inyong dalawa?" galak na galak na sabi ko sa kanilang dalawa."I can't believe this." nainsultong sabi ni Kathy. "Kaming famous twinnie. Sasabihan mo ng chaka?""Kayo famous? Bakit, mas marami ba kayong likers ng status kay Sic Santos? Nakakaabot ba ng 1000+ likes ang mga profile pic nyo?" pagmamalaki kong sabi sa kanila."YES!!" sagot naman ni Charry."Gaga twinnie. Yun latest profile picture natin na labas ang cleveage ng boobs natin, 2 lang ang likes at si Papa at Mama pa. The rest puro mura at report as a spam na." bulong ni Kathy sa kakambal nya."Gaga ka. Wag ka nga magpapahalata." bulong din na sagot ni Charry sa kakambal nya. "And who's Sic Santos?" tinaasan nya pa ako ng kilay."OMG! Hindi mo kilala si Sic Santos?" gulat na tanong ko sa kanya. "I think you need to smashe your own cave and start to use internet." kumindat pa ako sa kanilang dalawa saka tumuloy sa upuan ko at tumahimik nalang.Nag patuloy ang klase diary na puro masasamang tingin at pag paparinig ang nakukuha ko sa kambal na ChaKa. Dedma nalang ako sa mga pinuputok ng mga butchi nila since ako may boyfriend na gwapo at yummy sila nganga. Ako may Joshua Renz Manalo habang sila nganga. Ganyan talaga ang buhay e, tatatalak ng tatalak ang isang tao kapag walang blessings na natatanggap. Inggit sa mga taong pinapaulanan ni Lord ng swerte. Thank you, Lord. Salamat sa pagbigay sa akin kay Josh."Class may hahabol pala. Late enrolle sya. Pasok ka na, Miss Mayosa." sabi ng prof namin sa mga kaklase ko. Miss Mayosa? Oh noes, diary. Wag mo sabihing..."Hi, I'm Mirasol Mayosa. Nice meeting you all. Sana makipaglandian lahat ng boys sa akin." panimulang bati agad ni negrang pusit sa aming lahat. Gulat na gulat ang mga boys dahil sa sinabi ni negrang pusit na anak ni Ursula sa pagiging kabit sa hari ng karagatan.Pero kung nagulat kami sa sinabi ng negra. Mas nagulat kami sa suot nya. Ang ikli-ikli kasing short ang suot nya. Short na nga ginawa nya pang short. Pempem short na nga pero ang suot nya singit short. I wonder diary kung may nanatakpan pa ba ng maayos ang pisngi ng bilat ng negrang 'yan."She's so kadiri, twinnie. Like ewwww. Porong tae na nagsasalita sa sobrang itim.." comment ni Charry habang nakatingin kay Mimay."You're right, twinnie. She's like a charcoal. Ang sarap nyang pag lutuan ng adobong baboy." sagot naman ni Kathy habang nakatitig din kay Mimay.Napatingin naman si Mimay sa kambal saka napataas ng kilay. "Oh really? What if daganan ko kayong dalawa?" lumapit si Mimay sa kambal saka tumayo sa harapan nila. "Dyan ako uupo. Lumayas kayo dyan." natakot naman 'yun dalawang kambal kaya biglang napatayo at binigay 'yun upuan kay Mimay.Napangisi ako dahil sa nakita ko. I think hindi ako ang makakalaban ng dalawang ChaKa, diary. Kundi si Mirasol. Nagbago na din si Mirasol, ah? Hindi na sya jejemon. Pero malandi pa din si Gaga.Sige diary mag-aaral muna ako para sa kinabukasan namin ni Josh.Talk to you later.. Este write to you later.Enjoying my college life,Pipay ni Josh.Josh's pov."May practice pala tayo sa sabado, dude. Maaga kayo pumunta dito sa school ah?" narinig kong sabi ni Chard kay Mong at Mike. Ngayon ko lang nalaman na part pala 'tong tatlo na 'to ng school's basketball team. Nakakainggit."Oo naman. Lagi naman kaming maaga ni Mike ah?" natatawang sagot ni Mong sa kanya. "Alam mo naman na mahigpit si coach, e. Mahirap makapasok sa team kaya kailangan hindi pabayaan ang career. Di ba Mike?" tumingin si Mong kay Mike. Hindi nagsalit si Mike at tumango lang.Pansin ko lang sa kanilang tatlo si Mike ang hindi masyadon nagsasalita. Laging nakatango at iling lang ang sagot. Mabaho ba bunganga nya?"Ikaw, Josh. Naglalaro ka ba ng basketball?" tanong naman sa akin ni Chard."Yeap." tumango ako saka ngumiti. "Part ako ng basketball team namin nung high school.""Gusto mo sumali sa team?" tanong naman ni Mong."Pwede?" parang lumiwanag ang kalangitan dahil sa tanong sa akin ni Mong."Bobo mo, Mong. Asa ka naman na makakapag recruit ka ng ganun kadali." binatukan pa ni Chard si Mong.Akala ko makakapasok na ako sa team dahil sa sinabi ni Mong. Pero hindi pa pala. Sabi ko na eh. Mahirap talaga makapasok sa school's basketball team. "Kahit member na kami ng team hindi kami agad makakapag pasok. Kahit gaano pa kagaling, mahihirapan pa din." malungkot na sabi ni Chard."Pero unless.." nakangisi si Mong."Unless, ano?" sabay na tanong namin ni Chard."Unless ang magpapasok sa kanya ay malakas sa school. Yun anak ng may-ari ng school. Yun heiress ng Gordon's Clan." nakangisi si Mong kay Chard. Napangisi din si Chard habang ako clueless naman."Sino naman?" tanong ko sa kanilang dalawa."What's up, boys?" bigla naming narinig na nagsalita si Monica mula sa likuran namin. Kakarating lang nilang tatlo kasama si Coleen at Anne ng classroom namin.Napatingin naman si Chard at Mong sa akin at lalong mas ngumisi ang mga labi nila. Hindi ko pa din magets."Monica. May pabor na gustong hingin sayo si Josh." tuwang-tuwa na sabi ni Chard kay Monica."What's it?" sagot naman ni Monica habang nakangiti sa akin."Hala! Wala naman. Kayo talaga." todo tanggi ko."Sus naman, pre. Wag ka ng pa-chx pa. Sabihin mo na. Wag ka mahiya. Malakas ang tama sayo nyan." natatawang komento ni Mong."Whatever, Mongskie." nag rolled eyes si Monica ng mata saka tumingin sa akin. "Ano 'yun, Josh? You know kahit ano basta kaya ko ibibigay ko." kumindat pa sya sa akin."Ughh.. Ano.. Paano ko ba sasabihin 'to.." nahihiyang sagot ko sa kanya. Napapakamot pa ako ng ulo ko. Kailangan ko ba talagang itanong?Kailangan ba talaga? Ughh. Josh mag-isip ka. Kapag nakapasok ka ng basketball team hindi lang ikaw ang masisiyahan kundi pati na din si Pipay. Alam mo naman kung gaano mo napapasaya si Pipay mo kapag nakikita ka nyang naglalaro ng basketball di ba?"Wag kana mahiya, Josh. Tell it to me." paghikayat ni Monica sa akin.Huminga muna ako ng malalim. "Pwede mo ba ako ipasok sa school's basketball team? Ever since kasi ang Gordon Orlex team talaga ang gusto ko mapasukan." nahihiyang sabi ko sa kanya."Si Monica ayaw mo pasukan, Josh?" biglang nagsalita si Coleen kaya nagtawanan 'yun buong barkada. Medyo green 'yun sinabi nya ah."Shut up, guys." nag blush si Monica habang sinusuway ang barkada "I can put you on basketball team without sweat. Malakas ako sa school na 'to Josh since my family is the owner of this school. The question is...kaya mo ba ang kapalit?" nakangisi nyang tanong sa akin.Bigla akong napalunok dahil sa tanong nya.Mukhang hindi maganda ang kapalit sa sinasabi nya ah.####################################Malandi 4####################################Pipay : Mag cocomment ba kayo o mag bi-break kami ni Josh? Sagot! Charot!JOSH'S POV"Ano ba ang kapalit, Mon?" Tanong ko kay Monica habang nakatingin ako sa kanya ng seryoso. Hindi maganda ang na-va-vibes kong gusto nya pero kailangan ko na din alamin para makasigurado. Gustong gusto ko talaga ang makapasok sa basketball team ng school dahil isa 'to sa mga pangarap ko. Saka kung hindi ko kaya ang gusto nyang kapalit, edi hindi ko ibibigay. Hindi ako gagawa ng isang desisyon na makakaapekto sa pagkatao ko lalo na sa aming dalawa ni Pipay ko.Mas lalong napangisi si Monica dahil sa tanong ko. I swallowed hard. Parang may kakaiba syang naiisip o nakakatuwa dahil sa mga ngisi nyang 'yun."Sasabihin ko sa'yo later. Kapag tayong dalawa nalang dalawa at walang tao sa paligid." tinignan nya ng masama ang barkada na nakikinig sa aming dalawa. "Oh c'mon, sister. Don't be so unfair. Gusto din namin malaman." parang bata na sabi ni Coleen."Yea, right. Ngayon mo na sabihin. Pretty please, sis." sagot naman ni Anne."Oo nga. Patagal pa, e. Anong gusto mong kapalit sa pag pasok mo kay Josh sa team namin?" pag singit naman ni Mong. Habang si Chard ay tumango-tango lang at si Mike as usual, nakatingin lang."No, guys. Ayokong mapeste ang plano ko. Besides," tumingin si Monica sa may pintuan. "Andyan na si prof. Kaya bumalik na tayo sa mga upuan natin." nakangisi pa din si Monica."Ughh. Unfair!!" sabi ng barkada na magkakasabay."Josh later ko sasabihin, ah? Wag ka muna uuwi." sabi sa akin ni Monica nung dumaan nya sa gilid ko. Hinawakan nya pa ang muscle sa braso ko saka pinisil na parang nangigigil. Hinayaan ko nalang sya sa ginawa nya at napailing nalang.Bumalik na din ako sa upuan ko nung dumating 'yun professor namin. Maglabas daw kami ng paper so ginawa ko naman. Habang kumukuha ako ng papel sa bag ko napatingin ako kay Monica at nahuli ko syang nakatitig ng malagkit sa akin. Parang hinuhubaran na nya ako sa mga tingin nyang 'yun. Imbis na ilihis nya ang mga mata nya dahil nahuli ko syang nakasulyap sa akin, hindi e, lalo pa syang nakipag titigan at ngumisi. Ako nalang ang lumiwis ng tingin dahil naiilang ako sa mga ganung titig.Pag labas ko ng papel bigla kong naramdaman na nag vibrate ang cellphone ko. Agad ko namang binasa kung kanino nanggaling ang text kaya naman napangiti agad ako.From: My Sky and Universe.Aral mabuti, Josh ko. Mahal na mahal na mahal kita. Pinapaalala ko lang, In case makalimutan mo. Hihihi.Nag reply din ako sa text ni Pipay at sinabi kong mas mahal na mahal na mahal ko sya at kahit kailan hindi ko 'yun makakalimutan. Tinitigan ko muna ang wallpaper ko na picture naming dalawa ni Pipay. Kuha 'yun litrato habang nakahiga kaming dalawa ni Pipay sa kama. Tulog si Pipay nun habang 'yun ulo nya nakasandal sa dibdib ko. Ang cute naming dalawa picture kaya ginawa ko 'tong wallpaper.Si Pipay lang talaga ang gusto ko. I know she isn't perfect like other girls around me but she's the one I really want. Hindi na 'yun magbabago kahit kailan.Nope, I wouldn't do anything to hurt Pipay again. Ayoko na syang paiyakin.Tinago ko na 'yun cellphone ko at nakinig ng maayos sa professor na nasa harapan namin.Natapos ang klase namin at nag simula ng umalis ang mga kaklase naming excited umuwi. As usual nag hintayan ang tropa dahil lagi naman sila sabay-sabay umuwi kapag dismissal na. "Guys, mauna na kayo." narinig kong sabi ni Monica sa barkada nung natapos nyang ayusin ang mga gamit nya."Why?" sabay-sabay na naman silang sagot."May pag-uusapan pa kami ni Josh," ngumisi at kumindat sya sa grupo."BUT?""No but, guys. Just follow my command." nairita na si Monica at naging seryoso 'yun mukha nya. Napalunok sila ng sabay-sabay at madaliang kinuha 'yun mga gamit nila para lumabas ng classroom.Akala ko nakaalis na silang lahat pero sumulpot naman si Anne sa may pintuan at nakangisi din."Sis, goodluck. Galingan mo." kumindat pa sya at tuluyang sinarado ang pintuan ng classroom.Kaming dalawa nalang ni Monica ang naiwan sa loob ng classroom. Tanging ingay ng aircon nalang ang naririnig naming dalawa. Kahit centralized ang aircon bakit bigla akong pinagpawisan? Hindi ko gusto ang atmosphere na kasama si Monica. Hindi talaga as in."So?" tanong ko kay Monica pag tapos ko maisuot ang backpack ko. Nakatingin lang sya sakin at nakangiti na parang may iniisip na hindi maganda. Lintik, ano kaya naiisip nito? "Sabihin mo na kung ano 'yun kapalit na gusto mo. Nag hihintay kasi sa parking lot 'yun girlfriend ko." sabi ko ulit sa kanya."So atat much?" natawa si Monica "Bakit ka ba nagmamadali? Hindi ka ba masaya na ako ang kasama mo sa classroom na 'to? Looks, no one's around. We can do whatever we want to." naging maharot ang boses nya.Napalunok ako dahil sa sinabi nya saka napailing. "Just tell what you want, Mon. Para makaalis na ako. Besides, I don't fools around coz I'm already committed." sabi ko sa kanya "Hindi akog gagawa ng isang bagay na alam kong makakasakit sa girlfriend ko. Minsan ko na syang napaiyak, hindi na ulit 'yun masusundan pa." ngumiti ako sa kanya."You love her that much, ah?" biglang nag seryoso ang mukha ni Monica "Is she prettier than me? Sexier or richier than me? Every guys that I knew always begging for my attention. Ikaw lang ang ganyan. Ano bang hindi mo magustuhan sa akin?" "Actually, wala naman akong ayaw sayo. In fact, you're perfect for a girl. Maganda, matalino at mayaman." pag pupuri ko sa kanya. Kitang kita ko ang malapad na ngiti sa labi nya at nag blushed pa sya. "But, I ain't looking for a pretty girl. Hindi ako naghahanap ng babaeng maganda, matalino at mayaman dahil nahanap ko na 'yun babaeng hindi mo man kasingganda pero napapaganda nya ang araw kong nasira. Hindi mo man kasing talino pero kaya nyang sagutin kung bakit nya ako mahal at hindi mo man kasingyaman pero sa pagmamahal palang, nalulunod na ako." ngumiti ulit ako hindi dahil sa mga sinabi ko. Napangiti ako dahil naalala ko si Pipay ko."You're so cheesy, you know that?" iritadong sagot ni Monica "We're still young, Josh. Bakit kung makapagsalita ka parang sya na ang babaeng gusto mong makasama habang buhay? Saying those words are like closing for another opportunities and wasting for another.""No, It's not like that." sagot ko sa kanya. "When you truly love someone, you're already contented with her. It's not closing for another opportunities, It's about being contented cause you knew that you already got the best." "Whatever." she rolled her eyes dahil siguro wala na syang maisagot sa akin."Ano na 'yun kapalit? Kung wala din pala, aalis na ako." hahakbang na sana ako pero bigla syang humarang sa dadaanan ko."Gusto mo malaman ang kapalit ng pag pasok ko sayo sa basketball team?" bumalik na naman ang kakaibigang ngisi sa labi nya. "Kiss me.""WHAT?" nagulat ako sa sinabi nya. Napaatras pa ako ng bahagya."You heard me, right. I want your kiss..And oh, not like just a kiss. Kundi french kiss." inikot-ikot pa ni Monica 'yun dulo ng buhok nya habang nakatingin sa akin na parang nang-aakit."What made you think na papayag ako sa kapalit mo?" seryosong sagot ko sa kanya "Hindi ko kaya, aalis na ako." hahakbang na sana ako pero humarang na naman sya. Ilang inches nalang ang layo ng mukha nya sa mukha ko."Josh, I know that you're loyal with your girl. But this is your dream, right? Maraming babae sa paligid pero ang opportunity na makapasok sa team ng Gordon Orlox, isa lang at ito lang. Saka wala naman makakaalam na hinalikan mo ako if ever, promise." tinaas nya pa 'yun kanang kamay nya para mangako. "Trust my words, Josh. Just 1 minute of french kiss. After nun, welcome to Basketball Team kana." Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi nya dahil lahat ng sinabi nya ay tama. Matagal ko ng pangarap na makapasok sa team ever since dahil magagaling ang coaches ng Gordon Orlex team. Ang team din ng school ang madalas pinapalabas ng bansa para makipaglaban sa mga foreigner. Successful sila when it comes to basketball. But..Dealing with Monica is like cheating to Pipay. Kahit hindi ko sabihin kay Pipay hindi naman ako papatulugin ng konsensya ko."Kaya dapat akin lang ang mga labi na 'yan, ah?" hinawakan ako ni Pipay sa kwelyo. "Subukan mo lang na humalik sa ibang babae. Pag uuntugin ko ang mga ulo nyo at puputulin ko 'yang si flappy bird mo. Get that?" pananakot nya sa akin."Yes, Mam." nag salute ako sa kanya "I, Joshua Renz Manalo, promise that I wouldn't kiss any girls except to my girlfriend, Pilar Payoson." "Pinky promise?""Pinky promise."Bigla kong naalala 'yun usapan namin kanina ni Pipay. Nangako ako sa kanya na hindi ako hahalik ng kung sinong babae at tangin sya lang. Shit, Josh. Don't hurt her. Don't do anything that you'd regret afterwards. Masasaktan si Pipay panigurado. Masasaktan sya."Looks like you're having a debate with your mind and your heart." nagsalita si Monica. "Josh, promise ko naman sayo na hindi 'to lalabas sa public. Magagalit din parents ko kapag nalaman nila to at mapapasama ang Gordon Family. Besides, this is your dream. Sasayangin mo ba? Sasayangin mo ba dahil lang sa loyal ka sa girlfriend mo? You cannot choose between the two of them. Now, decide. Your girlfriend or your dream?"Mas lalo akong natahimik dahil sa sinabi ni Monica. Tama nga sya dahil pangarap ko 'to at isa lang 'tong opportunity na 'to. Kahit gaano pa ako kagaling hindi pa 'yun sapat para lang makapasok sa team.Shit, Josh. Anong ibig mong sabihin?Bahala na, tangina.Dear Diary,Kanina pa ako naghihintay dito sa parking lot ng school pero wala pa din si Josh ko. Sabi nya kanina kapag daw umuwian na namin dito na ako dumiresto at mag hintay sa kanya. Pero ang magaling kong boyfriend diary hindi pa din sumusulpot. Ano na kayang nangyare dun?Nilalamok na din ako kakatayo dito sa gilid ng motor nya. Nagdidilim na din at nauubos na ang sasakyan ng kotse dito sa parking lot. Parang kanina lang ang dami pang tao dito, ah. Hindi na tuloy ako mukhang student ng SOGO diary dahil sa pag tayo ko dito. Mukha na akong guard ng parking lot at taga bantay ng mga kotse. Yung totoo lang, Joshua? Asan ka na bang lalaki ka? Hay naku, kailangan mo ikiss ang pempem este ang labi ko dahil dito."Aray ko, leche." sigaw ko dahil kinagat na naman ng mga lamok ang binti at braso ko. "Mahuli ko lang talaga kayong mga peste kayo, gigilitan ko kayo ng leeg isa-isa." pag babanta ko sa kanila."Sige, lumapit kayong mga lamok kayo. Handa na ako." nag pose pa ako na parang nangangarate para balaan ang mga lamok sa pag sugod. Akala nila papatalo ako? Ako na si Pilar Payoson magpapatalo sa lamok? Asa mga bitch."Wow! Talaga bang sinusundan mo ako?" biglang may nagsalita sa likuran ko kaya napatigil ako sa pag karate. Parang kilala ko na ang boses na 'yun? Isa lang naman ang kilala kong may boses na agad nakakasakit sa eardrums ng tenga at eardrums ng pempem ko, e. Diary, may eardrums ba ang pempem? Parang wala ata. Osige, pemdrums nalang. Pinapasakit ng negrang pusit na 'to ang pemdrums ng pempem ko."Ang kapal mo naman para isipin 'yan, Mirasol. FYI, ako unang nakapag enrol. Diba late enrollee ka?" mataray na sagot ko sa kanya nung pag harap ko.Dahil sa madilim na ang paligid lalo pang dumilim nang makita ko ang negrang pusit na 'to. Yung totoo? Uling ba 'to diary o panggatong? Hindi lang kulay maitim sa gaga pati na din singit at budhi nya. Mahihiya ang color black sa crayons dahil sa kaitiman ng pusit."Paanong hindi ako malalate sa pag-eenrol, ikaw ang unang binigyan ni konsehala ng pera!" sigaw nya sa akin. "Por que ba ikaw ang nanalo sa Mutya sa baranggay habang ako lang ang first place, ikaw na agad mauuna? Unfair ituuuu.""Gaga! Anong ikaw ang first place. Hindi naman ikaw ang first place ah?" sagot ko sa kanya."Ay hindi ba? Edi first place to the last. Okay na?" tumango ako "Ah, basta! Kahit kailan talaga kontrabida ka sa story ko. Pakshing shet. Unfair talaga ituuuu.""Gaga ulit. Wala ka namang story ah?""Ay wala ba?" sagot nya ulit na painosente "Akala ko story ko na 'tong book 2. Hihihi. Sorry na." humagikgik pa sya.Parang tanga talaga 'tong negra na 'to, diary. Mukhang tuluyan ng nabaliw sa pagkaalis ni Prince. Lokaret na nga ang gaga mas lalo pang nalokaret dahil sa pag-iwan sa kanya ni Prince. Dapat hindi sa SOGO to pumasok kundi sa Mental University e. Baliw ka, negra. Baliw ka. Chaka. Dirty ang skin. Tinta. Product ng smoke belching. Air pollution. NEGRA!"Nag-aadik ka bang negra ka? Yan ang nakukuha mo sa kakalangoy sa ilog na puro basura na 'nuh?""Excuse me? Hindi ako sa ilog na may basura lumalangoy.""Saan pala?""Sa dagat ng basura." inirapan nya ako "Umalis ka nga dyan sa sasakyan ko. Hinaharangan mo ang car ko." tinabig nya pa ako para lang makadaan sya.Anong pinagsasabi ng negrang 'to? Except sa motor ni Josh ko na nandito at isang bike na puro kalawang, wala ng iba pang sasakyan.Tinignan ko nalang si negra kung saan pupunta. Lumapit sya sa bike na puro kalawang at sumakay."Yan ang car na sinasabi mo?" turo ko sa maliit na bike na sinakyan ng negra."Oo. Regalo 'to sa akin ni Mommy nung graduation natin. Inggit ka nuh?" umirap na naman sya "Palibhasa mahirap kayo kaya hindi makabili ng sasakyan." "Uh." Yan nalang ang nasabi ko sa mga pinagsasabi ng pusit. Ano ba 'tong anak ni Ursula, mukhang wala ng pag-asang umayos ang pag-iisip."Makaalis na nga. Ang panget ng tao dito sa parking lot. Masyadong inggetera." pag paparinig na naman ng negra. Bago pa sya pumadyak at umandar ang sinasakyan nyang kalawangin na bike, pinindot nya muna ang pot pot nito. Feeling busina lang?Pinagmasdan ko lang si Mimay hanggang makalabas ng school. Palabas na sana sya ng school nang bigla syang bumalentong at masubsob sa kalsada. Mukhang humampas pa ang mukha nya sa semento."Pakingshet! Ang sakit!!!" sigaw nya sa sarili nya. Sumemplang kasi sya dun sa bato. Isang bato lang pala magpapabagsak sa anak ng puta ng karagatan.Napailing nalang ako at hindi na sya tinigna muli.Napatingin ako sa orasan ko at mag-iisang oras na ako nag hihintay. Bakit ang tagal naman ni Josh ko? Ano na kaya nangyare dun.Kinakabahan na ako sa tagal kong pag hihintay kay Josh. Hindi sya nalalate ng ganito kapag may usapan kami, e. Lagi sya ang nauunang dumadating sa meeting place namin dahil sabi nya mas okay na sya ang mag hintay kesa ako. Pero bakit ngayon pinaghihintay nya ako?Lumipas ang ilang minuto pa ng matanaw ko na si Josh na naglalakad sa gawi ko. Para syang wala sa sarili at lamyang lamya na naglalakad. Para syang zombie."JOSH!" sinalubong ko sya at yinakap ng mahigpit. "Bakit ang tagal mo? Kakatapos lang ba ng klase nyo, ah?" tanong ko sa kanya."Pasensya na ang dami kasing ginawa sa last subject namin, e." sagot nya sa akin na ang tamlay-tamlay. Hindi din sya makatingin ng diresto sa mata ko, diary."May problema ka ba?" tanong ko sa kanya."Ha, wala naman." napatingin sa akin si Josh pero agad nya din iniwas ang paningin nya. "Tara na Pipay. Nagugutom na ako, e.""Para kasing may problema ka, Josh." Ramdam kong merong problema si Josh dahil hindi naman sya ganito. Ano kayang nangyari at parang down na down sya."Wala nga, Pipay. Tara na." walang gana nyang sagot saka naunang sumakay sa motor nya. "Bilisan mo." parang iritado sya."Ah, sorry." yan nalang ang nasabi ko saka nagmadaling sumakay sa motor nya.Natawa ako, diary. Ako pa ang nag sorry sa kanya. Sya dapat ang mag sorry diba? Dahil pinag hintay nya ako ng matagal. Ugh!! Hayaan na, Pipay. Mukhang may problema, e. Dedma nalang ang beauty.Pinaandar na ni Josh ang motor pero bago pa kami maakalis biglang may tumawag sa kanya."Josh, wait! Naiwan mo 'to!"May isang babaeng super ganda na mukhang manika na paparating sa amin. Mahihiya ang mga Ms.Universe beauty queen dahil sa ganda ng babaeng 'to. Dyosa ba 'to o Dyosa? Dyosa nga.Pero imbis na huminto si Josh at kunin 'yun inaabot ng babae agad na nyang pinaandar ang motor nya. Hindi mabilis kundi sobrang bilis.. Kung hindi ako nakakapit agad sa balikat nya mukhang tumilapon na ako sa kabilang kalsada.Bago pa kami tuluyang makalayo ni Josh biglang naagaw ng mata ko 'yun inaabot ng babaeng dyosa. Isang panyong kulay pink na regalo ko kay Josh nakaraang bwan. Bakit nasa kanya 'yun? Saka bakit hinayaan nalang ni Josh sa babaeng 'yun yung panyong bigay ko? Alam ko kasing importante kay Josh ang mga bigay ko, e. Pero bakit 'yun hindi nya iningatan?Josh ano ba? Naguguluhan ako sa'yo.Tahimik lang kaming dalawa ni Josh habang nagbabyahe pauwi sa bahay namin. Kahit kinakausap ko sya hindi sya nagsasalita o sumasagot. Focus lang ang mga mata nya sa dinadaanan namin, diary.Pag hinto ng motor nya sa tapat ng bahay namin nagsalita agad ako."Joshua Renz Manalo, tingin ko kailangan ko ng explanation." pag bibiro ko sa kanya saka nag crossed arms pa, diary."Pipay, wag ngayon. Pagod ako." masungit na sagot nya saka nya pinaandar muli ang makena ng motor nya. "Pumasok na na. Aalis na ako. Goodnight." Magsasalita pa ulit sana ako pero agad na nyang pinaharurot ang motor palayo sa akin.Sa sobrang bilis, sandamakmak na usok tuloy ang binuga ng motor nya sa kinatatayuan ko. Naubo-ubo tuloy ako dahil nasinghot ko ata lahat."Ano bang problema nun," sabi ko habang inuubo-ubo pa din.Hindi ko alam kung anong nangyari kay Josh ngayong araw.Pero ang alam ko lang talaga.Nasasaktan ako, diary.Hurt hurt,Pipay.####################################Malandi 5####################################Dear Diary,Nakatitig lang ako sa kawalan ng ilang minuto bago ako tuluyan pumasok sa loob ng bahay namin. Wala akong ganang naglakad papasok sa bahay at paakyat sa kwarto ko dahil sa inarte ni Josh sa akin. Hindi ko talaga alam kung anong nangyari kanina at parang may problema sya. Samantalang kanina nagtatawanan pa kaming dalawa habang nanunuod ng basketball sa court. Siguro sadyang pagod lang sya kaya ganun sya kalamig.Dapat ang girlfriend ay understanding, diary. Kaya kailangan kong intindihin ang pinakita ni Josh kanina. Hindi healthy para sa isang relasyon na kapag may problema ang isa, dadagdag pa ang isa. Dapat may pagpapaubaya para hindi nag-aaway. Kaya ngayon, hahayaan ko muna si Josh dahil baka nga wala syang gana. Mahal ako ni Josh kaya alam kong mamaya itetext at tatawagan nya din ako para sabihin ang problema nya.Pag-akyat ko sa kwarto ko diary nagpalit na muna ako ng pantulog. Ginawa ko din muna ang mga assignments ko. Nung wala na akong gagawin, tinignan ko naman ang cellphone ko kung may text na ba si Josh pero wala. Nakakapagtaka naman to, diary. Sa aming dalawa ni Josh sya ang palatext. Masyadong clingy 'yun lalaki na 'yun, e. Pero bakit ngayon walang text o tawag? Since expired na ang unli ko nag registered ulit ako. Nagreply naman agad 'yun network at sinabing.."Sorry, hindi sapat ang iyong balance para ma-avail ang promo.."Napasimangot nalang ako, diary. Mabuti pa 'yun network marunong mag-sorry. Pero samantalang si Josh, wala, nganga. Joke! Sabi ko naman iintindihin ko si Josh, e. Kalma mo lang ang beauty mo, Pipay. Hintay ka lang. Baka wala ding load ang boyfriend mo. Kaso wala naman akong beauty, e. So wala akong ikakalma. Charot!Tinitigan ko muna ang wallpaper ng cellphone na picture ni Josh. Kuha 'tong picture na 'to nung minsan may ligaya sila Josh sa baranggay nila. Of course, diary, nanalo sila nun. Ngiting-ngiti si Josh sa picture habang hawak 'yun patola, echos lang, 'yun trophy nila. Gustong gusto talaga ni Josh ang basketball. Alam ko kung gaano kagusto at pangarap ni Josh na mapasali sa SOGO Basketball team. Kaya sana mapasok sya. Alam kong magiging masaya si Josh kapag nangyari 'yun at lalo ko syang susuportahan.Ang bait-bait ko talagang girlfriend, diary. Tapos ang ganda-ganda-ganda-ganda ko pa, di ba? Subukan mong umangal, diary, gagawin kong napkin ang bawat pahina mo. Pag tapos ko mag-emote sa kwarto ko bumababa naman ako sa kusina para kumain. Naabutan ko si Inay na nanonood ng boxing sa isang chanel. Taray talaga ni Inay. Masyadong loyal sa sport. Frustrated boxer kasi, e. Ang alam ko dapat ilalaban na si Inay sa isang international competition, e. Kaso nabuntis sya ni Itay - na dati nyang coach - so na-stop sya. Kaya siguro mainit ang ulo ni Inay sa akin. Ako kasi ang may kasalanan kaya hindi sya nakaalis ng bansa. Aba wag nya akong sisisihin, diary. Kung hindi pinairal ni Inay ang kalandian nya at nagpabuntis kay Itay, edi sana successful boxer sya. Kaso wala, e. Eto nabuo ako. Lumaking pretty. Hihihi. Choosy pa ba si, Inay? Pilar Payoson na anak nya, oh. Ang reigning queen ng aming baranggay. LOL!"Inay, anong ulam?" tanong ko sa kanya. Kaso hindi ako pinansin at focus lang talaga sya sa panonood ng isang laban sa TV. "Inay!!" tinawag ko ulit sya."For Pacquaio's Sake, Pilar. Don't disturb me while I'm watching my favorite sport. Get a life, will you?" nagulat naman ako sa birada ni Inay, diary. Umeenglish na ah. Taray ni Aling Tinay. Spoking dollar na."Ang taray naman ni, Inay. Saan mo naman nakuha 'yang english na 'yan?" tanong ko sa kanya."Sa pinanood ko kanina. Taray ng line, nuh? Ang dami ko pa ngang nakuha, e. Like, Okay. Okay. Oh, alam mo kung saan 'yan?" ngumisi pa si Inay."Okay-Okay?" nilagay ko pa sa baba ko 'yun hintuturo ko para kunwari nag-iisip. Ganito daw kasi 'yun diary para mukhang genius. "Hindi, e. Saan ba 'yang okay-okay na 'yan?""Bobo mo talaga, anak. Hindi mo namana ang talino ko." panglalait ni Inay sa akin. "Yang okay-okay na 'yan ay famous line ng Harry Potter. Magbasa ka nga ng ibang story, Pilar. Hindi puro kalandian alam mo. Pinaiinit mo lang ulo ko.""Whatever you say, Inay." sagot ko sa kanya "Ano na palang ulam?""Tignan mo sa 3-door refrigerator natin. May liempo at fried chicken dyan. Sige na lumamon ka na dun at wag mo na akong istorbohin." "K."Dumiresto na ako sa kusina namin diary at hinanap 'yun 3-door refrigerator na sinasabi ni Inay pero wala naman akong makita. Tinignan ko na din sa ilalim ng lamesa, sa banyo, sa likod ng pintuan at sa mga drawer sa kusina pero wala akong makitang 3-door refrigerator. Tanging isang 1-door ref lang ang nakikita ko dito na puro kalawang pa. Ilang taon na 'tong ref na 'to sa amin at may kaunting diperensya na din. Hindi na kasi masyadong lumalamig at kadalasan imbis na maging yelo ang tubig naging boiled water pa. Naging instant oven-toaster ang ref. Bumalik ako sa sala para muling tanungin si Inay."Inay asan 'yun 3-door ref na sinasabi nyo? Hindi ko naman makita, e." naiinis na tanong ko sa kanya."Hindi mo nakita anak kong shunga?" tumango ako. "Baka naiwan ko sa ilalim ng lamesa. Tinignan mo na ba dun?" tumango ulit ako. "Eh sa kubeta? Sa likod ng pintuan? Sa likod ng bahay? Sa garden? Hindi mo ba nakita ang ref natin, dun?""Wala, Inay." sagot ko."Ay! Baka namissed place ko na naman 'yun ref natin. Hayaan mo na, bukas susulpot ulit 'yun. Pinagalitan ko kasi kanina 'yun at baka nagtampo. Mag bukas ka nalang ng sardinas.""Ano pa nga ba magagawa ko."Nag bukas nalang ako ng sardinas tulad ng sinabi ni Inay. Habang binubuksan ko ang lata diary naaamoy ko na ang lansa ng sardinas. Pero dedma nalang ako. Mas malansa at nangangamoy pa din kasi sa sardinas na 'to ang pempem ko kaya immune na ako sa amoy.Habang kumakain ako bigla na namang nagsalita si Inay."Hoy Pilar. Nakasalubong ko pala kanina si Ninang Glenda mo. Kung gusto mo daw ba ng part time job since college ka ng gaga ka." "Saan naman daw? Baka naman kung anong part-time job yan. Naku, Inay, a. Ayokong mag benta ng katawan o maging dancer sa isang bar. Ayokong ding maging pusher ng shabu.""Eh pusher ng marijuana, keri?" tanong nya."Yea, keri lang." sagot ko saka sumubo ng kanin."Gaga ka talaga. Desenteng trabaho 'to. Natatandaan mo naman si Ninang Glenda mo, di ba?"Tumango ako. "Oo naman, Inay. Sino bang makakalimot sa pinakagalante kong Ninang? Sinong makakalimot kay Ninang Glenda na kapag umuuwi galing Japan ang laging binibigay sa akin nung bata ako ay isang pirasong chocolate at isang noddles." sarkastikong sagot ko kay Inay. "Hindi ko makakalimutan 'yang si Ninang Glenda. Sobrang galante nyan, e.""Ay bitter ang isa dyan, oh. Wag kana mabitter, anak. Malay mo naman ngayon malaki na ibibigay sayo 'nun since dito na sila sa Pinas nag-sstay. Kung hindi ko pa sya nakalubong sa palengke kanina hindi ko malalaman na dalawang tao na pala sila dito sa Pinas." pag kwekwento nya. "Ano gusto mo bang mag part-time job? Binigay nya sa akin 'yun address ng restuarant nya at ibigay ko daw sa'yo."Napaisip naman ako kung papayag ba ako sa sinabi ni Inay, diary. Kapag pumayag ako pag part-time edi ibigsabihin mababawasan na ang oras ko kay Josh? Mababawasan na ang date naming dalawa dahil dito. Pero maganda din 'tong opportunity na 'to para may pera naman ako at hindi na ako aasa sa binibigay ni Inay na bente na allowance ko araw-araw. Mabibili ko pa si Josh ng mas magandang regalo kapag monthsarry namin. Sige na nga papayag na ako."Sige na. Para naman may extra pera ako.""Good. Pumunta ka nalang dun bukas. Ikamusta mo din ako dun sa kinakapatid mo. Ano nga bang pangalan, nun?""Si Monjie. Pero Mong ang palayaw nya. Si Mong na monggoloid."Bigla akong natawa ng maalala ko si Monjie na kinakapatid ko, diary. Ako kasi nagbigay ng palayaw dun na Mong dahil hindi ko mabigkas ng maayos ang pangalan nya. Lagi ko din 'yung inaasar na monggoloid dahil nga singkit at anak ng hapon. Payatot pa sya nun at lampa kaya binubully ko. Lagi ko pa 'yun pinapaiyak nung mga bata kami dahil lagi kong pinaamoy sa kanya 'yun panty ko. Hay kakamiss naman si Mong. De bale, bukas naman siguro magkikita kami.Ngayon kaya pwede ko pa din ipaamoy sa kanya ang panty ko, diary? Ano na kayang itchura 'nun. Mukha pa din kayang monggoloid?Umakyat na ako sa kwarto ko at nag pahinga. Tinignan ko muli ang cellphone ko pero wala pa ding text galing kay Joshua. Ano bang nangyayari sa lalaking 'yun? Tsk. Makapagselfie na nga lang na nakanguso at tears pa. Hashtag hurt.Nung wala akong magawa binuksan ko nalang ang computer ko. Padala 'tong computer na 'to sa akin ni Itay nung bakasyon bilang reward sa graduation ng high school. Ang taray nga ng brand e, banana. Paborito ko pang prutas. (PLAY JIREH LIM'S PAGSUKO WHILE READING THIS PART! THANKS! :DD)Pag bukas ko ng facebook agad kong tinignan ang profile ni Josh. May status syang kakapost lang 30 minutes ago.I'm such a jerk.Ang daming likes na agad ng status ni Josh ko, diary. Famous talaga 'tong boyfriend ko. Samantalang ako kasi kapag nag status walang nag-la-like. Kundi ko pa imemessage isa-isa 'yun mga friends ko online hindi sila maglalike. Yun iba ko pang minemessage minumura ako. Tse! Mga snob.May isang comment ang nakalagay sa status ni Josh, diary. "Queen Monica Gordon." sabi ko ng binasa ko ang pangalan nung babaeng nag comment sa status ni Josh ko. Sunod ko namang binasa ang sinabi nya. "You're not Josh. Trust me, you're not." may nakalagay pang kindat at sangkaterbang puso ang sinabi nung Monica, diary. Sino ba 'tong babae na 'to? Syempre hindi ako nagpatalo, diary. Nag comment din ako nang "You're not a jerk cause you're my universe Josh. Boom panes!" nag hintay ako ng ilang sandali pero walang reply si Josh. Mukhang offline na sya, diary.Nag message naman ako kay Josh at nagbabakasakaleng online pa sya at mag reply sya.Pilar Payoson : Josh ko, bukas pupunta akong bayan. Punta ako sa isang restaurant para sa isang part time job. Samahan mo ko, please? :)Nakita kong may lumabas na seen, diary. Online pa nga si Josh ko.Joshua is typing a message...Joshua : Hindi ako pwede, e. Sorry.Pilar Payoson : Aww. Ayos lang. Ano bang gagawin mo?Joshua : May lakad kami ni Mommy, Pipay.Pilar Payoson : Ah, sige. Teka maitanong ko lang. May problema ka ba? Para kasing wala kang gana.Joshua is typing a message..Yan lang ang lumalabas diary at medyo natagalan ang sunod na reply ni Josh.Joshua : Pipatulog na ako ni Mommy, Pipay. Maaga pa kasi kami aalis bukas. Goodnight na..Pilar Payoson : Sige. Goodnight din. Kung may problema ka sabihin mo agad sa akin, ah? Willing akong makinig, Josh ko. Ako girlfriend mo kaya makikinig ako.Seen 10:32Pilar Payoson : Lagi mo tatandaang mahal na mahal kita. Hihi. I'm here for you always, Josh.Seen 10:40Pilar Payoson : I love you to the pempem and back and forth.Seen 10:45Pilar Payoson : Mahal na mahal kita kahit hindi ko naiintindihan ang nangyayari sayo ngayon. Andito lang ako at iintindihin ka, Josh. :'(Pipindutin ko nalang ang enter diary para masend ang last message ko for Josh pero hindi nalang. Binura ko nalang ito at pinalitan.Pilar Payoson : Goodnight na. Kitakits nalang sa monday. Mag load ka na ah? Love you biri mats.Seen 11:00Mukhang wala ng planong mag reply si Josh diary kaya nag log out na ako ng facebook at pinatay ko na ang computer. Kinuha ko ang cellphone ko saka nahiga sa kama. Tinignan ko 'yun mga photos namin ni Josh na nasa cellphone ko at inalala 'yun mga pinagdaanan naming dalawa. Hindi dapat ako makaramdaman ng ganito, diary. Alam kong may problema lang si Josh kaya kailangan kong hintayin paliwanag nya.Tama. Be strong Pipay.Pero okay lang namang umiyak diba?Bakit ko pa ba tinatanong sarili ko, diary? Eh tumulo na nga luha ko ng kusa e.Papikit na ang mata ko nang biglang mag ring ang cellphone ko. Agad akong napatingin sa screen para tignan ang caller at nabasa kong si Josh ko ang tumatawag."Hello.." nanginginig ang boses ko ng sagutin ko ang tawag nya.Hindi agad sya nagsalita diary. Tahimik lang sa kabilang linya kaya muli akong nagsalita."Josh..""Pipay.." parang garalgal ang boses nya. Galing ba sya sa pag-iyak? "I'm so sorry.. I love you so much pero sorry..""Bakit?" tanong ko sa kanya"Wala 'to.. Goodnight na. Sige matulog kana at goodluck bukas..I love you..""Josh---"Magsasalita pa sana ako kaso pinatay na nya ang tawag nya. Hindi ko talaga sya maintindihan. Sana kung ano man ang problema nya, hindi maapektuhan ang relasyon namin. Kasi paniguradong hindi ko kakayanin.Naramdaman ko na naman na tumulo ang luha ko, diary.Muli ko nalang pinikit ang mga mata ko at sinubukang matulog.Para kahit papaano matakasan ko 'tong kirot sa dibdib ko.Goodnight, diary.Love,Pipay.####################################Malandi 6####################################Dear Diary,Ang aga ko nagising diary ngayong araw. Nung madaling araw kasi bigla akong nagising at umiiyak. Napaginipan ko kasing iniwan na daw ako ni Josh at pinagpalit sa mas magandang babae kesa sa akin. Parang makatotohanan ang panaginip kong 'yun dahil pati pag mulat ko puro luha ang gilid ng dalawang mata ko. Hindi ko kinaya 'yung pisting nightmare na 'yun dahil hindi na ako nakatulog pag tapos 'nun. Sa sobrang pangit ng panaginip ko, diary, pag hawak ko panty ko basang-basa na. Napaiyak din ang pempem ko dahil sa panaginip ko.Eto ang nakakatakot kapag sobra mo ng mahal ang isang tao, e. Wala kang assurance na forever ka nyang mamahalin. Paano kung isang araw nagising ka nalang na sobrang mahal na mahal na mahal mo na sya habang sya nagising nalang bigla na wala ng nararamdaman sayo? Sobrang nakakatakot, di ba? Pero wala tayong magagawa kundi mag-invest ng trust sa kanila. Hindi trust na condom, diary. Gaga ka talaga forever. Kundi tiwala. Kailangan mong ibigay lahat ng tiwala mo sa kanya kasi mahal mo sya at aasang hindi ka nya sasaktan.Ano bang mga naiisip ko, diary. Puro negative chorva ang pumapasok sa maliit kong kukote. Nabubulok na ata, e. Pero syempre wala pa ding tatalo sa pagkabulok ng pempem ko. Ang pempem ni Pipay magpapatalo sa amoy? Never of course. As in itaga nyo sa birdie ng boyfriend ko 'yan. Hihihi.Anyway, diary. As usual umaga na naman kaya rumaratsada na naman ang mala-kanyon na bunganga ni Inay. Sermon na naman nya ang inalmusal ng pretty na tulad ko. Hays, kailan ba titigil si Inay sa kakasermon sa akin? Dalaga na naman ako, e."Ang tanda-tanda mo ng gaga ka pero umiihi ka pa din sa kama mo. Ano ba Pilar? Tumatanda kang paurong. Nakakagigil ka na talaga, e. Sarap mo gawing punching bag!" nag patunog pa si Inay ng kamao nya at handa na sya para paulanan ako ng mga suntok. Agad akong lumayo sa kanya dahil mahirap tamaan ng kamao na galing sa isang former boxingera. "Hindi naman ako umihi, Inay." sagot ko sa kanya "Nagka-bad dream kasi ako kanina. Sa sobrang pangit ng panaginip ko, naiyak pempem ko. Sad nuh?" "Puta ka! Bad dream kapang nalalaman na bata ka. Wag kang matakot sa bad dream dahil mas bad pa din ang breathe mo." sigaw nya sa akin habang tinatanggal ang sapin ng higaan ko. "Ikaw maglaba nitong sapin na 'to. Isusungalngal ko sayo 'to. Ang baho-baho ng higaan mo. Basura ba katawan mo?" "Inay naman..""Don't Inay naman me." sigaw na naman nya "Pati 'yang mga panty mong nangingitim na ang mga gilid at garder ikaw na maglaba. Sumasakit ang braso ko kakakusot dyan pero hindi ko mapaputi." palabas na sya ng kwarto, diary."Inay naman..""Isa pang Inay naman mo kita mo, makikita mo hinahanap mo." tinitigan nya ako ng masama kaya hindi na ako sumagot.Nung tuluyan ng nawala si Inay sa kwarto ko diary, sinimulan ko ng kunin ang mga panty ko. Nahirapan pa akong kunin dahil puro langaw na ang laundry basket ko at may ilang daga pa. Sa sobrang sarap ng panty ko pinag pepyestahan na sya ng mga peste. Masarap din kaya pempem ko? Si Josh kasi ayaw pa tikman, e. Hihi. Charot lang! Aga-aga kung anu-ano agad naiisip ko. Wag ganyan, Pipay. Magagalit si Bro.Bumaba na ako ng salas namin habang hawak-hawak sa dalawang kamay ko ang mga panty kong lalabhan ko. Bigla akong may narinig na sigawan kaya agad akong napatingin sa bintana ng sala. Agad kong nakita si Inay na nakikipag-basag ulo na naman kay Aling Petra. Si Aling Petra na number 1 nyang kaaway at laging kabag-ulo namin. Pinapalibutan na naman sila ng mga tricycle driver sa tapat ng bahay at mukhang pinagpupustahan na naman kung sino ang mananalo sa pag susuntukan 'nung dalawang war freak.Lumabas ako sa may pintuan para matanaw ko ng maayos ang pakikipag suntukan ni Inay. Kitang-kita ng dalawang pretty kong mata kung paano gumawa ng moves si Inay at paulanan ng sunod-sunod na upper cut at lower cut si Aling Petra. Hindi agad napansin ni Aling Petra 'yun mga suntok na ginawa ni Inay at lahat 'to tumama sa katawan nya."Oh! 40% nalang ang buhay mo, Mare." sabi ni Inay kay Aling Petra habang naka-porma pa si Inay."Anong 40%?" sagot naman ni Aling Petra kay Inay habang pinupunasan nya 'yun dugo sa gilid ng labi nya. "Anong pinagsasabi mo, Mare?""Gaga kunwari nga nasa Street Fighter tayo, e. Diba ganun sa street fighter? May percentage ang buhay tapos nababawasan kapag nasusugatan sila? Utak nga Mare." pambabara naman ni Inay."Ay ganun ba, Mare? Sige, sige para cool ang pag susuntukan natin. Basta ako si Chun-Li, ah?" sabi naman ni Aling Petra."Ikaw si Chun-Li? Eh sino naman ako?" nag crossed arms pa si Inay saka nag pout. Hala na pa-cute pa 'tong matandang 'to. Boksingera ka Inay at hindi artista. Ilusyunadang oldie."Hmmm. Ikaw nalang si Undertaker, Mare." "Maganda ba si Undertaker?" tanong ni Inay kay Aling Petra."Oo pretty 'yun, Mare." "Osige gow. Laban na ulit tayo!" Napa-face palm nalang ako nung pumayag si Inay na sya si Undertaker. Seryoso, Inay? Hindi mo alam na walang undertaker sa street fighter? Akala ko pa naman fan ka 'nun. Sumugod ulit si Inay at tinadyakan sa sikmura si Aling Petra. Agad naman syang natumba sa kalsada at pinag uuntog ni Inay sa bato ang mukha ni Aling Petra. Nag talsikan ang kulangot, tinga, at bulok na ngipin ni Aling Petra. Kaderder. Hinang hina na si Aling Petra kaya natapos na ang laban at inannounce ng mga tricycle driver na si Inay ang nanalo. Ang loka-loka ko namang nanay ang lapad ng ngiti kahit may malaking black eye sa mata at putok ang labi dahil sa pakikipag basag ulo nya."Okay ka lang, Inay?" tanong ko sa kanya nung nilampasan nya ako papasok ng bahay."Ako pa ba? Malakas ata 'to." sabi nya saka naka-thumbs up pa. "Ako mapapatumba ni Petra? Ako pa talaga ah? Ang lakas-lakas kaya ng---" hindi pa natatapos ni Inay ang sinasabi nya at bigla na syang bumulagta sa sahig ng sala. "Oh ano? Magyayabang pa, Inay? Tse." inirapan ko nga sya at hinayaang matulog.Kailan kaya titigil si Inay sa gawaing ganyan? Mukhang matagal pa, e. Mahirap talagang pigilan ang isang tao sa bagay na gusto nitong gawin. Pangarap ni Inay 'yan, e. Suportahan nalang.Dumiresto na ako sa likudan ng bahay at nilagay sa washing machine 'yun mga panty ko. Sinabi ni Inay na wag na wag ko daw isasama o ilalagay sa washing machine ang mga panty ko dahil hindi kakayanin. Pero dahil matigas ang kukote ko, diary. Nilagay ko pa din. Anong oras na kasi at kailangan ko pang pumunta dun sa magiging part time job ko.Tumalikod na ako at nagsisimulang bumalik sa loob ng bahay nang mapatigil ako sa paglalakad. Narinig ko kasing biglang inubo 'yun washing machine namin at sinuka palabas ang mga panty ko. Pati washing machine hindi na natake.After ko mag-ayos sa sarili...joke! Hindi pala ako nag-ayos. Naligo lang ako saka umalis na ng bahay. Oh, wag shunga! Syempre nag damit pa ako. Wala na akong suot na panty. Joke lang ulit! May suot naman ako kahit puro nasa labahan ang mga panty ko. Kumuha ako ng isang brief sa damitan ni Popoy at 'yun nalang ang sinuot. Dedma nalang kahit naka-brief ako. Wala namang makakaalam, e. Unless ipakita ko sa mga taong makakasalubong ko. Hihi.Pumunta na ako sa sakayan ng jeep na papunta sa kabilang bayan. Medyo malayo ang restaurant ni Ninang Glenda dito sa lugar namin kaya kailangan ko pang bumyahe ng mahigit isang oras. Habang nag hihintay ako biglang may huminto na motor sa harapan ko at sumilay sa dalawang pretty kong mata ang isang napakagwapong nilalang, diary."Josh ko? Josh ko?" pag banggit ko ng pangalan nya. Nanlaki pa ang mata ko at parang hindi makapaniwala sa nakikita ko. "Oh bakit hindi ka makapaniwala, Pipay ko?" natatawa nyang sagot sa akin. Kinusot kusot ko pa ang mata ko saka tinitigan muna si Josh. Nakangiti sya ng malapad habang nakaupo pa din sa motor nya. Bumabakat tuloy ang malusog na patola ng boyfriend ko, hihi. Pwede pakurot sa patola, Josh? "Akala ko hindi mo na ako naaalala, e." naiiyak kong sabi sa kanya "Akala ko nakalimutan mo ng may girlfriend ka." Bumaba si Josh sa motor nya saka lumapit sa akin. Magkalapit na kaming dalawa kaya nakatingala ako sa kanya. Nakangiti pa din sya at nakatingin lang ng diresto sa mga mata ko."Pwede ko bang makalimutan ang girlfriend ko? Pwede ko bang makalimutan ang panget mong mukha..Aray..Joke lang, e." kinuort ko sya sa tagiliran nya. "Buti naabutan pa kita. Galing ako sa bahay nyo, e. Wala kana pala dun. Si Tita Tinay lang naabutan ko at natutulog sa sahig. Mukhang nakipag bugbugan na naman.""Ano pa bang aasahan mo kay, Inay? Wala." sagot ko. "Teka bakit mo pala ako pinuntahan? Sasamahan mo ba ako sa part time job ko?"Umiling sya. "Namimiss lang kita. Lately naging cold ako sayo dahil sa problema ko. Ayaw ko lang idamay ka. Kaya I think I deserve you an apology. Sorry na my girlfriend. Sorry for taking you for granted. Sorry dahil ang gago ko. Sorry. Sorry.." sunod sunod nyang sabi sa akin.Agad ko syang hinalikan sa labi nya saka ngumiti. "Hindi ka pa humihingi ng tawad, napatawad na kita. If you love your boyfriend so much, you must understand him even in the most complicated times. Quote 'yan, Josh ko. Itweet mo using #DNHMSL2. Thank you, boyfriend."Nilabas naman ni Josh ang cellphone nya at nag type. "Na-tweet ko na." saka sya ngumiti sa akin."Sige na Josh ko. Ayan na 'yun jeep, oh. Baka malate ako sa lakad ko." sabi ko sa kanya."Sige." lumapit sya sa akin saka hinalikan ako sa labi. "Damn. I'm addicted to your lips, Pipay.""Hihihihi. Alam mo secret ko?" umiling sya "Once a week lang ako mag toothbrush kaya masarap ang labi ko." biglang nagbago ang expression ng mukha ni Josh. Parang nasusuka. Sinuntok ko nga sya sa sikmura. "Joke lang! Di kana mabiro.""Joke lang din. Alam mo naman na kahit hindi ka mag toothbrush o maligo, ikaw pa din ang mamahalin ko, e." yinakap nya ulit ako ng mahigpit. "Alam mo naman na at the end of the day, It's always you.""Aba dapat lang!" sabi ko sa kanya "Putol patola kapag nagloko ka." pagbibiro ko sa kanya. Biglang natahimik si Josh saka ngumiti ng tipid."Hinding hindi ako magloloko." sabi nya pero hindi nakatingin sa akin."Okay lang naman kung magloko ka Josh, e. Pero sabihan mo muna ako para maihahanda ko ang sarili ko na masaktan." tumawa ako. "Ayan na 'yun jeep. Sakay na ako." nag nakaw pa ako ng kiss kay Josh bago tuluyang sumakay ng jeep.Sayang, diary. Sana pala hinawakan ko din ang patola ni Josh bago sumakay ng jeep. Hindi naman sya makakaangal sa akin dahil nakatakbok na ako, e. Hihihi.Magkatinginan lang kami ni Josh ko habang umaandar ang jeep, diary. Kumakaway pa si Josh habang ako nag flying kiss pa. Namiss ko boyfriend ko. De bale sa susunod na araw lunes na kaya magkikita na ulit kami agad.Habang nakasakay ako sa jeep bigla kong naalala 'yun panaginip ko, diary. Yun iniwan ako ni Josh at sumama sya sa magandang babae. Parang tinusok agad 'yun puso ko dahil sa ideyang 'yun. Sa totoo lang diary parang hindi ko kakayanin na mangyari 'yun. I mean, masyado akong masasaktan panigurado. Gwapo si Josh at hot. Malamang marami talagang babae ang lumalandi sa kanya at hindi nya lang sinasabi. Kailangan kong ihanda ang sarili ko pero makakaya ko kaya? Makakaya ko kayang gumising nalang bigla isang araw na hindi ko na sya pag-aari?Naramdaman ko na namang naiiyak pempem ko, diary, kaya agad ko 'tong pinigilan.Subukan mong lumuha, pempem. Susuntukin ko noo mo pag-uwi natin sa bahay.Nung dumating na ako sa kabilang bayan diary pumara na ako at bumaba ng jeep. Tanaw ko agad 'yun restaurant na sinabi ni Inay. Ang ITKAMUNA na restaurant na pag-aari nila Ninang Glenda. Lumakad na ako at pumunta dun.Isang babaeng may blonde na buhok ang naabutan ko sa may counter. "Ninang Glenda?" sabi ko.Naagaw ko naman agad ang pansin nya at napatingin sya sa akin."Pipay, ikaw ba 'yan?" halos hindi nya makapaniwala na tanong sa akin. Tumango ako saka ngumiti. "OH MY GOD! Ang laki-laki mo na." lumabas sya ng counter saka lumapit sa akin at yinakap ako ng mahigpit."Anong amoy 'yun? Ang baho." bulong nya sa sarili nya pero narinig ko din naman. "Ang laki-laki mo na, Pipay. Ang laki-laki mo ng bata ka.""Puro laki-laki lang naririnig ko sa inyo, Ninang. Wala bang ang ganda-ganda mo naman, Pipay. Lumaki kang maganda.""Wala." sagot nya agad "Hindi ako liar. Kung yun ibang babae lumaking maganda, pwes ikaw lumaki lang." pambabara nya."Haha. Funny." sagot ko. "Anyway, Ninang Glenda, andito ako para tanggapin 'yun part time job. Ano bang trabaho ko?""Kulang kasi ng puno ang restaurant ko. Kaya ang trabaho mo ay isa kang kunwaring puno. Tatayo ka dun sa sulok mag hapon at aastang puno.""Seryoso ba 'yan?""Char lang gaga." binatukan nya pa ako. "Syempre waitress ka.""Yun naman pala, e." sagot ko naman "Teka Ninang. Asan pala si Mong? Gusto ko sya makita. Mukhang mongoloid pa din ba sya?""Ayiiih... Hindi na 'nuh. Lumaking gwapo si Monjie, Pipay. Baka kapag nakita mo 'yun maglaway ka." humalkhak pa sya. "Sandali tatawagin ko. Nasa taas kasi at nagpapalaki ng katawan. Alam mo naman 'yun masyadong conscious sa katawan nya dahil sa pang-aasar mo." saka lumapit si Ninang Glenda dun sa may hagdanan at sumigaw. "Monjie! Monjie! Andito na si Pipay. Bumaba ka na dyan.""Sandali lang, Ma." Shet, diary. Boses ba talaga ni Monjie 'yun? Bakit ang gwapo ng boses nya? Parang hindi pag-aari ng kinakapatid kong lampayatot at gusgusin nung mga bata palang kami.Nakatitig lang ako sa hagdanan, diary. Bumilis 'yun pintig ng puso ko ng may marinig akong kalabog na pababa na si Mong. Hindi mapakali ang pempem este puso ko dahil sa excitement hanggang tuluyan na syang makababa at masilayan ko ang kakisigan ni Mong."Hindi nga Ninang Glenda. Joke time ba 'to? Asan si Mong? Yun kinakapatid kong payatot?" sabi ko kay Ninang Glenda.Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, diary. Shutang inerns talaga, oh! Si Mong ba talaga 'to? Bakit ang gwapo-gwapo nya? Parang japanese actor? Tas yun katawan, diary. Pakbet! Pak na pak at bet na bet ko. Pang model. Talo pa ang katawan ng Joshua ko. Ang yummy ng pandesal, diary. Kung ganito ang almusal ko araw-araw, aba walang problema."Pipay laway mo tumutulo." narinig kong sabi ni Mong. Nakangisi sya diary at nakatingin sa akin. Ang singkit-singkit ng mata nya. Ay malamang! Half japanese, e. Bobo ka Pipay?"Tse." inirapan ko sya at isang tawa lang ang sinagot nya sa akin diary."Wala ka bang basketball practice ngayon, anak?" nagsalita si Ninang Glenda.Umiling naman si Mong. "Wala, Ma. Pina-cancel ni Monica, e. Dapat ngayon nya ipapakilala 'yun bagong recruit nya sa team kaso sa sunod na practice nalang daw. May date ata sila.""Naku naman. Aba 'yang babae na 'yan mukhang may boyfriend na ah. Buti hindi ka na kinukulit?""Asa naman sya. Hindi ko sya trip." sagot naman ni Mong. "Saan ka pala nag-aaral, Pipay?""Sa SOGO." mabilis kong sagot habang nakatingin sa abs ni Mong. Ang sarap ng abs nya diary. Huhubells. "Di nga?" nagulat na sagot ni Mong. "Dun din ako nag-aaral." ngumiti si Mong."Shet! Destiny na ituuu." sabi ko."BOOOM MALANDI!" sagot naman ni Ninang Glenda saka tumawa.Shutang inerns lang diary. Hindi ko ineexpect na school mate ko pala 'tong gwapo at yummy kong kinakapatid.Destiny na ba ituuu?I think, yes. Char! Loyal ako kay Joshua 5ever.Hanggang dito nalang muna, diary.Mukhang mag-eenjoy sa restaurant na mapapasukan,Pipay.Ps. Diary anong masarap na palaman ang pwedeng ilagay sa pandesal ni Mong sa tyan nya? Hmmmmm....####################################Malandi 7####################################Dear Diary,Hindi maalis ang malagkit na titig ko kay Mong, diary. Para syang magnet na tinutukso ang dalawang magkabilang hita ko para buksan ang itim na kweba at pasukin nya ang aking kayamanan. Nakakailang beses ko na ngang sinusuntok ng palihim mula sa ilalim ng lamesa ang dalawa kong malalanding hita para lang mag hunos dili pero walang epekto. Lahat ata ng parte ng katawan ko malandi diary, e."Anong course mo, Pipay?" tanong sa akin ni Mong habang nakaupo kami sa hapagkainan at kumakain ng pananghalian. Nasa maliit lang kaming bilog na lamesa at magkaharap. Natutukso tuloy akong tumingin sa ilalim para silipan si Mong dahil manipis na boxer lang ang suot nya kaso wag nalang. Baka kapag nahuli nya ako bigla nyang isaksak sa mata ko 'yun hawak nyang kutsilyo, diary. So scary. "Bachelor of Science in Business management," feeling matalino kong sagot sa kanya. Nag flips hair pa ako para kunwair sosyal ako."So kapag graduate kana anong trabaho mo?" ngumisi si Mong. Kitang kita ko tuloy ang mga ngipin nyang sing-puti ng brief nya. Bakit ang ayos ng ngipin ngayon ni Mong, diary? Unlike before ng mga bata kami na puro sungki."Promodiser sa mga mall," proud kong sagot kay Mong, "Gusto ko kasi mag suot ng maikling skirt habang may hawak na product ng company. Tas sasabihin ko 'Miss try nyo ang aming product. Hindi kayo magsisisi.' ganun. Ang slow-slow mo, Mong. Kainis ka. Hawakan ko patola mo, e. Hihi." humagikgik pa ako."What? Anong patola?" "Wala. Sabi ko ang gwapo mo." Nakita kong ngumiti si Mong diary saka napa-iling nalang sa sinabi ko. Naramdaman ko namang nag vibrate ang phone ko kaya hinugot ko 'to mula sa panty ko. Oo tama ka diary. So panty ko tinatago ang cellphone ko kapag walang bulsa ang suot kong pantalon. Inangat ko ang cellphone ko at may nakita akong dalawang buhok sa may screen. Saang buhok kaya 'to?"Ano 'yan?" tanong ni Mong habang nakatingin sa buhok na hawak ko, "Saang buhok 'yan?""Ewan ko," nag hibik balikat ako "Amoyin mo dali para malaman natin kung saan buhok 'to." nilapit ko sa kanya 'yun buhok pero lumayo sya at parang nandiri."Sore wa iyada!!" sigaw nya saka hawak pa ang ilong nya."Ano? Minumura mo ba ako, ha?" "Sabi nya kadiri daw." biglang sumagot si Ninang Glenda na kabababa lang mula sa 2nd floor nila. "Anong kadiri, anak?""Yun buhok, Ma. Pinapaamoy sa akin ni Pipay. Hindi ko naman alam kung saan galing 'yun, e." diring-diri na sabi ni Mong."Akala mo ikaw lang marunong mag japanese, ha! Marunong din ako." pagmamalaki ko."Sige nga, Pipay. Magsalita ka ng japanese. Make your Ninang proud. C'mon, Make your Ninang Proud." pag cheer sa akin ni Ninang Glenda."Malakisusoko desu." mabilis na sabi ko "Saka mabangopempemko deka. Taray ko diba?" "Ha?" nagkatinginan si Monjie at Ninang Glenda sa isa't isa at nagtawanan. Halos napapapikit na si Monjie dahil sa sobrang tawa. Ano kayang nakakatawa? Ako ba tinatawanan nila, diary? Kainis ka, ah. Nung nakatingala pa din sya dahil sa sobrang tawa bigla kong nilagay sa plato nya 'yun dalawang buhok na hawak ko. Ayan kainin mo ang buhok ko na hindi ko alam kung saan nag mula."Biliisan nyo na dyan kumain at bilhin nyo na 'tong mga kailangan sa restaurant," nilapag ni Ninang Glenda 'yun papel na punong-puno ng mga bibilhin namin ni Mong.Nung natapos kaming kumain ni Mong diary ako na nag prisinta mag hugas ng plato. Nagpaalam sa akin si Monjie na maliligo na daw sya para makaalis na kami agad. Habang naghuhugas hindi ko makita 'yun sabon sa plato nila kaya todo hanap naman ako. Pag bukas ko ng cabinet may nakita akong Phcare, diary. Kinuha ko 'to at inamoy."Hmm.. Not bad pang hugas ng plato," sabi ko sa sarili ko "Multi-pupose naman ang Phcare diba? Gamit ko nga to as shampoo, body scrab at kagabi facial wash. Siguro pwede na din 'to pang hugas ng plato." Binuhusan ko ng sankatutak na Phcare 'yun mga platong kinainan namin ni Mong at nag enjoy sa paghuhugas. Hindi masyadong bumula 'yun phcare sa plato kahit todo kuskos na ako pero dedma nalang. Ang importante mawala ang lansa at amoy na naiwan sa plato.Nung natapos na ako sa paghuhugas nilagay ko na 'to sa may cabinet. Ayos. Ang sipag ko talaga, diary.Inikot ko naman 'yun buong bahay nila Ninang Glenda habang hinihintay si Mong. Napatingin ako sa dingding nila na punong-puno ng picture ng kaisa-isang anak ng Family Tiramoko-Tirakita. Apelido ni Ninang 'yun Tiramoko nung dalaga pa sya. Half japanese din kasi si Ninang. Habang 'yun Tirakita naman ay apelido ng napangasawa nya. Ang kyoot pala ng name ni Monjie, diary. Monjie Tiramoko Tirakita.Kapag nagising asawa ko pala si Monjie magiging Pilar Payoson Tirakita ako. Hihi. Perpek! Pero syempre joke lang 'yan. Mas bet ko pa din na Manalo ang magiging apelido ko. Sympre forever #JoPay ata 'to diary. Si jOsHu4 Lh4Rn Zh4p4T nH4 fOr3v3r. Walang titibag. Lahat ng babangga magigiba. Pilar Payoson ang Queen Maldita b3nT3 tR3s ng Brgy.Lhas Phag. Hihihihi.So anyway, diary. Balik tayo sa pagtingin ko sa mga larawan ni Mong simula ng bata pa sya. Hindi ko talaga inaasahang gagwapo ng ganyan 'yang lalaking 'yan. Parang isang himala ang nangyari. From mukhang mongoloid naging ultra hot ang loko. From katawang patpatin naging ultra sexy and hot ang body nya. Rapsey, diary. Bigla tuloy tumulo 'yun laway ko sa isang picture frame na hawak ko na may larawan ni Mong na nashort lang sya at nag picture sa isang salamin. So hot talaga, diary. (Picture ni Mong na pinaglalawayan ni Pipay ay nasa multimedia. Landi talaga ng gaga)Agad kong pinunasan 'yun laway ko na tumulo sa picture frame, diary. Binalik ko na din sa dingding 'yun picture at umakyat naman sa 2nd floor ng bahay nila Ninang Glenda. Hindi ko maiwasang hindi ma-amaze sa mga nakikita kong design ng bahay nila Mong, diary. Kahit kasi nasa Pilipinas sila hindi nawawala ang Japanese culture at design sa bahay nila. May mga gamit sila na galing Japan. Magkano kaya bentahan ngayon ng ganito, diary? Magnakaw kaya ako at ibenta ko. Charot! Baka mahuli ako at isaksak sa lalamunan ko 'yun samurai na nakalagay sa gilid. Hmm, pwedeng samurai nalang ni Mong ang isaksak nya sakin? Hihihi.Diary napadaan naman ako sa isang kwarto na medyo nakabukas ang pintuan kaya pumasok ako. Hindi ko alam kung kaninong kwarto 'to at hindi naman siguro ako mapapagalitan if ever pumasok ako, di ba? Dahan-dahan akong pumasok sa loob at nabanguhan sa amoy ng loob ng kwarto. Parang amoy ni Monjie kanina. Inikot ko ang mata ko at may nakita akong gamit sa pag gi-gym, diary. May picture din na nakasuot lang ng brief si Mong sa gilid. Emeged. Mukhang kwarto nya 'to, ah?Habang iniikot ko ang mata ko biglang may lumabas sa isang pintuan na banyo pala. Nagulat si Mong dahil siguro hindi nya inaasahang nasa loob ako ng kwarto nya pero agad itong ngumiti at dumiresto sa tapat ng cabinet. Hindi ko maalis ang paningin ko sa katawan ni Mong, diary. Jusko! Napa-sign of the cross ako ng wala sa oras dahil tanging puting towel lang ang nakatapis sa patola nya. Bakat na bakat pa din ang kakisigan ng pwetan ni Mong. Taray! Ang pogi ng pwet."Lalabas muna ako para makapagbihis ka," sabi ko sa kanya saka tumalikod. Palabas na sana ako ng pintuan nang mapahinto ako dahil nagsalita sya."Wag na. Bakit ka pa lalabas?" napatingin ako sa kanya at may ngisi sa labi ni Mong, diary. OMG!"Eh kasi mag bibihis ka, di ba?" tanong ko sa kanya. Napansin kong hawak-hawak na ni Mong 'yun dulo ng tuwalya at handa na nya itong tanggalin."Sus! Wala namang malisya kahit makita mo 'to," saka nya tinanggal ng mabilisan 'yun towel at hinagis sa mukha ko. Agad kong tinanggal ang towel at nakita kong nakasuot na pala ng boxer si Mong. Kaya pala ang lakas ng loob ng mongoloid na 'to."Bilisan mo na dyan at baka gabihin na tayo.." sabi ko sa kanya saka lumabas ng tuluyan ng kwarto nya.Hindi naman 'yun ang talagang sasabihin ko, diary. Dapat bilisan mo na dyan at baka magahasa kita ng wala sa oras. Kaso dahil kaya ko pang pigilan ang sarili ko hindi ko na sinabi. Ayokong lokohin si Josh dahil sya lang ang gusto at mahal ko.Lumabas na si Mong at nakaporma. Hindi ko maalis sa sarili ko na purihin lalo ang kakisigan ng lalaking 'to."Oh bakit ganyan ka makatingin, napopogian ka sa akin, nuh?" natatawang tanong ni Mong habang nag susuklay."Seryoso, Mong. Paano ka naging gwapo at paano naging ganyang ka-hot ang body mo? Any tips?" tanong ko,"Tips? Wala naman," sabi nya "Siguro bwisit lang ako sayo nung mga bata tayo dahil sa pangangasar mo sa akin. Saka sabi mo kaya nuon na kapag pangit ako paglaki natin ipapaamoy mo ulit ang panty mo sa akin. Syempre natakot ako kaya nag pursige ako para maging gwapo." nag pogi sign pa sya saka ngumisi.Yun pala ang dahilan nya. Ayaw nyang maamoy ang panty ko. Kainis sya diary, nuh? Ang choosy pa. Panty ko na ayaw pa? Pilar Payoson na tinatanggihan pa? Heller Monjie, ang daming lalaking naghahabol sa ganda ko.Umalis na kami ng bahay nila Monjie at dumiresto na sa pinakamalapit na mall. Nakasakay kami sa kotse na pag-aari ni mongoloid. Tahimik lang ako nang bigla kong maalalang may text pala kanina sa cellphone ko. Nilabas ko ito saka binasa.Galing sa Josh ko ang message, diary.Nakakainis si Mommy, Pipay ko. Kanina pa kami palakad-lakad dito sa Malla. Anyway, kamusta ang part time job mo? Kailan ka daw magsisimula?Nireplyan ko naman sya agad kahit late ko ng nabasa text nya. Sinabi ko lahat ng napag-usapan namin ni Ninang Glenda hanggang pag punta namin ngayon ni Mong ng mall. Tinitigan ko lang cellphone ko at hinintay na baka magreply agad si Josh ko pero hindi sya nag reply. Siguro busy lang talaga si Josh ko habang kasama ang bruhilda nyang nanay. Kahit kailan talaga badtrip sa buhay ko nanay ni Josh, e. Ipatumba ko na kaya 'yun?"May boyfriend ka ba, Pipay?" bigla kong narinig na tanong ni Monjie, diary. "Meron." sagot na "Seven months na kami,""Hindi nga?" tumingin sya sa akin na parang hindi makapaniwala, "Sa pangit mong 'yan may boyfriend ka?""Eh kung hubarin ko panty ko dito at isaksak ko sa bibig mo para manahimik ka?" inis na sagot ko sa kanya."Eto naman hindi mabiro. Joke lang." tumawa sya "Nice may boyfriend pala ang kinakapatid ko. Dapat sa boyfriend mo hindi ka paiyakin, ah? Babanatan ko 'yan kapag pinaiyak ka.""Awww natouch ako. Pakurot pala sa kaliwang eggyok mo bilis." pagbibiro ko sa kanya."Baliw!" sabi nya "May kaklase kasi akong may girlfriend na pero mukhang nakikipaglandian dun sa isa naming kaklase. Kawawa naman 'yun girlfriend nya.""Ay sa akin hindi pwede yan." sagot ko "Saka never akong lolokohin ng boyfriend ko. Mahal na mahal ako 'nun, e. Hihihi.""Good."Lumabas na kami ni Mong nung nasa tapat na kami ng mall at dumiresto sa grocery. Bumili kami ng mga pinapabili ni Ninang Glenda. Nung natapos kaming mag grocery nag hanap naman kami ng coffee shop at ililibre nya daw ako. Pumayag naman ako since first ko palang makakainom ng mamahaling kape.Agad naman kaming may nakitang coffee shop, diary. Pumasok kami saka pumunta sa harapan para umorder."Coffee jelly nga 'yun venti. Sayo Pipay ano?" "Sa akin, Hmmm." sabi ko naman saka nag-isip ng kape. "Yun nescafe 3-in-1 nalang ah? More sugar, please.""Po?" sagot ng cashier."Coffee jelly na din sa kanya, Miss." biglang sagot ni Mong saka natawa. Ano kayang nakakatawa?Nag hintay kami ng ilang minuto bago dumating 'yun order naming kape, diary. Nagpaalam muna ako kay Monjie na magbanyo muna ako dahil kanina pa ako ihing-ihi nung nasa grocery palang kami. Pag pasok ko ng banyo may isang magandang babae ang nagsasalamin at may kausap sa cellphone nya. Hindi ko nalang sya pinansin dahil baka mainggit sya beauty ko. Pumasok nalang ako sa isang cubicle."Yeap! We're on a date... I know.. Believe kana ba sa akin? Sabi ko sayo girl, e." rinig na rinig kong tumatawa si ateng pretty na halatang kinikilig. "I don't care if he has a girlfriend. Sooner than soon he'll be mine. Trust me.." Ay, shet. Relationship wrecker si ateng pretty, diary. Sarap hampasin ng wrecking ball ni Miley Cyrus ang kagaya nya."Okay..bye na.. Nag text na sya na nandito na sya sa coffee shop, e.. Naiwan ko kasi sa sinehan 'yun pouch ko at nag presinta naman syang babalikan nya at mag hintay nalang daw ako dito. He's so sweet. I'm such a lucky girl." pag kwekwento na naman nya "Okay.. Bye sis. See you on monday." narinig kong bumukas ang pintuan at mukhang lumabas na sya ng banyo.Hays buti naman dahil hindi ko matuloy ang pag-ihi ko dahil sa pagiging kerengkeng ng babaeng 'yun.Pag tapos ko mag banyo dali-dali na agad akong lumabas at bumalik sa table namin ni Monjie. Hindi pa ako nakakalapit nakita ko na agad si Mong na may kasama sa table namin. Isang babaeng nakatalikod mula sa gawi ko at isang lalaki din..Wait diary.. Parang kilala ko 'yun lalaki na 'yun, ah? Don't tell me, diary.."Oh andyan na pala 'yun kababata ko, e. Guys meet Pipay." pinakilala ako ni Mong sa babae at dun sa lalaking nakaharap sa kanya. Napaharap naman agad sa akin 'yun dalawa. Yun babae nakangiti sa akin at yun lalaki naman halos lumuwa ang mata dahil sa pagkagulat."Pi...Pay?" pag banggit ni Josh ng pangalan ko. Nakatitig lang sya sa akin at parang gustong maiyak dahil nahuli ko sya. "Let me explain,"Ngumiti ako sa kanya. "Explain, what?" patay malisya kong tanong."Wait..Seriously ang gulo.." sagot ng babaeng katabi ni Josh, "You and Josh knew each other?" tanong nya."Hindi lang kilala." sagot ko "Kundi kilalang-kilala.""Really?" sagot nya saka tumingin kay Josh. "Sino sya Josh?" humawak pa sya sa braso ni Josh.Shutang inerns ka! Wag mong mahawak-hawakan ang pag-aari ko."Girlfriend ko." sagot ni Josh."OMG!" "Hi, my name is Pilar Payoson aka Pipay. Hindi mo man kasing pretty pero sobrang funny naman. I'm one on the kind and not easy to find," pag introduction ko sa kanya "I'm his girlfriend. May probelam ka ba?""Ahh..Wala.." nauutal na sabi nya. Shutang inerns, diary. Gusto kong sampalin 'tong babae na 'to."Naiirita ako sa'yo sa totoo lang. Pwedeng pasampal?" tanong ko sa kanya. Bigla syang napaurong kay Josh."Pipay naman.." nagsalita ulit si Josh."Shutang inerns ka! Gago! Pakyu!" sabi ko kay Josh. Napasigaw na ako kaya biglang napatingin 'yun mga tao sa paligid namin, "Josh mabait akong tao. Mapagbigay ako pero pag dating sayo madamot ako. If you're mine, you're mine. I'm not sharing you with anyone else." ngumiti ako ng mapakla, "Sabi mo nanay mo kasama mo mag mall? Kailan mo pa 'yan naging nanay?" Hindi sya sumagot at napayuko lang sya. Eto namang si gaga hindi din makatingin sa akin. Si Mong naman--ay nandito pa pala si Mong. Akala ko next chapter na ulit labas nya.Kinuha ko bag ko saka naglakad palayo sa table nila. Napahinto naman ako ng marealize kong may naiwan ako kaya binalikan ko agad."Sayang, mahal 'to.." sabi ko saka kinuha ko 'yun kape ko.Akala ko sinundan ako ni Josh paglabas ko ng coffee shop pero hindi pala. Shutang inerns. Hindi ako sinundan ni gago. I cannot believe this.Mukhang makakapatay ako diary,Naiiyak palabas ng Mall dahil walang pamasahe pauwi,Pipay.####################################Malandi 8####################################Dear Diary,Kumagat na ang dilim diary ng makarating ako sa street namin, diary. Imagine, anim na oras kong nilakad ang mall na 'yun na nasa kabilang bayan pa hanggang dito sa lugar at sa bahay namin. Pagod na pagod ako at uhaw na uhaw, diary. Yun suot kong sandals napigtal na ang tali at dumidila na ang swelas sa kalsada. Pati nga pempem ko dumidila na din sa sobrang pagod, e. Kaya habang naglalakad ako at binabaybay ang highway todo bola ako sa pempem ko."Malapit na tayo, pempem. Wag kang susuko. Ang sumusuko ay hindi nagwawagi. Ang sumusuko hindi nabubutas. Charot." sabi ko kay pempem habang hinihimas pa. Pero kahit todo aliw ako sa sarili ko habang naglalakad sumasagi pa din talaga sa utak ko na nagsinungaling si Josh sa akin. Hindi ako makapaniwalang kaya nyang magsinungalingan para lang makasama 'yun babaeng 'yun. Girlfriend nya ako, di ba? Dapat kapag may lakad sya sasabihin nya sa akin. Kung gusto nya makipagdate sa iba, pagbibigyan ko naman sya, e. Basta maging honest lang sya sa akin. Yun lang naman ang gusto ko, e. Is that even too much to ask? I know ang kagaya ni Josh na gwapo at nasa college life pa ay lalapitan talaga ng mga babae. Hindi ko naman sya pagbabawalan, e. Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya kahit makipag date pa sya, ayos lang. Pero wag na wag nyang liligawan. Wag na wag din syang makikipaghalikan at makikipag-ano dahil hindi ko na 'yun mapapalampas pa. Sa totoo lang diary hindi ako naiiyak. Mas naiinis ako sa kanya at nagagalit. Eto kasi ang unang beses nyang ginawa 'to at ayokong isipin na kaya nya pa din sundan ang kalokohan nyang 'to.Hingal na hingal ako ng makalapit ako sa bahay namin. Napahinto ako at napatitig sa lalaking nakaupo sa tapat ng gate namin. Nasa gilid din ang motor nya. Nakayuko sya at mukhang natutulog. Halatang kanina pa sya naghihintay sa tapat ng mansyon ko kaya inantok na sya. Agad naman lumambot ang puso ko ng makita kong nag effort sya sa pag hihintay sa akin. Kumain na kaya sya? Mukhang hindi pa din, diary. Pero shutang inerns lang, Pilar. Hayaan mo muna sya ngayon. Ipamukha mo sa kanyang galit ka at hindi ka natutuwa sa ginawa nya."Gumising ka nga dyan. Wag mong gawing tulugan 'yang harap ng bahay namin." sabi ko sa kanya kasabay ng pag sipa ko sa binti nya ng marahan."Pipay?!" nagising naman sya agad at napatayo. Bigla nya din akong yinakap ng mahigpit. "Pipay..Sorry..Patawarin mo ko.. Hindi ko na ulit uulitin.. Please, wag kang makipag hiwalay sa akin, Pipay. Pangako hindi na mauulit pa.." sunod-sunod na birada nya sa akin habang yakap-yakap pa din ako.Hindi ako nagsalita at nanahimik lang. Pinipilit nya akong humarap sa kanya pero ayoko. Baka kasi kapag napatingin ako sa maamo nyang mukha biglang malusaw ang galit ko. Alam mo namang si Josh ang tanging kahinaan ko, e. "Tapos ka na ba?" malamig na sabi ko sa kanya, "Kung tapos ka na papasok na ako sa loob. Umuwi ka na at may pasok pa bukas.""Galit ka pa din?" malungkot na sambit nya "Sorry na, Pipay. Pangako, hindi ko na uulitin. Saka wala naman kaming ginagawang masama, e. Sinamahan ko lang syang bumili. Yun lang. Wag ka na magalit."Hindi ko na kinaya diary kaya napaharap na ako kay Josh saka nagsalita."Yan ang hirap sa inyong mga lalaki, e. Porket nag sorry kayo akala nyo ayos na? Akala nyo mawawala agad 'yun sakit na naramdaman naming mga babae," matipid akong ngumiti kay Josh "Saka hindi naman ako galit, Josh. Nasasaktan ako. Nasasaktan dahil kaya mo palang mag sinungaling sa akin. Ang tanga ko para isiping hindi." tumawa ako ng nakakaloko "Ha-Ha-Ha. Ang tanga ko,""Pipay.." hinawakan ni Josh ang kamay ko pero agad kong hinila."Josh umamin ka nga sa akin," sabi ko sa kanya habang nakatingin ng seryoso sa mata nya "Mahal mo pa ba ako? Ipagpapatuloy pa ba natin 'tong relasyon na 'to? Kasi kung ayaw mo, dito mismo. Dito sa kinatatayuan natin pwede nating itigil.""Of course!" mabilis na sagot ni Josh. Hinawakan nya ulit ang mga kamay ko, "Of course mahal kita. Mahal na mahal at hindi 'yun magbabago. Anong naisip mo at ihihinto natin 'tong relasyon natin? Para mo na ding sinabing magpakamatay nalang ako. Pag-aaway at tampuhan lang ang dapat itigil at hindi ang relasyon." "Ah ganun ba?" napangiti ako ulit ng mapakla "Pero di ba kapag mahal mo ang isang tao hindi ka magsisinungaling sa kanya? Lying to her is like stabbing a sharf knife on her chest. You're very much aware that it will gonna hurt and bleed but you continue it without hesitation." pag-eenglish ko sa kanya."Quotes ba 'yan?"Tumango ako, "Yes, paki-tweet ulit. Don't forget the hashtag #DNHMSL2."Nilabas ni Josh ang cellphone nya at nag type, "Okay na. Na-tweet ko na."Tumango ulit ako. "Okay. Thanks. Sige umuwi kana,""Pipay naman. Pag-usapan naman natin 'to, oh." nangingiyak na sinabi ni Josh. "Hindi ako aalis dito hanggang hindi tayo nagkakaayos.""Edi wag. Sino bang malalamigan ang katawan. Ako ba? Ikaw naman." naglakad ako papasok ng gate namin at agad sinarado."Pipay.." humawak pa sya sa bakal na gate namin.Patuloy lang sa pagtatawag sa akin si Josh pero hindi na ako lumingon hanggang makapasok ako ng tuluyan sa loob ng bahay. Minsan kailangan din nating tiisin ang taong mahal natin. Para malaman nila ang pagkakamali nila at matakot na umulit pa. Akala kasi nila porket mahal natin sila, isang sorry lang ayos na. Hindi naman tayo robot, di ba? May feelings tayong nasasaktan.Paakyat na ako sa taas ng madaan ko si Inay na may parang hinahanap sa sala namin. "Anong ginagawa nyo, Inay?" tanong ko sa kanya."Nawawala 'yun kwintas ko. Bigay pa naman ng tatay mo 'yun. Yari ako dun kapag hindi ko nahanap 'yun." sabi nya na hindi man lang tumitingin. Busy talaga sya sa paghahanap ng kwintas nyang nangingitim na dahil peke."Saan mo ba nawala? Naku yari ka talaga kay itay." nakihanap na din ako sa kanya."Sa labas ko naiwala." patay malisya nyang sagot at todo hanap pa din sa sala.Napahinto naman ako sa paghahanap at tinanong ulit sya, "Eh sa labas nyo pala naiwala, e. Bakit dito nyo sa sala hinahanap?"This time diary napatingin na sya sa akin, "Tanga ka ba, anak? Natural dito ko hahanapin. Dito maliwanag, e. Ang dilim kaya sa labas."Nasampal ko nalang ang sarili kong noo at nag walk-out dahil sa sagot ni Inay. Jusko. Wala na talaga sa katinuan 'tong si Tinay. Mukhang naalog na ng tuluyan ang utak nya, e.Pag pasok ko sa kwarto ko nagpalit nalang ako ng damit. Nakakatamad kasing maligo dahil malamig. Kaya dedma nalang sa mga alikabok na nasa katawan ko buong araw. Sanayan na lang 'yan.Pag higa ko ng kama biglang pumasok si Inay. Ano na naman kayang kailangan nito?"Anak kong pretty.." pambobola nya sa akin."Ayan! Dyan kayo magaling, Inay. Kapag may kailangan kayo pretty ang tinatawag nyo sa akin. Kapag wala todo lait at sigaw kayo." sagot ko."Eto naman matampuhin." tumawa pa si Inay "Mag aadobo ako bukas ng madaling araw. Maaga ako magluluto dahil may training kami. You know, boxing stuff. Wala ng asin kaya bumili ka sa tindahan.""Ano ba 'yan, Inay. Kung kailan gabi saka mo ako uutusan. Ayoko ng lumabas." pag dadahilan ko."At bakit?" tumaas kilay nya."Ang dilim-dilim na, oh. Saka basag ang ilang ilaw sa kanto kaya ang dilim ng daanan. Nakakatakot kaya." nag pout pa ako."Okay lang 'yan, anak. Hindi ka naman magagahasa dahil pangit ka. Besides, may guardian angel kang lagi kang sasamahan.""May guardian angel pala ako, e. Edi sya nalang utusan mo. Asin lang bibilhin namin tapos dalawa pa kami? Ano kaya 'yun." humiga na ako saka nagtalukbong ng kumot."Shuta ka talagang bata ka. Walang adobo bukas. Mag-almusal ka ng toyo." binagsak pa ni Inay ang pintuan ng kwarto ko. Pikon much.Pumikit na ako at pinipilit matulog ng maalala ko si Josh kaya bigla akong napatayo sa higaan ko at pasimpleng dumungaw sa bintana. Andun pa din sya diary sa tapat ng gate namin. Nakaupo sya sa motor nya at halatang ginaw na ginaw. Sa hindi inaasahang pagkakataon bigla syang napatingin sa gawi ko at nagtama ang mga paningin namin. Ngumiti lang sya saka nag thumbs up. Inirapan ko nalang sya saka bumalik sa higaan ko.Shutang inerns, diary. Anong gagawin ko? Lalabasin ko ba sya dun at makikipagbati na? No. Hindi, Pipay. Hayaan mo sya. Kailangan nya matutunan ang leksyon nya. Hindi matuto ang isang tao kapag patuloy na kinukunsinte sa kamaliang nagawa nya. Bahala sya dyan. Mag effort sya sa pakikipagbati sa akin.Inalis ko muna si Josh sa utak ko at natulog na. Kinabukasan wala na si Inay sa bahay. Mukhang maaga ngang umalis at nag jogging para sa boxing stuff na pinagsasabi nya. Hindi din sya nag luto ng ulam ko at tanging toyo lang ang nasa lamesa. Kapag talaga ako nabadtrip dito kay Inay ihahagis ko lahat ng damit nya sa labasan at hindi ko na papapasukin dito sa pamamahay ko. Echos.Maaga ang pasok ko ngayon dahil nabago ang schedule ko. Naligo na ako agad at nagsuot ng uniform. Nagulat ako paglabas ko ng bahay. Nandun na kasi agad si Josh sa tapat at nakasakay sa motor nya. Nakasuot na din sya ng uniform nya at ready for school na din.Anong oras kaya umuwi 'tong mokong na 'to? Pansin kong ang laki ng eyebags ni Josh at halatang walang masyadong tulog. Nakangiti sya sa akin at ang gwapo pa din talaga."Good Morning my Sky and Universe." pagbati nya habang nakangiti "How's your sleep my Pilar Payoson?"Hindi ako sumagot at tinuon ko nalang ang pansin ko sa pagsasarado ng gate namin. Pag harap ko bigla akong nagulat dahil nasa harapan ko na si Josh at bigla akong hinalikan."Sarap talaga humalik ng Pipay ko." natatawa nyang sabi sa akin, "Pakiss pa nga." humalik ulit sya."Tapos ka na ba?" seryoso kong sabi.Nawala naman 'yun ngiti sa labi ni Josh at napalitan ng paawa effect. "Galit ka pa din? Hays." pumunta sya sa motor nya at kinuha 'yun helmet ko. "Tara na sa school." kinuha ko 'yun helmet at sinuot sa ulo ko. Nauna na din akong sumakay sa motor nya.Gusto ko mang mag-inarte at wag sumabay kay Josh sa pagpasok pero hindi pwede, diary. Hindi ako iniwanan ni Inay ng baon kaya wala akong pera. May maghahatid naman sa akin kaya aarte pa ba ako sa grasya?Tahimik lang kaming dalawa ni Josh habang nakasakay kami sa motor nya. Hindi nga din ako nakayakap sa kanya o nakahawak sa balikat nya habang tumatakbo ang motor, e. Ayoko. Baka matunaw ang galit ko kapag naamoy ko ang mabangong likod at amoy ni Josh ko.Pagdating namin sa tapat ng SOGO bigla akong tumalon sa motor kahit hindi pa nahinto ang motor ni Josh. Nagulat nga 'yun ilang estudyante sa talentong pinamalas ko kaya nag bow nalang ako sa kanila. Wag dedma sa fans. Masaya 'yun. Huminto naman si Josh at napatingin sa akin. Lumapit ako sa kanya at binigay 'yun helmet.Palakad na ako papasok sa school ng makita ko si Mimay na padating. Nakasakay si negrang pusit sa puro kalawang nyang bike at kumakaway pa sa mga dinadaanan nyang tao. Mukhang tanga lang si gaga sa ginagawa nya. Hindi ba aware 'yang negra na 'yan na tanga sya? O dahil tanga sya kaya hindi nya alam na tanga sya? Pumasok na ako ng classroom at nag patuloy na ang first class namin. Nung sumapit ang last subject before lunch biglang nagkaroon ng eksena, diary. Bigla kasing nag tilian 'yun mga kaklase ko. Yun teacher naman namin ay natigil sa pagtuturo at pinuntahan 'yun papansin sa tapat ng pintuan ng room."What do you need?" tanong ni Ms.MhataRey."Ah kasi po mam galit po sa akin 'yun girlfriend ko. Gusto ko lang po sanang magkabati na kami," biglang tumingin si Josh sa gawi ko, "Pwede po bang umupo sa harapan ni Ms.Payoson until your last hour? Promise po hindi ako makakaistorbo sa inyo." Napatingin naman si Ms.MhataRey sa akin at ngumiti saka tumingin ulit kay Josh sabay tumango."Thank you, Mam!" tuwang tuwa na sagot ni Josh. Lumabas naman ulit si Josh at may kinuha ata. Pag pasok nya ng classroom namin may dala syang puting placard.Lumakad sya papunta sa harapan ko at umupo. Hinarap nya sa akin 'yun placard na dala nya na may nakasulat na. I'm so sorry. Hindi na mauulit, pangako. Mahal na mahal kita, Pipay ko. To the pempem and back, right?Kinilig ako sa nabasa ko, diary. Pero todo pigil ako sa sarili ko para hindi ngumiti. Yun mga kaklase ko napapangiti at halatang kinikilig. Kahit nga 'yun ChaKa twins nakatingin kay Josh at nag hahampasan na sa mukha ng notebook. Ganyan siguro sila kiligin. Si Mimay naman narinig kong nagparinig ng.."Ang arte arte. Hindi naman kagandahan."Pinigilan ko lang sarili ko na wag ibato sa kanya 'tong hawak kong encyclopedia, e.Buong last subject namin nakaupo lang sa harap ko si Josh habang hawak 'yun placard. Hindi ko sya tinitignan kahit na 'yun mga mata ko lumalandi na at gusto na syang sulyapan. No, eyes. Magtigil kayo kundi dudukutin ko kayo. Hindi tuloy ako makapagkamot ng pempem dahil nasa harapan ko si Josh. Kay Josh ko nalang kaya ipakamot?Natapos ang klase namin kaya tumayo na ako. Tumayo na din si Josh."Tara kain na tayo, Pipay ko." masigla nyang sabi sa akin habang nakaipit sa kilikili nya 'yun placard."Kaya ko kumain mag-isa." mapakla kong sagot."Pero mas masarap kumain na magkasama." sagot nya "Mas masarap kumain kapag kasama mo taong mahal mo. Kaya samahan mo ko kumain, please." nag nguso pa sya. Kainis, diary. Gusto kong ikiss si Josh."No, thanks." tinulak ko sya para makadaan ako.Ang loko hindi nagpatinag at nakasunod lang sa akin. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga estudyanteng nadadaanan namin. Eto namang magaling na Josh biglang magsasalita at ituturo ako."Girlfriend ko 'yan. Mahal ko 'yan. Hindi ko 'yan ipagpapalit kahit kanino." sabi nya sa mga nadadanana namin.Napapangiti tuloy ako ng palihim.Pag dating namin sa canteen humanap muna ako ng mauupuan. Nung nakahanap na ako biglang tumabi sa akin si Josh."Ako na bibili ng pagkain natin. Ayokong mapagod ka kaya dyan ka lang." hindi na nya hinintay 'yun sagot ko at tumakbo na sya papunta sa cashier.Nakabalik naman din sya agad na may dala-dalang sobrang daming pagkain. Umupo sya sa tabi ko at nilapag ang mga pinamili nya."Masarap 'yang lasagna nila. Tikman mo dali." nakangiti nyang sabi sa akin."Ayoko." sagot ko."Eto nalang cupcake. May banana sa ibabaw, oh. Paborito mo ang banana, di ba?"Sabihin ko sanang 'Mas gusto ko ng banana mo. Banana mo nalang ilagay dyan sa ibabaw ng cupcake, please.' kaso wag na. War nga pala kami."Ayoko din.""Ako nalang," sabi nya "Ako gusto mo? Masarap ako." ngumisi si Josh kaya inirapan ko nalang sya. Puro sya ganyan hindi naman nya tinototoo. Haha, echos."Ayoko nyang pinamili mo. Tabi nga, bibili ako." tinulak ko sya saka dumaan.Palakad na ako nang biglang magsalita si Josh. This time seryoso na boses nya."Pipay. Nagseselos ka ba kay Monica?" malakas ang sabi ni Josh kaya napatingin 'yun mga estudyante sa amin. "Sabihin mo kung nagseselos ka. Hahalikan kita sa harapan nya."Pagkasabi ni Josh nun biglang pasok naman nung babaeng mukhang manika na kasama nya sa mall kahapon. May kasama itong dalawang babae at tatlong lalaki including Monjie."Hi, Josh!" masayang bati ni Monica kay Josh. "Oh, Hi there, Pipay. Andyan ka pala." humagikgik pa si Monica na parang nang-iinsulto.Napatingin namana ko kay Josh saka nag-iwas ng tingin."Josh kumain ka--" nagsasalita palang si Monica ng bigla syang mapatigil dahil sa ginawa ni Josh.Bigla akong hinila ni Josh papunta sa kanya saka hinalikan sa harapan ni Monica. Sa harapan ng barkada nila at sa harapan ng mga estudyante sa canteen.Mga sampung segundo din tumagal ang halik ni Josh sa akin. Nakabukas lang ang mata ko diary at ganun din si Josh. Naramdaman kong nag form into smile 'yun labi nya habang nakadikit pa din sa labi ko."Wala ka dapat ipagselos, Pipay." sabi ni Josh ng biglang mag hiwalay ang labi namin, "Ikaw lang ang babaeng mahal ko at wala ng iba. Hindi na ako magmamahal pa kung hindi lang naman din ikaw. Ganyan magmahal ang mga Manalo. Sagad hanggang buto."Kitang kita ko kung paano mapanganga si Monica at mga kasama nya dahil sa sinabi ni Josh. Nagsalubong naman ang kilay ni Mong dahil sa narinig.Wala akong masabi, diary.Ano sa tingin mo? Makipagbati na ba ako kay Josh? Hihihi.Nagmamaganda sa canteen,Pipay.####################################Malandi 9####################################Official hashtag ng story is #DNHMSL2 since book 2 'to. Stalker nyo ako sa twitter, e. And I love retweeting your reactions. Mwa!And mag comment sana kayo. Kasi dun ako kumukuha kung kanino idedicate ang latest update :)Dear Diary,Sigurado ako diary na kung sino man ang nakakabasa o makakabasa ng diary na 'to ay tatawanan ako. Tatawanan dahil agad kong pinatawad si Josh sa kasalanan nya. Marami dyan magsasabi na dapat pinahirapan ko muna at hindi agad pinansin. Pero masisisi mo ba ako, diary? Sadyang mahal na mahal ko lang talaga 'yang lalaki na 'yan, e. Parang hindi ko kasi kayang nakikita syang nahihirapan habang sinusuyo ako. Lalo na't nakikita ko naman sa kanya ang effort at sinsiridad para lang magkaayos kami. Ganyan naman kaming mga babae, e. Masyado kaming mahina pag dating sa love at pag dating sa lalaking mahal namin. Ayos lang kahit kami ang mukhang tanga basta maging ayos lang ang lahat. Tunog pangtanga pero totoo kumbaga.Ang babae kasi kapag nagmahal binibigay ang lahat, diary. Binibigay ng buo ang tiwala at binubuhos ang pagmamahal para sa taong laman ng puso nila. Hindi na nagtitira sa sarili na kahit kaunti man lang. Because at some point, we're wishing that our first boyfriend will definitely be the last. We invest everything for that person without thinking that he might hurt us in return. Kaya as much as possible, kung pwede ayusin ang relasyon, ayusin nalang. Natatakot kami na mawala ang lalaking mahal namin. Do I make sense here, diary? Hay! Shutang inerns naman, oh. Ano ba 'tong mga naiisip ko. Masama talaga para sa akin kapag nag huhugas ng pempem, e. Kung anu-ano kasing pumapasok na kakornihan sa ga-munggo kong utak. Sa susunod nga hindi na ako maghuhugas. Para hindi na ako nakakapag-isip ng mga ganitong bagay.So anyway, diary. Ayun nga bati na kami ni Josh. Syempre sino ba naman ako para mag-inarte pa sa kanya, di ba? Pinagmalaki na nya ako sa harap ng maraming tao na ako ang girlfriend nya, e. Hindi nya naman sinabi verbally at least ginawa nya through his actions. Mas okay naman 'yun, di ba? Cause I do believe that actions speaks louder than words but then again words are useless cause the character is the best... Ay wait.. Parang mali 'yun kasabihan na sinabi ko, ah. Okay lang, dedma nalang.Tawang-tawa talaga ako sa reaction nung Monica nung nakita nyang hinalikan ako ni Josh sa harapan nya. Ang laki ng pagka-nganga nya at gulat na gulat pa ang gaga. In her face, diary. Pasensya dahil hindi mahilig si Josh sa pempem na hinuhugasan. Mas gusto ni Josh ng pempem na may oh so black color and oh so yummy na amoy. "Tell me everything." sabi ko kay Josh habang nakaupo kami dito sa ilalim ng puno. Free cut ng buong school kaya kalat-kalat kung saang parte ng campus ang mga estudyante. "Ikwento mo sa akin ang lahat kung bakit kayo nagkasama ng gagang 'yun." seryoso kong tanong kay Josh."Akala ko ba okay na tayo, Pipay?" mahinang sabi ni Josh habang nakayakap sa akin. Nilagay nya pa ang baba nya sa balikat ko, "Pwede kalimutan nalang natin 'yun?""Okay na nga tayo pero gusto ko malaman kung bakit," sagot ko "Gusto ko matahimik ang kaluluwa ko at malaman kung paano kayo nagkasama."Bumuntong hininga sya, "Sige na nga.. Alam mo naman na gustong-gusto ko ang basketball team ng Gordon Orlex, di ba?" paninimula nya at tumango ako, "At suntok sa bwan ang pag pasok sa team na 'to, di ba?""Ha, bakit naman suntok sa bwan? Bakit sa bwan mo pa isusuntok? Bakit hindi nalang sa pempem ko. Napalayo ka pa tuloy.." pag comment ko."Pipay naman, e." parang bata na sagot ni Josh, "Basta suntok sa bwan. Alam mo bang anak si Monica ng may-ari ng school na 'to?""Ay talaga?" nagulat ako "Pero ano naman ngayon kung anak sya ng school na to. Anak din naman ako ng..""Ng?" "Anak ako ng Dyos. Etong school lang ang pag-aari nila Monica pero ang Dyos buong mundo at even the whole universe. Mas mayaman Dyos." pagbibiro ko. Nakatingin lang si Josh sa akin habang magkasalubong ang kilay, "K. Korni. Continue.""So ayun nga. Sabi ni Monica samahan ko lang sya sa Mall kahapon at ipapasok nya ako sa team ng school.""Eh bakit hindi mo sinabi sa akin? Edi sana hindi ako nag-isip ng kung anu-ano, di ba?" sigaw ko sa kanya."Kasi nga hindi naman big deal 'yun, Pipay. Wala lang naman 'yun dahil nonsense lang para sabihin pa sa'yo. Gusto ko din sana isurprise ka na nakapasok ako sa team dahil alam kong sobrang saya mo kapag nakikita mo akong may hawak na bola." sumigaw din sya, "Kaso hindi ko naman alam na iisipin mo na niloloko lang kita. Shet, Pipay. Ang dami na nating pinagdaanan. Tingin mo gagawa ako ng isang bagay na magiging dahilan para lang mawala ka sa akin? Hindi ako tanga para gawin 'yun."Natouch naman ako sa sinabi ni Josh, "Na-surprise naman ako, e. Gulat na gulat at may bonus pang sakit sa dibdib ko," napasimangot si Josh, "Joke lang 'to naman hindi na mabiro. Saka gustong gusto ko talagang nakikita kang naglalaro ng bola pero mas magiging masaya ako kung sarili mong bola ang lalaruin mo sa harapan ko. Hihihi. Pipay so happy." bigla nya akong binatukan. "Aray! Shutang inerns. Hindi na mabiro!""Ikaw kasi, e. Magseryoso ka naman." sumimangot lalo si Josh. Hinawakan ko nga ang magkabilang pisngi nya at hinala para mag form into smile ang labi nyang kulay pink."Josh naman kasi, e. Sana kasi inisip mo muna kung anong mararamdaman ko kapag may kasama kang ibang babae bukod sa akin. Masakit kaya sa dibdib," sabi ko sa kanya "Girls overthink and boys never think. Kainis.""Quotes na naman?" Tumango ako, "You know what to do.""Sa bahay ko nalang itu-tweet. Hindi ako naka-register sa unlisurf, e." "Sige." tumango ako."Hays! Kesa naman kung anu-ano iniisip mo, hindi ko nalang itutuloy ang pag pasok sa basketball team." kinuha ni Josh 'yun bag nya na nasa gilid saka binuksan ang zipper. May kinuha syang kulay blue na jersey at pinakita sa akin. "Eto na 'yun uniform ko para sa team, e. Kakabigay lang kanina. Hindi ko pa nagagamit pero isasauli ko na agad," yinakap nya pa 'yun damit saka inamoy. "Babye, Jersey. Mas pipiliin ko ng ikaw ang mawala at ang pangarap ko kesa etong babaeng katabi ko ang mawala sa akin. Mas hindi ko kakayanin." nanghihinayang na sinabi ni Josh.Agad naman ako nakaramdam ng awa dahil sa sinabi ni Josh, diary. Parang sinabi nyang willing nyang pakawalan ang pangarap nya wag lang akong mawala sa kanya. Hindi ba parang ang selfish ko, diary? Parang tinatali ko si Josh sa akin at hindi binibigyan ng chance para abutin ang pangarap nya? Ayoko ng ganito, diary. Ang dalawang nagmamahalan ay dapat sinusuportahan ang isa't isa para maabot ang pangarap nila. Hindi nagiging pangunahing hadlang para hindi maabot ang gusto sa buhay."Sumali ka na," sabi ko sa kanya na nakangiti. Napatigil si Josh sa pag-amoy nya ng jersey nya at napatingin sa akin na gulat na gulat."Seryoso ka ba dyan? Baka stress ka lang, Pipay." hinawakan pa ni Josh ang leeg at noo ko. "Wala ka namang sakit. Pero seryoso ka? Pumapayag ka ng sumali ako sa team?"Tumango ako, "Hindi ako seryoso kundi seryosong seryoso. Magiging masaya ako kapag unti-unti mong naaabot ang pangarap mo, Josh. Ang girlfriend dapat supportive, di ba? At hindi hadlang sa pangarap ng boyfriend nya. Hihi.""Pero panigurado andun lagi si Monica sa practice namin. Si Sir.Gordon ang coach namin, e." sabi ni Josh na halatang alanganin, "Wag nalang Pipay. Ayokong maging issue na naman sa atin si Monica. Baka mas lalong magulo lang relasyon natin. Wag nalang.""Hindi, Josh." hinawakan ko sya sa kamay nya, "Promise. Hindi na agad ako magseselos basta magsasabi ka kaagad sa akin kapag nilalandi ka ng kirengkeng na 'yun. May tiwala naman ako sayo, e. Sa bruhildang malandi na 'yun lang ako walang tiwala." sabi ko sa kanya, "I know hindi ko maiiwasan na hindi magselos everytime na magkasama kayong dalawa pero pangako, pipigilan ko ang sarili ko sa abot na makakaya ko. Sumali kana, please?" ngumuso pa ako."Okay..Okay.." ngumiti si Josh, "Basta ito lang ang tatandaan mo, Pipay. Sa tuwing magseselos ka isipin mo lang na ikaw lang ang laman ng puso ko." kinuha nya 'yun kamay ko saka nilagay sa kaliwang dibdib nya. Naramdaman tuloy ng palad ko ang nipple ni Josh, "Sa tuwing makakaramdaman ka ng selos, isipin mo lang na ikaw lang ang tinitibok ng puso ko. At titigil lang 'yan kapag iniwan mo ko," ngumiti sya "Saka hindi ko na kayang mag mahal ng iba dahil wala na akong puso. Nasayo na kaya." ngumisi pa si Josh sa akin.Ihhhhhh, diary. Kainis naman si Josh. Pinapakilig ako."Tama..Tama.." sabi ko sa kanya na may malapad na ngiti, "Pakiss pala."Nilapit ni Josh ang mukha nya sa mukha ko at dinampian ng isang halik."Delisyoso. Hihihi." sabi ko sa kanya. Ngumiti lang si Josh at nilagay 'yun buhok sa gilid ng tenga ko."Salamat, Pipay. Salamat sa understanding. Hindi ko lang to achievement kundi achievement nating dalawa.""Wala 'yun, Josh ko." sabi ko "LOL. Have fun.""Kathryn Bernardo lang?" sabi ni Josh na natatawa."No! Julia Baretto ako," sagot ko saka nilabas ang cellphone ko, "Mag selfie tayo!" pumuwesto naman si Josh sa gilid ko at humalik sa pisngi ko. Nakuhaan tuloy sa picture na nakahalik sya sa pisngi ko.Nung natapos na ang freecut namin hinatid na ako ni Josh sa tapat ng classroom namin. Magkahawak kaming dalawa ng kamay at as usual ang mga insecure na froglets sa tabi-tabi nakasulyap na naman sa aming dalawa. Ang hirap talaga maging maganda, diary. Laging pinagtitinginan."Thank you talaga, Pipay ko. Salamat talaga sa understanding." pagsasalamat na naman ni Josh ng nasa tapat na kami ng classroom."Wala 'yun. Hihihi." natatawa kong sagot "I'm so understanding girlfriend, di ba? I'm so super pretty pa.""Tama. Ang understanding mong girlfriend.""And super pretty.""Napaka-understanding mong girlfriend talaga, Pipay." nakangiti nyang sabi."And pretty." salubong na kilay na sagot ko."Tumpak! Napaka-understanding mo." sagot na naman nya kaya sinuntok ko sya sa tyan, "Aray. Oo na. Super pretty ka na. Pretty hurts sa mata." sinuntok ko ulit, "Nakakadalawa ka na, Pipay ah. Isa pang suntok hahalikan na kita." sinuntok ko ulit sya diary. "Ay gusto magpahalik. Next time na, Pipay. Nakakarami ka ng kiss sa akin, e." ngumisi sya."Tse. Umalis ka na nga." tumalikod na ako.Narinig ko namang tumawa si Josh, "Haha! Pikon mo talaga, Pipay ko." hindi ko sya pinansin at nagpatuloy nalang sa pagpasok ng classroom. Pero naramdaman kong may humawak sa braso ko at hinarap ako.Pag harap ko isang labi ang sumalubong sa labi ko. Labi ng pinakamamahal kong lalaki."I love you so much. To the pempem and back." nakangiting sinabi ni Josh. Leche. Hahalik din pala ang dami pang sinabi."I love you, too." nakangiti kong sagot, "To the pempem and back and forth. Ikaw lang ang dahilan ng pagkati ng pempem ko. Hihihi.""Ay gago!" natawa si Josh "Sige na papasok na ako. Babye na.."Nagpaalam na si Josh at lumabas ng classroom. Pag-upo ko palang biglang nag vibrate ang cellphone ko. Tinaas ko ang palda ko at kinuha sa loob ng panty ko ang cellphone ko. Nakita kong nakanganga 'yun mga kaklase ko dahil nakita ang ginawa ko."Ano? Ngayon lang nakakita ng cellphone na nakatago sa panty?" sabi ko sa kanila, "Para iwas snatch." proud na sabi ko sa kanila.Binasa ko naman agad 'yun text na galing kay Josh. Nag i miss you agad ang loko. Natawa nalang ako dahil kakahiwalay lang namin pero namiss nya agad ang kagandahan ko."Hoy Pilar." biglang may nagsalita sa harapan ko. Inangat ko ang paningin ko at nakita kong nakatayo sa harapan ko si Charry at Kathy na nakataas pa ang kilay."Oh, problema nyo?" malditang tanong ko sa kanilang dalawa."OMG! Ang taray!" sarcastic na sabi ni Kathy "Naiinis kami sayo.""Bago nyo sabihing naiinis kayo sa akin pakitanong muna kung natutuwa ba ako sa inyong dalawa." mataray na sagot ko."Aba sumasagot ka na." umangat ang kamay ni Charry sa ere at handa ng isampal sa akin. Akala ko masasampal ako pero biglang may nagsalita."Subukan nyong idikit 'yang palad nyo sa pisngi ni Pilar. Etong blackboard sa harapan natin ang ihahampas ko sa pisngi nyo." pagbabanta ni Mimay.Shutang inerns, diary. Is it real? Is it real? Kendra totoo ba 'to? Pinagtatanggol ako ni Mimay laban sa ChaKa Twins?"Mirasol naman.. Akala ko ba inis ka sa feeling pretty na Pilar na 'to? Why mo sya pinagtatanggol?" inis na sabi ni Kathy."Oo, inis ako sa gagang slight na malandi na 'yan mula book 1." sabi ni Mimay "Pero hindi ko hahayaang may ibang kontrabida sa story na 'to at aagaw ng papel ko para pahirapan sya. Kaya kayo.." biglang hinawakan ni Mimay sa leeg ang ChaKa twins at inangat sa ere. "Wag na wag nyo syang kakantii, okay?""Ekkk...O...o..na...bi..tawan..mo..kami.." nahihirapan na sagot ni Charry dahil hawak sya sa leeg ni Mimay."Wag mo kong uutusan." lumakad si Mimay palabas ng classroom habang hawak pa din sa leeg ang kambal. Sinudan ko naman sila para makita ang gagawin nya sa kambal.Nagulat nalang ako diary ng biglang hinulog ni Mimay 'yun kambal mula sa 2nd floor ng building namin papuntang ground floor. Mukhang nabalian ata ng buto 'yun dalawa dahil parehas silang hawak-hawak ang mga likudan nila at hindi makatayo sa sahig ng ground floor."Ay sorry! Nabitawan ko kayo. Hihihi." humagikgik pa si Mimay "Ayos lang ba kayo dyan? Text text nalang. Enjoy nyo muna ang sahig.""Pakyu ka Mirasol. Pagbabayaran mo 'to. Ang sakit.." sigaw ni Kathy mula sa ibaba habang naiiyak dahil sa sakit ng likod.Napatawa nalang ako sa nangyari kaya napatingin sa akin si Mimay."Anong nakakatawa, Pilar?" mataray na tanong nya."Wala naman," mabilis kong sagot."K." umirap pa sya saka pumasok na sa loob ng classroom namin.Mas lalo tuloy akong natawa, diary. Who would have thought na ipagtatanggol ako ng anak ng puta ng karagatan na si Mimay the black balyena of red sea? Nagbago na ba ang kulay ng budhi ng negrang pusit, diary? Hindi na ba itim ang kulay ng dugo nya?Pretty and happy,Pipay.####################################Malandi 10####################################Chapter's themesong : (Nasa multimedia) Demons cover by Christina Grimmie JOSH'S POV.Pagkatalikod ko kay Pipay at paglabas ko ng classroom nila saka nawala ang malapad kong ngiti. Hindi ko alam kung anong klaseng tao na ang maitatawag sa akin dahil sa pagsisinungaling ko sa kanya. She gave me a chance to explain everything pero hindi ko sinabi lahat. Pili lang ang nasabi ko. Hindi ako pinayagan ng puso ko na ipagpatapat kay Pipay lahat ng nangyari dahil alam kong masasaktan sya at alam kong iiyak na naman sya.What kind of guy am I now? For the second time I lied again to her. Shit. Kahit gusto kong sabihin sa kanya hindi ko kaya. Alam kong masasaktan sya at tutulo na naman ang mga luha nya. Hindi ko kayang makitang umiiyak na naman sya. I can't bear the fact that she'll cry again because of me. Minsan talaga kailangan natin itago sa mga taong mahal natin ang katotohanan. Hindi dahil gusto natin silang lokohin kundi gusto natin silang protektahan. Alam kasi nating masasaktan sila once they find out the truth. Yun ang ayokong mangyari. Sorry, Pipay. But I think it's for the better. Better for you and me. Better for the both of us and for this relationship.Sa bawat hakbang na ginagawa ko papunta sa classroom ko parang nababasag ang puso ko. Nababasag dahil sa pagsisinungaling sa kanya. Nawawasak dahil hindi ko nagawa ng maayos ang responsibilidad ng isang boyfriend para sa girlfriend nya. Nasira dahil wala talaga akong kwenta.Pero on the bright side. Pipay's stay in my side at paunti-unti ko ng nakukuha ang pangarap ko. Ay mali, ang pangarap ko para sa amin ni Pipay. Mag mula nang naging kami ni Pipay hindi na puro sarili ko ang iniisip ko kundi para sa aming dalawa. Natuto akong maging matiisin at manuyo ng tao dahil sa kanya. Natuto ako magtiis sa amoy na hindi kayang tiisin ng isang tao. Ganun naman ang pagmamahal di ba? Minamahal mo ang bawat parte ng taong mahal. Kahit na ang pinakamabahong parte ng katawan nya ay bumabango sa ilong mo. Hindi lang pala ang mata ang bulag. Pati din kasi ang ilong ay nawawalan ng pakiramdam kapag nagmamahal o baka naman nasanay na lang ako?Pagpasok ko ng classroom wala pang tao except kay Anne, Coleen at Monica na nasa harapan at nag reretouch ng make-up sa mukha nila. Napatingin sila sa akin at napangisi 'yun dalawa. Habang si Monica bigla akong inirapan at napasimangot."OMG! Mukhang may LQ kayong dalawa ah. What's with simangot face, Sis?" puna ni Anne kay Monica. Nagtawanan silang dalawa ni Coleen at nag-apir pa. "Shut up! I'm not in the mood," mataray na sagot ni Monica sa dalawa. Tumingin sya sa akin saka nang-irap. Problema na naman nitong babae na 'to."Hahaha. I knew it. She's jealous kasi nakita nyang hinalikan ni Josh 'yun girlfriend nyang mukhang monkey," sabi naman ni Coleen. Nagtawanan naman silang tatlo including Monica na pinakamalakas ang tawa."Haha. Tama. She looks like a Monkey, nuh? I dunno kung ano nakita ni Josh sa girl na 'yun at nakakaya ni Josh ipangalandakang girlfriend nya. Pati nga ata pagligo hindi nagagawa ng babaeng 'yun, e." panlalait naman ni Monica kay Pipay. Kung makapag-usap sila parang wala ako sa paligid nila, ah.Humagalpak na naman sila ng tawa dahil sa sinabing panlalait ni Monica kay Pipay. Tanging tawa lang nila ang naririnig ko sa buong classroom namin na agad kong kinairita. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at pumunta sa harapan. Sa mismong pinag-uupuan nila."Ooopps." sabi ni Anne at Coleen. Habang si Monica napatingin lang sa akin at natatawa."Ay andyan ka pala," patay malisya nyang sagot "Hindi ko alam na nandyan ka. Narinig mo ba mga panlalait ko sa girlfriend mong mukhang unggoy? Well, I don't take it back. I'm just being honest here. Right, sis?" naghanap pa sya ng kakampi.Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya kinuyom ko na ang palad ko at sinuntok ang kahoy na desk ni Monica. Nagulat si Anne at Coleen na may kasamang sigaw pa. Si Monica naman halatang nagulat din pero tinitigan din ako ng seryoso."The next time you insult my girlfriend in front of me baka makalimutan ko ng babae ka." pagbabanta ko sa kanya habang nakatingin din ng seryoso at handa na syang suntukin. Kinakalma ko lang ang sarili ko at baka hindi ko mapigilan na mapunta sa maliit nyang mukha ang kamao ko."Oh really?" sarkastikong sabi nya, "Should I scared by now? So scary. Huhuhu," tanong nya habang nakataas pa ang kilay."Sis, I think we should go outside muna, okay?" kinuha ni Anne at Coleen 'yun mga make-up nila na nagkalat sa sahig saka nag mamadaling lumabas ng pintuan."Guys, I advice na ayusin nyo na 'yan. Stop the LQ. Hihihi.." pahabol pa ni Anne bago tuluyang umalis ng pintuan."Seryoso, Monica. What's your problem with me and to my girlfriend?" tanong ko sa kanya habang nakatayo sa harapan nya. Tumayo din sya sa harapan ko kaya ngayon magkatapat na kaming dalawa."Sayo wala," mabilis nyang sagot kasabay ng pag hawi nya sa mahaba nyang buhok, "Pero sa girlfriend mong mukhang unggoy, malaki. Josh that monkey doesn't deserved you. Ano bang nakita mo dun? Anong meron sya na wala ako? You left me in the mall para lang sundan mo sya? Seriously? Sa ganda kong 'to iniiwan mo lang? You don't do that to me." iritado nyang sabi sa akin.Napatawa ako, "At sinong deserving sa akin, ikaw? Ha?" bulyaw ko sa kanya "Ilang beses na ba natin napag-usapan 'to? Anong nakita ko sa kanya na wala sayo? MARAMI. As in too many to mention. At hindi tayo matatapos ng isang araw kung i-enumurate ko ang mga good qualities nya na wala sa isang panglabas lang ang kagandahan," "Ang panget panget panget ng girlfriend mo!!!" parang bata nyang sabi. Nagpadyak pa sya ng paa nya kaya tumutunog ang takong ng suot nyang sandals, "Ano ba kasi nakita mo dun?!""Monica minsan hindi lang sa panlabas ang kagandahan. Wala sa mukha. Wala din kung paano sila kumilos at magsalita," sabi ko "Sometimes people are beautiful just in what they are." "NO! Wag mo ko idaan sa quotes," bulyaw na naman nya "Look at me, Josh. Maganda ako. Perpekto na nga, e. Hindi ka mahihiya kapag kasama mo ako sa mall. I'm the real meaning of girlfriend material. I'm good in all aspects. Name it. Magaling ako dyan. Sa paghalik? Already proved that, right? You kissed me back. Kaya alam kong magaling ako. Sa kama. Sure, we can try it. Anytime and anywhere. Josh, just choose me. Iwan mo na ang girlfriend mo at ako nalang." para syang baliw na nakikiusap at nagmamakaawa sa akin.Hinawakan pa ni Monica ang kamay ko at dinampi sa pisngi nya saka hinalikan."Josh, please. Ako nalang. Wag na 'yun unggoy na 'yun.." muli nyang pakiusap sa akin."Sorry Monica but I can't," hinila ko ang kamay kong hawak-hawak nya "Yun about sa kiss kaya ako napahalik pabalik dahil I'm thinking about my girlfriend and not you. Tingin mo kaya kitang halikan? No. Si Pipay lang ang nag mamay-ari ng mga labing 'to." prangkang sagot ko sa kanya, "You'll hate me for saying and doing this to you? I don't care. Wala akong pakialam. Hinding-hindi na ulit 'yun mangyayari. Tatanggalin mo ako sa team for rejecting you? News flash : Josh Renz Manalo doesn't care at all." ngumiti ako. "I finally decided to keep my girlfriend rather than my dreams. What's the point of getting your dreams if the one you love get lost?"Napahalakhak si Monica saka tumalikod sa akin, "This is the second time na ma-reject ako ng isang lalaki. First, si Monjie. Second, ikaw naman. Ano bang mali sa isang tulad ko?" sabi nya habang may kinukuha sa bag nya "Pero hindi ako susuko sa'yo. Hindi ako susuko sa pangalawang lalaki na gusto ko. Kung kailangan kita agawin sa unggoy na 'yun ng pwersahan, gagawin ko. Wala akong pakialam kung may masagasaan ako. Mayaman kami. Kaya kong gawan lahat ng paraan.""Tingin mo papayag ako na maagaw mo kay Pipay?" natawa ako "In your dreams, Monica. In your wild imaginations and your dreams."Humarap sya sa akin saka ngumisi, "No, don't worry hindi na kita aagawin sa kanya." ngumisi sya ng mas malaki, "Kasi sa ipapakita ko palang sa kanya baka sya na mismo ang mag suko sayo. Baka sya na ang makipaghiwalay. Lalo na't may alas ako laban sayo. We'll see kung hindi ka nya agad hiwalayan.""W-What's it?" kinakabahan kong tanong sa kanya."Oh, this?" patay malisya nyang tanong saka pinakita ang cellphone nya sa akin, "Wala 'to. It's just a video. A video wherein a girl and a boy passionately kissing each other. Wala lang talaga 'to." hindi mawala ang ngisi ni Monica sa labi nya.Napayukom ko na naman ang kamao ko dahil sa sinabi nya kasabay ng pagkabog ng dibdib ko ng malakas. May idea na ako sa sinasabi nya at sinasabi nyang video pero gusto ko pa ding i-confirm kung ano. Lord, sana mali ang iniisip ko. Baka hindi ko na alam ang magawa ko sa babaeng 'to lalo na't nag didilim na ang paningin ko."Ano 'yan?" seryoso kong tanong sa kanya."Wala nga lang 'to." sagot nya habang nang-iinis, "Tingin mo anong magandang date ko ipapakita sa girlfriend mo? Next month? Next week? How about sa birthday nya kaya o sa monthsarry nyo?" nakakaloko nyang tanong sa akin, "Eh how about bukas? Ay masyadong mabilis. Mamaya nalang pala. Right! Mamaya ko ipapakita to sa girlfriend mong monkey.""Tingin mo papayag akong ipakita mo 'yan?" mabilis kong inagaw sa kamay ni Monica 'yun cellphone nya saka lumayo.Mabuti naman hindi sya nag tangkang agawin ang cellphone nya. Nakatingin lang sya sa akin habang nakangisi. Pinindot ko naman 'yun cellphone nya at hinanap sa gallery 'yun video. Agad ko naman 'tong nakita dahil may folder dito na ang nakalagay na file name is 'Me and Josh kissing hihihi <3' . Kumabog na naman ng mabilis ang puso ko kasabay ng pag-init ng ulo ko. Nanginginig ang kamay ko habang pinapanood ang video.The video was composed of 33 seconds. Galing sa taas ang kuha na mukhang nasa kisame ang video. Pero kahit nasa kisame masyadong maliwanag ang classroom kaya kitang-kita pa din kaming dalawa ni Monica. Walang sounds akong naririnig dahil cctv type ang video. The next thing na nakita ko biglang lumapit sa akin si Monica at hinalikan ako. Ito 'yun pangyayari nung nakaraang araw na kapalit para ipasok nya ako sa team.Hinalikan ako ni Monica na parang gutom na gutom sya sa labi ko. Gusto ko syang itulak pero naglalaban ang puso't utak ko 'nun. Iniisip ko para sa pangarap namin ni Pipay. Inisip ko nalang na si Pipay ang kahalikan ko kaya I kissed her back. Nagulat naman sya nun kaya mas lalo nyang ginalingan ang paghalik. Kinakagat nya pa ang labi ko kaya kinagat ko din labi nya."Awwww... I kinda miss your lips, Josh. Kiss me again, please. Hihihi.." pangangasar ni Monica habang pinapanood ko ang video.Hindi ko na nakaya pang panoorin at tapusin ang video kaya binato ko 'to sa dingding. Agad naman 'tong nabasag at naghiwalay ang mga parte kung saang parte ng classroom."Edi wala ng problema. Wala ng pruweba." ngumisi ako kay Monica na parang sinasabing ako ang nanalo."Shit ka, Josh. What have you done to my precious phone?" gulat na tanong ni Monica pero agad syang humalakhak na parang nababaliw, "Just kidding. Mayaman ako kaya kong bumili ng marami nyan. And you think yan lang ang copy ko? Kung matalino ka Josh mas matalino ako. Of course kinuha ko na ang cctv tape na 'yan at tinago ang original. Hindi lang tinago kundi kinopya ko pa ng mas marami in case nga na mabura, mawala, o makita mo. Hihihi." tumawa na naman sya "Talino ko, nuh? Hihihi.."Lumapit ako sa kanya at hinawakan sya sa magkabilang braso, "Tangina, Monica. Seriously. Anong gusto mo? What do you need para tigilan mo lang ako at kami ng girlfriend ko?" desperado kong tanong sa kanya habang niyuyogyog sya."Aray!! It hurts, Josh!!' sigaw nya sa akin, "Ikaw ang gusto ko! Ikaw!!" "Hindi ako pwede! May girlfriend ako at mahal na mahal ko sya!!""Mabait naman ako, Josh. Hindi ko sinasabing makiipaghiwalay ka sa kanya," ngumisi na naman sya "All I want is to be your second girlfriend. If I wanted a kiss, you'd give it very quick. It I wanted your body, alam mo na." kumindat pa sya."No!" matigas na sagot ko sa kanya, "Reserved na ang first time ko para kay Pipay.""Hindi din naman 'yan matutuloy once na maipakita ko sa kanya ang video ng halikan natin, e. So deal or no deal?"Napatulala nalang ako sa kawalan dahil wala na akong maisip na ibang solusyon para malusutan 'tong mga blackmail ni Monica sa akin. Para akong nasa isang chess game na kahit anong gawin kong moves matatalo pa din ako. Touch moves kumbaga. Lahat ng naiisip ko palpak at hindi matatalo ang mga sinasabi ni Monica.Kapag hindi ko sinunod ang gusto ni Monica alam kong gagawin nya ang sinabi nya. Ipapadala nya o ipapakita nya kay Pipay 'yun video at kapag nakita ni Pipay 'yun paniguradong makikipag hiwalay sya sa akin.Kapag sinunod ko naman ang gusto ni Monica at ibibigay ang gusto nya, hindi nya ipapadala kay Pipay ang video, meaning hindi kami magkakahiwalay ni Pipay.Shit. Naiipit ako. Wala na akong ibang maisip gawin. Wala ng solusyon. Bakit kailangan pa maging ganito kakumplikado ang mga bagay-bagay."You're evil witch." sabi ko kay Monica habang nakatitig sa kanya ng masaya. Kanina ko pa sya pinagsusuntok sa isipan ko.Humahalhak naman sya na parang nababaliw na witch, "Ang ganda ko namang witch. HAHAHAHA." sagot nya "Now, Josh. Decide. Deal or deal?" "Shit.." hinilamos ko ang mukha ko gamit ang kamay ko dahil sa frustration, "Sige..Deal.." mahina kong sagot sa kanya."Alam ko namang papayag ka din," tumawa na naman sya kasabay ng paglapit sa harapan ko.Bigla na namang dinikit ni Monica ang labi nya sa labi ko at hinalikan ako na parang sabik na sabik.Pinikit ko nalang ang mga mata ko kasabay ng pag flash ng mukha ni Pipay na nakangiti sa utak ko.Sorry, Pipay.Sorry.~JOSH!! YOU DID ANOTHER MISTAKE AGAIN! T_______T####################################Malandi 11####################################Dear Diary,Natapos ang klase namin ng eksaktong alas-singko ng hapon. Nagtext na ako kay Josh na uwian na namin. Nag reply naman agad sya na sandali lang daw dahil matatapos na ang practice nila sa basketball. Mukhang napapalaban na naman ng alugan at hawakan bola si Josh ko diary, ah. Hihi. Sana makita ko na sya kung paano nya hawakan at alugin ang mga sarili nyang balls, diary. Nakakaatat kasi, e. Charot! Gusto ko sana mapanood ang first training nya ngayong hapon kaya lang hindi daw pwede, diary. Gusto pa naman namin suportahan ni pempem si Josh ngayon. Syempre pag nasa loob na kami ng school court bigla ko ilalabas si pempem at sisigaw ng 'Josh galingan mo! Pinapanood ka ni pempem. Make her proud. Make your daughter proud'. Exclusive lang daw ang practice para sa team nila. Ganito pala kahigpit ang basketball team ng SOGO, nuh? Kaya no wonder kung gaano sila kagagaling dahil halatang puspusan ang praktisan nila. Kaya eto mukha akong shunga na nag hihintay sa tapat ng building namin at nakaupo sa ilalim ng punong manga. Ang manga pala hugis pempem, diary. May nalaglag kasing bunga 'yun manga kaya kinuha ko at naisip kong mag kahugis sila. Sa sobrang curious ko at gusto kong mapatunayan ang aking naiisip, nilabas ko ulit si pempem at dinikit ang manga sa kanya."Emeged, pempem. Magkahugis kayo. Baka manga ang destiny mo." sabi ko kay pempem ko habang dinidikit pa 'yun manga sa kanya.Nagulat ako diary sa nakita ko. Ilang segundo ko palang kasing dinidikit ang manga sa pempem ko bigla itong nangitim at parang nabulok na. May lumabas pa ngang bulate sa manga, e."Hala ka pempem anong ginawa mo sa manga," tinatakot ko si pempem ko, "Magkasing tulad na kayo ng manga, pempem. Parehas na bulok. Hihi. Meant to be talaga kayo." tumawa pa ako saka kinurot ang pempem ko. Bakit ganun, diary? Ako din nasaktan sa pagkurot ko sa pempem ko? I therefore conclude nasasaktan ang isang babae kapag kinukurot nila ang pempem nila.Napahinga nalang ako ng malalim saka tinapon sa malayo 'yun mangang hawak ko. Medyo matagal na akong nag hihintay dito, ah? Nakita ko na kasing napdaanan 'yun ChaKa twins na nahihirapang naglalakad habang may saklay pang dalawa. Nabalian kasi sila ng buto, diary. Ikaw ba naman sakalin at ihulog ng negrang pusit na anak ng puta ng karagatan sa pagiging kabit kay Poseidon ewan ko nalang kung hindi ma-fracture ang buto mo. Taray! Fracture.Kaya ang mga gagang feeling kontrabida sa kwento ko pumasok na may saklay at hirap na hirap sa paglalakad. Nag-aaway pa silang dalawa kanina kung sino mas pretty sa kanilang dalawa kaya itong Mimay nairita. Binuhat ni Mimay 'yun lamesang pinagsusulatan nya at binato dun sa kambal. Ang ending bukol ang mukha ng kambal at nagkaroon pa ng braces. Hindi braces sa ngipin kundi braces sa leeg, diary. Nabalian ng leeg ang mga gaga.Sa sobrang bored ko sa mga oras na 'to, diary. May bago tuloy akong na-discover. Ang buhok pala sa pempem at pilikmata ko ay magkarugtong? Sinubukan ko kasing hilahin ang buhok na nasa noo ni pempem nang bigla akong mapakurap ng ilang beses at halos maiyak ako. Ang dami kong nadidiscover, diary.Una : Ang pempem ay hugis manga...oh baka naman pempem ko lang?Pangalawa : Nasasaktan ang isang babae kapag kinukurot nila ang pempem nila.Pangatlo : Magkarugtong ang buhok sa pempem at pilikmata.Hihi. Me is so bright talaga, diary. Mag ship na kaya ako ng course? Anong course ba ang pagiging scientist? May tist sa dulo edi dentist? Mag dentist kaya ako, diary? Para maibahagi ko sa mga tao ang mga nalaman ko. Anong sinabi ng mga kapwa ko students sa akin? 1st year college palang ako may na-discover na.Binaling ko ulit 'yun mata ko sa may school gym at nakita ko si Mong na palabas na. Liliko na sana sya kaya lang nakita nya akong nakabukaka kaya pumunta sya sa kinauupuan ko."Pipay ano ba 'yan. Umayos ka nga ng pagkakaupo mo. Kababae mong tao nakabukaka ka dyan."Yan agad ang sinabi nya sa akin, diary. Magkasalubong pa ang kilay nya at nagagalit.Hindi ko agad sya nasagot dahil busy ang katawan kong may slight na kalandian sa pagtitig kay Mong, diary. Tumutulo pa ang pawis sa noo at leeg ni Mong. Medyo basa din ang jersey nyang suot na mukhang kagagaling lang sa practice ng basketball. Napadako naman ang tingin ko sa may tyan nya at OMG as in OH MASARAP GAGA talaga ang tyan nya. Bakat na bakat ang abs nya diary dahil sa pawis sa buong katawan nya. I wonder kung anong amoy ng singit ni Mong. Hihi! Dirty overload."Bakit?" patay malisya kong sagot sa kanya "Ano bang masama sa pagbukaka? Kunwari ka pa. Nagustuhan mo naman ang pagbukaka ko. Kaya ka nga napapunta sa kinauupuan ko, di ba? Hihihi.""Untog ko kaya 'yang ulo mo dyan sa kinasasandalan mo ng magising ka?" sabi ni Mong saka tumawa. May bigla namang tumawag sa kanyang teammate nya kaya napatalikod sya sa akin at nabasa ko ang nakasulat sa likuran nya.Tiramoko-Tirakita 69Bigla naman akong napatawa dahil sa nabasa ko. Lagi talaga akong natatawa kapag nababasa ko ang apelido ni Mong. Tiramoko-Tirakita. Tapos 'yun number 69 pa. Baliktaran. Alam nyo ba ang 69 ang pinaka-romantic na number sa lahat? After kasi mag romantic dinner ng couple 'yan ang ginagawa nila. Oh, di ba? How romantic."Bakit nandito ka pa?" tanong ni Mong saka umupo sa tabi ko. Nagpupunas pa sya ng pawis nya, "Dapat umuwi ka na, di ba? May trabaho ka pa sa restaurant namin, e.""Hinihintay ko lang boyfriend kong gwapo," sabi ko habang kinikilig, "Bakit ka ba atat pumunta ako ng restaurant? Kanina ka pang tanghali, e. Text ka ng text at tanung ng tanong kung papasok ba ako sa restaurant. Ikaw Mong, ah. Crush mo ko?" pang-aasar ko sa kanya."Ang kapal mo, Pipay. Ikaw, crush ko? No, thanks. Para mo na ding sinabing patayin ko nalang ang sarili ko, nuh. Saka never kitang magugustuhan. Kinakapatid kaya kita at mag best friend pa ang mga nanay natin? Edi parang incest 'yun, di ba? Kaya hindi pwede 'yun, nuh. Hindi pwede dahil ang pangit pakinggan at pangit sa mata ng tao." sunod-sunod nyang paliwanag, diary. Napanganga nalang ako at pakiramdam ko hiningal ako sa sinabi ni Mong.Bigla ko tuloy hinawakan ang pempem ko at nag-alala na baka pati sya hiningal sa sinabi ni Mong."Ang dami mo namang sinabi, Mong. Tinatanong ko lang naman kung crush mo nako, e." pagbibiro ko sa kanya, "Saka ano bang pakialam mo sa iisipin ng tao? Di ba kapag may gusto ka dapat 'yun iniisip nya at iniisip mo lang ang importante? Hindi nyo naman isasama sa relasyon nyo 'yun mga tao na nasa paligid nyo. Hindi din naman importante ang sasabihin nila dahil mas importante ang nararamdaman nyo at pagmamahalan nyo sa isa't isa." pagpapaliwanag ko.Napatitig ng sandali sa akin si Mong saka ngumiti. Lalo tuloy naningkit ang mata nya."Nice," sabi nya habang nakangiti, "Kambing ba?""Anong kambing?" nagtataka kong tanong."Who goat!" tumawa sya, "Hindi mo gets? Ang hugot ay parang Hu-Goat. Kaya kambing." pagbibiro nya."Ay! Buti nalang gwapo ka saka ang yummy ng katawan mo," pambabara ko "Kung pwede lang mag donate ng humor sayo ginawa ko na. Ang dry ng utak mo. Huhuhu.""Gago ka, ah!" tinulak pa nya ako ng pabiro."Ikaw kasi, e. Wag ka na mag joke. Kung pinapakita mo nalang sakin ang patola mo edi natuwa pa ako. Dali pakita mo na sa akin. Wala namang malisya. Trip trip lang natin. Kinakapatid mo naman ako. Dali na habang wala pang tao sa paligid." pamimilit ko sa kanya."Hahaha! Gago ka talaga." bigla nya ako tinulak.This time napalakas na ang tulak nya sa akin diary kaya gumulong na ako pababa. Mabuti nalang may medyo malaking bato dun na nakaharang at naagapan ang pag gulong ko ng bongga. Yun nga lang umuntog naman ang ulo ko."Aray! Nyeta! Nahihilo ako." sabi ko sa sarili ko nung nakatayo na ako. Umiikot pa ang paningin ko dahil sa hilo. May nakikita pa nga akong mga patola na umiikot sa taas ng ulo ko, e. Kanino kayang patola 'to?"Pipay ayos ka lang?" natatawang tanong sa akin ni Mong nung nakalapit sya sa akin."Tinatanong mo ako kung ayos lang ako pag tapos ko gumulong dyan sa lupa at humampas ang ulo ko sa bato?" sabi ko sa kanya "Aba! Oo ayos lang ako. Ang sarap nga, e. Ang sarap gumulong sa may lupa at umuntog ang ulunan ko. Sa sobrang sarap gusto ko pang ulitin. Tara itulak mo ulit ako. Ulit-ulitin lang natin hanggang sa dumugo ang ulo ko. Wag kang titigil hanggang hindi kumakalat ang utak ko sa lupa." sarakastiko kong sabi sa kanya."May utak ka?" nagtataka nyang tanong."Edi joke," supalpal ko sa kanya "Wala man akong utak at least malaki ang pempem ko. Gusto mo makita?""Manahimik ka nga, Pipay." natatawa nyang sabi. Magsasalita pa sana ako kaya lang bigla na naman syang nagsalita, "Sandali lang, Pipay." napatitig si Mong sa akin na parang ako lang ang nakikita nya sa mundo, diary. Dahan-dahan nyang nilalapit ang mukha nya sa akin kaya napapikit nalang din ako at napanguso.Hinihintay kong lumapat ang labi nya sa labi ko pero walang lumapat. Shutang inerns. "Imulat mo na mata mo. Tinanggal ko lang naman 'yun damo sa ulo mo may papikit-pikit ka pang nalalaman dyan." sabi nung habang tumatawa."Tse! Akala ko naman kasi hahalikan mo ko," sabi ko "Paasa ka! Mabaog ka sana.""Aww! Wag naman," pagsusumamo nya "Paano ka kapag nabaog ako? Edi hindi kita mabibigyan ng anak?" seryoso nyang sabi."Ha?" gulat tanong ko."Wala! Sabi ko ang landi mo." tumawa naman sya."Hindi ako malandi," singhal ko "Slight lang." tumawa naman kami ni Mong ng sabay."Anong ginagawa nyo?"Parehas kami ni Mong na napalingon sa pinanggalingan ng boses na 'yun. Nakita namin si Josh na seryosong nakatingin sa amin ni Mong habang nasa gilid nya si Monicalandi na nakangisi. Nakahawak pa sya sa balikat ni Josh ko. Shutang inerns na babae 'to, ah. May pahawak-hawak pang nalalaman sa boyfriend ko. Okay, Pilar. Ikalma mo ang beauty mo. Di ba nangako ka kay Josh na hindi ka magseselos?"Wala naman, Josh ko." sabi ko saka ngumiti "Tapos na practice nyo?"Hindi agad nakasagot si Josh dahil may sinabi si Monicalandi sa kanya. Mahina lang kaya hindi ko narinig. Tumango nalang si Josh kaya umalis na din si gagang malandi na mukhang chakadoll."Oo tapos na," sabi ni Josh na seryoso pa din, "Tara na uwi na tayo. Pagod ako gusto ko magpahinga." napatingin naman sya ng seryoso kay Mong, "Gusto kita masolo sa lugar na walang istorbo."Napatawa naman si Mong sa sinabi ni Josh."Tara na." sabi ko sa kanya. Maglalakad na sana ako kaya lang biglang hinawakan ni Mong ang braso ko kaya napalingon ako sa kanya, "Bakit?""Don't trust too much. That too much can hurt you so much." nakangiti nyang sabi sa akin na hindi ko naman naintindihan."Hanu daw?" sabi ko.Umiling sya saka binitiwan ang braso ko, "Wala. Yun about pala sa tanong mo kanina," sabi nya na nakangiti pa din "Siguro tama ka.""Hanu daw?" tanong ko ulit."Wala. Sige na. Lapitan mo na 'yang boyfriend mong loyal." pinagdiinan pa ni Mong 'yun salitang loyal kaya kinilig ako."I know! Loyal talaga 'tong boyfriend ko," sabi ko nang nakalapit ako kay Josh, "Di ba Josh. Super loyal boyfriend ka?"Napalunok muna si Josh bago sumagot, "Syempre naman. Never kitang pagpapalit, nuh. Ikaw lang ang babae sa buhay ko." saka sya napaiwas ng tingin."Enebe. Kinilig pempem ko. Tignan mo ang pempem ko Josh biglang nangitim 'yan for sure." sabi ko habang natatawa.Hinawakan ni Josh ang braso ko saka pinagpapagan, "Ayokong may humahawak sayo na ibang lalaki, ah? Gusto ko ako lang. Ayokong may ibang lalaki dyan na humahawak sa pag-aari ko." sabi nya na hindi sa akin nakatingin kundi kay Mong. Napangisi lang si Mong at napailing.Naglakad na kami ni Josh palayo kay Mong nang marinig kong sumigaw si Mong."Hoy Manalo. Yun sinabi ko sayo, ah. Sa oras lang talaga na may gawin ka. Makikita mo." parang pag babanta nya kay Josh ko."ULOL! Asa ka pa." sigaw ni Josh na hindi man lang sya nililingon.Para saan kaya 'yun?Habang naglalakad kami ni Josh magkahawak kami ng kamay. Pansin kong ang higpit ng pagkahawak ni Josh sa kamay ko kaya napapangiti ako ng tahimik. Syempre kinikilig ako, diary. Ramdam ko nga din si pempem na kinikilig, e. Namamasa na kasi ang panty ko sa loob. Eto talagang si pempem na-carried away na naman sa pagiging sweet ng boyfriend ko."Josh ko alam mo ba kanina sa pina-tumbling ako ng mga kaklase ko." masayang pag kukwento ko sa kanya."Tumambling ka naman ba?" "Syempre," sagot ko at nagmamalaki "Kailan nagpatalo si Pipay? Ako magpapakabog? Nevah!"Napahinto naman sya sa paglalakad at napatingin sa akin, "Bakit ka naman tumambling, Pipay? Gusto lang nila makita panty mo!" inis na sagot nya."Alam ko!" pagmamalaki ko sa kanya, "Kaya nga tinanggal ko muna ang panty ko at nilagay sa bulsa ko bago tumambling, e. Edi hindi nila nakita panty ko. Talino ko ba? Hihi." tanong ko sa kanya na nakangiti at tumataas pa ang kilay.Nasampal nalang ni Josh ang noo nya dahil sa sagot ko. Bakit kaya? Hmmm. I have no idea, diary.Napatitig ako sa labi ni Josh diary nang mapansin kong namumula ang labi nya. Parang kinagat ng langgam na malalaki, e. Parang namamaga kasi."Anong nangyari sa labi mo, Josh ko?" tanong ko sa kanya saka hinawakan ang labi nya, "Parang may kumagat, e. Nakagat ba ng langgam 'yan?"Nagulat ako sa ginawa ni Josh dahil bigla nya akong yinakap nang mahigpit, diary."Oo, Pipay ko. Kinagat 'yan ng langgam na malaki. Kinagat 'yan ng malanding malaking langgam." parang may lungkot ang boses nya diary.Hinagod ko ang likod nya habang nakayakap sa akin."Gagong langgam 'yan, ah. Kinakagat ang labi mo. Ako nga hindi ko kinakagat 'yan, e." sabi ko para mapagaan ang loob nya, "Yari sa akin ang langgam na 'yan."Kumalas sa pagyakap si Josh sa akin saka tumingin sa mata ko ng seryoso, "Basta Pipay mangako ka, ah? Ipangako mo sa akin na kahit anong mangyari hindi mo ko hihiwalayan. Hindi mo ko ibi-break. Baka kasi hindi ko alam ang mangyari sa akin kapag nag hiwalay pa tayo sa pangalawang pagkakataon."Napatitig ako sa kanya at napatawa, "Ano ba 'yang mga iniisip mo, Josh ko. Natural nevah ako makikipaghiwalay sayo. Hihihi."Hinalikan ako ni Josh ng medyo matagal. After nun naging okay na ang mood nya at hinatid na ako sa bahay namin, diary. Tinatanong nya sa akin na kung gusto ko ba daw na ihatid nya ako sa restaurant kaso sabi ko wag na. Halata kasing pagod sya dahil sa practice kaya sinabi kong magpahinga nalang sya. Itetext ko nalang sya pag nakauwe na ako.Nung pag-alis ni Josh papasok na sana ako ng bahay namin nang may marinig akong magsalita sa likuran ko."Nice. Ilang bwan na din ang nakalipas pero kayo pa din," boses ng lalaki, "Kailan ba kayo mag hihiwalay?"Biglang bumilis ang tibok ng pempem este ng puso ko dahil sa boses na 'yun. Agad akong napalingon sa kanya at ngumiti. Shutang inerns. Medyo lumaki ang katawan nya at lalo syang gumwapo, diary."Asan ang pasalubong ko?" sabi ko habang nakangiti, "Chocolates man lang o sapatos?""Saka na 'yun." sagot nya saka ngumiti din. Nakita ko muli 'yun ngiti nya kung bakit ko sya nagustuhan dati. Syempre number 1 ang patola nyang pinagnasahan ko nung high school pa lang kami, "Eto muna ang ibibigay ko."Inabot nya ang isang paper bag sa akin saka tinignan ko ito."PhCare?" sabi ko nung nakita ko 'yun laman ng paper bag, "Saka panty?" natawa ako.OMG, diary.May nagbabalik sa kwento ko.Bukas nalang ulit ako mag kwento. Inuulan ng mga gwapo, hot at yummy ang story,Pipay.Ps. Mas lalo syang naging yummy. Lumaki din kaya patola nya? Nakakalaki ba ng patola ang paninirahan sa state, diary?####################################Malandi 12####################################Dear Diary,Hindi rin nagtagal si Prince sa pakikipag-usap sa akin, diary. Kakadating lang daw talaga ni Pilipinas nitong gabi at agad na pumunta sa bahay para ibigay sa akin personally ang kanyang pasalubong na PhCare at bagong panty. Sinabi nyang magkita nalang daw kami bukas sa plaza na malapit sa amin para makapag-usap tungkol sa mga nakalipas na bwan. Pumayag naman ako dahil anong karapatan kong tumanggi sa taong galing ng US at may pasalubo sa aking PhCare at panty na halatang mamahalin? Nakakahiya naman sa kanya na tumanggi ako dahil baka isumbat pa nya, di ba?Nagtataka din ako diary kung bakit sa dinami-raming pwede nyang ipasalubong sa akin ay Phcare at panty pa? Anong tingin nya sa akin walang pambili ng mga 'yun? Hello lang, Prince. Never kong nakakaligtaan gumamit ng Phcare, nuh. Lagi ko kaya 'yang gamit sa buhok at mukha ko. Minsan nga pangscrab pa ng buong katawan ko, eh. Saka bakit kailangan nya din ako bigyan ng panty? Anong tingin nya sa akin hindi nag papanty? My Gosh, diary. Nagpapanty-- Oo na joke lang. Punyeta! Oo na hindi na ako nagpapanty. Masaya ka na? Basag trip ka talaga, diary.After nya umalis pumasok na ako ng bahay at umakyat ng kwarto. Ginamit ko din agad 'yun binigay ni Prince PhCare sa buhok ko. Kakaiba ang amoy diary kaya napatingin agad ako sa bote at binasa kung anong flavor.Pempem flavor.Taray ng flavor ng PhCare, diary. Kapangalan ni pempem ko. Kaya pala biglang kinilig si pempem nung hawak-hawak ko ang bote. Tinanong ko nga sya ng.."Ano pempem? Gusto mo ba maranasan mag shampoo ng phcare?" tanong ko sa kanya habang nakayuko para makita sya ng maayos.Tumango naman si pempem at parang kilig na kilig, "No, pempem." pag tanggi ko "Bawal sayo ang Phcare, okay? Hanggang tubig ka lang. Bawal sayo ang mabaharin ng kahit anong may sabon dahil mawawala ang amoy mo." sabi ko sa kanya. Agad naman nagtampo si pempem ko diary dahil bigla syang ngumuso."Wag mo kong ngungusuan, pems." pag sita ko sa kanya habang nagsasabon ng katawan, "Kurutin ko 'yang pisngi mo, e." napansin kong lalo naman syang ngumuso, "Ay si pempem gustong magpakurot. Hihihi." kinurot ko nalang sya ng mahina pero ako din naman ang nasaktan sa sarili kong kurot. Weird lang, diary.Minsan kailangan din nating kausapin ang ating mga pempem, girls. Kausapin lang ba na parang tao at kwentuhan ng mga bagay-bagay. Lahat ng parte ng katawan natin ay may buhay lalo na ang mga uri nila pempem. Kapag malungkot tayo malungkot din sila. Kapag masaya tayo pansin nyo bigla din sila naluluha. Tears of joy kasi 'yun. Minsan di ba mararamdaman nalang din natin na parang nababasa ang panty natin? Umiiyak kasi sila sa labis na kasiyahan. Kung minsan naman may dugong lumalabas sa kanila na ibigsabihin broken hearted sila. Ang lalandi ng mga pempem natin, nuh?Medyo napatagal ata ang pagligo ko ngayon, diary. 05:40 p.m kasi ako pumasok ng banyo tapos paglabas ko 05:43 na. Tatlong minuto din ako sa loob ng banyo. Naku baka mapagalitan na naman ako ni Inay kong boksingera kapag tumaas ang bill namin ng tubig. Baka isipin na naman ng nanay kong shunga-shunga na ang gastador ko ng tubig sa pagligo. Kung alam lang ni Inay na tatlong tabo lang ang nagagastos ko sa pagligo ko at minsan nga isa lang, e. Tapos kung minsan pa isang beses sa isang linggo nalang ako naligo para tipid. Nung ready na ako para pumasok sa part time job bumababa na agad ako ng sala namin. Naabutan ko si Inay na nasa sulok at nakaupo habang may luha sa mga mata nya. Nakataas pa ang kamay nya habang may hawak na cellphone at nakanguso pa. Ano kayang trip ng inay ko ngayon?"Anong ginagawa nyo, Inay?" tanong ko sa kanya habang nagsusuklay."Nag se-selfie ako. Kailangan ko makabog ang profile picture ni kumareng petra, e." sagot nya habang abala sa pag kuha ng selfie nya. Todo nguso pa si Inay at todo emote sa sulok, "Nakakainis. Ano bang magandang angle.""Bakit ano ba ang profile picture ni Aling Petra." lumapit ako kay Inay."Eto, oh." pinakita nya sa akin 'yun facebook profile picture ni Aling Petra.Naka-pakyu sign si Aling Petra habang nakadila. Napatingin ako sa dibdib ni Aling Petra na walang suot na bra o blouse man lang. Tanging tape lang ang tumatakip sa tumatakip sa utong ni Aling Petra. Lawlaw na din ang boobs nya dahil sa edad nyang singkwenta. Agad naman ako nasuka ng makita ko ang picture. Yun totoo? Ano ba si Aling Petra? Boksingera at basagulera o matandang porn star?Nabasa ko din 'yun caption sa picture nya. "Don't play my feelings. Just play my boobs instead." Parang gusto ko isuka lahat ng nakain ko simula nung sanggol palang ako."Jusko, Inay. Yan lang pala, e. Matatalo 'nyo 'yan." pag cheer ko kay Inay."Really, anak?" nabuhayan ng loob si Inay, "Nabuhayan ako ng loob anak. Malakas ang pakiramdam ko na matatalo ko ang 5 likes ng profile picture ni kumareng petra. Kakabugin ko ang cleavage nya. Ano kaya, anak. Takpan ko naman ng santol ang pempem ko? Kabog di ba?""Wag nyo ng takpan ang pempem nyo, inay. Kapag mas malaswa ang profile picture mo mas maraming likes. Trust me, Inay." "Sige sige. Minsan talaga maaasahan ka, e." tumayo si Inay saka hinubad ang short at panty nya. Agad naman tumambad sa akin ang black forest ni Inay.Shutang inerns. Back off na, Pipay. Kailangan na umalis ng bahay. Ayan na ang mother black forest of all kind!Paglabas ko ng bahay namin kumagat na ang dilim. Medyo madilim na sa street namin kaya medyo scary na ang daanan. Nilaksan ko nalang ang loob ko para hindi matakot. Habang naglalakad ako nilalagay ko sa loob ng panty ko ang cellphone ko. Alam nyo na para iwas nakaw. Iba pa naman ang panahon ngayon, diary. Kahit saang lugar sa mundo wala ng kasiguraduhan. Paliko na ako nang may mapansin akong anino na parang sumusunod sa akin. Agad naman akong napalingon sa likuran ko para makita kung sino 'yun pero wala naman. Tanging kadiliman lang ang sumalubong sa akin. Agad naman ako nakaramdam ng kilabot sa buong katawan ko. Nararamdaman ko nga din si pempem na nanginginig sa loob ng panty ko, e. Tinapik ko lang sya para alam nyang hindi ko sya papabayaan.Muli ulit akong naglakad at dinedma 'yun naramdaman ko. Nakakailang hakbang palang ako nang may marinig akong tumawag sa pangalan ko."Pilar.."Parang boses ng isang babae 'yun tumatawag sa akin. Para din syang may hawak na microphone dahil nag e-echo ang boses nya."Pilar..' Muli nya pagtatawag sa akin. Napalingon ulit ako sa likuran ko nang may makita ako isang babae na sumasayaw ng gimmie-gimmie. Para syang nakukuryente dahil sa pag giling nya at pag hawak nya sa poste. Ang laswa nya tignan."Sino ka?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa kanya.Huminto sya sa pagsayaw at may dinukot na kung ano sa loob ng cleavage nya.Nakita nya sigurong nakita kong dinukot nya 'yun cellphone nya mula sa boobs nya kaya nagsalita sya, "Pinatay ko lang 'yun tugtog." ngumiti sya sa akin, "Dito ko tinatago ang cellphone ko para iwas nakaw."Parehas kami ng strategy sa pagtatago ng cellphone, diary. I think magiging mabuti kaming friends ng gagang 'to."Sino ka nga?" muli kong tanong."Hindi mo ako kilala?" hindi nya makapaniwalang sagot sa akin, "Sige magpapakilala ako." tumalikod sya saka nag streching.Pinagmasdan ko lang sya sa gagawin nya at nagulat ako sa sunod nyang ginawa.Bigla kasi syang tumambling ng pagkataas-taas tapos umisplit na parang walang bukas. "Ako si Dyosa ThikThik. Isang Dyosa at lider ng isprikitik gang." sabi nya habang naka-split sa malawak at madilim na kalsadang pinagtatayuan namin ngayon."Oh, ngayon?" napa-cross arms ako, diary. "Anong eksena mo sa story ko?""Hinahanap ko si Lala." sagot naman nya at hindi pa din tumatayo mula sa pagkaka-split sa semento, "Kailangan ko syang balaan na ilang araw na ang lumilipas pero wala pa ding progress ang mga ginagawa nya. Paki-text naman sya, oh? Wala kasi akong load.""Sinong Lala?" tanong ko "Bobita ka ba? Walang Lala sa kwentong 'to.""Eh? Sino-sino lang pala nandito sa kwentong 'to?" gulat na tanong nya."Ako na pretty. Tapos si Josh na boyfriend ko. Si Mong na yummyness ang body. Tapos si Prince Leroy na pumunta ng US para mag move-on sa kagandahan ko. Hihi," sabi ko habang kinikilig "Tapos si Mimay na negrang pusit na anak ng isang pokpok ng karagatan at pag puputa na si Ursula kay Poseidon. Yun ChaKa twins na feeling kontrabida na binalian ng buto ni Mimay sa chapter 9. Si Monicalandi na pretty pero ang ugali ay yucky dahil super landi at nilalandi nya ang boyfriend ko. Walang Lala dito, te.""Ay pakshet naman, oh." sabi ng nagpakilalang si Dyosa Thik na mukhang gymnast at hindi dyosa, "Maling kwento ang napuntahan ko. Ang tanga ng manager ko. Hindi inaalam kung saan ang exact location ng taping ng Lala Laitera." tumayo sya saka nagpagpag ng katawan. Hindi kaya sya nangawit sa tagal nyang naka-split."Te salamat, ah? Mabuti sinabi mo agad." "Ayos lang, te. Alam mo naman ako mababait sa mga shungang tulad mo. Next time wag tanga, ah? Hindi 'yan nakaka-pretty.""Thanks sa advice, te. Sige aalis na ako. Ciao." Nag bwelo pa sya saka tumambling paalis sa harapan ko. Bago pa nga sya nakalayo bigla syang nalaglag sa kanal na puro tae ng mga aso. Humingi pa sya sa akin ng tulong pero dinedma ko nalang. Ang dami kasing alam, e. Patumbling-tumbling pang nalalaman.Nagpatuloy na ako sa paglalakad papuntang sakayan ng jeep nang may humarang naman sa akin. Isang lalaki na may balot ang mukha at naka-jacket pa."Shutang ina naman, eh." sabi ko na inis na inis "Ano bang meron at puro may extra ngayon dito sa chapter na 'to? My God! Nakaka-stress." pag-angal ko."Aba, Miss. Easy lang napag-utusan lang ako ng director." sagot naman nya."Ano ba rule mo ngayon?" inis na sabi ko sa kanya "Bilisan mo at sabihin mo na ang pakay mo dahil mali-late na ako sa part time job ko.""Isa akong holdaper," sabi nya "Kailangan kitang holdapin.""Ay malamang! Alangang raper ka.""Anong raper?" nagtataka nyang tanong."Raper. Yun 'yun gumagahasa sa mga babae. Raper.""Ahhhh.." sabi naman nya "Ano na. Kailangan na kitang holdapin. Ilabas mo na cellphone mo.""Kailangan ko bang matakot sa'yo?" tumango sya "Sige, wait. Bwelo lang ako." huminga ako ng malalim saka sumigaw "HELP! TULONG PO! MAY LALAKING GUSTONG GUMAHASA SA AKIN! TULUNGAN NYO PO AKO!"Bigla nyang hinampas sa ulo ko 'yun baril na hawak nya. "Bobo! Sabi ko holdapin kita hindi gahasain.""Nag suggest lang ako. Masama ba?" pambabara ko sa kanya "Nyeta! Kukuha lang din ng extra hindi pa mangagahas. Edi sana na-virgin na ako ngayong gabi." sabi ko habang kinukuha sa loob ng panty ko ang cellphone ko, "Oh! Yan lang makukuha mo sa akin. Wala na akong maibibigay sa'yo."Napatingin naman sya sa akin na mukhang diring-diri. "Tung unu! Ipapahawak mo sakin 'yang cellphone mo na galing sa panty mo? No way. Iyo na 'yan. Isaksak mo sa ngala-ngala mo." nag dabog pa sya saka nag walk out paalis ng harapan ko.WOW, ah! Choosy pa ang holdaper na 'yun, ah? Maloka sya kung iPad air ang kinuha ko mula sa loob ng panty ko. Ang panty ko parang bag ni Dora. Lahat kasya kahit patola ni Josh, Prince at Mong. Kahit sabay-sabay ipasok keri ko 'yan. HAHAHAHANang makarating ako sa waiting shed may natanaw akong lalaking nakaupo. May kotse din sa harapan nya at mukhang nag hihintay sya. Lumapit naman agad ako sa kanya at nakilala kung sino sya."Anong ginagawa mo dyan?" tanong ko sa kanya 'nung nasa harapan nya na ako."Bakit ang tagal mo? Kanina pa kaya kita hinihintay." ngumiti sya saka tumayo. Kainis, diary. Bakit ang gwapo ni Mong kahit gabi na? Nakasuot lang sya ng short at sandong kulay itim kaya bakat na bakat ang maganda at sexy nyang katawan. Ngumiti pa sya kaya lalong sumingkit ang mga mata nya. May nakikita pa kaya 'to? Nakikita pa kaya nya kagandahan ko?"Leshe kasi, eh. Ang daming umextra ngayong chapter." sagot ko sa kanya."Anong umextra? Saka anong chapter?" sagot naman nya na mukhang naguguluhan."Wala. Wala." sabi ko "Bakit ka nga nandyan at anong ginagawa mo dito sa lugar namin?""Sinusundo kita. Baka kasi wala kang masakyan, eh." sabi ni Mong sabay umiwas ng tingin."Telege? Senesende me ke?" kinikiliig na sagot ko sa kanya "Ikaw Mong, ah. Hindi mo mahintay na dumating ako sa restaurant nya, nuh? Kaya para makasigurado ka sinundo mo pa ako. Hihihi.""Tulok! Wag ka ngang feeler. Tara na at marami ng customer sa restaurant namin." Asus! Umiiwas si Mong sa sinabi ko. Hindi makasagot kaya dumiresto na sya pumasok ng kotse nya.Pumasok na din ako sa loob nang kotse nya kaya bigla akong nilamig. Agad naman hinagis ni Mong 'yun jacket nya."Suotin mo 'yan para hindi ka lamigin." sabi nya habang ini-start 'yun kotse."Salamat." sagot ko saka binasa 'yun nakasulat sa jacket.Varsity jacket pala 'to ni Mong kaya may nakasulat na Tiramoko-Tirakita 69 sa likudan.Napangisi tuloy ako diary dahil sa naisip ko.Magtirahan kaya kami ni Mong dito sa loob ng kotse.Hihi! Dirty dirty mo, Pipay.First night sa part time job,Pipay.JOSH'S POV."Tangina sinabing papunta na, eh. Hindi makapaghintay?"Sigaw ko kay Monica habang kausap ko sya sa cellphone. Anong oras na kasi tapos tinawagan nya pa ako para lang makipagkita. Tinanggihan ko sya at sinabing wag na at bukas nalang dahil gabi na masyado pero sadyang makulit talaga ang malanding Monica. Tinakot pa ako na kapag hindi ako nagpunta kung nasan sya bukas na bukas din daw ipapakita nya kay Pipay 'yun video. Shit. Kaya wala akong magawa kundi maligo tulad ng sabi nya at puntahan sya."Hihihi. Alam ko naman na hindi mo ako matitiis, e. Kaya bilisan mo na, Josh. Namimiss ko na ang mga mapupula mong labi.." sagot nya na may bahid ng paglalandi ang boses.Napahinga nalang ako ng malalim dahil sa sinabi nya. Ang dami ko ng kasalanan kay Pipay. Ginagawa ko lang naman 'tong mga gusto ni Monica dahil may alas syang hawak laban sa akin. At sa oras na hindi ko sundin ang gusto nya paniguradong mawawala agad sa akin si Pipay. Ayoko. Tangina. Hindi ko kayang mawala sa akin si Pipay. Basta malinis ang konsensya ko na hindi ko niloloko si PIpay at kung ano man an nangyayari ay hindi ko gusto. Hinding hindi.Nakarating na ako sa park na sinasabi ni Monica at agad ko naman sya nakita. Nakasuot lang sya ng puting blouse at maikling short. Kahit medyo madilim sa parteng inuupuan nya kitang kita pa din sya dahil sa sobrang puti ng kutis nya. Agad syang tumayo at ngumiti nang makia nya ako."Mabuti naman dumating ka." sabi nya nung nakarating ako sa harapan nya. Sasagot palang sana ako kaya lang bigla nya akong hinalikan ng madiin sa labi."Ano ba? Baka may makakita sa atin dito." tinulak ko sya ng mahina at agad na tumingin sa paligid. Mabuti nalang wala ng masyadong tao na dumadaan.Tumawa sya, "Don't worry, Josh. It's almost midnight kaya wala ng masyadong tao sa paligid." nilagay ni Monica 'yun dalawang kamay nya sa balikat ko."Ano bang kailangan mo? May pasok pa bukas, oh." irita kong tanong sa kanya."Ikaw. Ikaw ang kailangan ko." straight nyang sagot saka sumilay 'yun nakakalokong ngiti sa labi nya. Mukhang hindi ko gusto 'tong naiisip ni Monica."Anong ako? Shit naman, Monica. Nakakailang halik ka na, eh. Hindi ka pa ba nagsasawa?" umiwas ako ng tingin.Hinawakan ni Monica ang pisngi ko saka hinarap sa kanya, "Hinding hindi ako magsasawa sayo, Josh. Kailangan kita ngayong gabi. Kailangan ko ang iyong katawan." biglang hinawakan ni Monica 'yun ano ko kaya napaatras ako."Monica sobra na 'yan, ah. Babae ka ba talaga?" nagulat na tanong ko sa kanya."Ikaw, lalaki ka ba talaga?" tumawa sya "Palay na ang lumalapit sayo tinatanggihan mo pa?""May girlfriend ako na mahal na mahal ko. Yun pag halik nga na ginagawa mo pakiramdam ko niloloko ko na sya at paniguradong hihiwalayan nya ako kapag nalaman nya 'yun." sabi ko "Saka naririnig mo ba 'yang sinasabi mo? Inaaya mo akong mag-ano?""C'mon, Josh. Don't be so stupid. Alam kong narinig mong gusto ko may mangyari sa atin ngayon." seryosong sagot nya "Sige kung ayaw mo may mangyari sa atin, pwede ko naman ipadala sa girlfriend mo 'yun video natin, eh. Isn't that great idea?" "Fuck." Yan nalang ang naisagot ko dahil sa sinabi ni Monica. Napatulala din ako sa kawalan dahil hindi ko maimagine na gagawin ko 'tong bagay na 'to sa babaeng hindi ko mahal."Don't fuck, Josh. Just fuck me. Hihihihi." ngumiti na naman ng nakakaloko si Monica.Hindi ko na alam ang susunod na nangyari at ang tangi ko nalang alam ay nakaupo na ako sa gilid ng kama ng isang motel habang nasa loob ng banyo si Monica at nag sa-shower.Nakayuko lang ako at parang gusto ng tumakbo paalis ng motel na 'to. Shit! Ano bang ginagawa mo, Josh? Ano bang ginagawa mo sa buhay mo? Tingin mo hindi masasaktan si Pipay kapag nalaman nyang nahahalikan ka ng Monica na 'yan at ngayon may mangyayari pa sa inyong dalawa? Mag-isip ka. Pero kapag hindi ko ginawa ang gusto ni Monica at pag pinakita nya 'yun video kay Pipay katapusan na din ng lahat.Tangina. Wala na akong maisip na gagawin. Ang gulo-gulo ng utak ko.Narinig ko tumigil ang pag tulo ng tubig mula sa banyo at lumabas si Monica na tanging towel lang ang nakabalot sa buong katawan."Your turn.." sabi nya saka tinuro 'yun shower. Walang gana akong tumayo at naglakad papunta sa banyo. Bago ako tuluyang makapasok sa loob tinawag muna ako ni Monica."Mag hilod ka mabuti." sabi nya habang nakaupo sa kama at kumindat pa.Hindi ko nalang sya pinansin at tuluyan ng pumasok sa banyo. Nakatitig lang ako sa salamin. Sa sarili kong reflection habang tumutulo ang sarili kong luha."Ano. Gago mo, di ba? Wala kang magawa, di ba? Pakamatay kana!" sabi ko sa sarili kong reflection.After ko mag shower lumabas nalang ako ng banyo na tanging towel lang ang nakabalot sa ibabang parte ng katawan ko. Umupo muna ako sa gilid ng kama para mag-isip-isip."Josh bukas mo muna 'yun pintuan. Baka 'yan na 'yung sushi na inorder ko sa isang japanese restaurant. Kain muna tayo bago tayo magkainan. Hihihi." Tumayo ako at naglakad papunta sa pintuan para kunin 'yun order.Pag bukas ko ng pintuan parehas kaming nagulat ng taong may dala ng paper bag na naglalaman ng sushi."Eto na po 'yun sushi nyo. Sorry po kung late. Hihi." bigla syang nagulat nang makita nya akong nakatayo sa harapan nya, "JOSH?" sabi nya saka napatingin sa ibabang parte ko na towel lang ang suot."Pipay?" gulat na gulat na pag banggit ko sa pangalan nya.Anong ginagawa nya dito?ABANGAN...####################################Malandi 13####################################Sabaw ang update. SERYOSO! Dear Diary,Hindi ko maintindihan si Mong habang nag mamaneho sya, diary. Nakangiti lang kasi sya habang nag da-drive at nakatingin sa kalsadang dinadaanan namin. Ano bang nakakatawa at parang ang saya-saya nya ngayon? Masaya ba syang kasama nya ako ngayong gabi? Hihi. May crush ata talaga 'tong si Mong sa akin, eh. Ayaw pa kasing umamin. Charlot!"Seriously, Mong. Ano bang nakakatawa at kanina ka pa malapad 'yang ngiti mo?" tanong ko sa kanya nung nag stop kami dahil naging red 'yun traffic light.Napatingin naman sa akin si Mong at mas lalong lumapad ang ngiti sa labi nya. May dumaan pa ngang kotse kaya nailawan si Mong at nakita ko tuloy kung gaano kasingkit ang mga mata nya."Wala naman," sabi nya habang humihiling "Naalala ko lang kasi 'nung mga bata pa tayo. Lagi mong hinuhubad 'yun panty mo tapos isusuot mo sa ulo ko." natawa sya "Pero ngayon ibang-iba na.""Bakit naman ibang-iba na?" "Ano naman kasi nagpapasuot sayo ng gamit ko. Yun nga lang jacket at hindi brief." tumawa sya ng malakas."Bakit, gusto mo bang ipasuot sa akin ang brief mo?" natatawa kong sagot sa kanya "Hubarin mo brief mo dali tapos isuot mo sa ulo ko. Hihihi.""Haha! Gago! Wag ka ngang malibog, Pipay." sabi nya saka binato 'yun karton ng tissue sa akin. Nagtawanan nalang kaming dalawa saka nag patuloy sya sa pag mamaneho.Nakarating kami ng tapat ng restaurant nila Mong, diary. Kahit hindi pa kami nakakapasok sa loob kitang-kita na kung gaano dumugin ang restaurant nila. Punong-puno na kasi ng kotse ang parking lot ng restaurant habang 'yun mga upuan sa labas ay punong-puno rin ng tao. Restau-bar type kasi 'tong pag-aari nila Mong kaya talagang tinatangkilik ng mga kabataan at even mga matatanda na. Samu't saring mga tao din ang nakikita kong customer nila. May jejemon din sa paligid at mukhang may meeting ng clan nila. Mga jejemon talagang 'to pakalat-kalat sa lasangan.Bumababa kami ng sasakyan ni Mong tapos dumiresto na sa loob ng restaurant. Ang ganda ng design ng restaurant kapag gabi, diary. Ang sarap sa mata ng color at mga ilaw. May touch of japanese style talaga. Talagang hindi inalis ni Ninang Glenda ang pagiging hapones nila, ah. Bigla ko ngang naramdaman na kumati pempem ko. Marahil gusto nya din makita ang mga nakikita ko. Agad ko nga syang tinapik at pasimpleng sinabi na 'Wag kang lalabas, pempem. Madaming tao at baka pagkaguluhan ka.' Naramdaman ko naman na tumango si pempem kaya dedma na.Nakasunod lang ako kay Mong nang may dalawang babaeng super sexy ang humarang sa dinadanan namin. "Monjie! Hindi namin inaakalang pupunta ka ngayon dito sa restaurant nyo. Let's have a party!" sabi nung isang babae na halos makita na ang kuyukot sa ikli ng suot. Yun isa namang kasama nya nakangiti lang kay Mong at halatang nagpapa-cute.*cough* Mga *cough* pakangkang na babae."I'm so sorry, ladies." sabi ni Mong saka biglang hinawakan 'yun kamay ko at hinarap sa mga babae "I'm with my girlfriend."Halos lumaki 'yun mga mata nitong dalawa dahil sa sinabi ni Mong, diary. Kahit ako hindi makapaniwala sa sinabi nya, e. Kailan nya pa ako naging girlfriend, aber? Kailan kami nag break ni Josh at kailan nya ako niligawan? "Yan, girlfriend mo?" turo sa akin 'nung babaeng pulang-pula ang labi dahil sa kapal ng lipsticks "Impossible. Common, wag ka magjoke, Mong." humalakhak pa silang dalawa.Natawa lang din si Mong saka bigla nya akong pinatalikod sa dalawang babae na tumatawa. Napansin ko naman na bigla silang napatigil at binasa ang nakasulat sa jacket na suot ko."OH MY GOD!" sabay nilang nasabi "This is your jacket, right?" tumango si Mong habang nakangiti pa din "Oh. I remember na sinabi mo sa amin na tanging girlfriend mo lang ang papasuotin mo ng jacket mo. So, she's really your girlfriend?" gulat na gulat na sabi nung isang babae."Yeap." matipid na sagot ni Mong "So thus stop bothering me. Seryoso ako sa girlfriend ko." hinawakan ni Mong ang kamay ko at nilampasan 'yun dalawang babae na gulat na gulat dahil sa sinabi nya.Kilala si Mong ng mga bawat customer na dinadaanan namin dahil kumakaway sa kanya kapag nung dumadaan kami, diary. Famous pala 'tong si Mong. Pati kaya sa facebook famous din sya? Hawak-hawak nya lang ang kamay ko kaya napapatingin sa amin 'yun mga taong nakakakita sa aming dalawa. May matanda pa ngang nagpapa-cute kay Mong pero biglang hinimatay dahil nakita kung gaano kahigpit ang hawak ni Mong sa kamay ko."Hoy! Anong pinagsasabi mo dun? Girlfriend pa, ah." sabi ko kay Mong nang makapasok kami sa kusina ng restaurant. Nasa gilid lang kami kaya hindi kami abala sa mga nagluluto at mga waiter.Tumawa sya ng malakas, "Joke lang 'yun! Gusto ko lang sila inisin." patuloy pa din sya sa pagtawa, "Saka magiging girlfriend din naman kita, eh.""Anong sabi mo?" tanong ko sa kanya dahil hindi ko narinig 'yun last nyang sinabi."Wala, wala." sagot naman nya "Oh, ayun pala si Mama, eh. Ma! Eto na si Pipay, oh." pagtatawag nya ng pumasok si Ninang Glenda ng kusina."Buti naman Pipay andito ka na. Hindi ka ba nahirapan sumakay ng jeep?" sabi ni Ninang Glenda "At ikaw Monjie, himala at napadalaw ka dito sa restaurant. Anong masamang hangin ang nagdala sayo dito at nagawa kang mapapunta dito ng gabi?" tanong ni Ninang kay Mong."Bored lang ako sa bahay, Ma. Kaya dalaw-dalaw din pag may chance." ngiting-ngiti si Mong."Hindi naman ako nahirapan sa pagsakay, Ninang. Sinundo kasi ako ni Mong sa kanto namin, eh." sabi ko "Nagulat nga ako dahil hinihintay pala nya ako dun. Pinasundo mo ba ako?"Nagulat si Ninang Glenda "Ha? Pinasundo? Hindi, ah." sabi nya na bakas ang gulat sa mukha "Hindi kita mapapasundo kay Mong dahil never mo mauutusan 'yan kapag gabi na. Kahit nga suhulan ko 'yan ng pera para lang dumalaw dito hindi pa magawa, eh. Saka talaga sinundo ka nya?" saka tiningan ni Ninang Glenda si Mong ng nakakalokong tingin."What?" sabi ni Mong na halatang naiilang."Kanojo no koto sukinanoka??" pagsasalita ni Ninang Glenda ng japanese kay Mong. Hindi ko naintindihan. Leche! Gugel translator i need you."Ha?" gulat na sagot ni Mong "Sukijyanai, kanojo ni wa kareshi ga oru.""Weh? Hindi nga anak. Magsabi ka ng totoo?" sabi naman ni Ninang Glenda "Hindi naman kita pipigilan. Susuportahan pa kita.""Hindi nga sabi, Ma." parang iritadong sagot ni Mong"Eh bakit mukhang naiinis ka?" natawa si Ninang Glenda "Okay, nak. Mukhang in-denial ka pa.""Stop it, Ma." iritado na talaga si Mong."Anong pinag-uusapan nyo?" pagsisingit ko "Kanina pa kayo nag jajapenese. Susukolamasinmo desu tapos sigepalamaslang deka. Ano meaning 'nun?"Humagalpak lang sila ng tawa "Wala naman kaming sinabing ganyan. Bastos talaga ng bibig mo." sagot naman ni Ninang Glenda habang tumatawa pa din.Binigay na sa akin ni Ninang Glenda 'yun uniform na gagamitin ko. Nagpaalam na din sya na lalabas na at mag-aasikaso ng ibang customer dahil hindi kaya ng ibang waiter at waitress 'yun pagkuha ng mga orders. Pero bago sya tuluyang makalabas bigla syang tinawag ni Mong."Ma!" pag tatawag ni Mong sa nanay nya "Naze nara aisiteiru kara.""Really?" tuwang tuwa na sagot ni Ninang "Approved!"Tumango lang si Mong saka namula. Shutang inerns, ano bang pinag-uusapan nila at hindi ko maintindihan. Mamaya pinaplano na pala nila kung paano ako gagahasain ni Mong, eh. Ay 'te! Por pabor sa akin. Char!Iniwan ko na si Mong sa kusina habang kumakain sya. Tinanong ko nga sya kung uuwe na ba sya sinabi nya hindi pa daw dahil nakakatamad daw sa bahay nila at walang magawa. Naguguluhan tuloy ako sa sinabi ni Ninang Glenda na dati hindi daw mapapunta si Mong dito sa restaurant nila kahit suhulan nya. Pero bakit ngayon napapunta sya and sinundo pa nya ako mula sa amin? Imagine, dalawang bayan pa ang layo ng restaurant na 'to mula sa bahay namin. Babyahe pa sya ng ganun kalayo para lang sunduin ako? Ang pretty ko naman pala talaga. Tumabi nga kayo. Naapapakan nyo ang buhok ko. Haha!"Paputulan mo din buhok ko. Ang haba na, eh." bigla kong narinig na nagsalita si pempem ko kaya agad ko syang tinapik. "Hindi ka pwedeng gupitan ng buhok, pempem. Mamalasin tayo. Forever birhin ka kapag nagpagupit ka ng buhok. Gusto mo ba 'yun?" sabi ko habang nakayuko. Para marinig nya bulong ko."Ayaw." ramdam kong nag-pout pa si pempem dahil dumikit ang labi nya sa pantalon ko. Wala kasi akong panty kaya diresto sa pantalon ko ang dikit ng labi nya. Nakalimutan ko mag panty kanina sa sobrang pagmamadali ko.Ang trabaho ko dito sa restaurant ay kumuha ng mga order at mag hatid ng mga order. Tinuruan ako ng mga katrabaho ko na si Lucky T. Tinio at si Pablo Job sa mga basic na trabaho ko. Pansin ko din si Mong na sinusundan ako ng tingin habang nag tatrabaho ako. Tapos kapag mapapatingin ako sa kanya bigla syang iiwas ng tingin at kunwaring may ginagawa. Anong eksena ng lalaki na 'to?"Pipay may order pala sa Tea Rhahan Thayo Motel. Pwede ba ikaw nalang mag dala ng order dun?" tanong sa akin ng head chef namin."Ah sige po. Saan po ba 'yun? Malayo ba?""Sa bayan lang naman 'yun. Isang jeep lang." sabi nya saka binigay sa akin 'yun paper bag na naglalaman ng sushi.Paglabas ko ng restaurant para pumunta sa sakayan ng jeep biglang humarang sa harapan ko ang kotse ni Mong. Binaba nya 'yun bintana nya saka ngumiti sa akin."Tara hatid na kita." sabi nya habang nakangiti."Naks! Taray naman pala. Ang gwapo ng driver ko." natatawang sabi ko sa kanya saka sumakay sa sasakyan nya."Driver? Mas bagay ata akong maging boyfriend." sagot ni Mong na mahina."Uy narinig ko 'yun!" pang-aasar ko sa kanya. "May boyfriend ako kaya wag mo ko landiin utang na loob. Baka kapag napikon ako patulan kita." sabi ko."Haha! Mapikon ka na pala." sagot naman nya saka nagpatuloy sa pag mamaneho. "Pipay pwede ba kita titigan?""Bakit?" "Sabi kasi ni Mama mag focus ako sa pangarap ko. BOOM!" Aba bumabanat ang Mongoloid, ah."Mong, pwede mo ba akong mahalin? Kahit 31% lang." "Bakit naman 31% lang?" nagtataka nyang tanong."Para ako na ang bahala sa 69! Boom!"Nagtawanan lang kami ni Mong habang nakasakay sa papunta sa Tea Rhahan Thayo Motel. Habang nasa byahe biglang may lalaking humarang sa daan namin at may binibigay na papel. Agad naman ko naman binasa 'yun nakasulat sa papel.May twitter ka? Pa-follow naman, oh. @owwsiccc. Thanks!Agad kong nilukot 'yun papel at binato sa labas. Shutang inerns, book 2 na ang kwento ko pero may famewhore pa din."Hintayin nalang kita dito." sabi ni Mong nung nasa tapat na kami ng Tea Rhahan Thayo Motel."Sige, salamat." "No prob. Basta ikaw!" ngumiti si Mong.Pakshet! Ang gwapo gwapo ni Mong. Kainis.Pumasok na agad ako sa motel dahil baka mahalikan ko si Mong kapag hindi ko napigilan ang sarili ko. Hinahanap ko naman agad 'yun room 13 na nag-order. Nung nakita ko agad akong kumatok.Shuta. Ang tagal naman mag bukas ng customer na 'to. Mukhang nasa kalagitnaan sila ng langit, ah. Ano kayang gagawin nila sa sushi kung nagkakainan na naman sila sa loob? Magsasayang lang sila ng pagkain, eh.Narinig ko na may papunta na sa pintuan kaya napaayos ako ng tayo saka ngumiti. Pag bukas ng bigla akong yumuko at nagsalita."Eto na po 'yun sushi nyo. Sorry po kung late. Hihi." sabi ko habang nakayuko. Pag angat ko ng mukha ko agad napalitan ng gulat ang ngiti sa labi ko "JOSH?""Pipay?" pag banggit ni Josh sa pangalan ko na halatang gulat na gulat dahil hindi nya siguro inaasahan na ako ang makikita nya.Hindi agad ako nakasagot dahil napatitig lang ako sa ayos ni Josh ngayon. Tanging puting towel lang kasi ang kanyang suot na nakapalupot sa ibabang parte ng katawan nya. May mga tubig pa sya sa katawan nya at medyo basa pa ang buhok nya na halatang kagagaling lang sa pagligo."Anong ginagawa mo dito?" bakas pa din ang gulat sa tanong ko.Gulat lang din si Josh habang nakatingin sa akin. Halatang kinakabahan. "Ah..eh..Dito kasi ako matutulog ngayong gabi..Wala kasing kuryente sa bahay namin.. Tama..walang kuryente..""Ah. Sinong kasama mo dyan? Pwede pumasok." papasok sana ako sa loob ng kwarto kaso biglang humarang si Josh sa dadaanan ko."Wala! Wala akong kasama. Magulo ang kwarto ko wag kana pumasok." sabi nya habang nakaharang pa ang mga kamay sa magkabilaang pintuan.Napadikit tuloy ako sa katawan nya kaya bumangga sa akin 'yun bukol sa na nakabakat sa towel."Ouch!" sabi ko "Bakit may bukol ka dyan? Nadapa ka ba?" hahawakan ko sana 'yun bukol pero agad syang lumayo."Hindi." saka nya kinuha 'yun paper bag na dala ko "Eto na ba 'yun inorder ni Mo--ko? Eto ba 'yun inorder ko?"Napatitig lang ako kay Josh saka dahang-dahang napatango. "Oo 'yan na 'yun.""Sige salamat." sinarado ni Josh 'yun pintuan ng malakas.Napatitig lang ako sa kawalan dahil sa ginawa ni Josh. Di ba boyfriend ko sya? Bakit ganito ang pakikitungo nya sa akin. Shutang inerns. Girlfriend nya ako pero hindi man lang ako nagawang kumustahin kung pagod na ba ako dahil nasa part time job ako ngayon. Hindi ako nagagalit dahil sa pinakitang action ni josh kundi..nasasaktan.Ano to kapag nasa motel sya kailangan may cold treatment sya sa akin? Nagmamalaki porket nakacheck-in sya sa motel? Gaguhan ganerns?Naglalakad na ako palabas ng motel nang maalala kong hindi pala ako binigay ni Josh 'yun bayad para sa inorder nyang sushi. Nagdadabog tuloy akong naglalakad."Miss wag maingay. Dahan-dahan lang sa paglalakad at may nagsesex." paalala sa akin nung babae sa front desk.Inirapan ko nalang sya at hindi na pinansin.Naglakad ulit ako papunta sa room ni Josh para kuhain 'yun bayad nya. Wag nya sabihing ako na magbayad ng inorder nya dahil first night ko palang sa trabaho ko. Aba! Hindi pwedeng mabawasan ang kikitain ko dahil bilang ko na 'yun pambili ng regalo ko sa kanya sa linggo. Monthsarry na kasi namin sa linggo kaya kailangan special ang maibibigay ko. Hindi pwedeng sya nalang lagi ang bongga ang regalo.Pagkabalik ko sa pintuan ng kwarto ni Josh huminga muna ako ng malalim. Kakatok na sana ako nang mapansin kong hindi nya pala naisarado ng maayos ang pintuan kaya may kaunting siwang. Nakaisip tuloy ako ng very-very na idea. Papasok ako at gugulatin si Josh sa loob para masurprise sya. Hihihi.Nakangisi ako habang dahang-dahan binubuksan ang pintuan. Mabuti hindi nag-iingay 'tong pintuan kaya madali kong nabuksan at nakapasok sa loob. Napapatawa ako ng mahina sa ideyang magugulat ko si Josh kapag nakita nya akong nakapasok sa loob ng kwarto na hindi nya alam.Maingat akong naglakad papasok hanggang makita ko ang kama. Napanganga ako at imbis na si Josh ang magulat sa gagawin ko ako pa ang nagulat sa nakita ko.Nakapatong si Josh sa isang babae at nakahubad habang may ginagawa silang milagro. Napansin ko din 'yun dala-dala kong sushi na nasa sahig lang at natapon na."Josh?" nanginginig ako nang banggitin ko ang pangalan ni Josh. Hindi ko maalis ang titig ko kay Josh at sa babaeng kasama nya habang naglalaro sila sa ibabaw ng kama.Napatigil sa Josh sa ginagawa nya at napatingin sa akin. Kitang kita ko kung paano lumaki ang mata ni Josh dahil nakita nya akong nakikita ko ang ginagawa nya.Napanganga lang si Josh at tanging walang naisagot sa akin.Ramdam kong umagos na ang luha ko at napatakip nalang ako ng bibig nang makita ko kung sino ang kasama ni Josh.Si Monica.Si Monicalandi. Shutang inerns.Hindi ko na ma-take 'yun nakikita ko kaya agad akong napatakbo palabas ng kwarto at palabas ng motel.Shit, diary. Sabihin mong hindi totoo ang nakita ko. Sabihin mong joke lang 'yun at task lang 'yun ni Big Brother.Nasusuka sa nakita,Pipay.~Kanojo no koto sukinanoka? = You like her?Sukijyanai, kanojo ni wa kareshi ga oru = I don't like her. She has a boyfriend.Naze nara aisiteiru kara = I don't like her cause I love her.####################################Malandi 14####################################Sorry kung ang tagal ng update. Naging busy lang! Anyway, filler chapter lang 'to! Haha!Dear Diary,Anong mas masakit, diary? Ang makita mo ang pinakamamahal mong boyfriend na nakapatong at gumagawa ng milagro kasama ang isang babae o ang maipitan ka ng buhok sa pempem habang nakapantalon ka? Tingin ko 'yun mas masakit kapag bumangga ang pempem mo sa kanto ng lamesa. Ano ang mas mahirap, diary? Yun iisipin mo kung paano mo tatanggapin 'yun nakita mo dahil ayaw mong mawala sya sayo dahil mahal na mahal mo pa din sya o kung paano mo kakamutin ang pempem mo na nangangati kapag nasa public place ka? Shutang inerns, diary. Hindi ko na alam ang mga sagot sa tanong ko. Sa totoo lang, dalawang araw na ang nakalipas simula nang makita ko 'yun nakakasukang pangyayari na 'yun sa motel. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko hanggang ngayon. Gusto kong tanungin si Josh kung saan ba ako nagkulang at nagawa nya pang tumikim ng ibang pempem. Ako na nga 'tong girlfriend nya. Ako na nga 'tong willing ibigay ng libre pero naghanap pa sya ng iba. Bakit, diary? Mas gusto nya ba ng pempem na maputi kesa sa pempem na color brown? Aba, hindi ko alam na may diskrimasyon na ng pempem sa Pilipinas. Hindi ako papayag na naaapi lang si pempem. Ever since that day puro tawag at text ang ginawa sa akin ni Josh. Pinatay ko lang ang cellphone ko at nag kulong sa kwarto. Umiyak lang ako ng umiyak dahil hindi ko talaga matanggap 'yun nakita ko. Pero in all fairness, diary. Ang sexy ni Josh kapag hubu't hubad. Ang firm ng muscle nya sa buong katawan. Pero 'yun nga lang. Ibang babae ang unang nakakita sa katawan nya. Di ba dapat ako ang mauuna since ako ang girlfriend nya? Di ba kung gagawa sya ng milagro ako dapat ang ka-join force nya at hindi ibang malanding gagita? Pero bakit hindi ako? Kung nangangati ang patola nya pwede naman nya akong tawagin para magpakamot ng patola, e. Pero bakit iba pang shutang inerns na malanding futa ang sinama nya sa kama.Natawa nalang ako ng mapakla sa nakita ko. Nung nararamdaman kong aagos na naman sa pisngi ko ang luha ko bigla ko 'tong pinunasan."Uy, Pipay. Ayos ka lang? Naiiyak ka ba?" Bigla akong napatingin kay Prince na nasa harapan ko. Kasama ko sya ngayon dito sa isang kainan na malapit sa school. Lunch break ngayon kaya pwede akong pumunta kung saan hindi ko makikita ang anino ni Josh o anino ng futapeteng Monica na 'yun. Ang weird nga dahil parang ako pa ang may nakakasukang ginawa dahil ako pa ang nagtatago mula sa kanilang dalawa. Dapat nga sila ang matakot dahil sa nakakadiri nilang ginawa pero hindi, e. Ako pa 'tong umiiwas. Hindi pa ako handang magpakita kay Josh. Hindi ko pa kaya. Dahil alam ko sa oras na makita ko si Josh na nakatingin sa mga mata ko wala na akong ibang magawa kundi umiyak nalang ng umiyak at baka isang sorry nya lang mapatawad ko ulit sya.Shutang ina. Eto ang mahirap kapag mahal na mahal mo 'yun tao, eh. Hindi mo kayang patagalin ang galit mo sa kanya. Mas nag-uumapaw kasi ang pagmamahal mo kesa sa galit mo. Love makes people go weak. Quotes again. Paki-tweet, pemsters. Pakikisama lang, oh? Broken hearted ako kaya pagbigyan nyo ko."Kailan mo balak sagutin ang tanong ko, Pipay? Sa next chapter pa ba?" tanong ulit ni Prince habang umiinom sya ng iced tea nya."Ay, sorry naman," sagot ko sa kanya "Actually sa book 3 ko pa planong sagutin ang tanong mo." tumawa ako ng tumawa.Napatitig lang si Prince sa akin habang nakakunot ang noo nya."May problema ka ba?" biglang napalitan ng pag-aalala ang boses nya.Napatigil naman ako sa pagtawa "Ha, bakit mo naman nasabi?" "Tawa ka kasi ng tawa, eh. Kanina ka pa tawa ng tawa kahit walang nakakatawa." sagot nya "For example kanina habang bumibili tayo ng ulam. Bigla kang tumawa nang makita mo 'yun dinuguan. Sabi mo mas masarap 'yun kung dugo ng pempem mo ang gagamitin." "Oh, bakit? Nakakatawa naman, di ba?" saka tumawa na naman ako."Eh 'yun bigla kang tatawa na Monica 'yun pangalan ng cashier. Anong nakakatawa sa pangalang Monica?" seryoso na naman nyang tanong.Biglang nawala 'yun ngiti sa labi ko at napalitan ng mapaklang tawa."Wala may naalala lang ako." nag-iwas ako ng tingin.Naramdaman kong biglang hinawakan ni Prince 'yun kamay ko, "Pipay, kilala kita since first year high school pa lang tayo. Alam kong kahit may problema ka tumatawa ka pa din. Siguro kung ordinaryong tao lang ang makakakita sayo iisipin lang na normal 'yan. Pero ibahin mo ako dahil matagal na kitang gusto. Alam ko ang pinagkaiba ng mga tawa mo. Yun tawa mong totoo at 'yun tawa mong may tinatagong lungkot at sakit."Hinila ko 'yun kamay ko "Kilalang-kilala mo talaga ako, nuh?" Nakangiti kong tanong kay Prince saka nag-iwas ng tingin. "Wala akong problema, Prince. Siguro pagod lang ako dahil tambak ang projects ko tapos may part time job pa ako sa gabi. Walang matinong tulog.""Kahit naman may matinong tulog ka hindi pa din nagbabago itchura mo, eh. Forever haggard ka kaya." biglang tumawa si Prince.Kinuha ko 'yun tray na pinaglagyan ng pagkain namin saka ko binato sa kanya. Mabuti nalang nakaiwas sya kundi bullseye ang mukha nya."Lakas mo manghard samantalang galing kang America tapos dito mo lang ako sa carinderia ililibre. WOW! Big time. Sosyal ka talaga koya, Prince." inirapan ko sya."Eh sabi mo kasi hindi ka pwedeng lumayo, e. Kaya dito nalang kita nilibre." kumamot pa sya sa ulo nya at mukhang nahihiya. Tinamaan ata sa sinabi ko, diary. LOL!"Ilibre mo ko sa mamahaling restaurant. Ang kuripot nito. Akala ko ba mahal mo ako? Bakit tinitipid mo ko?" "Anyway, Pipay. Nakita ko pala si Josh kanina. Mukhang ilang araw na walang tulog dahil ang itim-itim ng ilalim ng mata. Binati ko nga pero hindi ako pinansin, e. Parang wala sa sarili. May problema ba 'yun?"Nag hikbit balikat nalang ako, "Ma at Pa.""Ma at Pa?" kunot noong tanong ni Prince."Malay ko at pakialam ko?" seryosong sagot ko saka inubos ang laman ng iced tea. "Wag na natin sya pag-usapan kasi nawawalan lang ako ng gana." saka ako umirap."Owww." sagot naman nya "Mukhang may problema nga kayo, ah. Sana magbreak na kayo para ako naman ang may exposure sa book 2 na 'to. Nakakatamad na kasing umalis ng Pilipinas para lang mag move-on.""Ano?""Wala." ngumisi si Prince habang nakatingin sa akin.Nung natapos na kami sa kinakain namin umalis na kami ni Prince ng restaurant. Ang pakshet na Prince 'yan dahil walang barya at puro dollars pa ang pera nya ako ang pinagbayad nya sa kinain namin. Parang ako din ang nanlibre, di ba? Walang asenso talaga 'tong lalaki na 'to. Hanggang book 2 walang pakinabang. Nung book 1 pinagbayad ako ng tricycle. Ngayon namang book 2 ako pinagbayad ng kinain namin. Suntukin ko patola nya dyan, eh."Eto naman nakasimangot na agad. Babayaran kita sa sabado. Date tayo!" natatawa nyang sabi habang nasa tapat kami ng SOGO gate."Hindi ako pwede. May trabaho ako.""Ay okay.""Leche! Hindi mo man lang ako pipilitin sumama sayo sa date?" "Eh kasi naisip ko na ang pangit din tignan. May boyfriend ka tapos mag di-date tayo." malungkot na sagot ni Prince."Sus ayos lang 'yan. Walang pakialam 'yun." todo ngiti kong sagot kay Prince 'Si Josh nga may girlfriend pero nakuha pang makipag-jerjeran sa ibang babae, e.'"Sure ka dyan, ah?" tumango ako.Nung nasettle namin 'yun date namin ni Prince nagpaalam na ako sa kanya. Papasok na sana ako sa loob ng school nang bigla nya akong tinawag. Pag harap ko bigla nya akong hinalikan sa pisngi at tumakbo palayo sa akin."Bye, Pipay!" todo halakhak pa sya habang naglalakad palayo.Napangiti nalang ako sa ginawa ni Prince pero as soon as nakapasok ako ng tuluyan sa loob ng campus bigla ding nawala ang ngiti sa labi ko. Eto na naman 'yun mga oras na pakiramdam ko nag-iisa lang ako sa mundong 'to at walang kakampi. Eto 'yun panahong gusto ko nalang umuwi at mag mukmok sa bahay dahil sa nangyari. Shutang inerns, diary. Para na naman akong niluluto sa kalungkutan ko. Bakit pa kasi ako pumasok? Bakit pa kasi kami iisang school lang ni Josh? Bakit kasi ang pogi ni Sic. Char! Bakit kasi kailangan ko pa makita 'yun bagay na 'yun?Bigla ako nakaramdam ng kakaibang pakiramdam kaya agad ako nagtago sa isang lugar na hindi makikita ng mga tao. May mga puno sa tabi ng building ng department namin kaya agad akong dumiresto dun. Sumilip muna ako kung may mga tao bang nakakita sa akin at mabuti naman dahil wala. Nung natatakpan na ako ng mga puno agad kong tinaas ang palda ko at kinamot si pempem. Shutang inames. Ngayon pa nangati ang pempem ko kung kailan papasok na ako ng classroom. Eto talaga mahirap kapag nasa public place, eh. Hindi mo alam kung paano mo maiinda ang kati ni pempem. Mabuti nalang may tagong lugar.Paglabas ko sa mga puno-puno naglakad agad ako papunta sa classroom. Papasok na ako sa loob nang biglang may humila sa akin at yinakap ako ng mahigpit. Akala ko sya pero hindi pala. Ibang lalaki."Kung pakiramdam mo wala kang kakampi, andito lang ako. Hindi kita iiwan. Hindi kita papabayaan." Hindi ko makita kung sino sya pero may nakita akong logo na nakalagay sa suot nya. Parang logo ni batman. Pag tinangala ko nakasuot din sya ng maskara ni batman. May suot din syang kapa sa likuran nya."Sino ka ba?" tanong ko."Bobo! Ako nga bahala sayo edi malamang ako si Batman." Kilala ko 'yun boses na 'yun. Alam ko din kung sino nag mamay-ari ng matigas na abs na 'to na tumatama sa tyan ko."Puro ka kalokohan, Mong. Saan mo ba nakuha 'yang batman costume na 'yan. Ang init-init nakaganyan ka." natatawa kong sabi sa kanya."Nakita ko lang to sa gym habang nililinis ko 'yun bodega. Kanino ko pa to suot dahil hinahanap kita. Shit ang init nga." Tinanggal ni Mong sa harapan ko 'yun maskara na suot nya pati 'yun fitted na parang plastic na suot nya kagaya nung kay batman. Tumambad na naman tuloy sa harapan ko 'yun abs nyang walastik. Shet! May pawis-pawis pa na tumutulo sa gitna ng mga tinapay nya sa tyan kaya mas lalo sya naging hot. Naramdaman ko na naman tuloy na kumislot sa kilig si pempem kaya pasimple ko syang sinuntok sa noo nya. Pempem na 'to, ang harot masyado."Bakit ka naglinis ng gym? Di ba may janitor naman ang SOGO?" tanong ko sa kanya habang hinuhubad naman nya 'yun suot nyang pang-ibaba. Naka-school pants pa pala sya. Ba yan! Akala ko naman nakabrief lang sya."May sinuntok ako sa mukha kanina, eh. Dahil basketball player din 'yun sinuntok ko. Eto naparusahan tuloy ako." nakangisi nyang sagot."Sino namang sinuntok mo? Basagulero ka pala? Isusumbong kita kay Ninang Glenda!" pananakot ko sa kanya."Hindi naman ako basta-basta nanununtok ng walang dahilan, nuh. Sinuntok ko sya dahil alam kong may ginawa syang katarantaduhan." nakangiting sagot ni Mong "Sige na, Pipay. Pumasok ka na. Hindi pa ako tapos maglinis ng gym, e."Papasok na ako sa classroom nang biglang hinawakan ni Mong ang kamay ko."Bakit?" tanong ko sa kanya pag lingon ko."Wala naman." nakangiti nyang sagot pero 'yun mata ni Mong punong-puno ng pag-aalala "Just..just..""Just?" sagot ko "Just the way you are?""Just remember na andito lang ako no matter what happen." sagot nya "Ako ang batman ng buhay mo kaya ako ang bahala sayo. Shit. Ang korni ko. Bye na nga." Saka sya tumakbo pababa nang hagdanan. Sa sobrang pagmamadali ni Mong bigla syang nadulas pababa sa hagdan pero agad din syang tumayo at patay malisya sa nangyari nung narinig nya akong tumawa. Shuta! Ang macho ng katawan ni Mong pero ang lampa naman.Kahit ganun ginawa ni Josh sa akin medyo masaya pa din ako dahil may mga kaibigan pa din akong nandito sa tabi ko. Gaya ni Prince at Mong. Mga kaibigan na ang sasarap ng katawan. Gawin ko din kaya 'yun ginawa ni Josh? Gumawa din ako ng milagro kasama ni Prince o ni Mong. O di kaya naman gawa nalang kaming milagro ni Prince at Mong. Tatlo nalang kami? Mas masaya kapag marami, di ba? The more the merrier.Pumasok na ako sa loob ng classroom at naupo sa upuan ko. Tahimik lang ako nagmamasid sa mga ginagawa ng mga kaklase ko. Naagaw naman ang atensyon ko ng marinig ko si Mimay na nagsalita."Classmates! Makinig kayo may announcement ako," sigaw nya sa buong classroom. Walang nakinig kay Mimay dahil abala pa din ang mga kaklase ko sa mga ginagawa nila "Makikinig ba kayo sa sasabihin ko o uutot ako ngayon?"Napatigil silang lahat at napatingin kay Mimay. Halatang natakot sa banta ng negrang pusit. Nung last time kasi na umutot 'yang balyenang pusit na 'yan na-postponed ang klase dahil sa sobrang bahong utot ng gaga na kumalat sa buong room. Ending mag hapon kami walang klase dahil sa utot lang ng gaga."Debut ko na next week. Lahat kayo invited." masayang sabi ni Mimay "Ang theme ng debut ko ay sea creatures. Dapat lahat kayo mag-co-costume na parang mga hayop sa dagat.""Kahit ano, Mirasol?" tanong ng isa naming kaklase."Yes! Pero wag na kayo mag sirena dahil ako na ang sirena. Ako na ang dyesebel ng party." humagikgik pa si negra."Dyesebel daw twinnie. Baka butanding." Napatigil si Mimay sa pagtawa ng marinig nya si Charry na nagsalita at tumawa dahil sa sinabi nya. Si Kathy naman tahimik lang at hindi sumagot. Patay kang Charry ka!"Twinnie bakit ganyan ka makatingin sa akin? Hihihi. Dyesebel daw si Mirasol. Mas mukha syang butanding." patuloy lang sa pagtawa si Charry "Twinnie..ha? What?" nginuso ng kambal nya si Mimay na kasalukuyang umuusok na ang tenga at ang sama ng titig kay Charry.Dahang-dahang lumapit si Mimay kay Charry at hinawakan na naman ito sa leeg. Wala ng sabi-sabi at hinagis ni Mimay si Charry palabas ng classroom namin. Hindi pa nakuntento si Mimay at binuhat pa nya ang malaking lamesa na nasa harapan at binato din kay Charry na kasalukuyang nakahiga sa sahig. Bullseye! Tinamaan sa mukha si Charry nang lamesang binato ni negra.Ayan naman kasi, e. Hindi na nadala kay Mimay. Alam nyong ayaw ng negrang pusit na nilalait sya, e. Pero mabuti nalang hindi ko naexperience kay Mimay 'yan. Hanggang talak lang si Mimay sa akin sa book 1, e. Nag evolved na sa pagiging dragona ang negra. Isa na syang octopusmon.Lumabas muna ako saglit ng maramdaman kong naiihi ako. Nasa tabi ng clinic ang pinakamalapit na banyo kaya dun ako pumunta. Pag daan ko sa tapat ng clinic eksakto naman itong bumukas.Parang tumigil ang pag tibok ng puso ko nang makita ko si Josh na palabas ng clinic habang inaalalayan sya ni Monica. May benda sa mukha si Josh na parang binugbog ng kung sino. Nagtama ang tingin naming dalawa ni Josh pero agad nyang iniwas ang tingin nya habang si Monica naman ang sama ng tingin sa akin. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa habang naglalakad sila palayo sa akin at iniwan akong nakanganga dahil sa nakita ko. Diary sino bang girlfriend ni Josh? Ako ba o si Monica?Break na ba kami? Hahahahahahahahahahahahahahahaha shutang inerns. Di ako nainform. Kailan ba kami nag break?Hindi ko na alam ang nangyayari sa relasyon namin ni Josh.Pero naaawa ako nung makita ko 'yun pag mumukha ni Josh. Bugbog sarado at halatang nanghihina. Pero bakit si Monica ang kasama nya at hindi man lang ako?Naguguluhan,Pipay####################################Malandi 15####################################Dear Diary,Hindi na ako pumasok ng afternoon class ko diary dahil sa nakita ko. I know na masamang mag cutting ng mga klase dahil pinangako ko kay Itay na magiging mabuti akong student pero I can't help myself. Para kasing sasabog sa sobrang sakit 'yun dibdib ko habang nakaupo sa upuan ko sa loob ng classroom. Tulala lang ako nun at inisip 'yun nangyari. Pakiramdam ko maluluto at mapiprito na ako sa kalungkutan kaya I chose to go home nalang, diary.Habang nasa tricycle hindi ko na napigilan pumatak 'yun luha ko. Ang bigat sa dibdib dahil sa mga nangyayari sa aming relasyon ni Josh lately. Bakit pakiramdam ko unti-unti na nya akong iniiwan? Di ba dapat magpaliwanag sya sa akin dahil sa nasaksihan kong kababuyan nilang dalawa ni Monicalandi? Pero bakit wala man lang sya ginagawang paraan para magkausap kaming dalawa? Hindi tulad ng dati na lahat ng way ginagawa nya para makausap at mapatawad ko lang sya.Oo, iniiwasan ko sya. Hindi pa kasi ako handang kausapin sya, diary. Pero bakit parang wala lang sa kanya ang lahat? Hindi nya ba alam na nasasaktan ako sa mga nangyayari sa aming dalawa ngayon. Shutang inerns, diary. Gusto kong maliwanagan sa mga nangyayari ngayon sa aming dalawa. Utang na labas, diary. Pakihampas ako ng flourescent lamp sa bumbunan ko para maliwanagan ako.Nung nakita ko si Josh na nakahubad at nakapatong sa hubad na katawan ni Monicalandi sobrang sakit na 'yun. Mas masakit pa 'yun sa naipit na buhok ng pempem ko sa panty ko. Tapos makikita ko pang si Monicalantod ang kasama nya habang inaalalayan sya palabas ng clinic. Aba, may plano ba talaga si Josh na mamatay ako dahil sa sobrang selos, galit at inis? Kung meron sabihin nya lang. Iinumin ko nalang 'yun PhCare ko. Joke only! Sayang 'yun phcare. Mawawalan pa ako ng shampoo.Pag dating ko sa bahay naabutan ko si Inay na nasa garden namin at nag papractice. Mayroon na syang punching bag na sako na may lamang mga buhangin."Wow! Ang aga ng anak kong shunga, ah." sabi nya 'nung nakita nya akong papasok ng gate "Oh bakit lukot na lukot 'yang mukha mo. Anong nangyare?""Wala, Inay." sagot ko naman sa kanya saka lumapit sa punching bag "Walang nangyari, Inay. Wala talaga. Wala ako nakitang kasama ang boyfriend ko ng ibang babae at inaalalayan sya palabas ng clinic." saka ako bumwelo at sinuntok 'yun punching bag na nakasabit sa may puno. Inisip kong pag mumukha ni Monicalantodharotputapakarat ang punching bag. Nilabas ko lahat ng galit ko sa suntok kaya biglang tumagos ang kamay ko at nawasak ang punching bag. Tumulo 'yun mga buhangin sa butas na ginawa ng suntok ko."WOW!" sabi ni Inay na hindi makapaniwala sa nakita nya "Hindi lang mabaho ang pempem mo, anak. Malakas ka din sumuntok. Manang mana ka talaga sa akin.""Mana ako sa'yo, Nay?" tanong ko sa kanya "Mabaho din pempem mo?""Hindi, oy!" mabilis nyang sagot "Hindi mabaho ang pempem ko dahil naghuhugas naman ako ng pempem 4x a week.""Lamang ka lang ng isa sa akin, Inay. Ang hugas ng pempem ko 3x a week lang.""Kaya pala iba amoy ng iyo, anak. Mabagsik, eh." sagot nya "Nak, may mini-boxing na gaganapin sa plaza. Baka gusto mo sumali? Lakas mo sumuntok, eh.""Wala ako interest sa boxing chuchu na 'yan, Inay." walang gana kong sagot "Papasok na ako sa loob. Masakit ang buong katawan ko lalo na ang puso ko.""Ano, masakit puki mo?" gulat na tanong ni Inay."Puso, Inay. Puso!" sigaw ko sa kanya "Ayan, nabibingi na kayo. Kakasapak 'yan sa tenga nyo, eh.""Hindi ako bingi gaga ka." inirapan ako ni Inay habang inaayos nya 'yun suot nyang boxing gloves.Hindi daw bingi. Sus! Itchura mo, Inay. Pumasok na ako sa loob ng bahay namin at dumiresto sa kwarto ko. Nilapag ko muna sa sahig 'yun bag ko at nag simulang maghalukay ng damit pamalit. Habang nag hahalukay sa baul kung saan nakalagay ang mga damit ko nakuha ko ng kamay ko 'yun jersey shirt ni Josh. Kinuha ko ito at inamoy."Amoy na amoy ni Josh." sabi ko sa sarili ko saka yinakap ito ng mahigpit, "Shutang inames. Ang bango ng boyfriend ko.. Oops, boyfriend ko pa nga ba?" napatawa nalang ako ng mapakla dahil sa sinabi ko.Kumuha naman ako ng short saka nag hubad na. Sinuot ko 'yun jersey shirt ni Josh para naman kahit papaano. Kahit dito lang sa shirt na 'to maramdaman ko pa ding akin si Josh. Shet lang, diary. Bakit ako nagkakaroon ng ganitong pakiramdam? Ako ang girlfriend, eh. Dapat hindi ako magkaroon ng selos sa katawan. Ako ang nag mamay-ari kay Josh at hindi si Monicalandipakaratnaputapa ang nag mamay-ari kay Josh.Humiga muna ako sa kama ko at tumitig sa kisame ng kwarto ko na puro sapot ng gagamba. Sa totoo lang, diary. Hindi ko masyado iniisip 'yun pakikipagsiping ni Josh kay Monica, eh. Shet. Patola lang 'yan. Kung gusto ni Monicalandi kaya na ang patola ni Josh. Lunukin nya ng buong-buo at isaksak sa apdo nya. Mas pipiliin ko pa din 'yun puso at pagmamahal ni Josh. Oo, gusto ko ako ang makakauna kay Josh at sya din ang makakauna sa akin. Eto naman ang bawat hiling ng mga babae, di ba? Ang maging una't huli ng lalaking mahal nila. Hindi ko masyado iniisip 'yun nangyari kahit na ang sakit sakit sa parte ko. Ang babae kasi kahit gaano nila sabihing galit sila sa mahal nila hanggang salita lang 'to. Kahit gaano karaming kasalanan ang gawin ng lalaking mahal nila, malulusaw agad ang galit nila. Mas mahina talaga ang babae kapag nag mamahal. Shutang inames. Bakit kasi sa relasyon namin ni Josh ako ang mas nagmamahal? Ako tuloy ang mas nasasaktan ngayon. At lalo pang nasasaktan dahil parang walang pakialam si Josh.I love you, Josh, even when I hate you.No, Pipay. Wag ka papayag na mawala sayo si Josh. Ipaglaban mo ang karapatan mo. Katawan lang ang nakuha ni Josh at hindi ang puso nya. Ilang bwan na kayo ni Josh samantalang sila ni Monicalandi na magkakilala ay sandali palang. Marahil, nilandi lang ni Monica si Josh. Afterall, Pipay. Lalaki si Josh. Lalaki na hindi makakatakas sa tukso.Sige lang, Pipay. Lokohin mo sarili mo. Eto lang ang masasabi ko sayo ; Kung mahal ka talaga ng tao, kahit harangin pa 'yan ng sangkaterbang babaeng hubad. Kung mahal ka talaga nyan, ipipikit nya lang ang mata nya at maglalakad palayo sa mga babaeng nakahubad. Kasi alam nyang masasaktan ka kapag pumatol sya sa iba. Biglang sumagot ang konsensya ko kaya naluha na naman ako.Hindi ba ako naaawa sa sarili ko? Mukhang niloloko na nga ako ni Josh tapos lolokohin ko pa din sarili ko. Ginawa ko namang DOTA ang pagpaparusa sa sarili ko. Double kill, pakshet.Tumayo ako sa kama ko at nag text kay Josh. Kailangan na namin pag-usapan ang nangyayari sa aming dalawa. Kung anong plano, edi tatanggapin ko. Kaysa naman clueless ako sa mga nangyayari."Josh, magkita tayo sa kanto namin bago mag alas-sais. Kailangan na natin pag-usapan ang lahat. Pumunta ka or else break na tayo."Yan ang text ko sa kanya. Ilang minuto na akong nakatitig sa cellphone ko pero wala pa din syang reply. Napaisip tuloy ako kung nabasa nya ba ang text ko since may black eye sya sa mata nya.Bahala sya sa buhay nya. Kung hindi sya pumunta bahala sya sa buhay nya talaga. Nag dota muna ako para aliwin ang sarili ko. Nakailang laro ako pero laging talo. Paano lagi kong sinusulyapan ang cellphone ko kung may reply ba ang magaling na si Josh. Lumipas na ang maghapon pero wala din syang reply. Mukhang wala syang balak magpakita, ah.Nung malapit na mag-alas singko nag-ayos na ako. Papasok na ako sa trabaho ko after namin mag-usap ni Josh kung pupunta sya.Lumabas na ako ng bahay ng naabutan ko si Inay na nag pu-push up naman."Inay, papasok na ako. Anong ginagawa nyo dyan?" tanong ko sa kanya."Nag pu-push up. Para ma-maintain ko ang abs ko sa tyan." pinakita nya pa 'yun abs nya sa tyan.Tumawa ako, "Sobra-sobra na 'yun abs nyo, Inay. Yun ibang abs nyo napunta na sa mukha, e." "Aba! Punyatera ka talagang Pilar ka." tumakbo na ako palabas dahil binuhat ni Inay 'yun upuang bakal at ibabato sa akin.Habang naglalakad ako papunta sa kanto namin kumakabog ng malakas ang dibdib ko. Kinakabahan kasi ako kung sisipot ba si Josh o hindi. Kung sumipot sya ibig sabihin ayaw nyang mag hiwalay kami kaya makikipag-usap sya sa akin. Pero kung hindi sya sumipot. Sige lang, diary. Tatanggapin ko ng maliwanag na hiwalay na kaming dalawa. Ang relasyon ay kailangan ng isang matinong pag-uusap pero kung ayaw nya makipag-usap. Fine, I won't waste my time, then.Papalapit na ako sa may kanto ng matanaw ko na si Josh habang nakasakay sya sa motor nya. Pero hindi sya nag-iisa. Kasama nya si Monicalandi. Hawak pa ni Monicalandi 'yun helmet ko na may VE sa likod."Pipay binilhan kita ng helmet." sabi nya sa akin saka pinakita 'yun color pink na helmet na hawak nya "Terno tayo ng design. Letter LO ang nasa likod ng helmet ko." pinakita nya 'yun design nung kanya "Samantalang sayo VE naman.""Bakit LO sayo at VE ang sa akin?" tanong ko."Kasi hindi mabubuo ang LOVE kapag walang LO ang VE. Parang tayong dalawa, paano na ako kapag walang ikaw?" seryoso nyang sagot sa akin.Agad kong naalala 'yun time na pinag-usapan naming dalawa 'yun tungkol sa helmet. Sabi nya paano daw sya kung walang ako. Pero parang ang nangyayari ngayon ay paano ako kung wala na si Josh. Tumigil ka nga, Pipay. Siguro sumama lang si Monica para mag sorry sayo. Gentleman si Josh kaya pinasuot nya lang kay Monica 'yun helmet. Ganun 'yun, di ba? Positive thinker ako kaya alam kong ganun 'yun. Tama, Pipay. Tama ka.Tinext ko muna si Mong bago dumiresto kila Josh."Mong, where are you? Hintayin mo ako sa sakayan ng jeep, please?"Itatago ko na sana 'yun cellphone ko pero nag vibrate naman agad. May reply galing kay Mong."Hindi mo na kailangan mag text. Kanina pa kita hinihintay dito." with matching smiley pa 'yun text nya. Hindi na ako nag reply at tinago nalang ang cellphone ko sa loob ng panty ko.Ngiting-ngiti ako nang puntahan ko sila si Josh at Monicalandi sa may kanto. Lumapit agad ako kay Josh saka hinalikan sya sa labi. Para ipakita kay Monica na pag-aari ko si Josh. Walang sa kanya, akin lang ang boyfriend ko."Hi, Josh ko. Kumusta? Anong nangyari sayo bakit may blackeye ka sa mukha? De bali, gwapo ka pa din. Hihihi." sabi ko kay Josh. Sinubukan ko maging usual self ko na masayahin kapag kasama si Josh. Napansin kong napataas lang ang kilay ni Monica sa akin."May tarantado lang na bumugbog sa akin," malamig na sagot ni Josh. Nakatingin lang sya ng diresto sa mga mata ko at wala akong emosyon na makita sa mata nya."Ehemm," pag singit ni Monica. Biglang hinila ni Josh 'yun kamay nyang hinawakan ko, "Aalis na muna ako. Duon lang ako sa 7eleven. Tapusin mo na 'yan, Josh." ngumisi si Monica kay Josh bago umalis. Napatango nalang si Josh sa kanya.PLAY FIRST CUT IS THE DEEPEST WHILE READING THIS PART.Naging awkward ang atmosphere sa pagitan naming dalawa ni Josh. Parehas kaming nakatahimik. Nakatingin ako sa mukha ni Josh habang sya naman nakatingin kay Monica bago 'to pumasok sa loob ng 7eleven. Nag flying kiss pa ang gaga bago tuluyang pumasok. Ngumiti lang si Josh sa kanya habang ako patago syang pinakyu.Kumirot 'yun puso ko dahil sa ngiti nya kay Monica. Parang kailan lang ako ang nginingitian ng ganyan ni Josh."So," paninimula kong salita kay Josh, "Kumusta?" ngumiti ako.Binaling ni Josh ang tingin nya sa akin, "So anong gusto mong pag-usapan natin?" straight nyang tanong. Nagulat ako, diary. Nagulat ako dahil sa panlalamig nya. Si Josh ba talaga 'to?"Wala ka bang balak na mag explain, Josh? Wala ka bang balak na mag sorry dahil sa nakita ko nakaraan?" seryosong tanong ko sa kanya."Kung mag sorry ako, Pipay. May magbabago ba? Nasaktan ka na, e. Matatanggal ko ba 'yun sakit na naramdaman mo?" ngumisi si Josh. Yun ngising sarcastic na sinasabing 'Mag-sorry-ka-mag-isa-mo.'"Pero at least di ba kailangan mo 'yun? Boyfriend kita, eh. Kailangan mo mag explain." sabi ko sa kanya "Ayusin natin 'to, Josh. Wag natin hayaang masira ang relasyon natin. 7th monthsary na natin next week, oh. Mag cecelebrate tayo, diba? Sabi mo dati mag echanted kingdom tayo kapag 7th monthsary natin?" nakangiti kong sabi sa kanya.Napalunok si Josh, "Wala ng monthsary. Change of plan. Ayoko na, Pipay." seryoso nyang sagot na hindi man lang kumukurap "Itigil na natin 'to."Nagulat ako kasabay ng pag sikip ng dibdib ko, "Itigil na natin 'tong pag-uusap? Sige. Mukhang pagod ka, eh.""Hindi 'yun ang tinutukoy ko," mabilis nyang supalpal sa akin, "Itigil na natin 'tong relasyon na 'to. Wala ng patutunguhan 'to, eh. Ilang beses na ako nagloko, Pipay. Ilang beses na kita nasaktan at napaiyak. Tama na. Maawa ka na sa sarili mo."Gumilid na sa sulok ng mata ko 'yun luha ko. Pinipigilan ko lang na wag tumulo, "Joke lang 'to Josh, di ba? Pakshet. Ang benta ng joke. HAHAHAHAHAHA." nagawa ko pang tumawa para mapigilan lang ang luha ko."Pipay, makinig ka." hinawakan ni Josh ang magkabilang balikat ko, "Ayoko na. Tama na. Tigil na natin 'tong relasyon na 'to. Puro sakit nalang ang nararamdaman mo sakin, eh. Hindi mo ko deserving. Hindi na healthy ang isang relasyon na puro sakit at pag-iyak nalang ang nararamdaman mo sa akin. Okay? Naisip ko lang na bata pa tayo. Bata pa tayo. Wag muna mag seseryoso sa isang bagay dahil may mas marami pang oportunidad na darating. Marami kang pangarap, Pipay. Marami din akong pangarap. Wag tayo papayag na matatali sa isang bagay na magiging hadlang sa pag-abot ng pangarap natin."Tinanggal ko 'yun pagkakahawak nya sa balikat ko, "Magiging haldang sa pag-abot ng pangarap mo? Ako ba ang tinutukoy mo dyan, Josh?" napatawa ako ng peke. Tumulo na din ang luha ko, "All this time, Josh. Kapag nangangarap ako kasama ka sa pangarap ko. Tapos ikaw, nangangarap ka na ngayon para sa sarili mo. Si Monica ba ang tinutukoy mo na oportunidad na 'yan?" nag-iwas sya ng tingin. Mas lalo akong natawa "Ang panget ng break-up scene natin, Josh. Sobrang panget. Pero thank you na din dahil naliwanagan ako. Pakshet. Iniisip ko palang na maghihiwalay tayo dati hindi ko na kaya. Mas masakit pala kapag totoo na nangyari." "Sorry, Pipay. Sorry kung hanggang dito na lang talaga tayo." hindi sya makatingin ng diresto sa akin."Wag ka magsorry, Josh." sagot ko sa kanya "Dapat magpasalamat ka. Thank you, Josh. Thank you dahil nakaabot tayo ng anim na bwan. Siguro hindi lang talaga tayo para sa isa't isa. Kahit pala mahal na mahal mo ang isang tao dadating din ang point na magsasawa sya sayo." sabi ko sa kanya "Basta tandaan mo lang Josh na ikaw ang bumitaw at hindi ako. To the pempem and back? Shutang inerns. Sarap mong sampalin ng pempem and back and forth ngayon." Napayuko si Josh, "Masarap ba si Monica kaya sya ang pinili mo at hindi ako? Pwes, isang araw gigising ka nalang na nagsisisi ka dahil sya ang pinili mo't hindi ako. Pero kapag nangyari 'yun, tatawanan kita kasama ang lalaking bago kong mahal." hinawakan ko si Josh sa balikat "Sana lang mahalin ka ni Monica gaya ng pagmamahal ko sayo. Sana lang kaya nyang higitan 'yun pagmamahal na binigay ko sayo."Tumalikod ako saka pinunasan 'yun luha ko. Humarap din ako sa kanya pagkatapos, "I fell for you, what a stupid mistake that turned out to be.""Quotes ba 'yan?" tanong nya."Oo! Paki-tweet, ah. Wag ka na mag-inarte tutal nakikipag-break ka na," bulyaw ko sa kanya saka lumapit ako. "Pwede bang halikan mo ako sa huling pagkakataon, Josh? Kahit ngayon lang. Kahit huling beses na."Walang ng sinayang na oras si Josh at hinalikan ako sa labi. Naramdaman ko pang pinasok nya 'yun dila nya sa bibig ko. Shet! Malalasahan nya ang tartar ko."Thank you, Josh." sabi ko sa kanya nang mag hiwalay ang aming labi, "The first cut is the deepest but I assure. Makakalimutan ko din 'to. Thank you for loving me." magsasalita pa sana si Josh pero agad nyang sinara ang bibig nya. Nakikita ko na din na pinipigilan lang ni Josh na tumulo 'yun luha nya.Nasasaktan ba si Josh kaya naiiyak sya? O nasisiyahan sya dahil finally wala na ako sa buhay nya? O baka naman naluluha sya dahil hindi sya nasarapan sa lasa ng tartar ko.Napatingin kaming dalawa ni Josh nung lumabas na si Monica ng 7eleven."Alis na kami. Goodbye, Pipay. Ingatan mo sarili mo." pagpapaalam ni Josh saka umalis sa harapan ko sakay ng motor nya. Dinaanan nya si Monica sa may 7eleven. Ngumisi pa si Monica sa akin saka yumakap kay Josh ng mahigpit. Leche kayo. Maaksidente sana kayo.Akala ko pumunta si Josh dahil natatakot syang maghiwalay kami. Yun pala pumunta sya para hiwalayan ako ng tuluyan.Hay that's life. Masakit syempre na nag hiwalay kami pero wala akong magagawa. Lalaki lang 'yan. Daming lalaki sa earth.Pero diary may na-realized ako. I realized that when you have a good heart: You help too much. You trust too much. You give too much. You love too much & it always seems you hurt the most.Single again,Pipay.####################################Malandi 16####################################PLAY JUST THE WAY YOU ARE BY BOYCE EVENUE while reading this! :pMONJIE'S POV."Hoy Mongoloid," napatigil ako sa paglalaro ng robot ko at napatingin ako kay Pipay na kasalukuyang kumakain ng saging. Lagi nalang sya kumakain ng saging. Paborito nya talaga 'yan, nuh?"Bakit?" inis kong sagot sa kanya. Kunwari naiinis ako sa pagtatawag nya sa akin ng Mongoloid dahil hindi naman ako mongoloid pero deep down in my heart natutuwa ako. My dad told me when somebody made you a nickname it means you're special to them. Special pala ako kay Pipay."Paglaki natin magpapakasal tayo!" sabi nya saka ngumiti. Kitang kita ko tuloy lahat ng bulok nyang ngipin. Napatitig lang ako sa kanya kaya hinagis nya sa akin 'yung balat ng saging "Bakit ganyan ka makatingin? Ayaw mo ba magpakasal sa akin?" kunot noo nyang tanong."Ang bata-bata pa natin para mag-isip ng ganyan," sagot ko saka umiwas ng tingin. Sampung taong gulang palang kaming dalawa pero bakit natutuwa ako sa sinabi nya, "Saka ayoko magpakasal sayo. Hindi ka malinis sa katawan, eh. Lagi ka nangangamoy tapos lagi mo ding hinuhubad ang panty mo at sinusuot sa ulo ko." inis na sagot ko sa kanya.Narinig kong tumawa si Pipay, "Hihihi. Arte nitong mongoloid na 'to," patuloy lang sya sa pagtawa "Mabuti nga ikaw papakasalan ko paglaki natin, e. Ayoko sa ibang lalaki magpakasal Mong. Sasaktan lang kasi nila ako, e. Ikaw best friend kita.""Best friend mo ko?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya."Oo," tumaas-taas pa ang kilay ni Pipay habang hinahawi nya ang matigas nyang buhok, "Kaya wag mo ko sasaktan, ah? Basta if ever may boyfriend na ako paglaki natin, agawin mo ako sa kanya. Ikaw lang gusto ko mapangasawa. Hihihi." humagikgik ulit sya "Alam ko naman na hindi mo ako sasaktan, eh. Ikaw ang mongoloid ng buhay ko."Umirap ako kay Pipay at hindi na nagsalita pa. Nagpatuloy nalang ako sa paglalaro ng robot ko habang sya tumakbo papuntang kusina kung nasaan sila Mommy ko at Nanay nya. Kinakapatid ko si Pipay dahil ninang nya ang Mommy ko. Lagi sila pumupunta dito sa bahay namin para makipaglaro sa akin. Hindi ko na matandaan kung paano kami naging close pero nagkaisip nalang ako na sya lang ang tangi kong kalaro.Madalas nya akong tinatawag na payatot dahil sobrang payat ko at mongoloid dahil mukha daw akong mongoloid. Hindi ata alam ni Pipay na half japanese ako kaya singkit ang mata ko. Ano pa nga ba aasahan ko sa kanya? Sa pagkain ng saging at pag hubad ng mabantot nyang salawal sya magaling, eh.Nung una kami nagkita ni Pipay inis na inis ako sa kanya. Palagi kasi syang nakangiti kahit bungi-bungi ang ngipin nya. Pero everytime I see her smile may kung ano sa pakiramdam ko na nagbabago. Nakakahawa ang kasiyahan ni Pipay. Mabuti nga't kasiyahan lang ang nahahawa nya sa ibang tao at hindi pati ang amoy nya. Aware ba si Pipay na ang bantot nya?"Mong!!" pagtatawag ni Pipay sa akin habang galing syang kusina. May hawak na naman syang saging. "Bakit?" napatigil na naman ako sa paglalaro ng robot ko."Sinabi ko na kay Ninang Glenda na magpapakasal tayo. Pumayag sya. Paano ba 'yan wala ka ng takas. Hihihihi." nakita kong tumulo ang uhog nya at pinunasan nya ito gamit ang palda nya. Napangiwi ako nang makita ko ang panty nya."Bahala ka sa buhay mo, Pipay." inis na sabi ko sa kanya saka umiwas ng tingin. Pero napangiti naman ako.Ever since that day lagi nya pinapaalala sa akin na magpapakasal kaming dalawa kaya mag-iingat daw ako. Makulit si Pipay pero hindi ko magawang kainisan sya. May kung ano sa akin na nagsasabing protektahan ko ang dugyot na si Pipay."Mong, itulak mo ako." sabi ni Pipay habang nakaupo sa may swing. Nasa playground kami na malapit sa subdivision namin.Tinulak ko naman sya gaya ng sabi nya kaya bigla syang nahulog mula sa swing. Tumama pa 'yun mukha nya sa noo na nakausli sa lupa. "Pakshet kang Mongoloid ka," sigaw nya sa akin habang pinupunasan nya 'yun noo nya, "Sabi ko itulak mo ako para makapag duyan ako. Hindi 'yun ako mismo ang itutulak mo." inis na sabi nya."Hindi mo naman kasi nililinaw, e." natatawa kong sagot sa kanya."Slow ka, kakainis." sabi nya "Wag ka ngang tatawa. Ang liit na nga ng mata mo tapos nawawala pa lalo kapag tumatawa ka," bakit ba sya lagi inis sa mata ko? Kasalanan ko bang singkit mata ko?"Singkit kasi ako, Pipay." sagot ko."Kahit na. Basta kapag malaki na tayo kailangan malaki na mata mo, ah? Ayoko magpakasal sa lalaking walang mata. Saka palakihin mo katawan mo. Ang payat mo, eh. Para kang tingting at isang malakas na hangin lang tiyak tatangayin ka na." humagikgik na naman sya.Magsasalita na naman ako kaso biglang may tumawa sa likuran namin ni Pipay. Pag lingon namin nakita namin 'yun tatlong batang kasing-edad namin na feeling siga ng lugar namin. Palibhasa matataba kaya feeling mga boss, e. Tss."Ikaw, Pipay. Magpapakasal?" tumawa ulit sila "Gago, panget ka. Walang lalaking tatanggap sayo." patuloy lang sila sa pagtatawanan. Nakita kong papaiyak na si Pipay dahil sa sinabi ng matatabang bata."Hindi ako panget," sagot nya habang nagpipigil ng iyak, "Sabi ni Nanay ko medyo lang daw. Kaya hindi ako panget." ang panget ni Pipay mag pigil ng luha. Parang unggoy na natatae."Panget ka. Panget ka. Panget ka," pang-aasar nila kay Pipay. Napayukom nalang ako ng kamao dahil sa ginagawa nila, "Ikaw Monjie. Papayag ka bang magpakasal sa unggoy na 'to paglaki nyo? Gusto mo ba si Pipay?""Gusto mo ako Mong, di ba?" tumingin sa akin si Pipay. Kagat nya pa labi nya para siguro hindi tuluyang pumatak luha nya."Hindi ko sya gusto," sabi ko ng seryoso. Biglang nagtawanan ng malakas 'yun mga baboy dahil sa sinabi ko. Napanganga lang si Pipay at tuluyan ng umiyak. Damn, mukha talaga syang unggoy kapag umiiyak."Akala ko ba Mong gusto mo din ako? Di ba magpapakasal pa tayo?" sabi ni Pipay sa akin habang umiiyak. Pakiramdam ko tinusok 'yun puso ko dahil sa mga luhang pumapatak sa mata nyang may muta. Naaawa ako sa kanya pero walang gustong lumabas na salita sa bibig ko. Ang bata palang namin pero bakit ang drama na agad ng buhay. "Ayoko na sayo, Mong! Ayoko na magpakasal sayo! Mongoloid na payatot ka!!" sigaw nya sa akin saka tumakbo palayo sa akin. Bago pa sya makalabas ng playground nadapa pa sya. Lalapitan ko sana sya pero nakatayo agad sya at tumakbo ng mabilis."Pipay!" sigaw ko sa kanya "Gomen nasai..""HAHAHAHAHAHA," muli nagtawanan 'yun mga baboy na nasa harapan ko. "Feeling nya kasi may magpapakasal sa tulad nyang panget," mas lalong nag kuyom ang kamao ko dahil sa sinabi nila.Alam kong no match ako kapag pinagsusuntok ko 'tong tatlong baboy na 'to dahil ang payat ko at sila ang lalaki ng katawan pero wala akong pakialam. Hindi nila dapat iniinsulto si Pipay ng ganun lalo na't nasa harapan ko sila."Anata wo kuros!!" sigaw ko sa kanilang tatlo habang tinitignan nila ng masamang tingin (I will kill you) "Hindi ko gusto si Pipay dahil mahal ko sya!!" napanganga sila dahil sa sinabi ko.Pinagsusuntok ko silang tatlo pero dahil mag-isa lang ako, ako ang bugbug sarado. Umuwi akong may blackeye sa magkabilang mata ko at lamug ang katawan ko. Ikaw ba naman ang daganan ng matatabang baboy at pagsusuntukin, ewan ko nalang kung mabuhay ka pa.Hindi ako kinausap ni Pipay after nun. Hanggang sa magkasakit si Daddy ko at kinailangan namin umuwi ng Japan para alagaan sya. Pumunta pa ako sa bahay nila at nag hintay sa labas ng gate nila pero hindi lumabas si Pipay. Wala tuloy akong gana na umuwi sa bahay at umalis ng Pilipinas dahil galit si Pipay sa akin.Lumipas ang taon at pinangako ko sa sarili ko na magbabago itchura ko. Kailangan ko maging gwapo at maging yummy. Hindi naman ako nabigo dahil natupad ko ang nais ko. Maraming babaeng hapon ang humahabol sa akin dahil sa itchura ko at sexyness ko pero ni-isa sa kanila wala akong pinansin. Madalas akong tawaging okama (bakla) sa Japan dahil wala akong pinatulan na babae pero wala akong pakialam. Pake ko ba sa sasabihin nila? Hindi ko kailangan ang opinion nila dahil hindi naman sila ang nagpapakain sa akin. Hindi ako titingin sa ibang babae dahil nangako ako kay Pipay na sya lang papakasalan ko.Umuwi kami ng Pinas para mag college ako. Hindi ko hinanap agad si Pipay dahil sinabi sa akin ni Mommy na papapuntahin nya si Pipay sa bahay para kuning waitress sa restaurant na pinatayo nya. Na-excite ako dahil dun. Araw-araw ko kinukulit si Mommy na papuntahin na nya sa bahay si Pipay pero saka nalang daw kapag ayos na ang restaurant. Pumasok ako sa isang exclusive university. Nalaman ng university na 'yun na naging star player ako ng team ng tokyo kaya kinuha ako ng basketball team. Kinaibigan agad ako ni Monica - anak ng may-ari ng school - at pinaramdam sa akin na gusto nya ako. Pero hindi ko sinuklian mga panlalandi nya sa akin. Tulad nga ng sabi ko wala akong interest sa ibang babae. Kung si Pipay sya bakit hindi? Napangisi nalang ako.Nagkita na kami ni Pipay at hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Nag wo-work out ako sa 2nd floor ng bahay namin ng dumating sya. Muntik pa bumagsak sa paa ko 'yun dambel na buhat ko dahil sa sobrang excitement ko na makita sya. Pagbaba ko ng 1st floor ng bahay nakita ko si Pipay. Ganun pa din ang itchura nya aside sa tumangkad sya. Mukhang matigas pa din ang buhok nya. Kitang kita ko ang pag nganga nya at pag tulo ng laway nya habang nakatitig sa abs ko. Tumawa nalang ako at hindi sya pinansin."Nagpalaki ako ng katawan, Pipay." bulong ko sa sarili ko "Nagpalaki ako ng katawan para sayo. Para maprotektahan kita sa lahat ng mananakit sayo."Nalaman kong may boyfriend na si Pipay at 'yun bagong tropa at teammate ko pa. Potek! Nawalan ako ng gana nun at nainis sa sarili ko dahil ang tanga ko. Pero inisip ko nalang na sinabi ni Pipay nuon na agawin ko sya kapag may boyfriend na sya pero hindi ko magawa. Kitang kita ko kasi na mahal na mahal nya si Josh. Natutuwa ako kay Josh nung una ko syang nakilala dahil mabait sya. Pero nung nalaman kong niloko nya si Pipay at pinagpalit kay Monica hindi na ako nagdalawang isip na bugbugin sya. Binuhos ko lahat ng inis ko sa kanya kaya hinila ko sya palabas ng classroom at binugbog. Wala syang nagawa dahil mukhang pagod sya. Hindi nga din sya nakalaban ng suntok, e. Parang lahat ng suntok na binigay ko sa kanya ay wala lang dahil tinatanggap nya 'to lahat."Sige lang, pre." sabi ni Josh habang pinagsisipa ko sya. Nakahiga na sya sa ground dahil sa sobrang panghihina, "Pakilaksan ang pag suntok. Kailangan ko maramdaman ang sakit, e. Laksan mo pa." nilaksan ko ang pag sipa sa tyan nya. Kitang kita ko ang ngiwi sa labi nya dahil sa sobrang lakas ng sipa ko, "Tangina. Ang sakit ng sipa mo pero mas masakit pa din 'yun kirot dito." nakatulala lang si Josh sa kawalan habang hawak-hawak ang tyan nyang bugbog sarado. Kita ko din 'yun luha na umagos sa mata nya. Shit. Umiiyak ba sya dahil sa pag bugbog ko sa kanya?Inawat lang kami nila Monica at ng mga tropa namin nung nakita nilang binubugbog ko si Josh. Inalalayan ni Monica si Josh papuntang clinic at nag banta pa sa akin."Kapag nabalian ng bones si Josh, I'll make sure na makikick-out ka sa school," pagbabanta ni Monica.Ngumisi lang ako, "Try me. Hindi lang 'tong university nyo ang pwede kong pasukan." pag mamayabang ko.Nalaman ng coach namin 'yun ginawa ko kay Josh kaya pinarusahan ako. Akala ko tatanggalin ako pero hindi daw dahil malapit na ang laban kaya papalampasin na 'to. Pinaglinis nalang ako ng school gym dahil sa ginawa ko.Ang dami kong nagawa para kay Pipay. Natatawa nalang ako ngayon habang nakaupo dito sa may waiting shed at hinihintay si Pipay. Nagtext pa sya na sunduin ko sya kaya mas lalo akong natuwa. Kahit hindi nya sabihin hihintayin ko talaga sya dito para sabay kaming pumunta sa restaurant.Naglaro muna ako ng White Tile 2 sa cellphone ko habang hinihintay si Pipay. Na-beat ko ulit ang score ko so beat that dope. Nung napansin kong naglalakad na si Pipay papunta sa gawi ko tinago ko na ang cellphone ko saka tumayo para salubungin sya."Pipay," todo ngiti kong pagbati sa kanya pero agad nawala ang ngiti ko nang makita ko syang parang pinagbagsakan ng langit at lupa. Hindi ko maipaliwanag ang mukha nya dahil samu't saring expression ang makikita. Pero tanging sakit at kalungkutan ang nangingibabaw.Ngumiti sya. Yun ngiting hindi kasiyahan kundi kalungkutan. Hindi man lang umabot sa mata nya 'yun ngiti na ginawa nya."Wala na kami," sabi nya habang nakangiti pa din pero 'yun mga mata nya lumuluha na "Josh and I.. We broke up.." parang sa bawat salitang sinabi ni Pipay puro pain lang ang nararamdaman nya. "Mong.." pagtatawag nya sa pangalan ko."Oh?" naaawang sagot ko sa kanya."Yakapin mo naman ako?" sabi nya "Yung mahigpit na mahigpit. Yun masasaktan ako. Yun hindi ko mararamdaman 'yun kirot dito." tinuro nya 'yun dibdib nya. Bakit ganun? Bakit parehas nilang tinuro ang dibdib nila ni Josh."Damn," hinila ko si Pipay saka yinakap ng mahigpit "Kahit hindi mo sabihin, yayakapin talaga kita." binaon pa ni Pipay 'yun mukha nya sa dibdib ko at patuloy lang na umiyak. Nararamdaman ko na din na tumatagos na 'yun luha nya sa suot kong damit. "Sige lang. Iiyak mo lang 'yan."Biglang suminga si Pipay sa suot kong damit, "Sorry." sabi nya."Okay lang," Bakero. Sabi ko iyak lang, e. Bakit kasama ang pag singa, Pipay?"Akala ko magpapaliwanag si Josh sa mga nakita ko pero hindi pala," sabi na naman nya habang umiiyak. Hindi ba sya nauubusan ng luha? "Puro sorry lang ang sinabi nya. Saying sorry means accepting his mistake. Alam nyang nagkamali sya pero hindi man lang sya nakipag-ayos. Hiniwalayan nya pa ako. Lecheng sorry 'yan. Makakain ko ba 'yun? Hindi 'yun ang kailangan ko. Sya mismo ang kailangan ko," hindi ko alam kung ako ba ang kausap nya o sarili nya mismo."You deserve someone who knows how to make things up to you after hurting you. Not someone who's very good with just the word 'sorry'," sabi ko sa kanya habang hinahaplos ang buhok nya. Tigas ng hair."Mag hihiganti ako, Mong. Sisiguraduhin kong pagsisisihan ni Josh na mas pinili nya si Monicalandinapakaratnaputapa kesa sa akin." lumayo si Pipay saka tumalikod. Nakita kong pinunasan nya 'yun luha nya.Pag harap nya sa akin nakangiti na sya."This is my revenge. Mag papaganda ako and I'll make sure na hahabulin ako ni Josh pabalik sa kanya pero sorry nalang sya. Maglaway sya habang buhay," punong-puno ng positive vibes 'yun sinabi ni Pipay.I grinned, "I'll help you, then." Napangisi si Pipay, "I like that." ngumisi din sya.The Good Girl Gone Bad na ba 'to? ####################################Malandi 17####################################Dear Diary,After ng trabaho ko diary hinatid din ako ni Mong sa tapat ng bahay namin. Nung una tumanggi ako sa offer nyang pag hatid sa akin pero sadyang makulit sya at hindi nya ako tinigilan. Sinabi ko nga sa kanya na kaya ko namang umuwi mag-isa and besides sanay naman ako mag hintay ng masasakyang jeep pauwi. Pero sadyang makukulit pala talaga ang lahi ng mga hapones."I insist, Pipay. Ihahatid kita. Masyado ng gabi, oh." sabi nya na naiinis pa "Bakit kasi pumayag ka pang sumali sa pag ge-general cleaning, eh. Pwede namang hindi na." Nung naubos na kasi ang mga customers sa restaurant nagkaroon ng general cleaning. Ayaw ko na sana sumali dahil hindi naman required pero sayang din ang kikitain ko. May bayad din kasi ang pagsali sa paglilinis. Oo na, mukha na akong pera. Saka hindi lang naman 'yung pera ang iniisip ko. Gusto ko din kahit papaano ma-divert ang attention ko sa ibang bagay. Dahil paniguradong kapag wala akong ginagawa maiisip ko na naman si Josh at 'yun eksena namin kaninang hapon. Baka humagulgol na naman ako pag nagkataon."Ayos lang. Sayang may bayad din 'yun, e." tumawa ako."Kung 'yun bayad lang pala ang iniisip mo edi bibigyan nalang kita ng pera," iritadong sagot ni Mong "Para hindi ka ginagabi sa trabaho mo. Masyado kang napapagod, e." kunot noo pa sya habang nakatingin sa madilim na kalsadang dinadaanan namin.Napatingin ako sa kanya saka napangiti. "Eto namang best friend kong Mongoloid masyadong concerned sa kagandahan ko. Hindi na mauulit," sagot ko sa kanya "Pero magkano ibibigay mong pera sa akin? Hihi." pag bibiro ko.Tumingin saglit sa akin si Mong saka nag make-face na parang bata. Tumawa nalang ako saka sinapak ko 'yun matigas nyang braso. Ang sakit, ah. Ang tigas ng mga muscle ni Mong sa katawan. Ano pa kaya ang tigas ng abs nya? Eh ng patola nya? Kagaano kaya katigas. Hihi.Binaling ko nalang ang paningin ko sa kalsada at pinagmasdan ang mga dinadaanan namin. Naramdaman kong hinawakan ni Mong 'yun kamay kong nakalagay sa binti ko kaya napatingin ako sa kanya. Nginitiin ko nalang sya ng tipid habang sya nakatingin sa akin na parang naaawa. Umiwas nalang ulit ako tingin dahil ayokong matagalan ang titig nyang naaawa sa akin. Pakiramdam ko kasi masyado akong kawawa sa mga nangyari.Habang nag tatrabaho ako kanina lagi lang nakatitig si Mong sa akin. Kahit saan ako pumunta nakasunod lang sya at hindi inaalis 'yun mga mata nya kung saan ako mag punta. Kapag mapapatingin naman ako sa kanya bigla syang iiwas ng tingin at mag papanggap na busy. Napapailing nalang ako sa mga reaction ni Mong, e. Masaya ako na kahit nawala si Josh sa akin kanina hindi naman ako pinabayaan ni Mong. Pinaramdam nya sa akin kanina na ayos lang umiyak at ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko. Nahihirapan ako kapag iniisip kong tuluyan ng nawala si Josh sa akin at hanggang dito na lang ang aming relasyon at kwento. Pero naisip ko din na dapat akong magpasalamat sa kanya dahil minahal nya nga ako. Hindi naman ang break-up ang masakit sa isang relasyon, eh. Kundi 'yun mga masasayang alaala nyo na maiisip mo. Wala ka kasing magagawa para ibalik 'to at puro panghihinayang lang ang mararamdaman mo.Sabi nila love is sweeter the second time around. Pero bakit hindi nila sinabing break-up is hurts like hell the second time around?"Andito na tayo, Pipay." narinig kong tanong ni Mong kaya nabalik ako sa wisyo. Napatingin ako sa paligid at nakita kong nakahinto na ang sasakyan nya sa tapat ng bahay namin."Ay! Hindi ko napansin," sagot ko saka kinuha 'yun bag kong nasa likuran."Ang lalim kasi ng iniisip mo," seryoso nyang sagot "Wag mo na nga iisipin 'yun kupal na 'yun. Hindi mo dapat iyakan ang ex mo. Hindi pa sya patay kaya wag kang excited.""Hindi naman ako umiiyak," sagot ko.Bigla nya akong hinarap sa kanya kaya nagulat ako, "Oh talaga, hindi ka umiiyak?" nakatitig sya sa mukha ko saka pinunasan nya 'yun mata ko "Eh, ano 'to? Hindi ba luha to?""Gaga. Laway 'yan. Amoyin mo. Ang baho."Ginawa nga ni Mong 'yun sinabi ko kaya inamoy nya. Nakita ko naman na nandiri 'yun mukha nya pag tapos nya inamoy, "Oo nga ang baho." sabi nya saka pinunas sa balikat ko 'yun thumb na pinampunas nya sa laway ko."Kulit mo, e." tumawa ako "Sige na bababa na ako. Mag-ingat sa pag mamaneho." pababa na ako nang bigla nyang hinawakan 'yun kamay ko. Napatingin ako sa kanya "Bakit?""Ah ano.. gusto ko lang malaman kung," nahihiya syang mag salita. Hindi din sya makatingin sa akin ng diresto."Na?""Na kung.. ano.." huminga sya ng malalim bago nagsalita "Na kung nakamove-on ka na? Nakalimutan mo na ba sya?""Ay bobo lang, Monjie?" mabilis kong sagot sa kanya "Kanina lang nangyari 'yun break-up scene namin. Tingin mo makakalimot ako agad? It takes time to forget the pain. Alam mo 'yan.""Nakabobo naman 'to agad," ngumuso sya saka umirap "Nagtatanong lang naman, eh. Bwisit kasi 'yan Josh na 'yan. Dapat talaga binugbog ko pa 'yun nang sobra-sobra, e. Yun tipong hindi na sya makikilala ng pamilya." bulong nya habang nakatingin sa may bintana.Dahil sa narinig ko bigla akong nataranta. Hindi ko napansing naapakan ko pala 'yun tali ng bag ko kaya naapakan ko ito at napatumba kay Mong. Ngayon mag kadikit na kaming dalawa. Agad syang napatingin sa akin ng gulat dahil sa nangyare. Nakahawak naman ang isang kamay ko sa dibdib nyang matigas habang 'yun isang kamay ko napahawak sa may gitna ng pantalon nya. May naramdaman akong nakabukal. Bakit may bukol si Mong?Magkatitigan lang kaming dalawa habang nasa loob ng sasakyan. Masyadong magkadikit ang mga katawan namin at tanging walang ingay na maririnig sa kalsada. Masyadong malalim na ang gabi. Perfect timing para sa isang bagay na masarap gawing pampatulog. Echos."Mong.." pag banggit ko ng pangalan nya habang nakatingin straight to his eyes."Pipay.." binanggit nya din ang pangalan ko. Bakit, ganun? Bakit parang naging bedroom voice ang boses ng mongoloid na 'to?"Ano 'tong matigas?" pinisil ko pa 'yun hawak-hawak kong bukol sa pantalon nya "May matigas, oh."Bigla nya akong tinulak palayo sa katawan nya. "Grabe ka!!" tapos bigla syang tumawa ng tumawa sa hindi ko alam na dahilan.Naisip ko muli 'yun sinabi ni Mong na binugbog nya si Josh kaya hinampas ko sa kanya 'yun bag kong dala-dala, "Bakit mo binugbog si Josh? Anong karapatan mong saktan 'yun mahal ko? Ha!" sigaw ko sa kanya. "Ikaw pala 'yun may dahilan kung bakit ang dami nyang pasa sa mukha. Sinira mo ang gwapong mukha ni Josh Ko!" Hinuli nya 'yun dalawang kamay ko para mapahinto ang pag hampas ko sa kanya "Stop calling him Josh Ko. He's not yours anymore." Siyang na salitang naging dahilan para mapatigil ako sa pag hampas sa kanya at mapatitig nalang. Parang kutsilyo 'yun mga salitang 'yun na tumusok sa puso ko."Pipay kailangan mo tanggapin na tapos na ang relasyon nyo. Na wala na kayo. Na hindi ka na nya mahal kaya mas pinili nya si Monica," seryoso na ang tono ni Mong "Binububog ko sya para matauhan sya at magising sa kahibangan nya. Para malaman nyang ikaw ang mahal nya at nalilibugan lang sya kay Monica pero hindi, eh. Hindi mo sya deserved, Pipay. Malay mo may taong mas deserving sayo. Yun best pa.""Lahat nalang kayo sinasabi sa isang taong heart broken na mas deserving o mas best pa sa taong minamahal nila. Pero naisip nyo bang hindi namin kailangan ng best dahil para sa amin 'yun mahal na namin 'yun pinakamagandang bagay na nakuha namin?" seryosong sagot ko din sa kanya "Sige. Kung meron may mas deserving sa akin o mas best tulad ng sabi mo. Asan sya? Bakit hindi ko makita?""Kasi nakapikit ka, Pipay. Kasi busy ka sa pag pikit at pag-iyak. Paano mo sya makikita kung busy ka sa pag-alala sa walang kwentang tao na 'yun," singhal ni Mong "Meron, Pipay. May taong best para sayo. Yun takot na paluhain ka. Yun taong masyadong matapang para ipaglaban ka. Malay mo 'yun tinutukoy ko nandito pala sa kotse at kaharap mo lang," sabi nya "Malay mo. Sarili ko pala ang tinutukoy ko at wala ng iba."Napanganga ako dahil sa sinabi ni Mong, "A..Ano?"Mukhang nagulat din sya sa sinabi nya kaya bigla nya akong tinadyakan palabas ng kotse nya. Napaupo tuloy ako sa kalsada dahil sa sobrang lakas ng sipa nya sa akin."Pakshet ka, Mong! Ang sakit!' sabi ko habang hinihimas ang pwetan ko. Leche 'tong Mong na 'to."Sorry!" nahihiya nyang sagot "Basta totoo 'yun sinabi ko. Stop crying for that jerk. Wipe your tears, open up your heart again and look at me. Ipapa-realize natin sa kanya kung anong sinayang 'yan."Huli nyang sinabi saka pinaharurot ang kotse nya palayo sa akin. Nalunok ko pa nga 'yun usok ng tambucho nya kaya inubo ako ng inubo habang nakaupo sa kalsada.Tumayo na ako at muling pinagpagan ang sarili ko dahil sa sobrang daming alikabok na nasa katawan ko. Kainis na Mong 'to. Ano kaya ibigsabihin ng mga pinagsasabi nya? Wag nya sabihing crush nya na ako? Sabagay, hindi na 'yun nakakapagtaka dahil sino nga ba ang makakatanggi sa beauty ko?Si Josh.Biglang sumagot 'yun kosensya ko. Hindi ko nalang sya pinansin dahil baka mag-away pa kami sa gitna ng madilim naming harapan.Pumasok na ako sa loob. Habang sinasarado ang gate bigla akong may narinig na kaluskos. Nanggaling 'yun ingay mula sa taas ng puno. Napatingala ako para tignan kung ano 'yun. Biglang bumilis 'yun tibok ng puso dahil sa kaluskos na patuloy kong naririnig. Hindi ko makita masyado kung ano 'yun nasa puno dahil masyado ng madilim hanggang sa may pusang parang hinagis at bumagsak sa harapan ko."Meoowww," sabi ng puso na nasa harapan ko. Pusa lang pala ang dahilan kung bakit bumilis ang tibok ng puso ko? Shet. Isa ba 'tong sign na pusa nalang ang mamahalin ko para hindi na ako masaktan? Ay wag nalang. "Peste ka." saka ko sinipa 'yun pusa ng malakas kaya napapunta sya sa kabilang bakod.Ayoko mag mahal ng pusa. Ang panget ng cat style. Kung mag mamahal ako ng hayop dapat aso nalang. Para dog style.Nakahiga na ako sa kama ko. Kahit anong oras na diary hindi pa din ako dinadalaw ng antok. Kinuha ko 'yun cellphone ko na nasa gilid ko para tignan kung anong oras na. 1:43 am na ng madaling araw. I love you ang meaning tapos 'yun wallpaper ng cellphone ko 'yun picture pa naming dalawa ni Josh na naka-kiss sya sa pisngi ko habang nakapikit."Eto 'yun mga panahong mahal na mahal pa nya ako," bulong ko sa sarili ko habang hinihimas 'yun screen ng cellphone "Pero ngayon ibang-iba na. Ako nalang ang nag mamahal sa kanya habang sya nagpapakasaya sa bisig ng ibang babae." hindi ko na namalayan na tumulo na naman ang mga luha ko.Ayoko na sanang tignan 'yun mga pictures na nagsilbing alaala namin ni Josh pero wala akong magawa. Agad akong pumunta sa gallery ko at binuksan ang file name na 'To The Pempem & Back' na naglalaman ng mga samu't saring pictures namin ni Josh. Meron iba't ibang liltrato kami ni Josh. Nakangiti. Wacky. Malungkot kunwari. Kumakain. Magkaholding hands. Parehas ng suot na damit. Nakaupo sa swing. Naka-piggy back ride ako sa kanya. Tapak-tapak nya ang mukha ko. Sinasakal nya ako. Meron pa ngang video na nagtatawanan kaming dalawa ni Josh habang binabato nya sa mukha ko 'yun bola. Masakit yun pag tama ng bola sa mukha ko pero tiis ganda lang para sa kasiyahan ni Josh.Ganito naman ang babae, di ba? Kahit masaktan na gagawin pa din ang lahat para lang makitang masaya ang pinakamamahal nila. "Bakit kailangang maging ganito ang relasyon natin, Josh?" sabi ko sa sarili ko. Habang tumutulo ang mga luha sa mata ko.Umiiyak na naman ako. Bakit ba hindi ako napapagod? Kasi masakit. Kasi eto lang ang tanging dahilan para mailabas ng isang tao 'yun nararamdaman nya.Dahil sa mga pictures namin ni Josh nagkaroon ako ng urge na makita sya ngayon mismo. Nararamdaman kong gising pa si Josh sa mga oras na to kaya pupuntahan ko sya sa kanila. Eh paano kung tulog na? E di tulog na sya. Alangang gisingin ko pa? Remember, wala na akong karapatan sa kanya? Hiwalay na kami, eh. Pero pangako. Sisilipin ko lang sya. Kung kailangan akyatin ang bakod nila gagawin ko para lang makita syang natutulog sa kama nya.Dahan-dahan akong lumabas ng bahay namin ulit. Nadaanan ko pa si Inay na natutulog sa sala habang nakanganga. Nagsalita pa nga sya ng about sa boxing, e. Eto talagang si Inay hanggang pag tulog boxing ang iniisip. Pasukan ko ng boxing gloves bibig mo dyan, e.Kinuha ko sa bodega namin 'yun bike ni Popoy. Kailangan ko 'to since medyo malayo din ang bahay nila Josh mula sa amin at wala na din ako masasakyang jeep kung mag commute ako. Maingat ako sa paglabas ng gate namin dahil magising ang dragona kong nanay. Sumakay na ako ng bike at nagsisimulang mag padyak. Nakakailang padyak na ako pero hindi naman ako umaalis mula sa kinatatayuan ko. Leche, wala palang gulong ang bike. Bakit hindi ko napansin? Iniwan ko nalang ang bike sa gilid saka tumakbo papunta kila Josh. Kahit pagod na pagod ako at hinihingal na hindi ako huminto sa pag takbo para lang makita si Josh. Walang makakapigil sa akin ngayon para puntahan sya. Para saan pa, Pipay. Para saan ang pag punta mo sa kanya? Hindi naman sya makikipagbalikan sayo kahit makita ka nya, e.Muli na naman akong pinagalitan ng konsesya ko. Dinedma ko nalang ulit sya.Pag tapos ng mahigit isang oras na pag takbo nakarating na din ako sa baranggay nila Josh at sa tapat mismo ng bahay nila. Nagpahinga muna ako saglit at napahawak sa punong nasa tabi ng bahay nila. Nakapatay na ang mga ilaw sa bahay nila Josh pero bukas pa ang ilaw sa kwarto nya. Bukas din 'yun pintuan sa may balcony nya kaya alam kong gising pa din sya.PLAY IT'S OVER NOW BY KYLE WHILE READING THIS PART.Nakatitig lang ako sa may balcony at nagbabakasaling lumabas si Josh. Hanggang sa may mapansin akong tao na palabas. Isang babae na tanging naka-tshirt na malaki lang na halatang pag-aari ni Josh at halatang walang suot na pang-ibaba. Agad akong napatakip ng bibig nang malaman kong si Monica ang nasa lumabas ng balcony ng kwarto ni Josh at nagpahangin.Nakatingin lang ako sa kanya habang nakatayo sya at mukhang may kausap. Lumabas naman sunod na tanging nakaboxer lang at walang suot na pang-itaas. Agad kumirot ang puso ko dahil sa nakita ko. Si Josh naka-topless lang kahit nasa harap nya si Monica? Samantalang ni minsan hindi nag topless sa harapan ko si Josh. Kung mag topless man lang sya agad din syang nag susuot ng damit. Napatawa nalang ako ng mapakla dahil sa mga naisip ko.Really, Josh? Ganyan mo ba talaga kagusto 'yang si Monica? Sabagay, sobrang ganda nya nga talaga. Kahit wala syang ayos at tanging tshirt lang ang suot lumalabas pa din ang ganda nya. Kaya pala nagawa mo akong iwanan, e. Ngayon alam ko na.Hindi ko na natiis kaya nag pakita na ako sa kanila. Habang nakatingala ako at nakatingin sa kanila bigla kong tinawag si Monica."Monica!" sigaw ko "Monica!" pangalawang tawag ko sa kanya bago sya napalingon sa akin at mukhang nagulat sya.Napatingin din si Josh sa akin at parehas sila ng expression ni Monica. Nagulat din sya."Anong ginagawa mo dito, Pipay?" sigaw ni Josh sa akin. "Gusto ko lang makausap si Monica!" sagot ko naman saka ngumiti. Kahit sa totoo lang gusto ko ng maglupasay sa kalsada at umiyak lang ng umiyak."Umuwi ka na! Madaling araw na, oh!' pagtataboy sa akin ni Josh. "Delikado para sa isang babae na nasa kalsada pa din kahit dis-oras na ng gabi."Napangiti ako sa loob ko. Concerned pa din si Josh sa akin."Eh bakit si Monica nasa inyo pa din kahit madaling araw na?" tanong ko."Isn't it obvious? Dito ako matutulog. Stupid!" nag rolled eyes pa sya sa akin.Dito sya kila Josh matutulog. Edi hindi maiiwasang may mangyari na naman sa kanilang dalawa? Malamang. Saka, Pipay. Hindi ka nga sure kung ilang beses na may nangyari sa kanila, e. Baka nga bago ka dumating sa tapat ng bahay nila may nangyari na sa kanila, e. At masusundan na naman 'yun ngayong malamig na madaling araw."Pangako! Uuwe na din ako pag tapos ko kausapin si Monica!" sigaw ko. Hindi nawawala ang ngiti sa labi ko habang nakatingin kay Josh at Monica."Sandali lang!" sabi ni Josh tapos bigla syang nawala. Nakita ko nalang sya na binubuksan 'yun gate at nakatingin ng seryoso sa akin. Nakasuot na din sya ng short at tshirt ngayon. Ayaw nya talagang magpakita ng naka-boxer at topless sa akin, nuh? Tanging kay Monica lang talaga."Ano ba kailangan mo?" inis na sabi nya ng nasa harap ko na sya.Galit talaga ang boses nya pero nangungusap ang mga mata nya. Parang may ibang gustong sabihin. Napatitig lang ako sa kanya. God, gusto ko syang yakapin ng mahigpit. Namimiss ko na agad si Josh Ko kahit kakausap lang namin kanina. God, pwede ko ba syang yakapin? Please, kahit ngayon lang.Lumunok ako bago magsalita. Pinipigilan na naman ang muling pag-agos ng luha ko."Gusto ko lang makausap si Monica." matipid kong sagot saka ngumiti. Sige lang, Pipay. Ngumiti ka lang. Ipamukha mo kay Josh na hindi ka nasasaktan."Anong gusto mo pag-usapan?" biglang nagsalita si Monica. Sumulpot sya sa gilid ni Josh saka pinulupot ang kamay nya sa bewang ni Josh. Nag-iwas nalang ako ng tingin.Tumingin muna ako kay Josh bago ulit nagsalita. Kaya mo 'yan, Pipay. Para kay Josh 'tong gagawin mo.Bigla akong lumuhod sa harapan ni Josh at Monica saka nagsalita."Please take care of him. Wag mong iiwanan si Josh ah? Mahalin mo si Josh tulad ng pag mamahal ko sa kanya. Nakakainis lang na nag hiwalay na kami pero pipilitin ko maging masaya. Ibibigay ko kay Josh ang gusto nyang kalayaan dahil eto ang gusto nya. Di ba eto naman ang pagmamahal? Kahit mahirap para sayo ibigay ang gusto ng taong mahal mo, ibibigay mo pa din?" paninimula ko. Nahihirapan na akong magsalita dahil tulo ng tulo ang luha ko habang nakaluhod sa harapan ni Monica at nakikiusap."Pipay, ano ba! Tumayo ka nga dyan!" sigaw sa akin ni Josh pero hindi ko sya pinansin.Tumingala ako at tinignan si Monica saka ngumiti, "Marahil mahal na mahal ka ni Josh kaya hinayaan nya ang sarili nyang nakawin mo ang puso nya. Nakakainggit ka, Monica. Si Josh lang ang lalaking gusto kong makasama habang buhay pero ngayon ikaw na ang gusto nya makasama. Nakakainggit ka dahil nasayo na mundo ko. Nasayo na ang lalaking pinakamamahal ko kaya please lang. Ingatan mo sya at wag mo sya sasaktan," sabi ko sa kanya "Mahalin mo lahat ng katangian ni Josh. Samahan mo sya sa lahat ng laban nya ng basketball kasi mas lumalakas ang loob nyang ipanalo ang laban kapag may sumusuporta sa kanya. Alam ko 'yun dahil lagi ko syang sinusuportahan," pinunasan ko ang luha ko saka nag salita ulit."Kapag malungkot si Josh patawanin mo sya. Magsabi ka ng pempem jokes na laging nakakapagpatawa sa kanya. Kung wala kang alam pwede mo akong itext at sasabihin ko sayo 'yung joke. Saka pala kapag may sakit si Josh wag mo syang pupunasan ng malamig na tubig. Mamumula lang ang balat nya. Alcohol lang pwede na."Napatingin ako kay Josh na kasalukuyang umiiyak na din dahil sa mga sinasabi ko. Hinawakan bigla ni Monica 'yun kamay ni Josh kaya napaiwas sya ng tingin."Wala kang idea kung gaano ko minamahal si Josh. I love everything about him. He brought me equal pain and happiness in my life at ngayon ikaw na ang minamahal nya. Ikaw na ang mundo nya kaya wag mo sya papabayaan."Nag punas ako ng luha, "Eveything has it's own limit and alam kong eto na ang limitasyon ng aming kwento. Mahirap talagang kalimutan si Josh lalo na't sya ang nagpatunay na kahit hindi ako kagandahan o kalinisan sa katawan, deserving akong makaranas ng tunay na pagmamahal." tumingin ako kay Josh, "And Josh thank you for that. Thank you talaga."Muli akong yumuko, "This time masasabi ko ng kaya ko na syang i-let go dahil napunta sya sa babaeng mahal nya at mukhang mahal din sya. Gusto ko na din palayain ang sarili ko at mahanap ang taong mag mamahal sa akin ng buong-buo. Yun taong hindi magsasawa sa akin at hindi ako ipagpapalit sa iba. Nagpapasalamat ako na dahil kay Josh nalaman ko ang meaning at value ng love. Sana maging masaya kayo. Hindi to madaling kalimutan at tanggapin pero para sa inyo lalong lalo na kay Josh at sa pangarap nya.." tumayo ako at muling ngumiti sa huling pagkakataon, "Kakayanin ko.."After ko sinabi 'yun last words ko tumakbo na ako palayo sa kanila. Narinig ko pa nga si Josh na sinigaw 'yun pangalan ko pero hindi na ako lumingon. Baka magpasalamat lang sya kaya wag na lang.Diary, finally. Kaya ko ng lumimot.Magbabago na ako for good.Namamaalam,Pipay.####################################Malandi 18####################################SIC'S NOTE: Hi, pemsters! LOL! Gusto ko lang sabihin na published na nationwide ang 2 stories ko which are Unwanted Marriage (P128) under Lifebooks and A Writer's Own Love Story (P89) under LIB/Pastrybug books. Sana makabili kayo, please. Pakikisama lang, oh! Haha! And may booksigning kami together with LIB writers sa SM Pampanga this June 8 sa precious heart romance stores, 1pm-5pm. Bili kayo ng book para mapirmahan ko! HAHAHAHA! Kitakits! Now, read.Dear Diary,Hindi ko na nilingon si Josh kahit tinawag nya ako sa pangalan ko ng ilang beses. Ayokong makita nyang punung-puno ang dalawa kong mata ng mga luha dahil sa kanya. Patuloy lang ako sa pag takbo kahit hindi ko na alam kung saan ako patungo basta makalayo lang ako sa kanilang dalawa ni Monica. Masakit isipin na tinapos ko na talaga ang namamagitan sa amin ni Josh pero kailangan talaga, eh. Eto lang naman talaga ang kailangan ko para tuluyan ng makalimot. Etong clos...close up lang talaga ang kailangan ko. Di ba, eto lagi ang kailangan ng dalawang nag hihiwalay? Yun close up para maliwanag ang lahat sa bawat isa.Napahinto ako sa isang poste na may ilaw dahil sa sobrang hingal. Pinunasan ko 'yun mga luha at sipon na humaharang sa mukha ko. Suminga pa nga ako sa damit ko dahil hindi na din ako makahinga dahil sa sobra-sobrang sipon na nakabara sa ilong ko. Bigla ko tuloy naalala si pempem ko. Hala baka kung ano na nangyari sa kanya, diary.Agad kong binaba ang short at panty ko kahit nasa kalsada. Wala na naman ng tao sa paligid dahil madaling araw na kaya keri lang."Pempem, okay lang ba. Baka naman pagod ka na?" tanong ko kay pempem saka bumukaka para makita ko ng maayos ang mukha nya. Nakasimangot si pempem at hindi ako pinapansin. Nagtago pa sya sa mga buhok. "Pempem, lumabas ka dyan. Wag mo kong dedmahin kundi aahitin ko 'yang mga buhok na pinagtataguan mo sige ka." pananakot ko sa kanya. Pero ang gagang pempem ko dedma talaga. Hinalukay ko sya sa mga buhok na pinagtataguan nya. Inirapan lang nya ako at mas lalo pa syang sumimangot sa akin."Ang taray mong gaga ka!" sabi ko sa kanya saka kinurot ang pisngi nya. "Aray!" bakit kaya kapag kinukurot ko si pempem nasasaktan din ako? Iisa lang talaga ang pakiramdam naming dalawa.Habang kinakausap ko si pempem may napansin akong tatlong binata na nakatayo sa likuran ko. Pag lingon ko sa kanila nakita kong nakanganga sila habang nakatingin sa akin. May hawak pa silang tatlo na plastic ng yelo na may nilalamang rugby. Ay, shet. Mga adik 'tong sila koya."Bakit kayo nakatingin?" tanong ko sa kanila "Wag nyo kong pipigilan. Pinapagalitan ko si pempem. Suplada at maldita masyado." sabi ko sa kanila.Nagpapalit-palit ang mga tingin nila sa akin at sa short at panty kong nakababa. Aba, mukhang na speechless sila sa ginagawa ko, ah."Gusto nyo makilala si pempem? Hihihi." tanong ko sa kanila saka tumingin kay pempem "Oh, pems. May mga boys na gusto makipag-usap sayo. Be nice, ah." sabi ko saka muling tumingin sa tatlong binata na nasa harapan ko. Nakanganga pa din sila at titig na titig sa akin, "Pempem meet boy adik number 1, 2, and 3. Boys meet pempem. Talk dirty to her. Tenenentenenene. Talk dirty to pempem. Tenenentenenene." sumayaw sayaw pa ako at bumakaka para makit ng maayos ni pempem 'yun tatlong binata na nasa harapan ko."Ate, anong tinira mo? Mas high ka pa sa amin, e." tanong ni boy adik 1."Wag mo na kausapin 'yan, pre. Mas adik pa ata satin 'yan, e." sagot naman ni boy adik 2.Naglakad na silang tatlo paalis sa harapan ko habang sumisinghot pa din ng rugby na nasa plastic. Shutang inerns na mga 'yun. Pinagkamalan pa akong adik. Excuse me, hindi ako nag rurugby dahil panty ko palang malakas na ang tama."Mga adik. Ulol!" sigaw ko sa kanila habang itinataas ang panty at short ko.Sabay-sabay naman silang lumingon sa akin at nag pakyu sign. Aba, gago 'tong mga 'to, ah. Bubuhatin ko sana 'yun trashbin na nasa gilid ko para ibato sa kanila pero nakalayo na sila, e. Sayang.Nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad nang napansin kong nayapak na ako at wala ng tsinelas na suot. Napalingon naman ako sa paligid pero hindi ko makita 'yun tsinelas na suot ko kanina. Agad na naman akong napaiyak hindi dahil sa naalala kong pamamaalam ko kay Josh kundi dahil sa nawawalang tsinelas. Sa sobrang bilis ko sigurong tumakbo kanina hindi ko na namalayan na natanggal na ang suot kong tsinelas."Shutang inerns naman, oh. Mababalian ako ng leeg ni Inay, e." sabi ko sa sarili ko habang nangingiyak "Galing pang divisoria 'yun, eh. Pakingshet talaga, oh." Naglakad nalang ako ulit habang walang suot na tsinelas. Mukha tuloy akong pulubi ngayong madaling araw dahil sa ayos kong mukhang gusgusin at wala pang sapin sa paa. Futa! Medyo malayo pa ang bahay namin mula dito sa nilalakaran ko. Ilang oras pa kaya ako mag titiis maglakad na walang suot sa paa?Hindi ko na alam kung anong oras ako nakauwi sa amin pero papasikat na ang araw 'nun. May nakasalubong pa nga akong mag papadensal at taho vendor na naglalako ng paninda nila, e. Lahat sila nakatingin sa akin na para bang may mali sa katawan ko. Kaya naman napatingin ako sa short ko at nakita kong nauna kong naisuot ang short ko kesa sa panty ko. Nag mukha tuloy akong si superman dahil dun. Facepalm.Pag pasok ko sa loob ng bahay wala na si Inay. Mukhang maaga syang nagising para mag gawin ang daily routine nyang pag jo-jogging since malapit na ang boxing contest sa plaza. Si Inay walang kadala-dala. Lagi naman syang na na-knock out ni Aling Petra, e. Jusko! Hindi ata titigil 'tong si Tinay hanggang hindi nag-aagaw buhay, e. Bahala nga sya sa life nya.Umakyat na ako ng kwarto ko at hinubad ang damit na suot ko tapos nagpalit ng pambahay. Matutulog na sana ako pero kahit anong pilit ko sa sarili ko ayaw ako dapuan ng antok. Shutang inames. May pasok pa ako maya-maya kaya kailangan ko matulog kahit papaano pero ayaw talaga ng mga mata ko.Napatingin ako sa cabinet kong nakabukas at nagkalat 'yun mga damit ko. Nakita kong nakasabit pa din 'yun mga damit ni Josh na naiwan nya sa akin. Agad nag sikip ang dibdib ko dahil dun. Pinigilan ko ang pag tulo ng luha ko saka tumayo at kinuha 'yun mga gamit ni Josh. Kumuha na din ako ng karton para sa mga paglalagyan ng gamit nya."Last na talaga. Ngayon lang 'to," sabi ko sa sarili ko saka inamoy ang tshirt ni Josh. Pag tapos ko amuyin nilagay ko na sa karton 'yun mga damit nya. Napatingin naman ako sa lamesa ko at nakita ko 'yun mga bigay ni Josh sa akin. From notebooks and ballpen na iba't ibang kulay. Binigay nya sa akin 'to para daw hindi na ako nauubusan ng ballpen sa pagsusulat sayo, diary.Nakita ko din 'yun picture frame na may picture naming dalawa ni Josh. Kuha ito nung 4th monthsary naming dalawa ni Josh. Nakaakbay sya sa akin at todo ngiti habang ako nakatingin sa kanya at nakangiti din. We looked so in love back then. Pero anong nangyari ngayon? Napapakanta nalang ako ng Anong Nangyari sa Ating Dalawa ni Aiza Seguerra sa mga oras na 'to, e.Pag tapos kong ilagay sa karton 'yun mga naiwan ni Josh na gamit sa akin pati 'yun mga binigay nya itago ko na sa isang tabi 'yun karton. Isasauli ko 'to lahat kay Josh kapag nakita ulit kami na wala na akong sakit at pagmamahal na nararamdaman sa kanya. Ipapamukha ko sa kanya na nakalimutan ko sya dahil eto naman ang gusto nya, e. Ang makalaya sya ng tuluyan sa akin. Ibibigay ko ang gusto nya. Generous ako, e.Umupo ako sa gilid ng kama ko ng mahagilap ng mata ko 'yun gunting na nasa lamesa. Kinuha ko eto saka umupo sa harap ng salamin. Medyo mahaba na ang buhok ko kaya gugupitan ko ito. Ganito naman ang pag mo-move on, di ba? Nagpapagupit 'yun mga babaeng heart broken to start of new life. Since gaya-gaya ako at heart broken din ako. Push ko 'to.Una kong ginupitan ang bangs ko. "Ay pakshet, hindi pantay." ginupit ko ulit dahil hindi pantay. Pag gupit ko agad ako napatingin sa salamin. "Ay! Hindi pa din pantay. Isa pa," saka ko ulit ginupit. Pero hindi pa din pumantay ang gupit ko. Kaya ginupit ko ulit ng ginupit ng ginupit ang bangs ko hanggang sa wala na akong bangs. "Ay futa!" gulat na sabi ko ng makita ko ang sarili ko sa salamin na walang bangs. Kitang kita na tuloy ang noo ko dahil wala ng buhok na humaharang.Napatingin naman ako sa magkabilang side ng buhok ko. "Hmm.. bat kasi bangs ang ginupit ko. Dapat eto, e." saka ko ginupit ang buhok na nasa kanan ko. Napalaki ang gupit ko dahil lampas tenga ang nagupitan ko."Shutang inerns!" sigaw ko dahil sa nangyari. "Ang bobo ko mag gupit!" hinawakan ko naman 'yun buhok na nasa kaliwang parte at ginupit ko din kapantay ng nasa kanan ko na abot tenga lang. "Hindi rin pantay!!!" angal ko sa sarili ko kaya ginupit ko ulit ng ginupit ang buhok ko hanggang sa napansin kong nagupit ko na lahat ng buhok ko sa ulo. Agad kong nilapag ang gunting na hawak ko saka hinawakan ang ulo kong kalbo na."Shutang inerns! NOOOOOOOOOOOOO!!" sigaw ko habang nakatitig sa salamin at pinagmasdan ang itchura kong kalbo. "Shutang inerns! YESSSSSSS!!" bigla akong nagulat at napamulat ng mata nang may humampas ng kaldero sa mukha ko. Agad tumambad ang sa akin si Inay na nakatayo sa harapan ko at nakapamewang pa. "Ano, Pilar. Tanghali na pero ngayon lang gigising. Nanaginip ka pang gaga ka. Tumayo ka na dyan at may pasok ka pa.""Nananaginip lang ako?" hindi makapaniwala kong tanong kay Inay. Nananaginip lang ako, ibigsabihin ba nito kami pa din ni Josh at hindi kami nag hiwalay? Agad tuloy akong napatingin sa gilid kung nandun ba 'yun karton na pinaglagyan ko ng mga gamit ni Josh. Pero na-disappoint lang ako. Andun nga 'yung karton kaya hindi kasama sa panaginip ko 'yun pag hihiwalay namin."Aba, oo!" sigaw ni Inay "Nag aadik ka na bang bata ka? Tignan mo 'yang mga mata mo. Pulang-pula at magang-maga. Bato o mary jane?" tanong ni Inay.Napakunot naman ang noo ko at nagulat, "Anong bato o mary jane? Ano 'yun?"She rolled her eyes "Yun abot is shabu. Yun mary jane naman ay marijuana. Synonyms 'yan, te. Hindi ba tinuro sa inyo 'yan sa school?" umiling ako, "Ay! Boom panot pala ang school nyo sa school namin, e. But anyway, tumayo ka na dyan at mag-ayos. Malalate ka ng shunga ka." umirap pa si Inay saka lumabas ng kwarto ko.Walang gana akong tumayo at humarap sa salamin. Nakita kong ayos pa din ang buhok ko tulad ng dati. Panaginip ko lang pala 'yun ginugupitan ko ang sarili kong buhok. Hay, buti naman. Habang sinusuklay ko 'yun buhok ko nakita ko naman 'yun gunting. Pakingshet. Masamang senyales 'to kaya kinuha ko 'yun gunting at ibinato palabas ng bintana. Mahirap na, eh.Nag-ayos na ako at nag ready sa school Mukhang good mood si Inay ngayon dahil pinabaunan nya ako ng singkwenta pesos saka isang C2 at sandwich na may palamang sardinas na ulam nya kagabi. Very resourceful ang nanay ko. Ang galing ni Nanay, Ang galing ni Nanay. Isali ko kaya si Inay sa bet on your nanay?Paglabas ko ng bahay namin may nakita akong pinagkakaguluhan ng mga tao. May police pa nga at ambulansya, eh. Dahil dakila akong tsismosa nakisiksik din ako sa kanila para makita 'yun tinitignan nila. Nandiri agad ako nung nakita kong isang lalaki snatcher pala 'yun patay. Mukhang may inagawan ng cellphone kaya napag tripan. May gunting kasi na nakatusok sa noo nya, e. Ewwwiness lang talaga.Habang naglalakad papunta sa sakayan ng jeep biglang may humarang sa mukha ko ng isang papel dahil sa lakas ng hangin. Akala ko promote ng mga accounts na naman ni author ng instagram at twitter nya which is @owwsiccc ang username nya pero hindi pala. Ibang annoucement ang nakalagay dito.Gusto mo bang gumanda? Oo, alam ko dahil panget ka. Sumali na biggest and newest game ng channel 2 ang 'Make-over mo, Sagot ko!' Just follow the mechanics for how to join.Nilagay ko sa bag ko 'yun papel at babasahin ulit mamayang pag-uwi ko. Sa ngayon kailangan ko ng mag madali dahil late na late na talaga ako for school.Pag dating ko sa school umakyat agad ako papuntang classroom namin. Sakto naman na pag dating ko dumating 'yun professor namin. Nagpatuloy ang lessons ng nakatulala lang ako sa kawalan at inaantok. Pakshet. Ngayon pa ako inantok dahil wala ako gaanong tulog."Hoy, Pilar!" biglang tumayo sa harapan ko si Mimay 'nung lunch break namin. Wala ng tao sa loob ng classroom dahil nasa canteen silang lahat at tanging ako at si Mimay nalang ang nandito."Bakit?" walang ganang sagot ko sa kanya. "Kung aawayin mo ako pwedeng next time na lang? Wala ako sa mood, e. Kung bubugbugin mo naman ako, sige go lang. Manhid naman na buong katawan ko kaya wala akong mararamdaman.""Gaga!" bigla nya akong binatukan "Hindi kita aawayin o bubugbugin ngayon dahil wala sa script ko 'yun. May iba akong pakay." sagot nya."Ano 'yun?""May itatanong lang ako," sabi nya saka nag crossed arms pa si gaga. Nakita ko tuloy 'yun kilikili nyang nangingitim ang gilid na may buhok pa. "Anong nangyari sayo? Bakit tulala ka lang buong klase natin at parang wala sa sarili. Namamaga din ang dalawang mata mo na parang umiyak ka magdamag.""So, concerned kana sa akin?"Binatukan nya ulit ako, "Gaga! Wala akong sinabi. Tinatanong kita kaya sumagot ka ng maayos kung ayaw mo matulad dun sa kambal sa uma na hinagis ko pababa ng ground floor.""Ah wala naman. Hindi lang ako nakatulog ng maayos." sagot ko dahil nakakatakot ang banta ng negrang pusit."Weh? Eh bakit si ibang babae ang kasama ni Josh sa canteen? Sinusubuan pa nung babaeng maputi na 'yun 'yung boyfriend mo. Wala na ba kayo?" tanong nya ulit.Napaiwas ako ng tingin saka umiling, "Wa..wala na." mahina kong sagot saka napayuko."King Ina. Sa true?" gulat na tanong ni Mimay "Inagaw ba sayo ng maputing babae na 'yun si Josh?" hindi ako sumagot "Aba, punyeta, ah. Ako lang dapat ang kontrabida sa story na 'to, e. Bakit may umeepal? Maturuan nga ng leksyon 'yun malanding babaeng 'yun." nag patunog pa si Mimay ng kamao nya habang nakatayo sa harapan ko. Kitang kita kong nag-aalab sa galit ang dalawang mata ni Mimay. Yun butas ng ilong nya lumalaki din kaya nakita ko na 'yun utak nyang kulay itim dahil nabubulok na."Anong gagawin mo?" tanong ko sa kanya at kinabahan agad. Mukhang hindi maganda ang gagawin ni Mimay. Shet. Gulo 'to."Basta. Ako na bahala sa babaeng 'yun." sabi ni Mimay "Oh! Sayo na 'yan. Hindi ka kumain, di ba? Sayo na 'yan tutal diet ako." saka nya nilapag 'yun baon nyang pagkain.Sasagot pa sana ako nang makita kong palabas na si Mimay ng classroom namin. Hinabol ko sya saka tinanong."Hoy negra! Saan ka pupunta!" tanong ko."Sa engineering department. May babalian lang ako ng buto! Ge, kitakits mamaya." sabi nya saka kumaway pa. Shutang inerns. Gangster na si Mimay at dadayo pa talaga ng engineering department para mambugbog lang?Kailangan ko makita ang gagawin ni Mimay, diary.Kwentuhan kita later.Bye, mwa.Kinakabahan sa gagawin ni Negrang Mirasol,Pipay.####################################Malandi 19####################################Please do like DNHMSL page : https://www.facebook.com/DNHMslightlangOfficial or click the external link. Dun kasi ako nag popost ng annoucements regarding to this story :)MONICA'S PICTURE. NASA MULTIMEDIA! SHE'S SO PRETTY! *O* Dear Diary,Agad akong bumalik sa loob ng classroom diary para ilagay sa desk ko 'yun baon na binigay sa akin ni Mirasol. Kailangan ko syang sundan at pigilan sa maaari nyang gawin kay Monica. Galit ako kay Monica pero hindi ako makakapayag na may mangyayaring masama sa kanya dahil sa akin. Alam kong magagalit si Josh kapag nasaktan si Monica dahil ganun si Josh nung panahong kaming dalawa pa. Ayaw nyang nasasaktan ang babaeng mahal nya. Nung kaming dalawa pa nga pati langaw na sumusunod sa akin inaaway ni Josh, e. Ganun ka-protective si Josh pag dating sa taong mahal nya. Ay, oh. Throwback hurtsday pa more Pipay. Ayoko din isipin ni Josh na inutusan ko si Mimay para basagin ang bungo ni Monicalandiprettyngaperosuluterashutanginamokangpakaratka. Tiyak 'yun ang unang isiipin ni Josh dahil aakalain nyang galit ako sa kanya pero hindi naman talaga. Seryoso, diary. Hindi ako galit dahil sa ginawa nya. Nasasaktan, oo. Pero galit? Parang hindi, e. Hindi naman niya siguro kasalanan kung pinagpalit nya ako sa iba, di ba? Sadyang nagmamahal lang naman si Josh, e.Sige, Pipay. Pagtanggol pa more si Josh. Push mo 'yan nang maipush kita papunta sa kiki ni Mirasol. Gusto mo maamoy ang pempem ng anak ng puta ng karagatan? Malansya 'yun for sure. Walang wala ang amoy ni pempem mo sa bilat na lukot ng prisensa ng bermuda triangle. Ayan, pinapagalitan na naman ako ng kosensya kong epal.Pagbaba ko ng hagdanan agad kong nilbot ang paningin ko para hanapin si Mimay. Shutang inames na Mirasol 'to ang bilis mawala. Bakit ang bilis maglakad ng negrang balyenang pusit sa lupa? Di ba dapat mabagal lang ang kilos nya since sea creture si gaga? I wonder kung ano pinagpalit ni Mimay para mapalitan ng dalawang maiitim na paa ang kanyang mga galamay. Di ba ganun sa kwento? Pinagpalit ni snow white 'yun glass shoes nya sa isang beast para magkaroon ng paa? Nabasa ko 'yun, e. Ginahasa pa nga ng pitong dwende si Sleeping beauty. Side story ng snow white 'yun sleeping beauty. Si Sleeping beauty naman 'yun babaeng malandi na nag tulug-tulugan para magahasa ng pitong pandak na lalaki. Landi nya, nuh? Tinalo pa ako.Ay, leche. Kung saan-saan na napunta ang sinusulat ko sayo, diary. Asan na ba 'yun lecheng Mirasol Mayosa na 'yun? Inikot ko ulit ang paningin ko sa quadrangle ng SOGO University. Ayun! Nakita ko na si Mirasol. Leche. Naglalakad sya sa arawan papuntang engineering department. Ang lakas maglakad ni Mimay sa arawan. Hindi ba sya natatakot na sa sobrang init ng sikat ng araw e baka maging kalamares sya?Agad ako tumakbo papunta sa kinaroroonan ni Mimay at hinabol sya. Ang bilis talaga humkbang ng negrang 'to. Ano bang meron sa paa nya at ganyan sya kabilis? Nasa tapat na kami ng classroom nila Monica nang maabutan ko sya."Mimay, ano bang gagawin mo? Wag na! Mapapahamak ka lang!" hinawakan ko pa sya sa braso para pigilan. Agad akong napatingin sa kamay ko nung napahawak ako sa kanya. Bakit nangitim ang kamay ko? Ano ba 'tong kulay itim na 'to? Dumikit na sa palad ko ang tinta ni negra."Di ba sinabi ko sayo na hintayin mo lang ako sa classroom? Why so hard headed?" sabi nya saka nag-ikot pa ng mata. Nag pumiglas pa si Mimay para mapabitiw ako sa pagkahawak ko sa braso nya."Wala ka kayang sinabing mag stay lang ako sa classroom. Bobo much? Walang brain 'te? Mag-imba ng utak sa ulo, please. Wag puro taba ang ilagay." pambabara ko sa kanya."Ay, wala ba?" tumango ako "Edi ngayon sinabi ko na. Bumalik ka na sa classroom at ako na ang bahala dito.""No, hindi pwede, Mimay." pag pupumilit ko "Hindi mo alam kung anong mangyayari sayo kapag kinanti mo ni dulo ng daliri ni Monicalandinapakaratsuluterangboyfriendngibapalibhasaputakasi." pananakot ko sa kanya."Wala akong pakialam. Si Mimay na pretty matatakot sa isang Monicalandinakinginamotegagopakyuazzhulkabitch? Asa te. Asa ka." pagmamalaki nya."Pero Mimay anak ng may-ari ng school si Monica. Matatanggal ka sa school kapag binugbog mo ang anak nya!" pananakot ko sa kanya ulit."Anak sya ng school habang ako anak ng reyna ng karagatan. Pag-aari lang nilang 'to pero alam mo ba 'yun Mall of Asia kung sino nag mamay-ari nun?" tanong ni Mirasol.Umiling ako, "Hindi, e. Kayo ba may-ari 'nun?""Gaga, hindi din. Yun karagatan lang sa seaside ng Mall of Asia ang pag-aari ni Mudra." sabi nya "Ah basta. Puta 'yang Monica na 'yan, e. Feeling kontrabida sa kwentong 'to. Ako lang dapat ang kontrabida dito. Mamaya matanggal pa ako sa story dahil nawalan ako ng trabaho, e." pag mamatigas nya saka humarap dun sa mga babaeng nakaharang sa may pintuan ng classroom nila Josh. "Hoy mga taratitat. Tumabi kayo!" sigaw nya sa mga babae.Tinignan lang sya ng apat na babae mula ulo hanggang paa saka inirapan si Mimay. Bumalik naman 'yun apat na babae sa pag chi-chismisan at hindi pinansin ang existence ni negra sa harapan nila."Aba, futa. Dinededma nyo ang utos ng prisensa ng bermuda triangle, ah." inis na sabi ni Mirasol saka hinablot 'yun isang babae at hinagis palabas. Nag shot tuloy 'yun babae sa trashbin na malaki na nasa tabi ng puno.Napatingin naman 'yun natitirang tatlong babae kay Mirasol saka nag salita ng sabay-sabay dahil sa gulat."OMG!" sabi nila saka nanginig dahil sa takot. "OMG! Your faces, bitches!" pag eenglish ni Mimay saka hinablot naman 'yun isa pang babae at hinagis din palabas. Sa sobrang lakas ni Mimay at sa sobrang lakas ng katawan ng baboy na negra napunta sa itaas ng puno 'yun babaeng hinagis nya. Shutang inerns. Parang sumo wrestler si Mimay sa ginagawa nya. So strong ni gaga."OMG!" sabi ulit ng dalawang natitirang babae sa harapan ni Mimay. Tatakbo na sana silang dalawa papasok sa loob ng classroom nila pero agad nahawakan ni Mimay 'yun mga leeg nila."Puro OMG lang sinasabi nyo. Yan lang ba ang line nyo sa chapter na 'to?" iritadong tanong ni Mimay, "Yari kayo sa akin!" napangisi pa si Mimay habang hawak-hawak sa leeg 'yun dalawang babae na namimilipit na sa sakit dahil hindi na makahinga. Napatingin ako sa gilagid ni Mimay. So dark and black.Napapikit nalang ako sa sunod na ginawa ni Mirasol sa dalawang babaeng hawak nya sa leeg. Pinag-untug nya ang mga mukha ng isa't isa at hindi sya tumigil hanggang mag dugo ang mga noo nila at mawalan ng malay. Napatakip nalang ako ng bibig dahil sa gulat at pagiging gangster ni gaga. Naramdaman ko ngang nanginig din si pempem at parang may tubig na lumabas galing sa kanya, e. Natatakot ba sya o naiihi lang ako? Hinagis din ni Mimay 'yun dalawang babaeng duguan ang ulo at walang malay palabas ng classroom nila Josh saka sya pumasok sa loob. Nagkalat tuloy 'yun apat na babae kaninang nag chi-chismisan sa tapat ng classroom nila. Yun isa nasa loob ng basurahan at walang malay. Yun isa nasa taas ng puso at wala ding malay habang 'yun dalawa nandun sa gitna ng campus naka-planking at wala ding malay."ASAN SI MONICA?" sigaw ni Mimay 'yun nasa loob na sya ng classroom nila Josh. Kakaunti lang ang nasa loob ng classroom dahil mukhang free cut nila. Inikot ko ang mata ko pero hindi nahagilap ng mata ko ang gwapong mukha ni Josh. Wala din si Mong dito. Asan kaya 'yun dalawang 'yun?"Ako si Monica, bakit?" tumayo si Monica na nakaupo sa harapan habang may dalawang babaeng kasama na magaganda din. Pero nag s-stand out ang ganda ni Monica. Kakaibang ganda kaya kinahumalingan ni Josh KO. Oops, Hindi ko na pala pag-aari si Josh. "Lumapit ka dito sa harapan ko." seryosong sabi ni Mimay habang naka-crossed arms pa at parang sinasabing 'Ako ang boss. Kaya lapitan mo ako.'"And bakit ko naman gagawin 'yun?" natatawang sagot ni Monica "Bakit ako lalapit sa sobrang itim na baboy na katulad mo? Girls, have you heard what the piglet said? Pinapalapit nya ako sa kanya." nagtawanan sila ng dalawang babaeng kasama nya. Napatingin naman din si Monica sa akin saka napataas ang kilay nya."Wow, so you piglet and that panget na ex ng boyfriend ko ay friends pala? How pathetic and perfect for each other. Mga basura talaga agad nagkakasundo. It's like saying 'Hi, I'm trash. You're a trash, too. We are friends na.' Right, girls?" nagtawanan na naman silang tatlo habang nilalait kaming dalawa ni Mimay."Right, sis." sagot nung dalawang punyeta saka nagtawanan na naman sila ng mas malakas."Ay, oh. Nag english para kunwari sosyalera. Tigilan nyo ko mga feeler. Kuskusin ko lang ng steal brush 'yang mga pag mumukha nyo para matanggal na ang ganda nyo, e. Mga beauty na hiram sa make-up," tumawa si Mimay "At ikaw punyeta kang malandi ka. Nag-iinit ulo ko sayo. Lalapit ka ba sa akin o ako lalapit sayo para i-schedule na ang buhay mo kay San Pedro?" galit na sabi ni Mimay.Napatitig ako kay Mimay diary dahil sa mga sinabi nya. Si Mimay ba talaga 'to? Bakit parang ang daming laman ng utak nya ngayon? Bakit parang ibang-iba si Mimay mula sa Mirasol na nakilala ko mula pagkabata palang kami hanggang high school? She changed alot, diary. Except na mataba pa din si gaga at sobrang dark pa din ang skin nya."Wag mo kong takutin dahil hindi ako natatakot sa isang baboy na maitim," natatawang sabi ni Monica "Mabuti nalang vegetarian ako. Hindi kasi ako kumakain ng baboy na katulad mo. So yucky!" sabi ni Monica habang nandidiri. Tumawa na naman 'yun mga kaibigan nya. Kyot ng mga friends ni Monica, puro tawa lang ang naiambag sa chapter na 'to."You wouldn't like me when I'm angry. Binabalaan na kita," seryosong sagot ni Mimay habang nakatitig kay Monica. "Pipay tumabi ka.""Ha, bakit?" mabilis kong sagot."Basta tumabi ka." galit na sabi ni Mimay sa akin. Agad naman akong napatabi sa gilid tulad ng sinabi nya.Binukaka ni Mimay ang dalawang paa nya saka pumikit. Nakapikit lang siya ng ilang segundo habang sa imulat nya ang mga mata nya. Puro puti lang ang nakikita sa magkabilang mata ni negra na parang sinasapian ng masamang espiritu."Hala, sis. She's so scary." sabi nung isang babae na may maikling buhok na nasa tabi ni Monica. At last! May naimbag na syang line sa chapter na 'to."She's so parang tanga." sabi naman ni Monica.Tumawa lang 'yun isa pa nilang kaibigan. Yun kulot nalang ang walang naiambag.Patuloy lang si Mimay sa pag pikit na parang sinasaniban ng masamang espiritu hanggang sumigaw sya ng "SUPER SAYANS!!!" may ginawa pa si Mimay sa kamay nya na kung anu-ano na hindi ko maintindihan. Futa, nag-aadik na talaga 'tong si Mimay. Feeling nasa dragon ball Z pa ang gaga. Habang nakakunot noong nakatingin ako kay Mimay bigla kaming may narinig na malakas na utot. Umutot si Mimay at isang nakakasukang amoy ang nailabas nya. Agad naglabasan 'yun ibang mga kaklase nila Monica dahil sa mabantot na amoy na galing kay Mimay."Ewww! So gross! Ang baho!" sabi nila Monica."Panimula lang 'yan." natatawang sagot ni Mimay "Watch out for this!" tumakbo si Mimay papunta kila Monica. Napansin kong nagkakaroon ng biyak 'yun mga sahig na naapakan ni Mirasol dahil sa sobrang bigat nya.Tinabig ni Mimay 'yun dalawang magkaibigan sa magkabilang side. Saka hinablot si Monica sa buhok. Hinawakan naman ngayon ni Mimay 'yun mahabang buhok ni Monica at binuhol sa leeg nya."Eeekk. Aray! I can't breathe. Bitawan mo ako.. eek.." pag-angal ni Monica habang pinipilit makawala sa pagkakahawak ni Mimay sa kanya. Pero wala syang magawa kahit mag padyak pa sya ng paa dahil sa sobrang dambuhala ng katawan ni Mimay at sa sobrang lakas ng negrang balyena.Nag-iiba na ang kulay ni Monica habang sinasakal sya ni Mimay. Yun kulay nyang maputi ay unti-unting nagiging kulay violet dahil hindi na makahinga ng maayos. Kinakabahan na ako sa ginagawa ni Mimay dahil parang balak nya talagang patayin si Monica sa kwentong 'to. Gigil na gigil si Mimay habang sinasakal ng madiin si Monica.Agad akong tumakbo papunta kay Mimay para awatin sya, "Mimay! Tama na! Mapapatay mo sya!" sigaw ko sa kanya habang pinipilit na tanggalin ang pagsakal nya kay Monica."Wala akong pakialam. Bitch ako kaya dapat patayin ko sya." sagot naman ni Mimay."Akala ko ba gangster ka? Saka hindi naman killer ang bitch." pambabara ko sa kanya."Basta bitch ako bitch ako bitch ako! Oh! coca-cola. Nalilto nalilito nahihilo nahihilo. Coke ko to. Coke ko to." kumanta pa si Mimay saka diniin ang pag sakal kay Monica."Mimay tama na!" sabi ko ulit at hinawakan si Monica para ilayo kay Mirasol na bitch daw.Habang inaagaw ko si Monica palayo kay Mimay bigla akong nakarinig ng sigaw mula sa pintuan ng classroom nila."Puta! Anong ginagawa nyo sa kanya?" napatingin ako sa nagsalita at agad bumilis ang tibok ng puso ko. Galit na galit na nakatingin si Josh sa kay Mimay at mas lalo sa akin. Yun mata nya parang nakakalimutan nyang ex nya ako at kakahiwalay lang naming dalawa."Wala 'to, Josh. Naglalaro lang kami nila Pipay. Di ba, Pay?" sabi naman ni Mimay. Pay ang tinawag nya sa akin. WOW! Kailangan pa nya ako binigyan ng nickname?"Oo, May." sagot ko saka ngumisi na naiilang. Pinagpapawisan na din ang noo ko dahil kinakabahan na ako."Wag nyo nga akong pinagloloko! Tignan nyo 'yun kulay ni Monica, oh. Hindi na makahinga. Bitawan nyo nga sya." sigaw muli ni Josh saka lumapit sa amin. Pinipilit nyang inaagaw si Monica kay Mimay mula sa pagkakasakal nito. Tinulungan ko si Josh sa pag hila nya pero nagulat nalang ako nang bigla nya akong itulak kaya napaupo ako sa sahig."Aray!" pag-angal ko dahil nabugbog ata yun pwetan ko sa biglaang pagkakaupo ko.Napatingin sa akin si Josh ng panandalian. Akala ko tutulungan nya ako sa pagtayo pero hindi. Nag-iwas agad sya ng tingin saka muling hinila palayo si Monica kay Mimay. Nakatingin lang ako sa kanya habang nangingilid ang luha ko. Hindi na talaga ako mahal ni Josh. Nakalimutan na nya agad ako. Simpleng pag tulong lang ang kailangan ko pero hindi nya pa maibigay.Bigla nyang tinulak si Mimay palayo kay Monica. Ang lakas ng pagkakatulak nya kaya napatalsik din si Mimay palayo. Ang taba-taba ng negrang pusit pero nagawa nyang maitulak. Lumalakas talaga ang isang tao kapag nasa panganib ang taong mahal nya. Napangiti nalang ako ng mapakla."Pwede ba, Pipay. Lumayo ka na? Utang na loob, lumayo ka na sa amin ni Monica. Wag mo na kaming guluhin. Wag mo na akong guluhin." sabi ni Josh sa akin habang nakatingin ng seryoso. Kumirot naman ang puso ko dahil sa sinabi nya. Hindi ko naman sila ginugulo, ah? Andito pa nga ako para awatin si Mimay sa pag bubog sa babaeng umagaw sa kanya mula sa akin pero ako pa din ang napasama. Ang pag tulong ko ay minasama nya pa."Hindi naman kita ginugulo, ah?" seryosong sabi ko sa kanya saka ngumiti ng tipid "Hindi na kita ginugulo, Josh. I set you wholeheartedly, remember?" Huminahon si Josh na parang nahimasmasan. Yakap-yakap nya lang si Monica sa bisig nya at parang pinaparamdam na nandyan na sya at wala ng makakapanakit sa babaeng mahal nya.Bigla akong tinapik ni Mimay na nasa tabi ko din at nakaupo, "Perfect ang speech mo, Pay. Pang famas." sabi nya habang tumatango-tango pa."Salamat." mahinang sagot ko sa kanya "Thanks sa support, May." "Welcome." sabi nya habang patuloy pa din sa pag tapik ng balikat ko."Friends na ba tayo?" tanong ko sa kanya."Sa chapter na 'to lang," sagot nya "Sa next chapter war-war ulit." ngumiti din si Mimay sa akin.Tumango nalang ako bilang sagot sa kanya saka tumayo. Tumingin ako kay Josh for the last time saka tinalikuran sya at naglalakad na palabas ng classroom nila. Bago pa ako tuluyang nakalabas narinig kong tinawag ni Josh ang pangalan ko."Pipay.." simpleng pag banggit nya sa pangalan ko pero nag hatid agad ng libu-libong boltahe ng kuryente sa buong katawan ko. Iba talaga ang reaction ng katawan mo kapag binanggit ng taong mahal mo ang pangalan mo. Ang ordinaryong salita ay nagiging special dahil sa kanila and I hate that. It's breaking my heart.Nilingon ko sya saka nagsalita, "Wag mo ko tatawaging Pipay na parang close tayong dalawa. The day na nag hiwalay tayo tinatak ko na sa isipin ko na you're nothing but a stranger to me. We are stranger to each other with so many happy memories. I wish I could delete it that easily para wala na akong naalala na bagay about sayo.""Quotes ba 'yan?" tanong nya "Tweet ko na ba?"Umiling ako, "Wag na! Wala ka ng karapatan na i-tweet 'yun mga quotes na sinasabi ko. You broke-up with me, remember?" ngumiti ako "This is gonna be the last time that you'll gonna see me like this, Josh. Broken and devastated. Pangako 'yan. Eto na talaga ang huli." sabi ko "Hindi na ako makapaghintay na makalimutan ka. Kapag nangyari 'yun makakaya na kitang tignan sa mata na walang kirot na nararamdaman pa." huli kong sinabi saka tumalikod.Pagkatalikod ko saka tumulo na naman ang luha ko. Mga luhang tanging si Josh lang ang nakakapagpalabas. Shutang inerns, may favoritism ang mga pretty kong mata.Pakshet ka, Josh.AYOKO NA,Pipay####################################Malandi 20####################################Magkakaroon ng POV si Josh but not now. Wag excited sa twist. Papahirapan ko muna si Pilar! LOL!Dear Diary,Dahil sa ginawang kagagahan ng anak ng puta ng karagatan pinatawag kaming dalawa ng may-ari ng school. Pinapunta kaming dalawa sa guidance office para tanungin kung anong nangyari at kung bakit nya binugbog si Monica na walang kalaban-laban. Nakaupo kaming dalawa ni Mirasol sa mahabang upuan habang nasa harapan namin ang guidance counselor ng school at ang foreigner na tatay ni Monica. Nakatitig lang silang dalawa sa amin ni Mirasol kaya nakayuko lang ako all the time. Napatingin ako sa gawi ng negrang balyena at ang gaga parang hindi kinakabahan. Humiga pa si Mimay sa mahabang upuan na inuupuan namin. Hindi pa nakuntento kaya sinipa nya ako pababa para makahiga sya ng komportable. Nilabas nya pa ang cellphone nya't naglaro pa ng games."King inames, ang bilis kasi ng oras. Azzhul talaga," sabi nya habang naaasar dahil sa nilalaro nya. Nakatingin lang kaming tatlo kay negra kaya napatingin din sya amin, "Bakit? Nakakainis kasi 'tong white tile 2. Hindi ko ma-beat 'yun 5 na highest score ng mudra ko." painosente nyang sabi sa amin saka tinuon ulit ang paningin sa nilalaro nya. Dahil sa electric fan na nakasabit sa kisame at umiikot sa tapat namin biglang hinangin pataas ang palda ni Mimay. Nakita ko tuloy 'yun pisngi ng bilat nya nakasilip sa may gilid ng panty nya. Diary, bakit ganun ang pempem ni Mirasol? Bakit ang tanda na tignan? Puro kamot pa."Ehem, Ms.Mayosa. Will you please seat properly? This guidance office isn't your house. You don't have the rights to lie," seryosong sabi sa kanya ng counselor, "Andito si Mr.Gordon, the owner of this school para malaman kung bakit nyo binugbog ang anak nya. We're waiting for your explanation.""Puta naman," inis na sabi ni Mimay saka tumayo mula sa pagkakahiga nya at umayos ng apo. Padabog nya pang nilagay sa boobs nya 'yun cellphone nya. Kung ako sa panty ko nilalagay ang cellphone ko s'ya naman sa boobs nya. Wait, teka. Boobs ba 'yan o taba? "Hoy, Pilar. Anong sabi ni counselor? English, eh. Hindi ko naintindihan." bulong nya sa akin."Hindi ko din naintindihan, e. Ang bilis kasi magsalita tapos english pa," sagot ko naman "Tinatanong ata kung saan mo dinownload 'yun white tile 2.""Ah, 'yun lang pala, e." sabi nya saka tumingin kila counselor "Sa app store. Apple ba cellphone nyo counselor? Eh kayo Mr.Gordon? Download nyo na din tapos pataasan tayo ng score." "I ain't asking for that crappy games," galit na sagot ni Mr.Gordon, "I'm here to know why did you beat my only daughter. She's on the hospital as of now because of what you did. Kindly explain it to me or else I'll kick you the two of you out of this school." "Puta, english na naman." muling tumingin si Mimay sa akin, "Ano daw sabi, Pilar?" naiinis na naman nyang tanong sa akin."Hindi ko din alam." sagot ko sa kanya."Ang bobo mo talaga Pilar kahit kailan." nag-ikot ng mata si Mirasol at umirap pa. Sino kaya ang bobo sa aming dalawa?"Bakit nyo daw binugbog 'yun anak ni Mr.Gordon. Mga batang 'to ang bobo sa english. Nakaka-stress kayo," sumagot naman si counselor."Ah 'yun lang pala ang tanong, e. Akala ko naman kung ano. English pa kasing nalalaman," singhal ni negra "Paano ko hindi bubugbugin 'yun anak mo e masyadong pakarat sa kwentong 'to. Dapat etong unggoy na 'to," pag tuturo sa akin ni Mimay "Eto lang dapat ang malandi na very very light. Pero 'yang leche mong anak na tinalo ang mudra ko sa pagiging puta ng red sea at bermuda triangle walang sawa at walang preno. Inahas ang syota ng unggoy na si Pilar. Feeling kontrabida pa sa story. Mang-aagaw ng role. Imbyerna. Nasang ospital ba 'yang leche na 'yan para matuluyan ko na." nag patunog na naman ng kamao si Mirasol."As if sasabihin ko kung nasang ospital ang anak ko," nag tagalog na si Mr.Gordon. Hindi na ata kaya ni author ang pure english conversation. Sabi ko na, e. Bobita din si author, e. "As if sasabihin kong nasa Gordon Ospital ang anak ko at nasa VIP room number 12 at nag papahinga. Hindi ko talaga sasabihin kung nasan ang anak ko. Hindi mo malalaman.""Wag na kamo s'ya mag pagaling at bumawi ng lakas. Sisiguraduhin kong hindi na s'ya aabutin ng sikat ng araw bukas kapag labas ko sa school na 'to," pag babanta ni Mirasol. Muli na naman nagliyab ang mga mata nya."Hindi mo s'ya makikita," sagot ni Mr.Gordon, "And dahil sa ginawa nyo sa anak ko at pag labag ng rules and regulations ng school. I'm so sorry to say this but you two are now force evicted. Tanggal na kayo sa school.""WHAT?" bigla akong nagulat "Bakit pati ako kasama sa pagtanggal sa school. Hindi naman ako kasali sa pagbugbog kay Monica, ah? In fact, andun pa ako para pigilan 'tong punyetang negrang 'to." naiinis na sagot ko saka tumingin kay Mimay "Pakyu ka, Mirasol. Tignan mo nangyari dahil sa ginawa mo. Pisti.""How can you prove to me na hindi ka kasali sa pagbugbog? May ebidensya ka ba?" tanong ni Mr.Gordon kaya napailing nalang ako "See, you don't have any proof. May nagsabi sa akin na katulong ka sa pagbugbog sa napakaganda at napakakinis kong anak.""At napakalandi, napakaputa, napakapakarat, at not to mention na napakalandi nyong anak," bulong ni Mimay kaya napatingin kami sa kanya "Ano na namang tini-tingin-tingin nyo? Nananahimik ako dito sa sulok, ah." "At sino naman ang nagsabi nyang kasinungalingan na 'yan? Hindi ako kasama sa pag bugbog kay Monica!" sigaw ko out of my frustration. "Hoy negra, inutusan ba kitang bugbugin mo si Monica? Hindi naman di ba? Dapat ikaw lang ma-kick out sa school na 'to, di ba?"Tumingin sa akin si Mimay na kunot ang noo, "Ang kapal mo, Pilar. Inutusan mo kaya ako. Sabi mo sa akin na bibigyan mo ako ng mga porn magazine 'yun latest issue kapag binugbog ko si Monicalandot. Ayaw ko pa nga, e. Kaso kinulit mo ko at sinabing dadagdagan mo pa ng mga porn website kung saan ka madalas nanunuod. Sinuhulan nya lang ako Mr.Counselor at Mr.Gordon. Ayoko naman talaga bugbugin si Monica, e. Ang ganda kaya ni Monica saka idol ko pa. Kaya dapat si Pilar lang matanggal sa school.""Wag mo ko baliktarin impaktang negra ka. Grrr. Ginagalit mo ko." bwisit na sigaw ko kay Mimay.Sasagot pa sana si Mimay kaso biglang naagaw ang atensyon namin sa kumakatok sa pintuan. Sinabi ni Mr.counselor na pasok kaya bumukas ang pintuan. Nakita ko si Josh na nakatayo sa pintuan at tinawag nya si Mr.Gordon."She's fine now, sir." sabi ni Josh kay Mr.Gordon. Nagtama ang tingin naming dalawa ni Josh pero sya ang unang nag-iwas ng tingin at muling tumingin kay Mr.Gordon. "Lalabas na po s'ya ng ospital later. Ako na lang po ang susundo sa kanya para po iwas hassle." "Thank you, Joshua." tinapik pa ni Mr.Gordon ang balikat ni Josh, "You're such a good guy. Hindi mali ng pagpili ng anak ko sa'yo. Alam kong kaya mo syang protektahan at alagaan." ngiting ngiti pa si Old Gordon."Welcome, sir." magalang na sagot ni Josh, "A girl like her needs to be treasured."Bigla akong napatulala sa kawalan 'nung narinig ko 'yun sinabi ni Josh. Naalala ko kasing sinabi nya din sa akin 'yun nuon. Nakakatawa lang dahil para sa iba na nya sinasabi at ginagawa 'yun mga bagay na minahal ko sa kanya. Agad ko tuloy naalala 'yun panahon kung saan nya sinabi 'yun famous line nya na 'yun."Josh tanong ko lang ano bang nagustuhan mo sa akin?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa sakayan. Magkaholding hands pa kami, diary. Ang lambot din ng mga palad nya. Nag seselfie kaya si Joshua diary? Hihi. Ang dirty ng utak ko. "Nagustuhan mo ba ako dahil maganda ako, Josh? O dahil sexy ako? O dahil maganda ako at sexy? Hihi." nahihiya kong tanong sa kanya."Sa totoo lang Pipay. Hindi kita nagustuhan dahil maganda ka o dahil sexy ka dahil alam naman natin pareho na hindi ka maganda at sexy." napasimangot ako "Joke lang! Eto naman hindi mabiro." kinurot nya 'yun ilong ko. Naamoy ko tuloy na egg ang breakfast nya. May naiwan kasing amoy diary. Hihi."When I saw you before natuwa na ako sayo. Feeling ko kasi ang astig mong babae. Even everyone arounds you make fun of you and insult you. Hindi ka lumalaban o gumaganti ng masasakit na salita. Hindi mo sila pinapatulan. Nagustuhan kita dahil ang bait mong tao. Nakita minsan dati na umiiyak 'yun isang bata dahil nalaglag 'yun laruan nya sa kanal yet you didn't hesitate to help her. Kahit ang dumi ng kanal at ang baho, sinuong mo 'yun para lang makuha 'yun laruan." ngumiti si Josh sa akin tapos tumingin ng diresto sa akin "Natutunan ko na ang pagmamahal pala ay hindi laging tumitingin sa mukha. Kundi sa kabutihan ng puso, Pipay. Natutunan ko 'yun dahil sayo. Kaya nung nakita kitang binubully nila Prince. Hindi na ako nag hesitate na tulungan ka. Cause a girl like you needs to be treasured."I smiled bitterly because of the sudden memory that flashed into my face. Nakaka-shutang inerns lang dahil bakit kung kailan ko pinipilit kalimutan ang mga memories namin ni Josh saka ko naman 'to naaalala ng paulit-ulit. Hindi deserving ni Josh ang ni-maliit na espasyo sa utak ko. Kailangan ko atang i-reformat ang maliit kong utak. Ang liit-liit na nga tapos puro sya pa ang laman. Bwisiterns."Can I talk to you, sir?" narinig kong muling tanong ni Josh kay Mr.Gordon. Napatingin ulit sya sa akin pero this time ako na ang unang nag-iwas. Ang kapal mo, Joshua. Wala kang karapatan tumingin sa akin ng ganyan. Wala kang karapatan na tumingin sa akin at iparamdam na hindi ka apektado sa mga nangyayari. Someday, you'll see. Makikita mo talaga.Tumango si Mr.Gordon saka lumabas sila ng office ni Joshua. Ilang minuto din syang nawala. Si Mimay nakatulog na sa tabi ko at nakanganga pa ang gaga. Suntukin ko kaya bunganga ng punyentang 'to? Ang lakas gumawa ng kwento para mabaliktad ako, e. Writer ba sa wattpad 'tong negrang 'to? Galing gumawa ng plot, e. Pero iba ang twist na gagawin dahil i-tu-twist ko ulo nya.Nung bumalik na si Mr.Gordon agad kong sinapok ang mukha ni Mirasol para magising sya. Agad naman syang nagising at tumingin sa akin ng masama."I changed my mind. Hindi ko na kayo i-ki-kick out dito sa school." seryosong sabi ni Mr.Gordon "But! Bilang parusa. Kailangan nyo linisin ang buong soccer field ngayon." hindi na ako umangal at sumagot pa. Pero si Mirasol umangal at nag hysterical pa."Aba, nagkakalokohan tayo, e. Sa bahay namin hindi ako pinapagawa ng gawaing bahay ni Mudra Ursula tapos dito papaglinisin nyo lang ako ng soccer field. Bitch, please!" pagtataray nya."Baka nakakalimutan mo Ms.Mayosa na ako ang may-ari ng school na 'to kaya magbigay ka ng galang."Tumayo si Mirasol saka pumunta sa may desk ni Mr.Counselor. May sinulat sya sa isang papel at binigay kay Mr.Gordon."Ano 'yan?" tanong ni Mr.Gordon."Duh, basahin mo kaya?" naiiritang sagot ni Mimay.Agad naman 'to binasa ni Mr.Gordon kaya kumunot ang noo nya, "Galang?" sabi nya "Bakit may galang na nakasulat dito sa papel?""Sabi mo mag bigay ako ng galang. Ayan na." bwisit na si Mirasol ng tuluyan, "Gulo nyo naman, e.""Hindi 'yan ang tinutukoy ko." galit na sabi ni Mr.Gordon "Dahil sa pagiging pilosopo mo. Hindi lang soccer field ang lilinisin mo. Lilinisin mo na din ang buong campus, ang mall of asia, ang sm north edsa, ang araneta stadium, pati na din ang Ninong Aquino International Airport. At subukan mong umagal idadagdag ko pa sa listahan ng mga lilinisin mo ang mansyon nila author." Napanganga si Mirasol at hindi na sumagot. Mukhang natakot ata at nalula sa dami ng lilinisin nya. Goodluck nalang sa kanya kung matapos nya ngayong taon ang paglilinis sa mga binanggit na lugar ni Mr. Gordon. Serves her right. Karma's a bitch talaga.Pinalabas na kaming dalawa ni Mimay mula sa loob ng guidance office at dumiresto na sa soccer field. May dala na din kaming tig-isang walis tingting at dustpan. Badtrip talaga. Pero ayos na 'to kesa naman dumami ang lilinisin ko katulad ng kay negrang matabil ang dila o matanggal ako ng tuluyan sa SOGO university. Nagtataka pa din talaga ako kung sino ang nagsabi na tumulong ako sa pag bugbog kay Monica, e. Si Josh lang naman andun saka 'yun dalawang friends ni monicalantod. Gusto kong isipin na si Josh ang nag sumbong, e. Puta s'ya. Habang naglilinis biglang may yumakap sa likuran ko kaya ako nagulat at napatalon. Pag harap ko si Monjie pala na pawis na pawis na tanging short lang ang suot at walang pang-itaas. Tumambad tuloy sa akin ang pawis na pawis nyang matigas na chest at awesome abs nya. "Ano ba, Mong. Nakakagulat ka naman." sabi ko sa kanya "Payakap-yakap ka pa. Amoy pawis na tuloy ako." Tawa lang sya ng tawa, "Hahaha. Ayos lang 'yan para parehas na tayo amoy pawis." sabi nya "May panyo ka ba, Pipay? Pahiram naman ako, oh. Wala kasi akong dala."Kinuha ko 'yun panyo na nasa bulsa ko, "Oh. Punasan mo nga 'yang pawis mo. Baka magkasakit ka." "Baka naman panty mo 'to, ah?" sabi nya nung kinuha nya 'yun panyo ko "Ikaw na pala mag punas sa akin. Please?""Ang tamad mo naman." sabi ko na kunwaring naiinis. Lumapit ako sa kanya at muling kinuha 'yun panyo para punasan ang likuran at abs nya. Nakatingala lang sya habang pinupunasan ko ang katawan nya. Bakit kaya? "Pati ba 'yang nasa loob ng short mo pupunasan ko o ilalabas mo nalang para mahanginan?""Haha! Gago!" tumawa si Mong "Salamat, Pipay. Teka, bakit ka nga pala andito sa soccer field?"Kinuwento ko 'yun nangyari kanina kay Mong kaya naging seryoso na naman ang mukha nya. Damn, diary. Ang gwapo ni Mong ngayon nakakainis. Bakit kaya mas gwapo sya at hot kapag walang suot na pang-itaas? What more pa kaya kung hubu't hubad sya? Edi tinalo na nya ang araw sa pagkainit."Gago talagang Josh 'yan." sabi ni Mong na halatang galit "Actually hindi na ako masyado sumama sa kanila nila Monica. Sa iba na ako umuupo at kapag may basketball practice kami lagi akong lumalayo kay Josh." sabi nya "Baka kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko't mabugbog ko na naman sya.""Mong, please, wag na." hinawakan ko sya sa braso "Wag mo na bugbugin si Josh, pakiusap. Para wala ng gulo. Hayaan na lang natin sila.""Damn, Pipay. Bakit ka ganyang kabait? Bakit kahit ikaw ang lubos na nasaktan kapakanan pa din nila ang iniisip mo? Kaya dapat hindi ka sinasaktan, e. Ikaw dapat ang pinapasaya. Josh is so stupid for making you cry." sagot nya habang nakatingin ng diresto sa mga mata ko. Napangiti nalang ako sa sinabi nya.Tumingin naman ako sa malayo saka nagsalita, "Ayoko lang na may nasasaktan sa mga nangyayari. Masakit ang nangyari syempre pero acceptance nalang ang kailangan. Dalawang bagay lang naman kasi ang kakahantungan ng isang relasyon, e. Ang maging kayo hanggang dulo o mag hiwalay kahit wala pa sa kalagitnaan. Hindi lang matatag si Josh para sa relasyon naming dalawa kaya ganun ang nangyari. Pero tatanggapin ko. Kakayanin ko."Bigla na naman ako yinakap ni Mong mula sa likuran ko, "Basta wag mo kakalimutan na ako ang batman ng buhay mo at ako ang bahala sayo." tumango ako."TIRAKITA! Bilisan mo bumalik kana dito!" sigaw ng coach nila Mong."Asar. Istorbo naman 'tong panot na 'to," inis na sabi ni Mong "Sige na, Pipay. Balik nako dun."Tinawag na si Mong 'nung coach nila sa basketball dahil simula na ulit ng excercise nila. Kailangan pala nila ikutin ang buong field ng ilang beses. Pero bakit si Josh hindi nag-eexcercise? Ay malamang, Pilar. Inaalagaan nya pa prinsesa nya, e.Napatingin ako kay Mirasol na nakahiga na sa damuhan. Agad ko syang nilapitan para malaman kung anong nangyari sa kanya. Paglapit ko nakatulala lang ang negra sa kawalan."Hoy, anong nangyari sayo?" sabi ko saka sinipa pa ang mataba at maitim nyang hita.Wala sya sa sarili nya ng sumagot sya, "Bakit ang gwapo nya? Ang sarap pisilin ng chest at abs nya. I think I'm In love again." Mukhang si Mong ang tinutukoy ng futa. Asa naman na may pag-asa sya.Nung gabi na habang inaayos ko ang laman ng bag ko bigla ako may nakitang papel na nakasingit sa notebook ko. Agad ko 'tong tinignan at binasa.Gusto mo bang gumanda? Oo, alam ko dahil panget ka. Sumali na biggest and newest game ng channel 2 ang 'Make-over mo, Sagot ko!' Just follow the mechanics for how to join.Eto 'yun papel na humarang sa mukha ko nung papasok ako sa school. Sumali kaya ako? Hindi naman siguro masama kung mag ta-try, di ba? Wala naman mawawala sa akin, e. Agad ko binasa 'yun mechanics for how to join.1. Follow @owwsiccc at twitter and instagram.2. Tag @owwsiccc a photo of yourself on twitter or instagram with the hashtag of #SicsNextTopModel and a reason why I have to choose you as one of my participants.3. Wait for my reply. Don't worry it won't take long.4. Compliment me and say 'Ang pogi mo, Sic. Ang hot mo pa.'Agad ko ginawa 'yun mga nakalagay sa instruction. Since may twitter na ako instagram nalang ang ginawa ko. Nag picture din ako at tinag 'yun famewhore na 'yun with the hashtag and reason."Isa ako sa dapat mapili dahil gusto ko makaranas ng isang kagandahan na hindi iiwan ng isang lalaki. Galing ako sa isang break up dahil mas pinili ng ex boyfriend ko ang isang maganda at isang makinis na babae. Masakit para sa akin 'yun dahil nakakatapak ng dignidad. Gusto ko ipamukha sa kanya na malaki ang sinayang nya kapag maganda na ako." Pag tapos ko gawin lahat ng nasa instructions agad akong nag log out at natulog. Kinakabahan ako habang nakahiga dahil iniisip ko kapag natanggap ako sa game. Shet. Gaganda na ako. Ano kaya iisipin ni Josh kapag gumanda ako? Babalik ba sya sa akin?For Mimay bilat's sake, Pilar. Gawin mo 'yang make-over na 'yan para sa sarili mo at hindi para sa walang kwentang Josh na 'yun. Okay? Muli na naman akong sinigawan ni konsensya ko. "Okay po." sagot ko sa kanya saka pumikit na dahil sa sobrang antok.Kinabukasan habang antok na antok pa binuksan ko ang instagram at twitter ko para i-check kung may sagot na ba 'yun famewhore na organizer ng game. Pag tingin ko sa photo na kaka-upload ko lang sa instagram ang dami ng likes. Hundred of likes to be exact. Agad lumaki ang mata ko at nawala ang antok ko. Ang dami na din comment dun. Bakit ang daming comment e kakaupload ko lang nito gabi? Isang comment ang nakaagaw ng atensyon ko na galing sa @owwsiccc ang username."OH SHUTANG INERNS." napatayo ako mula sa pagkakahiga ko at hindi makapaniwala sa nabasa ko.This is it, diary. This is really is it.Gaganda na,Pipay.####################################MadraNDI 21####################################Want me to update biri biri fast? Comment pala! :pDear Diary,"What the fuck. Are you sure hindi ka na nya mahal?"Gulat na tanong sa akin ni Prince habang andito kami sa lobby ng building ng 'Make over mo - Sagot ko' na isang segment sa Abs-Cbn. Kaninang umaga agad ako tinawagan ni @owwsiccc para tanungin ang information about sa akin. Nung una, nag dadalawang-isip pa ako kung ibibigay ko ba o hindi ang mga information ko tungkol sa sarili ko. Natural, kakabahan ako dahil hindi naman ako sure kung legit o hindi ang lecheng segment na 'to. Hindi naman kasi pinalatastas sa TV 'to o prinomote man lang. "Ang arte mo. Alam mo 'yun?" naiinis na sabi sa akin ng kausap kong organizer sa cellphone. Ilang oras na kami magkausap sa cellphone pero puro 'hulaan mo lang' ang sinasagot ko sa mga tanong nya "Ang arte-arte nito. Feeling pretty. Ano nga? Sabihin mo na at marami pa kami tatawagan.""Eh, kasi naman baka fake 'tong segment nyo. Ni hindi ko nga napanood sa abs-cbn na prinomote 'tong show nyo, e. Aba, mahirap na. Baka scam 'to para malaman nyo ang bahay ko tapos pupuntahan nyo ako kung walang tao at gagahasain. Ang creepy ka." sagot ko sa kanya."Futa! Ang feeler mong panget ka," sigaw nya sa akin "Hindi mo talaga mapapanood sa abs-cbn dahil sa Animal planet namin pina-promote ang show namin. Naghahanap kami ng mga babaeng itchurang hayop na makikita sa mga kagubatan na gagawing mala-dyosa ang mukha't itchura. Saktong sakto ang mukha mo dahil mukha kang unggoy." pag papaliwanag nya "Besides, I really wanted to help you. I've read your reason. Kung bakit ka hiniwalayan ng boyfriend mo. We'll make sure na manghihinyang s'ya sayo at gagapang sya pabalik sa feeling mo."Natahimik ako diary dahil sa sinabi nya. Nag-aaway na ang puso't pempem este utak ko dahil sa paliwanag nya. Gusto ko talaga magbago at gumanda. Yun ganda bang hindi mo mabibili sa salon na pipitsugin. Para kasing ang sosyal ng gagawin nilang make-over sa akin kaya gusto ko din mag pursigi.Huminga ako ng malalim bago sumagot, "Sigurado ba kayo? Kaya nyo ako baguhin?" "Ay te, makulit lang?" naiinis na talaga sya "Oo nga. Kaya wag kana mag-inarte. Tatadyakan talaga kita sa panga mo pag dating mo dito." pananakot nya.Sinabi ko na ang information about sa sarili ko pag tapos 'nun. Agad naman din nya sinabi sa akin 'yun address ng building nila.Habang nag-aayos ako nakareceived ako ng text kay Prince na ngayon daw ang date naming dalawa. Dahil may appointment akong pupuntahan sinama ko nalang s'ya dito sa studio para may makausap man lang. Pag dating kasi namin dito walang ibang contestant at tanging ako lang. Gusto daw nila ako munang pagtuunan ng pansin dahil tiyak na mahihirapan daw sila sa make-over na gagawin sa akin. Mga shutang inerns na 'to. Mga pasimpleng lait din."Oo," sagot ko kay Prince. Kinuwento ko kasi sa kanya na wala na kaming dalawa ni Josh. Na natapos na ang kwento naming dalawa. "Seryoso ako sa sinabi ko. Hindi ka ba nagtataka na hindi ko na nga sya nakakasama lately? Even sa facebook hindi na kami in-a-relationship dalawa? Saka kung kami pa, tingin mo ikaw ang isasama ko dito at hindi sya?" nakangiti kong tanong kay Prince.Napatitig sya sa akin ng seryoso saka umiling-iling, "Impossible. Hindi talaga ako makapaniwala," sabi nya na halata ngang hindi naniniwala "Hindi talaga, Pipay, e. I witnessed Josh's undying love for you. Pinaglaban ka nya sa akin, Pipay. He cried a lot because of his love for you. Then you'll saying na nakipag break sya dahil sa isang magandang babae? Tapos may nangyari pa sa kanilang dalawa?" "Kung ayaw mo maniwala wala akong magagawa. Maybe Josh isn't the exact person that we used to know. Lahat nagbabago, Prince. Lahat as in lahat. Kahit feelings pa 'yan. Sure, hindi nawawala ang feelings para sa isang tao pero nababawasan 'to and in our case, nabawasan na kaya nanlamig si Josh at nag-init sa ibang babae." I smiled bitterly "Shutang ina, hindi na masyadong makirot kapag binabanggit ko ang pangalan ni Josh. Kaunti na lang talaga makakawala na ako sa pagmamahal ko sa kanya.""Sige nga sabihin na natin na nagkahiwalay nga kayo. Bakit hindi mo sya pinaglaban? Pipay, you love him damn much, right? Bakit pumayag ka lang na mawala sya sayo?" frustrated na tanong ni Prince. Parang mas affected pa sya kesa sa akin o kay Josh. Yun totoo, JoPay supporter ba sya?"Pinaglaban ko sya," sagot ko "Pinaglaban ko sya to the point na ilang ulit ko na nilunok ang pride ko para sa kanya. Shuta, pati nga pride na bareta nilunok ko na at isama mo pa 'yun stock ko ng phcare sa bahay pero walang nangyari. So I gave up. Naisip ko kasi na bakit ko ipaglalaban ang taong hindi naman nagbigay ng dahilan para ipaglaban ko pa sya? Sya ang unang bumitaw sa aming dalawa hindi ako," natawa ako "JoPay Lh4rN Zh4p4T nH4 at To The Pempem and Back? Bullshit. That words should be deleted on my vocabulary.""This is freakin unacceptable," pag kontra na naman nya "May na-se-sense akong nangyayari kay, Josh. Baka naman may reason sya. Hindi naman gumagawa ang isang lalaki ng walang rason, e. Trust me, Pipay. Baka naman para sa kapakanan mo din ang ginagawa nya?""Let's say meron nga s'yang rason, Prince. Pero wala na akong pakialam sa punyetang rason na 'yan at sa kanya. Nasaktan na ako, e. He hurt me to the point na parang hindi ko na gusto gumising sa umaga dahil sa sobrang sakit dito," I pointed my heart "Saka hindi ba dapat matuwa ka pa? Dahil after all, wala ka ng kaagaw and I am finally single and ready to mingle?"Natahimik sya for a minute bago sumagot "I'm just..just confused. Hindi kasi ako makapaniwalang magagawa 'yun ni Josh,""But he already did." tumayo ako ng makita kong tinatawag na ako nung organizer para pumasok sa loob. "He chose to break my heart so I'm busy collecting the pieces." nilapag ko sa gilid nya 'yun bag ko "Don't worry I'm doing this make-over not for him but for me. Gusto ko ng bagong anyo para makatakas na sa madilim kong nakaraan. Chos, parang taong lobo lang." tumawa ako.Naglakad na ako palayo kay Prince nang bigla syang magsalita kaya napalingon ako."Nasasaktan ka dahil sa ginawa ni Josh pero do you even know kung ano ang side nya?" tanong nya sa akin "Puta kasi 'to si author, e. Tagal bigyan ng POV si Josh. Anong petsa na 'uy!""Sa totoo lang mas may pakialam pa ako sa side ng triangle kesa sa side ni Josh," ngumiti ako "Kanya na side nya dahil may side din naman ako." tumalikod na ako saka pumasok sa kwartong tinuro nung organizer.Pag pasok ko sa loob may tatlong tao. Nasa magkabilang gilid 'yun dalawa habang 'yun isa nasa harapan. Parang naging salon, clothing shop and medical clinic ang malaking kwartong pinasukan ko. Nasa kaliwa ko ang salon na may malaking salamin na nakadikit sa dingding at punong-puno ng make-up, scissor at kung anu-anong kagamitan na pampaganda. Sa kanan ko naman ay may kamang may gulong. May mga kung anu-ano ding kagamitan dun na ginagamit sa facial at derma. Binaling ko sa ang paningin ko sa harapan na punong-puno ng magagarang kasuotan at damit.Okay, Pilar. This is it."Take of your clothes," sabi nung babae na maganda. "We need to see your whole body para malaman namin kung anong gagawin sayo.""Lahat po?" tanong ko. Tumango naman sya.Nagsimula na akong mag hubad mula sa blouse ko at pantalon na suot ko. Hanggang sa tanging bra at panty na lang ang natitira sa akin. Nahihiya akong tumingin sa kanilang tatlo at mabuti nalang pala puro babae din sila. Kasi kung may lalaki baka malibugan na dahil sa hotness ko ngayon sa suot ko. Si Pilar ba naman ang nakaharap sayo na tanging bra at panty lang ang suot ewan ko nalang kung hindi tumigas patola mo. Sa sobrang sexy ko kahit ice water magiging yelo sa tigas, e."Seriously? Red panty tapos orange underwear me? Hindi ka ba marunong ng fashion, iha?" tanong nung babaeng nasa clothing side.Umiling ako, "Hindi po, e." sagot ko "Pasyon lang alam ko. Yung kumakanta kapag mahal na araw? Lagi po akong kumakanta sa lugar namin 'nun. Gusto nyo ng sample?" tanong ko sa kanila."Hindi na kailangan," sabi naman nung babaeng nasa salon side "Baka matagalan pa tayo. Matatagalan na nga kami sa pag papaganda sayo, e. Magtatawag pa kami ng himala."Sabay-sabay silang nagtaas ng kamay saka tinutok sa akin. Tumingala sila at pumikit."Oooh, puong bertud. Tulungan nyo po kami sa gagawin naming himala. Gabayan nyo kami sa pag transform ng babaeng unggoy na 'to papunta sa isang napakagandang dilag. Tulungan nyo kami. Tulungan nyo kami. TULUNGAN NYO KAMI!" tumirik-tirik ang mata nila na parang nababaliw at napatitig sa akin ng seryoso habang may ngisi sa kanilang labi. "Okay, girls. Let's do this."Una akong hinila nung babae sa salon papunta sa pwesto nya. Hinawakan nya 'yun buhok ko sa ulo, ha? Hindi buhok sa pempem. Napasigaw naman sya ng hinawi nya buhok ko."ARAY!" sabi nya "Ano ba 'yang buhok mo. OA sa pagkatigas. Nag sa-shampoo ka ba?" tanong nya."Naman!" pag mamalaki kong sagot sa kanya "Anong tingin mo sa akin, dirty?""Oo, e." straight nyang sagot saka inamoy buhok ko "Nakakasuka amoy ng buhok mo. Amoy bulbol. Ano ba gamit mong shampoo?""Pang hair care," sagot ko."Ha? Anong brand 'yun?""Phcare te.""Ay bobo! Hindi 'yun pangbuhok sa ulo. Para 'yun sa buhok nito," saka nya tinapik si pempem ko. "Kaya naman pala ang baho at tigas ng buhok mo, e. Tsk.""May gagawa pa ba kayong paraan?" "Syempre!" ngumisi sya "Hindi kami matatawag na amazing trio for nothing. As of now kailangan muna natin gupitin ang buhok mo. Medyo mahaba na kaya babawasan natin at gagawin nating global cut ang pagkakagupit."Hinarap nya na ako sa malaking salamin at sinimulan ng gupitin. Nakatitig lang ako sa kanya habang ginugupitan nya ako. Halatang nahihirapan sya dahil ilang gunting na ang nawala ang talas dahil sa buhok ko pero hindi sya sumuko. Hanggang sa may nilabas syang kulay ginto na gunting at ito ang pinanggupit sa buhok kong matigas.Naalala ko pa nung kami pa ni Josh na sinabi nyang pagupitan ko na lahat ng buhok ko sa katawan pero wag daw ang buhok ko. Mas maganda daw kasi ako kapag mahaba ang buhok ko. Natawa ako. Mahilig pala si Josh sa mahahabang buhok kaya pati si Monicalandinapakaratatputangschoolnahindipamamatay ay nagustuhan nya. "That's it." sabi ng nag gugupit sa akin ng natapos nya akong gupitan. Nagulat ang mata ko nang makita kong parang lumambot na agad ang buhok ko't kumintab ito. Nagkaroon na din ng magandang style ang buhok ko kaya parang lumiit ang shape ng mukha ko. "Ang ganda.." sabi ko na hindi makapaniwala."Hindi pa 'yan tapos." pag mamalaki nya. Nilagyan nya din ako ng cellophane na kulay violet kapag nasisinagan daw ng araw. Nung natapos na nya ako lagyan ng cellophane, binanlawan nya na ito saka naman shinampoo. Kakaibang shampoo ang nilagay nya dahil agad bumango ang buhok ko at lumambot. Sunod naman ako pumunta sa may clinic section ng kwarto at humiga sa may kama."Tsk. Mukhang madami tayong aayusin sa katawan mo, ah? Though hindi naman operation ang gagawin natin kundi facial, diamond peel, black and white heads removal. Hmm, ano pa ba." sabi ni doc at nag-iisip pa ng depekto ko sa katawan "In all fairnes ang ganda ng mata mo at ilong mo, ah? Labi lang ang problema sayo dahil medyo manipis pero ayos na din naman 'yan. Pampakinis ang gagawin natin and foot massage na din." sabi nya saka humawak sa mukha ko."Ah, doc, ano muna uunahin natin?""Foot massage." sagot nya saka minamasahe ang mukha ko."Ah, eh, Doc, mukha ko po 'yan." sabi ko "Eto po paa ko." ginalaw-galaw ko pa paa ko."Ah, sorry. Sorry." sabi nya "Magkamukha kasi ang paa at mukha mo. Akala ko tuloy ito ang paa mo." kinurot nya pa mukha ko. Shutang inerns na 'to, ah.May tinawag si Doc na limang babae na pumalibot sa akin. Sabay-sabay gumalaw sa katawan ko. May taga-massage at may taga lagay ng wax sa magkabilang hita ko para tanggalin ang buhok. Habang 'yun dalawa naman nasa magkabilang kili-kili ko at ni-li-laser 'to."Ano po ginagawa nyo sa kilikili ko?" tanong ko."Hair removal to. Para tanggal na buhok sa kilikili mo," sabi ng babae "In all fairness, ha? Ngayon lang ako nakakita ng babaeng mas makapal pa ang buhok sa kilikili kesa sa tatay ko." nag tawanan silang lima."Naku, 'te. Walang sinabi 'yang buhok ko sa kilikili sa buhok ko sa pempem." saka ko tinaas ang garter ng panty ko at pinakita ang buhok ni pempem. Nagulat naman silang lahat dahil sa nakita at 'yun isa pa nga nahimatay dahil malapit sya kay pempem. "Ay, nahimatay. Hindi kinayanan ang amoy ni pempem. Hihi."Medyo masakit 'yun wax habang tinatanggal ito sa binti ko. Sumasama kasi mga buhok ko sa hita, e. Pagkakita ko sa magkabilang binti ko ang kinis at ang ganda na nila parehas. Parang mga binti ng mga artista sa sobrang kinis. Nakakaputi at kinis pala kapag tinanggal at inahit ang buhok, ano? Tanggalan ko kaya ng buhok si pempem? Ay, wag nalang. Ang panget na ni pempem kapag kalbo sya.Sunod naman nilagyan ng cream ang buong mukha ko at tinapatan ng kulay violet na ilaw. Nakapikit lang ako ng ilang minuto dahil makakasira daw ng mata ang kapag tumingin sa violet na ilaw na 'yun. Sabi nila masakit pa daw ito kapag tinitigan mo. Ang violet na ilaw pala at si Monicalandinapakarat ay magkaparehas? Parehas kasi silang masakit sa mata, e.Nung natapos ang ginawang facial sa akin nakaramdam ako ng ginhawa sa mukha. Pakiramdam ko ang kinis-kinis ng mukha ko dahil sa diamond peel na ginawa sa akin. Binigyan nila ako ng salamin para tignan 'yun itchura ko kaya napangiti ako. Ang kinis at kintab ng mukha ko. Nawala 'yun mga mark ng natuyong pimples. Tinalo ang effets ng camera360 dahil sa ginawa nilang magic. Boom kinis. Makakapag-selfie na ako kahit walang camera360 at retrica. With hashtag na no filter. Sunod naman 'yun sa clothing session. Since tinatamad na si author na mag narrate tungkol sa mga nangyayaring transformation ko hindi na nya sinabi ang conversation namin nung stylist. Ang tamad ni Sic, nuh? Shutang inames 'yan, e. Binigyan nalang ako ng napakaraming damit na magagamit sa pang-araw-araw, pang-alis, pangparty at panglalandi. Tinuruan nya din ako kung paano mag papartner ng mga damit para mag mukhang classy at sossy. Binigyan nya din ako ng iba't ibang sapatos na ang tutulis ng takong. Pwede ko 'tong ipangpokpok sa ulo ni Monica pag nagkataon, ah.Sinabi nila sa akin na every weekends daw babalik ako dito sa studio nila para sa tutorial kung paano umasta bilang isang tunay na babae. Bakit, diary? Peke ba akong babae? Hindi naman ako made in china, ah? Proudly made in the Philippines kaya ako ginawa nila Inay. Sabi pa nga ni Inay sa boxing ring nila ako ginawa ni tatay, e.Pinicturan nila ako bago ako tuluyan lumabas ng studio. Para daw ito sa ilalabas na picture ko sa TV. Shutang inames, diary. Artista na ata ako? Sisikat na ako! Makikita na ako sa TV, sa showtime, sa Ellen de...de..Ellen De Leon Show at saka sa Oprah..Oprah..Oprah Maywether show! Pinagbihis nila ako ng sleeveless na blouse kung saan kahit magtaas ako ng kamay wala ng tsismis na makikita dahil wala ng buhok ang kilikili ko. Plus, super puti pa nito. Pinagsuot din ako ng short kung saan na-eexpose ang maputi at makinis kong hita.Dinala na nila sa sasakyan na maghahatid sa akin sa bahay 'yun mga pampagandang binigay nila sa akin. Lumabas naman na ako ng studio para puntahan si Prince na halos 8 hours na nag hihintay sa akin."Huy!" sabi ko kay Prince nang maabutan ko syang natutulog habang nakaupo. Nakasandal lang ang ulo nya sa may dingding. "Huy, gising! Tapos na ako."Agad naman syang nagising at kinusot-kusot pa ang mga matang inaantok. Napatingin sya sa akin saka nagulat at napaayos ang upo."Ha, ano po 'yun? Pasensya na po kung natutulog ako." sabi nya na parang hindi nya ako nakilala "Ano pong kailangan nyo?" tanong nya kaya bigla akong napatawa."Baliw. Si Pilar 'to." masayang bati ko sa kanya. "Ang ganda ko ba? Aminin mo! Hindi mo ako nakilala, e." umikot pa ako para makita nya ng buo ang ayos ko.Kitang-kita ko ang paglaki ng mata ni Prince habang nakatitig sa akin. Napanganga pa sya na kung pwede lang sumayad ang panga nya sa lupa nagawa nya na."WOW!" sabi nya na hindi makapaniwala "Hindi nga? Ikaw talaga si Pipay? Ikaw 'yun babaeng minamahal ko simula first year palang ako? Yun babaeng dirty na malibog este malandi?" Binatukan ko sya, "Oo nga, leche 'to.""Fuck, Pipay. Ang ganda mo grabe. Hindi ako makapaniwalang gaganda ka ng ganyan. Grabe." parang naglalaway si Prince habang nakatingin sa akin "Wow lang talaga! Wala akong masabi as in. Shit. I can't believe na gaganda ka ng ganyan sa loob ng ilang oras. They did a great job. Amazing. Ang galing nila as in." sabi ni Prince."I know." sagot ko saka napatingin sa refletion ko sa salamin na nasa gilid ko. Kahit ako hindi din makapaniwalang gaganda ako ng ganito, e. Oo, pretty na ako dati pa. Pero iba talaga ngayon, e. Napalabas nila ang natutulog na ganda sa katawan ko. Kung tutuusin parang mas maganda pa ako kay Monicalandi, e. Tignan lang natin Josh kung hindi ka maghabol kapag nakita mo ang itchura ko ngayon.Paglabas namin ng studio ni Prince napapatingin sa amin 'yun mga taong nakakasalubong namin. Specially 'yun mga kakalakihan. May mga nag papicture pa nga at nangunguha ng number ko pero umeepal si Prince at sinasabing hindi daw pwede dahil sya ang boyfriend ko. Hinayaan ko nalang sya dahil nag eenjoy ako sa attention na nakukuha ko sa mga tao. Hindi naman 'to 'yun first time na pinagkakaguluhan ako ng mga tao, e. Pero ito ang unang beses na pagkaguluhan ako dahil sa kagandahan ko at hindi dahil sa mukha akong unggoy.Medyo madilim na nang makarating kami sa bahay. Medyo malayo ang pinanggalingan kong lugar kaya natagalan ang byahe. Si Prince naman nagpababa nalang sa bayan dahil iba ang route ng bahay nila.Pinapasok ko sa mga tauhan ng studio 'yun mga gamit na binigay sa akin ng show. Mabuti naman wala pa si Inay at mukhang nasa boxing practice pa 'yun na gaganapin sa susunod na araw. Mas mabuti na ding wala muna si Inay dahil tiyak makikiaagaw 'yun sa mga pampagandang binigay sa akin."Kuya, salamat po, ah?" sabi ko kay kuya driver na naghatid sa akin."Wala 'yun, Ms.Payoson." sabi nya "Para sa magandang kagaya nyo wala pong anuman."Agad naman akong kinilig dahil dun. Nag wave ako at tuluyan ng umalis sa tapat ng bahay namin.Huminga muna ako ng malalim saka naglakad na papasok sa gate namin. Habang sinasarado ko ang gate biglang may lalaking tumawag sa pangalan ko."Pipay..."Nanlamig ang buong katawan ko dahil sa pag banggit nya ng pangalan ko. Napatingin ako sa lalaking tumawag sa pangalan ko kaya agad nag-init ang ulo ko."Anong kailangan mo?" malamig na tanong ko sa kanya.Paano nya kaya ako nakilala agad-agad? Paano nya nakilala kahit ibang iba ang ayos ko ngayon?Hindi sya nagsalita instead naglakad sya palapit sa akin. Nung nasa tapat ko sya at tanging rehas na bakal na gate lang ang humaharang sa pagitan namin bigla nyang hinawakan ang kamay ko. Mas lalong nanlamig ang kamay ko."Pipay.." pag banggit nya ulit ng pangalan ko. Napansin kong naiiyak na si Josh dahil may luha na ang gilid ng mga mata nya "Hindi ko na kaya..Hindi na talaga.." sabi nya then his tears started to fall.Ano na naman ba to, diary?Nambibitin,Author este Pipay.####################################MadraNDI 22####################################Ang bilis ng update diba? Comment pa! Para mas mabilis ang update! HAHA!Dear Diary,"Hindi nga, ikaw ba talaga 'yun anak kong pinaglihi ko sa unggoy?" hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Inay habang nag-aalmusal kaming dalawa sa harapan ng hapagkainan. Kagabi pa sya paulit-ulit ng tanong simula ng makita nya ako at hindi talaga makapaniwala. Parang namang napakaraming binago sa akin ng 'Make-over mo. Sagot ko' para ganyan ang maging reaction nya. Hello, wala kaya ako masyado pinagbago. Talagang sobrang pretty lang ako ever since."Inay, paulit-ulit na tanong? Ako nga 'to. Si Pilar Payoson also known as Pipay. Ang anak mong sobrang pretty. Hihihi." sabi ko sa kanya saka ngumiti ng tipid."WOW! Talaga naman, anak. Hindi talaga ako makapaniwala," sabi nya at titig na titig pa din sa akin "Hindi ako makapaniwalang gaganda ka ng ganyan. From Pilar Payoson : Ang taong unggoy na anak ko to Pilar Payoson : Ang babaeng pagpapantasyahan ng buong bayan dahil sa ganda ang peg mo ngayon." sabay tumingala si Inay "Lord, maraming salamat sa ginawa nyong himala. Hindi po talaga ako makapaniwala na may igaganda pa pala 'tong anak ko. I thought forever na akong may anak na unggoy. Thank you, Lord. Magpapamisa po ako sa Quiapo bukas." nag sign of the cross pa sya."Inay talaga," sabi ko habang umiling-iling pa."Oh, futa talaga, anak." sabi na naman nya "Nakakagulat talaga pagbabagong anyo mo, eh. It's biri ameysing and biri ant-bee-lee-ba-bol." naluluha na si Inay habang nakatingin sa akin "Dati-dati kapag nag-uusap tayo lagi kang nakasigaw sa mga sagot mo. Lagi mo pa akong binabara. Hindi ka din nawawalan ng nonsense na sagot sa mga sinasabi ko," sabi nya habang nangingiyak pa "I'm so proud talaga, anak." tumabi sa akin si Inay saka yinakap ako ng mahigpit."Ganun talaga, Inay. Nagbabago ang tao sa mundo." sabi ko "Hindi maaaring forever nalang ako magpapatalo sa mga taong nanloloko sa akin. This time, ako naman ang babangon at sila'y dudurugin isa-isa." napanganga si Inay dahil sa sinabi ko't pumunta sa may bintana saka sumigaw."Shutang inerns, wag nyo ipapakita sa akin si Nora Aunor. Mabibigyan ko ng uppercut at babangasan ko panga 'nyan. Napakasinungaling ng babaeng 'yan. Sabi nya walang himala pero meron meron meron!" sigaw ni Inay habang nakadungaw sa bintana.May dumaang nagtitinda ng pandesal at ito'y sumagot ng pasigaw kay Inay, "ULOL mo Aling Tinay! Ang aga-aga naka-shabu ka na namang matanda ka!" Sinamaan ni Inay 'to ng tingin at dali-daling tumakbo palabas ng bahay. Malamang bubugbugin 'yun tindero ng pandesal na 'yun na sumira sa emote nya. Hays, si inay talaga walang pagbabago. Kailan kaya s'ya aarte na naaayon sa edad nya? Sana magkaroon ng edition na pangmamatanda ang 'Make-over mo. Sagot ko' para naman maisali ko si Inay. I think kailangan na kailangan ni Inay 'yun pagbabago na 'yun, e.Wala akong sapat na tulog ngayon dahil nagpuyat ako kagabi. Pinagpuyatan ko kasi kagabi 'yun pagbabasa dun sa isang malaking notebook kung saan nakalagay ang mga tips of How to Act like a Lady na binigay din sa akin ng show. Medyo nosebleed ako sa mga term na ginamit kaya kinailangan ko pa 'yun tulong ni google translate. Pero may mga word na hindi alam ni google translate at hindi nya mai-translate ng maayos. Ang ending binasag ko 'yun screen ng computer ko dahil sa pagkainis ko. Pero kiber lang at least marami akong natutunan when it comes to how to dress and how to apply make-up.Ang daming hinanda na pagkain ni Inay ngayon sa harapan ko. Ang daming pagkain na ngayon ko lang nakita na lahat ay masasarap pero tanging two slice bread and milk lang ang inalmusal ko. Kailangan ko kasi ng proper diet dahil nakalagay din 'yun sa How to act like a lady, e. Ang babae daw ay kailangan ng sapat na diet para mag stay fit and sexy. So 'yun ang ginagawa ko ngayon. Kung nuon kain karagador ako ngayon naman kain prinsesa na. Princess Pilar mHou Lh4Rn. Wrong timing din kasi si Inay, e. Kailangan pa pala ako gumanda ng ganito para lang mag handa sya ng masasarap na pagkain. So pag panget ako magtiis ako sa mga cheap foods, ganun?Umakyat na ako sa kwarto ko at naligo. Alam ko na din kung paano gamitin ng tama ang Phcare. Shutang inerns, sa tinagal-tagal ko 'to ginagamit hindi ko alam na pang kay pempem pala na buhok 'to at hindi sa ulo. Now I know. Yun shampoo na binigay ng show ang ginamit ko kaya feel na feel ko ang lambot ng buhok ko. Since wash day sa school ngayon maaari kaming hindi mag uniform. Nilatag ko sa kama ko 'yun mga damit na binigay sa akin at pumili ng magandang damit para sa pag pasok ko ngayon. Hmm, mag short ako ng high-waist tapos pink top na off shoulder. Mag susuot din ako ng salamin para sosyal ang effect ko. Ewan ko nalang kung hindi ako pag tinginan ng mga taong makakasalubong sa akin.Nag lotion muna ako sa buong katawan para mawala para hindi mag dry ang skin ko. Ayoko masayang ang treatment na ginawa sa akin kung hindi ko pangangalagaan ang akin super kinis skin at super lambot na balat. Mahihiya ang mga damit na binabad sa downy isang banlaw sa lambot ng balat ko ngayon, e.Nung natapos na ako mag-ayos nag apply naman ako ng light make-up. Malakas ang loob ko na mag make-up dahil nabasa ko 'to kung paano at nanood din ako sa youtube ng tutorial. Naglagay muna ako ng foudation courtesy of aking sponsor then eyebrows na kulay brown, blush on na light pink and red lipstick. Red lipstick ang ginagamit ng mga babaeng palaban at fierce sabi sa mga nababasa ko. Para na akong si Eva Fonda sa ayos ko ngayon.Nilabas ko ang cellphone ko at nag selfie muna saka nag post sa facebook. Wala pang isang minuto ang dami na agad likes ng picture ko. May nag shared and comment pa nga, e. Extra 1: Hoy, Pilar. Sino 'tong dyosa na 'to? Ang pretty nya, emeged.Extra 2: Shit, who's she? Grabe dyosa na 'to, ah.Extra 3: Sino 'to? Para syang hollywood actress. She looks like Vanessa Hudgens.Extra 4: Ang ganda ganda ganda naman nito at nasabi ko na bang maganda sya? Sino sya?Extra 5: Pa-add, please. Extra 6: Pa-like po ng profile picture ko. Salamat po.Natawa nalang ako sa iba't ibang reaction nila sa bagong selfie ko na pinost. Hindi maalis sa labi ko ang mga ngiti sa labi ko. Who would have thought ba kasi na gaganda ako ng ganito? To think na isang araw lang nila ako pinaganda, ah? They did a great job talaga. Amazing trio it is. That name suits them very well. Wala akong masabi sa show nila.Pero syempre hindi ko pinalampas si extra number 5 and extra number 6. Mga epal sila at iba ang sinabi. Hindi man lang pinuri ang ganda ko kaya blinocked ko agad sila. Litsi. Mga epal at famewhore.Lumabas na ako ng bahay namin na nakasuot ang salamin sa mata ko. Hindi ko din tinali ang buhok ko at hinayaan lang ang straight kong buhok na may global cut na nakabagsak. May hawak din ako sa kamay ko na shoulder bag na hindi ko nilagay sa shoulder ko instead sa braso lang para sosyal. Ang bango-bango ko din dahil halos ipaligo ko na ang pabango kong victoria secret.Paglabas ko ng gate may kotseng nakahinto sa tapat namin. May lalaki ding nakasandal sa kotse nya na agad napatingin sa akin saka napanganga."Hi," sabi ko sa kanya habang nakangiti.Tumingin-tingin sya sa paligid ko bago nagsalita, "Teka, ako ba kinakausap mo?" nagtataka nyang tanong habang nakaturo pa sa sarili nya."Malamang. Sino pa pala? Tayo lang kaya ang magkausap," natawa ako dahil mukhang hindi ako nakilala ni Mong. Mongoloid talaga 'to kahit kailan."Sure ka?" sabi nya habang nakaturo pa din sa sarili nya "Ako talaga? Teka, kaano-ano mo si Pipay? Saka nandyan pa ba sya? Halos 30 minutes na kasi ako naghihintay dito."Natawa na naman ako, "Ako si Pipay." sabi ko "The one and only Pipay."Napanganga si Mong saka umiling, "Miss, alam ko maganda ka. Sobrang ganda to be exact pero wag mo naman niloloko ang gwapong tulad ko." sabi nya "Impossible na maging ikaw si Pipay dahil una iba ang amoy nun sa amoy mo. May amoy 'yun na ang sakit sa ilong habang ikaw ang amoy mo parang strawberry. Ang sarap kagatin gamit ang labi ko." ngumisi pa si Mong saka tumaas-taas ang kilay nya.Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinsulto sa sinabi ng Mongoloid na 'to, e. Compliment at insulto kasi ang sinabi ng peste. Tinanggal ko nga 'yun suot kong salamin."Eh kung bugbugin kita dito Mongoloid ka?" pananakot ko sa kanya. Shutang inerns, out ang manners ko dahil kay Mong. Don't be rude to someone dapat, e. Kaso hindi ko mapigilan ang sarili ko. Hayaan na nga tutal si Mong naman 'yan. Harmless and sometimes useless. Dahan-dahang lumaki ang singkit na mata ni Mong habang nakaturo pa sa akin, "WAH! Shit, Pipay. Ano nangyari sayo? Bakit ganyan ka kaganda? Hala! Taena. Paano? Teka," kinusot-kusot pa nya mata nyang singkit "Hindi nga panaginip. Sobrang ganda mo ngayon. As in, wow." tinignan pa ako ni Mong mula ulo hanggang paa ko."Well.." sabi ko saka napangisi. Muli kong sinuot ang shades ko sa mata."Shit, Pipay. You're really one totally hot babe." sabi ni Mong "Isa ka na sa pinakamaganda sa SOGO University. Baka kapag ako hindi nakapag-pigil baka sa ibang SOGO kita ipasok ngayon, e." napansin kong may matigas na nakabulol sa pantalon ni Mong habang nakatitig sya sa akin.Ano kaya 'yun? Bakit bakat na bakat?"Tse," sabi ko saka pabiro syang inirapan "Ang bastos mo.""WOW naman talaga. Hindi ka na nakikipagbastusan, ah. Talagang nagbago ka na. Grabe." natatawa nyang sabi.Lumapit ako sa kanya saka pinunasan ang laway na nasa gilid ng bibig ni Mong, "I changed for the better and ready for my revenge." saka ako ngumisi.Napalunok si Mong. Kitang-kita ko kung paano mag taas-baba 'yun adam's apple nya sa leeg nya."Tutulungan kita." sabi nya saka ngumisi din."Sounds better," sagot ko saka tumingin ng seryoso sa mata ni Mong. Dahan-dahan ko nilalapit ang mukha ko sa mukha ni Mong kaya kitang kita ko kung paano magpawis ang noo nya. Napapanguso na din sya at hinihintay na dumikit ang labi ko kaya bigla akong tumawa."Hahaha. Effective pala 'yun nabasa kong how to seduce a guy," sabi ko habang natatawa "Kung nakita mo lang mukha mo Mong para kang tigang na tigang sa kagandahan ko." pang-aasar ko sa kanya."Saan mo natutunan yan? Grabe ka, Pipay." naiinis nyang sagot "Pero, kidding aside. I'm glad na gumanda ka ng ganyan. Promise, ibang-iba ka na talaga. Mas lalo tuloy akong.." hindi ko narinig 'yun last na sinabi ni Mong kasi ang hina. "..nainlove.""Salamat sa mga taong tumulong sa akin. Kay author na hinayaan na akong gumanda dahil mukhang naaawa na din sya. Sa Amazing trio na may magic ang mga kamay sa ginawang make-over sa akin at sa kanya," sabi ko "Kung hindi dahil sa kanya hindi ko marerealized na nasa realidad ako at wala sa fairytale. Walang lalaki na magtitiis sa isang panget na babae. Lahat sila iiwan ang panget na itchura ko before at sasama sa isang magandang witch.""Oy, hindi naman lahat ganun, nuh. Iba ako sa ibang lalaki, Pipay. Ibang-iba.""Sus, narinig ko na 'yan. Ilang ulit na," sagot ko "Wala na ba kayong ibang linya kundi 'ibang-iba ako sa ibang lalaki'? So cliché, so gasgas and so overused."Napatitig sa akin si Mong kaya tumawa ako, "Just kidding. Did I hurt your man's ego?" "Parang sumama ugali mo, Pipay." seryoso nyang sagot. "Parang hindi itchura mo lang ang nagbago kundi pati na din ugali mo. Pinakain ka ba ng expired na make-up kaya imbis lalong gumanda ugali mo lalo pang pumangit?"Ngumisi ako, "Ako nagbago?" tanong ko "Baka hindi mo lang ako ganun kilala?" sumakay ako ng tuluyan sa kotse ni Mong kahit hindi nya sinasabing sumabay na ako. Kapalan nalang 'to ng mukha. Gumanda nga ako pero ganun pa din allowance ko. Walang pang-tricycle.Napailing nalang si Mong saka sumakay ng kotse nya at nag drive papuntang SOGO university. Nung nasa tapat na kami nauna na akong bumaba at hindi na nagpaalam kay Mong. Masyado akong maganda para sumabay pa sa kanya.Pag pasok ko palang agad ko ng nakuha ang atensyon ng mag estudyanteng nakakita sa akin. Hindi matanggal ang tingin nila at papalit-palit ang mata nila mula ulo hanggang paa ko. Marahil naiinggit sila sa suot kong puro branded ngayon. Kitang kita ko ang inggit sa mga mata ng mga kakabaihan habang mga paglalaway at pagnanasa naman sa mga kalalakihan.Patuloy lang ako sa paglalakad habang nakatingala pa dahil masyado akong maganda kung iyuyuko ko lang ang mukha ko. May babaeng kambal na nakaharang sa daanan ko kaya huminto ako sa tapat nila at tinanggal ang suot kong salamin."Tumabi kayo mga panget," sabi ko habang nakatingin ng seryoso kila Charry at Kathy."OMG! Ikaw si Pipay, right?" tinignan nila ako mula ulo hanggang paa at hindi makapaniwala "OMG! Ang ganda-ganda mo. Dyosa kana 'te." humawak pa sila sa braso ko at tuwang-tuwa."Wag nyo ko hawakan mga panget. Baka mahawaan pa akong kapangitan nyo," sabi ko saka tinanggal ko pagkakahawak nila sa braso ko."Aba! Gumanda lang pero masama pa din ang ugali," sabi ni Charry saka nya ako sinampal ng malakas sa pisngi ko. "Serves you right, bitch."Natawa ako ng sarcastic, "Is that what all you've got?" sabi ko "Hawakan mo 'tong mamahalin kong bag, Kathy." binigay ko ang bag ko kay Kathy.Bumuwelo naman ako at isang malakas na suntok ang binigay ko sa mukha ni Charry. Sa sobrang lakas ng suntok ko tumilapon pa sya dun sa mga basurahan sa tabi. Knock out at mukhang nakatulog na talaga."WOW! Ang lakas mo sumuntok, Pipay. Napatulog mo kambal ko gamit ang isang suntok lang." tuwang-tuwa si Kathy sa nasaksihan nya. Inagaw ko sa kanya 'yun bag ko saka ngumisi at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa school.Gaya ng mga tao sa labas ganun din ang mga titig at atensyon na nakuha ko sa mga kaklase ko. Hindi matanggal ang malalagkit na tingin nila sa akin kaya napapangisi nalang ako."Wow, Pilar. Ang ganda-ganda mo ngayon. Anong nangyare? Break na ba kayo ni Joshua na taga engineering kaya gumanda ka?" natatawa nyang sabi sa akin."Oo, break na kami." sagot ko "Pero hindi ako nag paganda para sa isang walang kwentang lalaki. Dapat iniisip ng isang babae na kailangan nya gumanda para sa sarili nya at hindi para sa isang lalaki.""So, ibigsabihin single ka na nyan?" sabi ng isang lalaki kong kaklase "Pwede na bang manligaw?""Sure." sagot ko."Really?" tuwang tuwang sabi nya."Oo naman, hindi nga lang sa akin." saka nagtawanan 'yun buong classroom.Napansin kong wala si Mirasol ngayon sa klase. Sayang. Gusto ko pa naman mainggit ang balyena sa ganda ko ngayon. Gusto kong magsisi ang tulad nyang panget na maitim na baboy dahil pinanganak pa sya sa mundong 'to. Lunch na kaya pumunta ako sa canteen. Tulad pa din kanina na pagpasok ko ganun pa din mga tingin nila. Nahuhuli ko nga ang ilang kalalakihan na nakatingin sa akin lalo na 'yun mga gwapo sa 3rd year and 4th year college na sinusundan ako ng titig. Patay malisya nalang ako na dumaan sa kanila.Habang nakapila para bumili ng pagkain bigla akong nabunggo ng dalawang students kaya napaatras ako. Hindi ko namalayan na may babae pala sa likod ko na may dala-dalang tray ng pagkain nya kaya natapon 'to sa suot nya. Agad naman sya nag hysterical at sumigaw."What the fuck! Tumingin ka naman sa paligid mo. Natapon na tuloy 'yun pagkain ko." sigaw nya at halatang asar na asar. May benda pa din sya sa ulo marahil sugat dahil sa pagbugbog ni Mirasol sa kanya.Tinignan ko lang sya mula ulo hanggang paa saka natawa. "Your face is fuck." sabi ko habang nakangisi."What did you just say?" hindi nya makapaniwalang sabi sa akin "My face is fuck? Tama ba pagkakarinig ko?" sigaw nya ulit na naging dahilan para pag tinginan kaming dalawa ng mga tao sa paligid. Wow, diary. I love this. Attention, i love this."Bingi ka ba? Kakasabi ko lang, di ba?" sagot ko saka tinaasan sya ng kilay."Ako na anak ng school na 'to sasabihin mo lang ng my face is fuck? Gusto mo ba ng gulo, ha?" pagmamalaki nya sa akin."Kaya mo ba? Malakas lang naman loob mo dahil anak ka ng may-ari ng school, e. Malakas ang loob mo dahil may kapit ka kaya wala kang takot na lumandi, magpakarat, at umagaw ng may boyfriend ng may boyfriend." tinignan ko sya nang nakakadiring tingin, "Beautiful face with a shit attitude. Such a whore.""OMG! Me, whore?" natawa sya "Binabalaan kita. You don't know me. Hindi mo alam kung paano ako magalit, Miss. Sino ka ba, ha? Sino ka ba sa inaakala mo?" saka sya tumingin sa paligid nya "Guys, anak ng may-ari ng school sasabihin nyang whore? This bitch is searching for a war." pag tuturo nya sa akin."Matatakot na ba ako?" sabi ko "Huhuhu. I'm scared. Really really scared. Ganyan ba ang gusto mong sabihin ko? Pwes, mag hintay ka bago magkabuhok si Pnoy bago ko sabihin yan. I won't give you the satisfaction to see me crying, bitch." sabi ko "And you asking who am I?" sagot ko saka ko tinanggal 'yun shades ko "Ako lang naman ang babaeng inagawan mo ng boyfriend. Yes ladies, gentlemen, and in between. Mang-aagaw ang anak ng may-ari ng school na 'to. Sulutera't walang breeding and right manners. Magandang mukha na may basurang ugali."Nag bulung-bulangan 'yun tao sa paligid ko dahil sa sinabi ko. Si Monica naman biglang pinag-pawisan."That's not true!" sigaw nya "Wala akong inaagaw sayo. Hindi nga kita kilala, e.""Really? Tignan mo mabuti 'tong mukha ko," sabi ko "Hindi mo ba nakikilala kung sino ako?"Napatitig sya hanggang sa lumaki ng dahan-dahan ang mga mata nya."Shit. Pi..Pilar?""Hi, bitch. Yes, I'm Pilar," sabi ko "Ang inagawan mo ng boyfriend."Napatawa sya ng sarcastic "Aba nga naman. Gumanda lang akala mo kung sino ng matapang." tumingin sya sa akin ng seryoso "So, ano pinaglalaban mo?""Ako, wala." sabi ko "Baka ang isang pokpok na gaya mo meron. Meron ba?""Stop calling me that.""What? Na pokpok ka?""Ughh!! You said it again. Stop it!" iritado nyang sabi."Yung alin ba? Yun pokpok ka?""Ahh! Bwisit ka!" saka sya lumapit sa akin at sinabunutan ako.Naririnig kong sumisigaw na ang buong paligid at chini-cheer kaming dalawa ni Monica sa pag sabunot nya sa akin kaya napapatawa ako. Hindi ata alam ng gagang 'to na boxingera ang nanay ko kaya malakas ako sumuntok, e. Bumuwelo ako saka isang suntok ang pinalipad ko sa mukha nya.Tumilapon naman si gaga saka agad nawalan ng malay. Shutang inern, tulog agad. Kainis. Hindi pa ako nag-iinit, e."Pipay!!" biglang may sumigaw sa may pintuan ng pangalan ko kaya nanahimik 'yun buong canteen at napalingon sa kanya.Napatingin sya sa akin saka kay Monica na nakahiga sa sahig at wala ng malay. Agad syang tumakbo papunta kay Monica at binuhat ito - bride style."Di ba nakiusap na ako sayo? Ano na naman 'to?" galit na tanong ni Josh sa akin. Magkasulong ang kilay nya at mukhang galit na galit sa mga oras na 'to.Agad bumalik sa isipan ko 'yun pag-uusap naming dalawa kagabi."Hindi ko na kaya..Hindi na talaga.." sabi nya habang tumutulo ang luha nya. Nakatitig lang si Josh ng diretso sa mga mata ko habang lumuluha ang magkabilang mata nya.Gusto ko syang sigawan dahil sa ginagawa nya ngayon. Gusto ko syang murahin at suntukin sa mukha dahil sa mga ginawa nya sa akin. Pero nagtatalo ang puso't isipan ko. Nagtatalo sila sa gusto kong sabihin at gawin. Sinasabi ng puso ko na labasin ko si Josh at yakapin ng mahigpit dahil hanggang ngayon ayaw na ayaw ko pa din sya nakikitang umiiyak. Pero sinasabi naman ng utak ko na wag na, tama na at pabayaan ko lang sya."Anong hindi mo na kaya?" tanong ko sa kanya. Umaasang makikipagbalikan sya sa akin dahil sa ginagawa nya ngayong pag luha sa harapan ko. Umaasang babalik na sya ngayon dahil maganda na ako, o mas maganda pa kay Monica kaya nagbago na ang isip nya't babalik na sya sa akin.Pero iba ang sinabi nya sa gusto kong mangyari."Please lang, palayain mo na ako. Ayoko na talaga. Si Monica na mahal ko at hindi na ikaw. Pakiusap, Pipay. Tama na.. Wag ka ng manggulo pa.." parang nag silbing matutulis na bagay ang sinabi ni Josh at bumaon ito sa buong katawan ko kaya agad akong nakaramdaman ng sakit.Shutang inerns, ganito ba kamahal ni Josh si Monica para makipag-usap sa akin at umiyak na layuan ko silang dalawa? Hindi ko naman sila ginugulo, ah? Shutang inames, diary. Gusto kong magwala."Okay," sabi ko at pinipigilan ang luhang nagbabadya sa mata ko, "Pinapalaya na kita. Malaya ka na talagang mahalin si Monica pero eto lang masasabi ko sayo," lumunok ako "Once I cut you off, I won't try to entertain you. I'm gonna move on like you never existed." tumalikod na ako't tuluyan naglakad papunta sa tapat ng pintuan namin. Sinubukan kong buksan ang pintuan pero hindi 'to bumukas kaya tuluyan na akong naiyak. Shutang inerns, asan ba si inay? Bakit hindi iniwan ang susi."This is my revenge, Josh." sabi ko lumapit sa kanya at hinawakan ang pisngi nya "Maghanda na kayo dahil simula palang 'to." saka ako ngumiti ng pagkatamis-tamis at iniwan sila sa loob ng canteen.Cause i'm now a bitch with a class.A tooth for a tooth. An eye for an eye. You hurt me, Josh. So I'll hurt you back.A bitch,Pipay.####################################MadraNDI 23####################################Ang bilis talaga ng update ko. Sabi ko sa inyo, e. Comment dapat para biri fats at lahat tayo happy, di ba? HAHA!Filler chapter again. Pahinga ang ating puso and get ready for my biggest twist XDDMadram + Malandi = MadraNDI :pDear Diary,Tatlong araw na ang nakakalipas simula ang confrontation namin sa canteen, diary. Tatlong araw na din akong hindi pumapasok after nun. Busy kasi ako ngayon sa mga photoshoot at pictorial or whatever na ginagawa ko ngayon na pag harap sa lente ng camera. Kinuha na akong official ambassador ng Make-over mo. Sagot ko at ginawa nilang official face ng kanilang segment. Nagkalat tuloy sa buong Abs-Cbn ang mga litrato kong super pretty ko - wait, hindi right term ang super pretty para sa mukha ko. Nagkalat tuloy ang super perfect goddess face ko sa buong building. There, perfect adjective for me."Okay, let's take a break muna," sigaw ng photographer na kumukuha ng mga litrato ko "Good job, Pilar. Ang bilis mo matuto sa mga tamang pag pose sa camera. You're pretty and very talented." pag pupuri nya sa akin."Excuse me?" napataas ang kilay ko "May maling adjective ka atang nasabi para sa akin." "I'm so sorry," pag hingi nya ng paumanhin "You're very gorgeous and very talented, Pilar." saka ngumiti na alanganin."Good." sagot ko saka dumiresto na sa upuan kong kulay pink na may nakalagay na pangalan ko sa likod. Ni-request ko pa 'to sa management ng show dahil 'yun kahapon na upuan na pinagamit sa akin ay ordinary lang. Sinabi ko sa kanilang hindi na ako pupunta ng pictorial kapag ganito pa din ang pinagamit nila sa akin. Agad silang nagpa-customized nitong malambot na upuan na para lang sa kagaya ko."Water nga!" sigaw ko sa assistant ko dito sa studio. Agad namang tumakbo 'yun assistant kong panget na mukhang hindi nauso ang fashion sa kanya dahil sa sobrang cheap at sobrang pangit nya manamit. Hays! Kung kaya ko lang sya ipatanggal sa trabaho nya ginawa ko na, e. Kaso matagal na daw sya nag tatrabaho dito kaya wala akong kapangyarihan para maipatanggal sya.Narinig ko naman na napatakbo sya papunta sa kinauupuan ko. Sa sobrang bilis nya kumilos natapon sa suot kong damit 'yun tubig na inaabot nya."What a stupid! Ang tanga-tanga mo naman!" sigaw ko sa kanya at agad akong napatayo. Naagaw ko tuloy 'yun atensyon ng lahat ng tao na nandito sa studio. "Simpleng trabaho lang hindi mo pa magawa ng maayos. Kung ayaw mo sa trabaho mo bumalik ka ng Camarines Sur at mag tanim ka nalang ng patatas 'dun. Tutal 'yun mukha mo parang patatas sa dumi." sigaw ko sa kanya.Napayuko lang sya at huminga ng tawad dahil sa sinabi ko. Agad-agad naman syang kumuha ng tissue sa bag na dala-dala nya at pinunas sa suot kong damit."Ouch! Ano ba? Mag-ingat ka nga sa pag pupunas mo," tinulak ko sya kaya napaupo sya sa sahig ng studio. Napaangat ang tingin nya sa akin at parang ang sama-sama ng titig nya."May angal ka?" sigaw ko ulit sa kanya. Napayuko nalang sya at napailing. "Good." sabi ko sa nag flips hair. Tinawag na ulit ako for the last session ng shoot. Medyo pagod na din ako sa paulit-ulit na pag ngiti ko pero tiis GANDA lang dahil gusto ko din ang ginagawa ko. Noong bata pa ako pinangarap ko mag model at humarap sa lente ng camera. Hindi ko inaakalang matutupad din ang pangarap kong ito dahil sa pagbabago ko. Minsan talaga ang pagbabago sa isang tao ay nakakatulong sa kanya. Maraming magsasabing mas gusto nila ang dating ako pero wala akong pakialam. Mas gusto ko 'yun ako ngayon. Isang babae na sobrang ganda na pinapangarap ng mga kalalakihan ang itchura. Isang babae na hindi nanaiisin ng isang lalaki na lokohin at ipagmapalit sa babaeng malandi. Yun dati akong na mahina at mapagmahal sa isang tao ay wala na. Patay na at hindi ko na nanaiising bumalik pa.I love myself now to the point na mas pipiliin ko pa ang ganitong itchura't pag-uugali ko kesa sa Pipay na madaling magpatawad at lokohin ng mga walang kwentang lalaki. I need to embrace this change. Kailangan ko 'to para sa sarili ko.Marami akong naririnig na ayaw daw nila sa ugali ko lalo na dito sa studio pero wala akong pakialam sa sinasabi nila. It's mind over matter situation. I don't mind them cause they don't matter. Quotes 'yan paki-tweet, oh. Wag ka ng umarte pa. Sa ganda kong 'to pag-iinartehan mo ko? Baka hampasin kita ng flourescent lamp ng maliwanagan 'yang maliit mong utak.Pag tapos ng photoshoot inayos ko na ang mga gamit ko't nag pahatid sa labas ng building. Nainis agad ako dahil ilang minuto na akong naghihintay pero hindi pa din dumadating si Mong. Leche naman 'yang lalaki na 'yan. Mabuti nga sa kanya pa ako nag pasundo, e. Tapos late pa sya dadating? Shutang inerns naman. Nakaka-stress, ah.Ilang minuto pa ang nakalipas nang may pumaradang kotse sa harapan ko. Lumabas si Mong na bagong paligo na naka-jersey lang. Ang bango nya ngayon at gusto kong syang purihin dahil bakat na bakat ang abs nya sa suot nyang jersey shirt pero wag na lang. Naiinis ako sa kanya ngayon."Bakit ngayon ka lang?" tanong ko saka nag crossed arms pa ako sa harapan nya "Di ba ang usapan before 9am mo ko susunduin?" tumingin ako sa relo ko "09:02 na, oh. You're late."Napakamot sya ng ulo nya saka napanguso, "Sorry na. Late lang naman ako ng dalawang minuto, e. Traffic kasi sa highway namin kaya na-late ako. Maaga na nga ako umalis, e.""Puro nalang sorry. Sorry here, sorry there. Sorry everywhere. Ganyan ba talaga kayong mga lalaki? Sa sorry lang magaling?" sabi ko sa kanya "Isang minuto, dalawang minuto o kahit ilang minuto pa 'yan it doesn't matter. Late ka pa din sa usapan natin. Parang panloloko lang 'yan, e. Nagloko ka ng isang beses, dalawang beses, tatlong beses o kahit lima pa. Kahit mag sorry ka ng paulit-ulit ganun pa din 'yun impact 'nun sa isang tao. Nasaktan na sya ng bongga." paliwanag ko sa kanya "Minsan pala ang sorry parang sirang plaka. Ang sakit sa tenga kapag paulit-ulit mong naririnig."Nagulat sya, "Ang dami mo naman sinabi. Para na-late lang ng 2 minutes, e." sabi nya "Saka kambing na kambing 'yun sinabi mo, ah. Who goat." tumawa sya."Ha ha. Nakakatawa," sarcastic na sabi ko sa kanya saka nilampasan sya at pumasok na ng kotse nya "Yun mga bag ko pakibuhat. Ang bigat, e. Salamat." saka ko sinarado ng malakas ang pintuan ng kotse nya.Napailing nalang si Mong saka sinunod ang utos ko. Sumakay din naman sya agad at nag maneho nung nailagay nya sa likudan ng kotse nya 'yun mga bag ko na may lamang mga bagong damit courtesy of my sponsor."Ihahatid ba kita sa inyo o sasama ka sa school?" tanong nya habang nagmamaneho "Nood ka ng practice namin, Pipay.""Pwede ba?" inaanot na tanong ko sa kanya "Gusto ko na sana umuwi dahil tatlong araw na ako wala masyadong tulog. Kailangan ko din ipahinga ang ganda ko. Kahit naman maganda ako kailangan ko pa din matulog dahil after all tao pa din ako.""Natural, pwede." sagot nya "Lagi kaya nanonood si Monica ng practice namin. Gusto mo gumawa ng eksena?" tumingin sa akin si Mong saka ngumisi."Anong eksena naman? Bugbugin ko sya ulit?" natatawang tanong ko sa kanya kaya napahalakhak si Mong."Baliw, hindi 'yun. Pero grabe ka talaga. Sayang hindi ko napanood 'yun bugbugan sa canteen. Mukhang magandang laban 'yun, ah.""Weak naman 'yun malanding pokpok na 'yun, e." sabi ko saka napasimangot "Saka epal kasi 'yun feeling knight in shing armor nyang Prinsesa na may ugaling shrek. Ay mali, mabait pala si Shrek and kung tutuusin mas gwapo pa sa kanya. Mas gwapo pa din talaga ang mga lalaking stick to one.""Edi gwapo ako?" nag taas-taas ang kilay ni Mong."Bakit lalaki ka ba?" pag bibiro ko."Gusto mong halikan kita dito para mapatunayan nating lalaki talaga ako? Hindi lang halik kundi you know? Dito mismo sa loob ng kotse ko't sa gitna ng kalsada." hininto pa ni Mong 'yun kotse at handa na nga para gawin 'yung pagbabanta nya."Lalaki ka nga," sagot ko "Pero wag kang manyak, ah? Gwapo-gwapo mo, e." tinapik tapik ko pa 'yun pisngi ni Mong.Napailing nalang si Mong dahil sa sinabi ko. "Pero alam mo nakakapagtaka lang dahil hindi ka man lang napatawag sa guidance office dahil sa ginawa mo." napatingin ako kay Mong at hinihintay ang susunod nyang sasabihin "You know, sinapak mo lang naman 'yun anak ng may-ari ng school. Hindi lang 'yun dahil tinawag mo pa syang pokpok at whore.""Baka natakot." sabi ko "Natakot na hindi nalang si Mirasol ang may kayang wumasak ng mukha nya kundi pati na din ako." pag mamayabang ko."Ewan ko lang. Parang may iba pang reason kaya hindi ka napatawag, e. Parang wala ngang nangyari, e.""Ayoko na isipin 'yun dahil nagsisimula palang naman ako, e." sabi ko "Wala din naman akong pakialam kung ipatawag ako sa guidance o i-kick out man lang. Ngayon pang nagsisimula na ako maging model? Mas maraming mas magagandang school ang kukuha sa akin at tatanggapin ako with open arms pa.""Wow! So fierce." tumawa si Mong."Yes!" sagot ko "This is the new me. Pilar version 4.0." nag snapped pa ako "Talo pa ang version ni Sarah. 2.0 lang kasi ang kanya. Weak ni coach Sarah.""Pero gawa tayo ng eksena mamaya, ah?" sabi na naman ni Mong."Ano ngang eksena kasi 'yan?" naiinis na tanong ko "Wag mag sex sa harapan nila, ah? Hindi ko kaya sa public.""Sa private lang, ganun?""Pwede." saka ko sya hinampas "Joke lang! Manyak mo talaga, Mong." saka ako tumawa. "Pero seryoso, anong eksena?"Ngumisi si Mong, "Halikan mo ko sa harapan ni Josh." sabi ni Mong habang nakangisi "Walang malisya. Trip trip lang. For revenge."Napaisip naman ako sa sinabi ni Mong saka napangisi na din, "Hmm. Let me think." nag tinginan kami ni Mong ng nakakaloko na tingin.Nanahimik na lang kami ni Mong habang bumabyahe papuntang school. Habang nakaupo ako naramdaman kong biglang nangati ang pempem ko. Kinamot ko 'to ng pasimple habang hindi nakatingin si Mong. Lately, kahit naghuhugas ako ng tama palagi pa din sya kumakati. Ibigsabihin ba nito may humahalik ng pempem ko sa picture ko? Ganun daw kasi 'yun, e. Kapag daw nangati ang ilong mo ibigsabihin may taong humalik ng ilong mo sa picture. So sa pempem ko may humahalik kasi nangangati, e.Baka naman napapraning lang ako? Baka naman namimiss lang ako ni pempem na kausap? Hindi ko na kasi sya kinakausap simula ng make-over ko. Sabi sa how to act like a lady hindi dapat kinakausap ang pempem. So out and unladylike daw 'yun so stop na. It's for the better pempem. Sana maintindihan mo. Kyoot ka naman so friendship over na tayo, ha?Nang dumating kami sa gate ng SOGO University napansin ko si Mirasol na papasok ng school habang sakay-sakay ng bike nyang kalawang na. Flat na ang dalawang gulong ng negrang impakta at may dala-dala din syang walis tingting, walis tambo at dustpan na nakasabit sa likuran nya. Feeling nya siguro baril 'yun at feeling nya sundalo sya sa ayos nya ngayon? Sundalo pa nga daw ang gusto pero ang mukha mukhang kandado sa tigas."Hoy, Mimay!" sigaw ko sa kanya nang makababa kami ni Mong at lumapit kay negra. Nag park pa sya ng bike nya. Nilagyan nya pa ito ng malaking kadena at itinali sa may puno. Feeling mananakaw. Baka ihampas pa sa kanya ng magnanakaw 'yang bike nyang bulok.Napakunot ng noo si Mimay at napatingin sa akin, "Sino ka?" binaling naman nya ang tingin nya kay Mong "Shet! Si fafalicious." kuminang-kinang pa ang mata ni Mong. Kung sa mga anime heart ang lumalabas sa mata kay negrang Mirasol naman ay patola ng lalaki. My God. Ang libog ng negrang 'to. "Si Pipay." pagmamalaki ko sa kanya."Weh? Ikaw, si Pipay ka? Hindi ganyan kaganda si Pilar, nuh. Ever since na bata kami pangit 'yun, e." tumawa sya "Himala nalang kailangan 'nun para gumanda sya." sagot nya sa akin saka tumingin na naman kay Mong "Fafalicious.""Tara na, Pipay. Nakakatakot sya. Parang ginagahasa na nya ako sa utak nya." bulong sa akin ni Mong at humawak pa sa damit ko na parang bata."Wag ka mag-aalala. Hindi ka ginagahasa sa utak nya dahil wala namang brain ang mga pusit." sagot ko din ng pabulong."Hoy, anong sinasabi mo sa kanya. Anong walang brain ang mga pusit?" sigaw ni Mirasol."Totoo naman, di ba? Wala kayong utak?" tanong ko."Tama." tumango-tango pa sya. "Pero sino ka ba?""Si Pipay nga!" sigaw ko "Bakit ba ayaw mo maniwalang negrang balyena ka na anak ni Ursula sa pagiging puta ng red sea at bermuda triangle, ha?"Dahan-dahan lumaki ang mata ni negra at napatakip pa ng bibig dahil sa gulat, "Shocks. Ikaw ba talaga 'yan? Hindi ba ako nag hahallucinate dahil sa pagod ko sa limang araw na paglilinis ng Sm North, Araneta Stadium, Mall of Asia at ng soccer field?" sabi nya ng hindi makapaniwala. "Anong nangyari bakit ang dyosa-dyosa mo na. Sabihin mo ang secret mo sa akin.""Bakit ko sasabihin. Bakit close ba tayo?" pag tataray ko sa kanya "Pag tapos mo ko ilaglag tingin mo sasabihin ko secret ko? Negrang to feelingera.""Ang yabang mo, ha? Secret lang ayaw pa sabihin." inis na sabi nya."May ibang secret nalang akong sasabihin sayo." sabi ko."Ano 'yun?" nag ningning naman ang mga mata nya. Lumapit ako kay negra saka bumulong."8 inches lang sya." sabi ko saka nginuso si Mong na clueless."Really?" tanong ni Negra habang patuloy na nagnining-ning ang mga mata nya "Ang laki, shocks!""Sinabi mo pa." tumango tango pa ako.Iniwan namin ni Mong si Negra na nakanganga sa parking lot dahil sa sinabi kong size ni Mong. LOL! Ang mga negrang dambuhalang balyenang baluga talaga ang bilis mapaniwala sa mga sinasabi. "Ano 'yun binulong mo dun sa negrang 'yun?" tanong ni Mong habang naglalakad kaming dalawa. Pansin ko na naman ang mga tingin ng mga tao sa akin. Hays! Attention again. Hindi talaga sila nasasanay sa ganda ko."Sabi ko 8 inches ka lang." tinuro ko pa 'yung patola ni Mong."Anong 8 inches ka dyan. Hindi kaya!" mabilis nyang sagot "9 inches 'to 'uy!" saka sya tumawa.Pumasok na kami sa loob ng school gym kung saan mag papractice sila Mong. Pag dating namin andun na 'yung ibang player pero si Josh wala pa. Sumunod lang ako kay Mong saka umupo sa gilid. Bigla namang nag hiyawan 'yun mga teammates nya specially 'yun mga 3rd year and 4th year na player."Nice naman tirakita. Nag dadala na ng chicks sa practice, ha. Pakilala mo naman kami sa magandang dilag na 'yan, oh." sabi nung isang lalaki. Medyo matangkad sya at ang ganda din ng katawan. Tumingin pa 'to sa akin saka kumindat."Ulol mo." sigaw ni Mong "Hindi ko pa sya girlfriend.""Pa? Ibig sabihin pinopormahan mo na? Aww." sagot naman nung isa "Pero ayos lang kahit pormahan mo. Manliligaw nalang din ako." lumapit sya sa akin tapos inabot ang kamay nya. "Hi, miss. Ang ganda mo pala talaga lalo na sa malapitan. I'm Patrick and you are?""Not interested," sagot ko saka nakipag shake-hands "I'm not interested." saka ako ngumiti ng nakakaloko.Nag hiyawan naman 'yun mga lalaki dahil sa sinagot ko. "Booom pahiya." pinagtatawanan pa nila 'yun kateammates nila na napahiya sa akin."Hindi pa ba tayo mag sisimula ng practice? Next week na ang laban, oh. Lagi nalang tayong late, e." naiinis na sabi ni Mong saka tumabi sa akin "Pipay, pakiayos naman 'yun pamunas ko sa likod." pakiusap nya."Wala pa si Manalo, e. Alam mo naman 'yun porket girlfriend ang anak ng may-ari ng school laging late. Sus." bwisit na sagot nung isa.Inayos ko naman 'yun pamunas na nasa likod ni Mong. "Thank you, girlfriend." sabi ni Mong saka ngumisi.Sasagot na sana ako nang biglang bumukas ang entrance ng pintuan at pumasok si Joshua kasama si Monica. Nakasuot na si Josh ng jersey uniform nila habang nakakapit si Monica sa braso ni Josh. Si Josh din ang may dala ng bag ni Monica. Aww. So gentleman. Inset my fucking sarcasm here and everywhere.Hindi pa nila ako napapansin dahil busy pa sila sa pag-uusap sa isa't isa. Napatigil si Monica sa paglalakad nang malapit na sila sa amin at nang mapansin ako.Tinaasan ko sya ng kilay saka ngumisi pa.Sunod naman nabaling ang tingin sa akin ni Josh at bakas ang gulat sa mata nya. Napansin ko bigla na tinanggal nya ang pagkakahawak ni Monica sa braso nya.Tumayo ako at humarap kay Mong. Napatingala naman si Mong sa akin with a confused look."Lalabas muna ako para bilhan ka ng tubig, ha? Babalik din ako agad kaya wag mo ko agad mamiss." sabi ko saka hinalikan si Mong sa labi nya. Mukhang nagulat ang lahat pero agad din silang nag hiyawan except kay Josh, Monica at kay Mong na nagulat dahil sa ginawa ko. "Bye, boyfriend." sabi ko saka ngumiti ng matamis sa kanya.Sinundan nila ako ng tingin habang naglalakad palabas. Rinig na rinig sa buong school gym ang ingay ng takong ng shoes na suot ko. Nung nasa tapat na ako ni Monica at Josh sinadya kong banggain si Monica."Oops, sorry. Ang basura dapat nasa isang tabi. Hindi humaharang kapag may magandang dadaan." sabi ko ng sarcastic saka tumawa ng mahina.Ramdam na ramdam ko ang titig sa akin ni Josh habang palabas ako ng school gym. Hindi ko sya nilingon dahil kahit kailan hindi na sya deserving sa pag tingin ko. Mamatay na sya kung maaari lang. As soon as possible kung pwede.Hindi ko din matanggal sa isipin ko 'yun reaction ni Josh nung nakita nyang hinalikan ko sa labi si Mong. Kumunot ang noo nya at nag tangis ang bagang nya. Anong problema nya?This is so exciting, diary. Ang enjoy makipaglaro sa kanila. Sobrang pretty and a bitch with a class,Pipay.####################################MadraNDI 24####################################Sometimes, changes are for the better. Nasaktan si Pipay anong gusto nyo hindi sya magalit at forever syang mabait? KALOKOHAN! :pMONG'S POV."What the fuck are doing?" tanong ko sa putanginang Josh na 'to nung kaming dalawa na lang ang naiwan sa locker room namin. Kakatapos lang ng basketball practice at mabuti nag-alisan agad 'yun mga teammates namin kaya nagkaroon ako ng chance para i-confront 'tong walangya na 'to. Ilang araw na ako nagtitiis sa mga ginagawa nya pero ngayon hindi ko na kaya pigilan ang sarili ko. Pakiramdam ko sasabog na ako kapag hinayaan ko pa din ang kagaguhan nya.Tumingin ng masama sa akin si Josh at this time ako naman ang tinulak nya, "No, dude. What the fuck are you doing? Kanina ko pa napapansin na pinag-iinitan mo ako habang nasa practice, e. May galit ka ba sa akin?"Natawa ako. Isang tawa na ngayon ko lang nagawa sa tanang buhay ko dahil sa bobong tanong ni Josh."Seriously, dude. Wala kang idea sa ginagawa ko sayo?" nag seryoso mukha ko "Josh, putangina lang. Hindi mo alam kung gaano ako kagalit sayo. Gusto kitang bugbugin ngayon dito mismo sa kinatatayuan mo.""Bakit hindi mo gawin?" maangas nyang sagot."Dahil alam kong kapag ginawa ko 'yun magagalit si Pipay sa akin. Alam kong once na bangasan ko 'yang mukha mo magagalit si Pipay."Lumambot 'yun mukha ni Josh saka napaiwas sya ng tingin, "Hindi 'yun magagalit. Wala na 'yun pakialam sa akin. Hindi mo ba nakikita kung ano na sya ngayon? Gumanda si Pipay ko pero nag-iba ang ugali nya. Nagbago sya dahil sa galit nya sa akin kaya mas matutuwa pa 'yun kapag binugbog mo ako." lumapit pa si Josh sa akin tapos tinaas ang dalawang braso nya "Bugbugin mo na ako. Hindi ako lalaban pabalik, pangako."Mas lalo akong nainis sa inasta nya kaya sinuntok ko na ang mukha nya. Napaupo naman sya sa sahig at napatingin sa akin saka ngumisi, "Ang hina ng sapak mo. Yan lang ba kaya mo gawin? Sapakin mo pa ako. Sipain o kaya wasakin mo ang buong pagkatao ko cause to be honest, wala ng mas sasakit sa nararamdaman ko ngayon." saka sya humawak sa dibdib nya at napayuko."Ano ba kasing nangyayari sayong hayop ka? Can't you see it? Mahal na mahal ka pa din ni Pipay. Mahal na mahal na to the point na willing nyang baguhin ang sarili nya para mapansin mo sya. Nagbago sya. As in ang laking pagbabago ang nangyari sa kanya. Gumanda nga sya pero nawala 'yun dating si Pipay na kahit hindi kagandahan, hindi naman marunong manglait ng kapwa nya. Yun Pipay na laging nilalait pero ngingiti lang na parang walang narinig. Yun Pipay na sobrang bait at mapagmahal cause honestly, gumanda nga si Pipay ngayon pero hindi ko gusto ang ugali nya. She's now a bitch." Napatitig sa akin si Josh saka ngumiti ng malungkot, "Kung kaya ko lang i-explain ang nangyayari sa akin tingin mo masasaktan si Pipay? Tangina. Kung alam mo lang kung gaano ko kamahal si Pipay. Mas pipiliin kong mamatay kesa mawala sya sa akin at makitang masaya sa piling ng iba." napansin ko 'yun luhang nagbabadyang tumulo sa gilid ng mata ni Josh, "Pero wala akong lakas ng loob, e. Wala akong lakas na sabihin sa kanya ngayon pa na nagbago na sya dahil sa akin. I hurt her a lot. Kakaibang sakit 'yun naibay ko sa kanya na pati puso nya nalulunod na sa sobrang sakit. Maybe, this is for the better. Mas maganda ng magalit si Pipay ng tuluyan sa akin para agad nya akong makalimutan. There's no chance for us to get back together. Masakit isipin pero lintik kailangan kong tanggapin, e. She's the one I really want. Since high school pre mahal na mahal ko 'yan pero wala na talagang pag-asa. May humahadlang na, e. She gave me happiness while I gave her heartbreaks in return."Sumigaw ako "Dude, may pag-asa. Laging may pag-asa. Mahal mo sya, di ba? Wag mong itanggi dahil alam ko at ramdam ko. Yun mga mata nyo ni Pipay parehas ang sinasabi. May sparkles pa din kapag napapatingin sa isa't isa. There's still a chance and hope but you just chose to take it for granted." sabi ko "Pipay is now building a wall to herself. Isang wall na kahit sino and even her hindi kayang tibagin. She's building cause she's afraid to everyone. Ayaw nya ng may taong mapapalapit sa kanya dahil pakiramdam nya iiwan ulit s'ya. She was too hurt to the point she wished that she was never born and existed in this cruel world.""I'm doing this not for my own sake, Mong. Ginagawa ko din 'to para mismo kay Pipay. Secretly protecting her from everyone. Mas okay na isipin nyang pinapabayaan ko sya. Ayos lang na kahit palihim at patago, napoprotektahan ko pa din sya.""Putangina. Ano ba kasi nangyayari? Bakit kasi hindi ka magsalita?" sigaw ko sa kanya.Tumayo si Josh saka tumingin ulit sa akin, "Bakit ka ba ganyan mag react, Mong? Do you like Pipay?"His question caught me off guard. Napaiwas ako ng tingin saka sumagot, "No.." sabi ko "Dahil mahal ko si Pipay.""Since?""Since we were still young."Natahimik kaming dalawa ni Josh bago ulit sya nagsalita, "Good. Mabuti naman at may lalaki pa ding nagmamahal kay Pipay." lumapit sya sa akin saka tinapik ako sa balikat "Promise me one thing, pre. Wag na wag mo sasaktan si Pipay tulad ng ginawa ko. Her tears are so precious to me. It's irony na ayokong nakikitang umiiyak si Pipay pero ako naman ang gumagawa para paiyakin sya," napansin kong tumulo na 'yun luha ni Josh sa mga mata nya pero ngumiti sya, "Ipangako mo sa akin na you'll love Pipay very much. Lampasan at higitan mo 'yun pagmamahal na binigay ko sa kanya. I promised her a fairy tale love story but I've caused her too much pain. She doesn't deserve me anymore kaya sayo ko na sya ihahabilin. I hate to see Pipay happy with somebody else. That's the least I want to see in this world pero wala akong magagawa. Masyadong masama ang tadhana dahil ayaw nya kami maging masaya." tumingin sya sa akin ng seryoso "Wag na wag mo lang syang sasaktan tulad ng ginawa ko."Nag blangko ako dahil sa sinabi ni Josh. Pinunasan nya 'yun luha nya saka nilampasan ako. Akala ko lalabas na sya pero nagsalita pa din sya nung nasa pintuan na sya."Anyway, bukas ang 7th monthsary namin ni Pipay. Ang dami kong ipinangako sa kanya. Ang dami naming plano para bukas na mga gagawin namin pero putangina lang, e. Hindi na kami inabot. Hindi ko alam kung makakapunta ako sa may sea side na malapit sa may plaza para panoorin ang pag lubog ng araw pero I'm very sure na pupunta si Pipay dun para tuparin ang mga pangako namin sa isa't isa. Puntahan mo sya at patahanin mo sa pag-iyak. Wag mo sya hayaang umiyak habang monthsary naming dalawa, pre.""I'm gonna save Pipay for this pain, Josh. Pero promise me another thing.""Ano 'yun?""Sa oras na mahalin nya ako pabalik. Wag ka sanang umepal at bawiin sya sa akin."Humugot ng malalim na buntong hininga si Josh, "Even I can't. I will. Mark my words. She finally let me go so I have to do my part. I'm letting her go, too, because at some point, we all have to let go." saka sya tuluyang lumabas ng locker room.Napatahimik ako for a moment at napatitig sa kawalan. Trying to digest what Josh have said. Mixed emotions ang nararamdaman ko para sa sinabi nya. A part of me is happy dahil pinagkatiwala na ni Josh sa akin si Pipay habang ang kalahati ko namang isipin ay nanghihinayang sa kanilang dalawa. I know na mahal na mahal nila ang isa't isa pero dahil mayroong kung anong humahadlang hindi na sila maaaring magsawa dalawa. Mahirap ipaglaban ang taong mahal mo cause it takes time and courage to do it pero mas mahirap mag let go. Ramdam na ramdam kong nahihirapan si Josh sa ginawa nya pero he really need to do it. Siguro ang pag let go nalang talaga kay Pipay ang choice nya.Naligo na ako ng mabilisan saka nag suot ng damit. Sa sobrang pagmamadali ko nga naiwan ko pa ang brief ko at tanging pantalon lang ang naisuot ko. Tss, minsan talaga ang tanga ko, e.Paglabas ko ng locker room naabutan ko si Pipay na nag reretouch ng make-up nya. Hindi talaga ako makapaniwalang nagbago sya with the span of almost 1 week. Para syang nagkaroon ng isang fairy god mother dahil sa bilis ng pagbabago nya. Pero sana hindi sinali 'yun ugali nya sa pagbabago. Mas gusto ko pa din 'yun dating ugali ni Pipay na kahit malibog at maloko, masayahin naman at mabait."Ang tagal mo. Anong ginawa mo sa banyo? Siguro nag ano ka pa.." sabi ni Pipay habang nilalagay nya sa bag nya 'yun make-up. Hindi pa pala naaalis ang pagkamanyak kay Pipay. May natira pa din kahit papaano."Adik." sagot ko sa kanya saka inayos 'yun sintas ng sapatos ko."Alis na kami, Mong. Bye." nagpaalam si Monica. Tumingin si Josh sa akin saka pasimpleng tumango. Napansin kong napatingin si Pipay sa kamay ni Monica at Josh na magkahawak saka bumulong, "Ingat kayo. Malapit pa naman sa disgrasya ang mga manloloko at malalandi.""Hindi ko gusto 'yun ginawa mo kanina." sabi ko kay Pipay habang naglalakad kami palabas ng school gym."Ikaw nag suggest 'nun, Mong. Sinunod lang kita." malamig na sagot nya habang nakayuko. "Pero masakit pa din pala.""Masakit ang alin?" napahinto ako sa paglalakad ganun din si Pipay. Nasa likudan nya ako."Masakit na parang wala pa ding pakialam si Josh," sagot nya saka ngumiti kahit ang lungkot lungkot ng mukha nya "Masakit makitang gumagawa ako ng paraan para masaktan sya pero parang wala syang pakialam. Bakit ganun? Bakit isang tao lang ang nasasaktan? Shutang inerns na 'yan. Wala talagang fair sa mundo. Laging may sobra at kulang." tumalikod sya at nauna na ng naglakad.Gets ko na talaga ang pinapakita ni Pipay ngayon. Isa lang balat-kayo ang pagiging matapang at bitch nya ngayon pero deep down to her heart sya pa din 'yun Pipay na nakilala ko. Yun Pipay na mabait na kahit nasasaktan na ngumingiti pa din. Gusto nya kumbinsihin ang sarili nya na okay na sya pero hindi nya kayang lokohin ang mga mata nya. Naitatago nga ng labi nya ang lungkot pero ang mga mata nya hindi. Punong-puno pa din ng kalungkutan si Pipay.Kahit ni Pipay ng lalaking sasalba sa kanya sa kalungkutan. Yun magsisilbing salbabida para hindi sya tuluyang malunod sa sakit na kanyang nararamdaman. She deserves a guy who can make her forget that her heart was ever broken. And I, Monjie Tiramoko-Tirakita will gonna prove to her that not all guys are the same. Tahimik lang kaming dalawa ni Pipay nung hinatid ko sya sa kanila. Hapon na din 'yun at halatang pagod na sya physically, mentally and emotionally. Kinuha nya lang 'yun mga bag nya sa kotse ko. Palabas na sana sya nang bigla ko hinawakan ang kamay nya."Bakit?" tanong nya."Ako ang batman ng buhay mo, remember? Kaya kung pakiramdam mo na wala kang kakampi, insulto sa akin 'yun. Kakampi mo ako through thick and think. From old Pipay and new Pipay kakampi mo ako." ngumiti ako.Ngumiti din si Pipay saka tumango, "Narinig ko na din dati 'yan. Pero iniwan nya din ako." sabi nya "Pero salamat, Mong." tuluyan na syang lumabas ng kotse ko at hindi na ako nilingon.Masyado ang damage na naibigay ni Josh kay Pipay. Tsk.(PLAY THE ONE THAT GOT AWAY - Acoustic version of Katy Perry - WHILE READING PIPAY'S DIARY)Dear Diary,Nagising ako na parang hindi ko feel mag exist muna sa mundo. Gusto ko lang matulog ng matulog ng matulog ngayong araw dahil isa 'tong araw na 'to na isinusumpa ko na kung bakit ginawa pa at isinama sa kalendaryo. Shutang inerns lang, diary. Kahit anong pilit kong lokohin ang sarili ko na ayos na ako na wala na talagang nararamdaman kay Josh pero wala pa din talaga, e. Mas nag uumapaw pa din 'yun pagmamahal ko sa kanya sa puso ko. I hate this kind of feeling dahil isa 'to sa nagiging dahilan kung bakit ako nagiging mahina ulit pero pakingshit lang. Wala akong ibang magawa kundi mag mukmok lang ngayon at hayaan ang luha ko na tumulo sa mga mata ko.Nakatitig lang ako sa salamin at pinagmamasdan ang sarili kong reflection. Ibang iba na ako mula sa dating Pipay na palaging nakangiti kahit nasasaktan na. Ibang-iba na ang itchura ko mula sa mga taong pinagtatawanan ako dahil sa itchura kong pang unggoy daw. Pero kahit iba na ako ngayon at tuluyan ng gumanda, hindi pa din talaga ako tuluyan naging masaya. Hindi ko kasi sya kayang saktan ng lubusan. Sa totoo lang kaya ko naman talaga, e. Ayaw lang ako payagan ng dating Pipay na nasa loob ko na saktan pa si Josh ng sobra-sobra."Ayaw mo ba talagang saktan ko si Josh? Ayaw mo bang mag higanti ako sa kanya? Sa ginawa nya sa ating dalawa?" tanong ko sa sarili ko habang nakatitig sa salamin. Nakikita ko ang old Pipay na nakatingin sa akin.Umiling sya saka ngumiti. Yun Pipay na lagi lang nakangiti ang nakikita ko ngayon, "Hindi na." patuloy lang sya sa pag-iling, "Hayaan nalang natin sya.""Pero bakit?" sigaw ko "Sinaktan nya tayo. Kailangan nya rin maranasan ang sakit na naramdaman natin. Pipay, ayaw mo ba 'yun? Sobra-sobrang luha ang naubos natin sa kanya. Wag naman ganito. Kailangan natin lumaban at gumanti.""Hindi sa ganun, Pipay." sagot naman nya sa akin "Gusto kong makitang lumuluha din si Josh gaya natin. Pero alam mo 'yun pakiradam na maiisip ko palang na iiyak sya, mas nasasaktan ako." sabi nya "I guess this is the true meaning of love. Mas pipiliin natin maging miserable kesa sila ang maging miserable." hindi nawawala ang ngiti sa labi nya."Pero papayag nalang ba tayo na laging aapihin? Laging lolokohin?" "Syempre, hindi." sagot nya "Pero hindi 'yun sapat na rason para manakit ng kapwa. Pipay, tao lang din tayo na nasasaktan. Yes, pwede tayo gumanti pero puro pag ganti nalang ba? Hindi na 'yun matatapos, e. Matatapos lang ang isang gulo kapag may taong sumuko. Tayo na ang sumuko, after all, hindi lang ng pag suko ay ibigsabihin talunan ka. Minsan, ibigsabihin nito ay tinanggap mo lang sa sarili mo na wala na talaga.""Tweet ko na ba?" tanong ko sa kanya.Tumango sya, "Yes. Salamat!"Nag-ayos na ako ng sarili ko. This time kailangan 'yun old Pipay muna ang nasa sarili ko. Kaya muli kong shinampoo ang Phcare at kinausap si pempem habang naliligo. Sinuot ko din 'yun damit ko na tinago ko sa ilalim. Akala ko hindi ko na 'to magagamit pero gagamitin ko pa din pala talaga. Couple shirt namin 'to ni Josh, e. Kulay pink na may nakalagay na kalahating puso. Mabubuo lang ang puso kapag parehas naming suot ni Josh ang damit at pag magkasama kaming dalawa. Natawa ako ng mapakla. Naisip ko kasi na forever ng wasak 'tong puso na 'to dahil hindi na naman kami magkakasama pa, e.Paglabas ko ng kwarto ko nakita ko si Inay na nasa tapat ng pintuan. Sinundan nya lang ako ng tingin ay narinig ko pa syang bumulong."Gumanda nga anak ko pero mukhang nag-aadik naman. Sino kaya kausap ng gagang 'to?" Nilingon ko si Inay kaya bigla syang nagpatay malisya. Kunwari nagpatuloy sya sa pagwawalis pero wala namang hawak na walis tambo, "Hay kakapod. Ang daming alikabok ng bahay." sabi nya habang hawak ang invisible walis tambo.Pumunta muna ako sa mall na pagbibilhan ko ng regalo para kay Josh. Ang tagal ko pinag-ipunan 'tong mamahaling bola ng basketball na 'to dahil sobrang mahal. Ito sana ireregalo ko kay Josh ngayong monthsary namin at naipangako ko na 'to sa kanya. Kaya kahit wala na kami tutuparin ko pa din. Hindi ako gagaya sa kanya na hindi tumutupad sa pangako.Dumiresto na ako sa may sea side para panoorin ang pag lubog ng araw. Shutang inerns. Gusto ko talagang mamatay sa sakit nuh? Pero this pain makes us real human. Kung hindi mo nararanasan ang kakaibang sakit na 'to ibig sabihin hindi ka tayo. Hawak ko sa kamay ko ang regalong bola ko kay Josh habang nakatingin sa malayo at pinagmamasdan ang pag lubog ng araw. Nararamdaman ko ng gumigilid na ang luha sa mata ko kaya pinigilan ko saka nagsalita."Josh, sobrang sakit na talaga." paninimula ko "Bakit kasi ganito Josh? Tinuruan mo ako ng mahalin ka ng sobra-sobra pero hindi mo naman ako tinuruan na tumigil na kung kinakailangan. Ang swerte mo dahil may natirang taong nagmamahal sayo habang ako heto't umiiyak pa din dahil sayo. Ang unfair mo, Josh, e. Alam mo 'yun? Sabi mo walang iwanan, di ba? Sabi mo to the pempem and back? Sabi mo AcKO Lh4Rn Zh4P4t nH4 pero ano nangyari ngayon? Wala kang tinupad, e. Wala talaga, Josh." sabi ko sa hangin at nag pipigil pa din ng luha."Naaalala mo kaya na monthsary natin ngayon? Malamang, hindi na din. Kinalimutan mo na ata lahat ng tungkol sa akin, e. Sana kaya ko din gawin 'yan. Sana kaya ko din kalimutan lahat ng tungkol sayo para hindi ako nahihirapan ng ganito. Gusto na kita kalimutan pero ayaw ako hayaan ng puso ko. Pakshet naman kasi. Masyado kang minahal ng puso ko, e. Sana kasi binalaan mo ako na wag kita masyadong mamahalin ng ganito." "Sinabi mo sa akin dati na hanggang pag tanda tayong dalawa ang mag kasama. Mas nanaiisin mong mamatay ng maaga kung hindi ako ang kasama mo sa pag tanda. Ang dami mong pinangako sa akin, Josh. Sobrang dami pero bakit kinalimutan mo agad? Masyadong masakit lang na kahit gumanda ako..Kahit na nagbago ako..Sya pa din ang pinili mo. Ang hirap lang tanggapin na hindi na talaga tayo ang para sa isa't isa sa kwentong 'to. Ang dami natin pinagdaanan pero sa ganung pangyayari lang matatapos ang lahat. Hindi ko kayang isipin na 'yun lahat ng pangako mo ay tutupadin mo ng kasama sya. Ang hirap tanggapin pero kailangan. Josh, miss na miss na kita. Ako nalang ang tumutupad ng monthsary natin ngayon. Ako nalang ang mag-isang nanunuod ng pag lubog ng araw. Sana masaya ka talaga sa kanya. Happy 7th monthsary.."Nakatitig lang ako sa araw na papalubog na at nag pipigil ng luha nang may taong yumakap sa akin mula sa likuran ko. Alam na alam ko kung kanino 'yun amoy na 'yun. Alam talaga ng buong katawan ko kung kanino 'tong amoy na naaamoy ko."It's okay to cry, Pipay. Even clouds are crying when they can't hold the weight anymore." sabi nya habang nakayakap ng mahigpit sa akin.Nalaglag sa buhanginan 'yun bolang dala-dala ko at tumalbog eto ng ilang beses. Sana katulad ng puso ko 'tong bola na 'to. Ilang ulit mang malaglag tatalbog lang. Yun puso ko kasi ilang ulit ng nalaglag pero patuloy pa din sa pagbasag."Ngayon lang ako ulit magiging mahina. Ngayon lang ulit ako iiyak ng ganito. Kaya sana..sana hayaan mo lang ako umiyak.." sabi ko saka tuluyan ng kumawala ang mga luha sa mga mata ko.Promise, diary. Hayaan mo lang ako ngayon maging mahina. Ang bigat bigat na talaga as in. Parang sasabog na ang puso ko sa bigat ng nararamdaman ko sa loob.Umiiyak habang kasama sya,Pipay.####################################MadraNDI 25####################################Bilis ng update diba? 2x a day pa. HAHA! Patuloy lang ang comment para sa mabilisang update! ;)PRINCE'S POVAng tagal kong nawala sa eksena dahil pinag-isipan ko talaga ng maigi 'yun mga sinabi ni Pipay. Until now, kahit ilang araw na ang nakakalipas simula ng gumanda si Pipay, hindi pa din makapaniwala ang buong sistema ko sa sinabi nya. Gusto kong matuwa dahil finally, wala na akong kaagawa kay Pipay. After ng ilang bwan na pagtitiis ko ng kalungkutan sa America para lang kalimutan si Pipay ay magkakaroon na ng panibagong pag-asa sa aming dalawa. Pero tangina lang, e. Ayaw ma-convinced ng puso't isipan ko na dapat akong matuwa.Saksi ako kung paano pinaglaban ni Josh ang pag mamahal nya kay Pipay 'nung high school kami. Kung saan kinain nya ang pride at ego nya ng paulit-ulit at hindi nahiyang umiyak sa harapan ni Pipay at nagmakaawa para magkabalikan lang silang dalawa. Dude, bihira ang lalaking gagawa 'nun. Yung iiyak sa harapan ng babae para lang bumalik ito sa kanya? Once na tumulo ang luha ng isang lalaki, ibig sabihin seryoso sya nararamdaman nito. Maswerte ang babaeng iniiyakan ng isang lalaki dahil ibigsabihin nito, hindi nya kayang mawala ang babaeng mahal nya. Josh did that. Umiyak sya sa harapan ni Pipay. Yun palang patunay na napakalakas ng pagmamahal nya kay Pipay.Kaya nung sinabi ni Pipay na nahuli nya na nakikipagsex si Josh sa ibang babae? Well, siguro normal 'to. Dahil after all, lalaki si Josh. Mga lalaking katulad namin ay madaling matukso. Madali ma-attract ang katawan namin sa babaeng sexy at maganda pero mas attracted pa din ang puso namin sa babaeng mahal namin. Kumbaga, katawan lang ang nakuha namin at hindi ang puso. Lagi sinasabi ng ibang tao na ang lalaki daw ay malalandi. Dude, you're wrong. Very wrong. Stick to one ang puso namin. Katawan lang ang hindi.I really don't get kung bakit ginawa ni Josh 'yun, e. Let's say na nakipaghiwalay nga sya kay Pipay. But I'm very sure na there's something fishy that going on. Hindi gagawa si Josh ng dahilan na ganun kung walang mabigat na reasons. I know some of you ay galit na galit kay Josh. But that's bullshits. Sana kayo ang unang umintindi sa kanya, right? Kayo ang nakawitnessed kung gaano minahal at minamahal ni Josh ang isang Pilar Payoson. Pero anong ginagawa nyo? You judged him without hearing his side. Gusto nyo ng equality, right? Gusto nyo ng fair na trato sa babae't lalaki pero what you guys are doing? Hinusgahan nyo ang isang lalaki without hearing his side. That's not fair.Sasabihin nyo ang tanga ko dahil ito na dapat ang exposure ko sa kwento, di ba? Pero anong ginagawa ko? Pinagtatanggol ko pa si Josh. Ha? Mahal ko si Pipay. Mahal na mahal until now. Pero I could say na wala ang pagmamahal ko sa pagmamahal ni Josh kay Pipay. Baka nga wala pa din sa kalahati, e. Pero I promise. Pinapangako ko na kung ginawa lang ni Josh 'tong break up with Pipay without valid reason? Ako mismo ang maglalagay ng pangalan nya sa listahan ni San Pedro. Keep my words, guys. Just keep my words.Anyway, nasan ba ako ngayon? Ah, right. Pauwi na ako sa bahay namin. Galing ako sa isang cake shop dahil bigla akong nagutom at nag crave sa isang strawberry cake. Pinag-iisipan ko kung kakausapin ko na ba si Pipay. The last time kasi na nag-usap kami nainis ako sa kanya. Gumanda sya pero agad nagbago ugali nya. Parang nakasama ata sa kanya ang pagbabagong nangyari sa kanya. Lumabas na din sa TV 'yun mga pictures ni Pipay bilang official ambassador ng segment na pinag-undergo-han nya. Unti-unti na nakakamit ni Pipay ang pangarap nya. Wait, kailan nya ba naging pangarap ang pag momodel? Alam ko kasi gusto nya maging porn star, e. Bigla akong natawa. Naalala ko kasi 'yun mga kalokohan ni Pipay nung high school kami. Yun bang pinapakita nya sa akin 'yun suot nyang panty. Pambihira. Iba ka talaga, Pipay. Naglalakad na ako sa may sea side ngayon. Palubog na ang araw nang mapansin ko ang isang tao na kilala ko na nakatingin sa paglubog ng araw. Kahit nakatalikod sya alam na alam kong sya 'to. Tindig palang at pangangatawan alam ko na, e. Naglalakad na ako papalapit sa kanya nang mapansing kong parang humihikbi sya. Umiiyak ba s'ya? Pero bakit? Tanga mo, Prince. Malalaman mo ba kung bakit sya umiiyak kung hindi mo lalapitan? Eto na nga, di ba.Nasa likuran na nya ako nang tinapik ko sya sa balikat."Pre.." sabi ko.Napalingon naman sya sa akin. Nagulat ako nang makita kong magang-maga na ang mata ni Josh dahil sa pag-iyak. Punong-puno na ng luha ang mata nya. Nahihirapan na din syang umiiyak at huminga dahil barado na din ang ilong nya. Mukhang kanina pa sya nakatitig sa pag lubog ng araw at umiiyak ng ganito para mamaga agad ang dalawang mata nya."Anong nangyari? Puta. Bakit ka umiiyak?" mabilis kong tanong sa kanya.Nilabas ni Josh ang panyo sa bulsa nya at pinunasan ang mukha nya. Pero kahit pinunasan na nya, naging mistulang water falls ang mga mata nya. Nagkaroon ng sariling buhay para tumulo ng kusa ang mga luha nya."Shit, pre. Pigilan mo nga 'yang pag-iyak mo. Baka sabihin ng mga tao sa paligid mag syota tayo at pinaiyak ka." suway ko sa kanya dahil napapansin ko 'yun mga taong dumadaan na napapatingin sa amin at nagbubulong-bulungan. Mga pakyu kayo. Wag nyo iisiping bading ako dahil hindi ko sasayangin ang kapogian ko para lang dun."Hindi ko na kaya, pre. Hindi ko na kaya ang nararamdaman kong sakit sa dibdib ko." sabi ni Josh. Pinilit nyang magsalita kahit nahihirapan sya "Monthsary namin ngayon ni Pipay, e. Pinangako namin sa isa't isa nuon na papanoorin namin ng sabay ang paglubog ng araw. Papatunayan namin na kahit lumubog ang araw, lumubog lahat ng barko sa mundo, lumubog ang buong mundo. Lumubog na ang lahat pero ang relasyon namin ay hindi lulubog. Pero shit lang, pre. Ngayon, hindi ko natupad ang pangako ko sa kanya. Hindi namin sabay pinanood ang pag lubog ng araw. Kasabay lumubog ng araw na 'to ang kwento naming dalawa." tumulo na naman 'yun luha ni Josh saka tumingin sya sa malayo."Akala siguro ni Pipay na pinagpalit ko sya dahil mas maganda si Monica sa kanya at mas sexy. Putangina. Kahit ganyan si Pipay hindi ko 'yan ipagpapalit kahit kaninong babae, pre. Kahit si Anner Curtis, Kathryn Bernardo at Julia Baretto, pre? Shit. Si Pipay pa din ang pipiliin ko. Hinding hindi ko ipagpapalit si Pilar sa kahit kaninong magandang babae sa mundo," ngumiti sya ng mapakla "Binago ni Pipay ang sarili nya sa taong hindi na sya. Ibang-iba na sya ngayon dahil sa kagagawan ko. Pero ayos na 'to, pre. Mas okay na magalit sya sa akin hanggang kamatayan ko para hindi na sya masaktan.""Gago ka kasi. Pre, kahit ako nagagalit sayo, e. Pero mas nag uumapaw ang curiousity ko sa katawan. Bakit ka ba nakipag hiwalay kay Pipay?" galit na tanong ko "Sinabi nya na pinagpalit mo sya sa isang babaeng maganda. Totoo ba? Hindi lang 'yun. Nahuli pa daw nya kayong gumagawa ng milagro. Nakakagigil ka, pre. Hindi ako nagparaya para lang gaguhin mo sya. Wag mo sayangin ang pag punta ko ng US para mag move-on. Mahal ang plane ticket, pakyu.""Nahuli kami ni Pipay. Totoo 'yun. Pero I did it dahil tinakot ako nung babae. May pinaghahawakan syang alas laban sa akin. Tapos--" naputol ang pagsasalita ni Josh nang mapatingin sya sa likudan ko. "Pre, bilis magtago tayo." bigla nya ako hinila papunta sa isang malaking basurahan. Ang baho, tae. Parang ganito 'yun amoy ni Pipay dati, e."Bakit mo ba ako hinila dito?" tanong ko habang takip-takip ang ilong ko."Ssshh. Wag ka maingay," sabi nya at tinakpan pa ang bibig "Andyan si Pipay, oh. Baka makita nya tayo lalo na ako.." bulong nya saka tumingin sa kinatatayuan namin. Nakisilip na din ako at nakita ko nga si Pipay na malungkot na nakatingin sa pag lubog ng araw. Nakasuot sya ng pink na damit na kagaya ng suot ni Josh. May design sila parehas na kalahating puso na kapag pinagtabi mabubuo ang puso na design."Sabi ko na, e. Tutupadi pa din ni Pipay ang pangako namin sa isa't isa. Pupunta pa din sya dito sa seaside kahit wala na kami at gawin ang pangako namin ngayong monthsary." sabi ni Josh habang titig na titig kay Pipay "Suot nya din 'yun couple shirt naming dalawa. Pero kahit parehas naming suot ang damit ngayon. Hindi namin kayang magsawa para mabuo ang puso." hindi ko alam kung ang damit pa ba ang tinutukoy ni Josh sa sinabi nya.Nakatitig lang si Josh kay Pipay at naluluha na naman. Parang ako ang nasasaktan sa nangyayari sa kanilang dalawa. Mahal na mahal nila ang isa't isa pero hindi nila kaya magsama."Lapitan mo na kaya gago ka? Hindi ka ba naaawa kay Pipay? Tignan mo, oh. Nakatulala lang si Pipay sa kawalan at ang lalim ng iniisip. May dala pang bola. Teka? Bakit may dalang bola 'yan? Wag nya sabihing mag babasketball sya dito sa sea side?" sabi ko nang mapansin kong may dalang bola si Pipay."Binili nya pala 'yun bolang pinapangarap ko," sabi ni Josh habang nakatingin kay Pipay "Supportive talaga si Pipay kahit kailan. Suportado nya ako sa pag buo ng pangarap ko sa paglalaro ng basketball." tumulo na naman ang luha ni Josh. Nakasulyap lang kami kay Pipay nang biglang nagsalita si Pipay. Hindi naman kami ganun kalayuan ni Josh kaya naririnig namin ang sinasabi nya."Josh, sobrang sakit na talaga." paninimula ni Pipay "Bakit kasi ganito Josh? Tinuruan mo ako ng mahalin ka ng sobra-sobra pero hindi mo naman ako tinuruan na tumigil na kung kinakailangan. Ang swerte mo dahil may natirang taong nagmamahal sayo habang ako heto't umiiyak pa din dahil sayo. Ang unfair mo, Josh, e. Alam mo 'yun? Sabi mo walang iwanan, di ba? Sabi mo to the pempem and back? Sabi mo AcKO Lh4Rn Zh4P4t nH4 pero ano nangyari ngayon? Wala kang tinupad, e. Wala talaga, Josh." parang nag pipigil na ng luha si Pipay dahil humihikbi na sya.Ang bigat sa dibdib ng mga sinasabi nya. Pakiramdam ko ako ang sinasabihan ni Pipay dahil naiiyak na din ako ngayon.Narinig kong nagsalita si Josh. Sagot para sa sinabi ni Pipay."Pipay, masakit na din sa part ko at mas nasasaktan ako na nakikita kang nasasaktan. Mas doble ang sakit na nararamdaman ko," sabi ni Josh saka nag punas ng luha "Hindi kita tinuruan na kung paano tumigil sa pagmamahal sa akin dahil wala akong plano na mawala ka sa akin. Pero minamalas tayo parehas, e. Minamalas ako dahil hindi ko alam na may mangyayaring ganito. Wala akong pakialam kahit walang matirang nag mamahal sa akin. Ikaw lang ang babaeng gusto kong magmahal sa akin. Ikaw lang. Hindi ako unfair, Pipay. Hindi talaga. Hindi naman kita iniwan, e. Pinalaya lang kita. Pero nasa puso't isip pa din kita. Lagi mong tatandaan na iCk4W Lh4Rn Zh4P4t nH4. To the pempem and back and forth, remember?" bulong nya.Napatingin naman ako kay Pipay at hinintay ang susunod nyang sasabihin."Naaalala mo kaya na monthsary natin ngayon? Malamang, hindi na din. Kinalimutan mo na ata lahat ng tungkol sa akin, e. Sana kaya ko din gawin 'yan. Sana kaya ko din kalimutan lahat ng tungkol sayo para hindi ako nahihirapan ng ganito. Gusto na kita kalimutan pero ayaw ako hayaan ng puso ko. Pakshet naman kasi. Masyado kang minahal ng puso ko, e. Sana kasi binalaan mo ako na wag kita masyadong mamahalin ng ganito." "Wag mong sasabihin na kinalimutan ko na ang lahat ng tungkol sayo dahil never mangyayari 'yun. Hanggang mamatay ako babaunin ko sa hukay ko ang alala natin dalawa. Yung alaala natin sa isa't isa ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Kung gusto mo na ako kalimutan, hindi kita pipigilan. Sige lang. Malaya kang gawin 'yan pero ako hindi ko gagawin 'yun. Nakatatak na sa buong sistema ko kung gaano kita kamahal." sagot naman ni Josh. Naramdaman ko nalang na tumutulo na ang luha ko dahil sa sinasabi ni Josh at Pipay sa isa't isa. "Pre, pakiusap. Puntahan mo si Pipay. Patahanin mo sya sa pag-iyak." pakiusap sa akin ni Josh kasabay ng pag patak ng mga luha nya "Please, pre. Nakikiusap ako sayo. Sige na. Patahanin mo si Pipay sa pag-iyak." nagmamakaawa na sya."Sige kung 'yan ang gusto mo," sagot ko "Pero kailangan natin mag-usap at ipaliwanag mo sa akin ng buong buo kung bakit mo ginagawa 'to. Kailangan valid ang reason mo dahil kung hindi simulan mo ng hukayin ang lupang pag lilibingan ko sayo." pag babanta ko sa kanya."Salamat, pre." sagot nya "Makakaasa ka." tumango ako saka nag sisimula ng maglakad papunta kay Pipay nang bigla nya akong tawagin. "Prince.""Ano?" sagot ko nang lumingon ako."Pakibigay 'to kay Pipay. Wag mo sasabihing sa akin galing 'yan, ah?" saka nya hinagis 'yun maliit na box. Nasalo ko naman 'to at tinignan 'yun laman."Kwintas?" hindi lang basta-basta kwintas dahil may palawit itong parang langit na may nakadikit na bituin at bwan.Tumango sya, "Yeap. Pipay isn't just star to me because she's my whole damn sky."Tumango din ako sa lumapit na kay Pipay. Nung nasa likod na ako ni Pipay bigla na naman syang nagsalita ng napakahabang mensahe para kay Josh. Sa sobrang bigat ng sinabi nya bigla ko syang yinakap ng mahigpit mula sa likuran nya. Nagulat si Pipay sa biglaang pagyakap ko kaya napalingon sa akin. Mukhang nakilala naman nya agad ako kaya pinabayaan nya lang ako."It's okay to cry, Pipay. Even clouds are crying when they can't hold the weight anymore." sabi ko sa kanya. Nalaglag sa buhanginan 'yun bolang hawak nya at tumalbog ito ng ilang beses. Nagsisimula nang humagulgol si Pipay habang yakap ko pa din sya sa likuran nya."Ngayon lang ako ulit magiging mahina. Ngayon lang ulit ako iiyak ng ganito. Kaya sana..sana hayaan mo lang ako umiyak.." huling sinabi ni Pipay saka humagulgol nalang. Puro pag-iyak nalang ang naririnig ko sa kanya. Mukhang nilalabas lahat ni Pipay ang bigat na dinadala nya dibdib nya kaya hindi ko sya pinigilan.Napalingon naman ako kay Josh at nakita ko ngayong hawak-hawak nya na ang bibig nya at pinipigilan ang sarili na humagulgol na sa nakikitang kalagayan ni Pipay ngayon. Pareho silang nasasaktan at umiiyak sa mga oras na 'to. Parehong mahal ang isa't isa subalit hindi kayang magsama. Tangina. Naramdaman ko nalang ang sarili ko na umiiyak na din sa awa ko sa kanilang dalawa. Ang hirap. Ang sakit sa dibdib. Parang sasabog ang dibdib ko sa labis na kalungkutan para sa kanilang dalawa.~Ilang oras din umiyak ng umiyak si Pipay sa sea side habang nakatingin sa araw na unti-unting lumulubog. Nung tuluyan ng nawala ang araw at napalitan ng bwan tumigil si Pipay sa pag-iyak at humarap sa akin ng nakangiti. Masakit para sa akin na makita syang lumuluha pero nakangiti pa din sya. Gusto nya kumbinsihin ang sarili nyang hindi sya nasasaktan sa pamamagitan ng pag ngiti pero hindi nya kayang kumbinsihin ang mga mata nya. "Samahan mo ako." sabi nya."Saan?" tanong ko."Sa bar! Gusto ko magpakalunod sa alak! Gusto ko makalimot. Gusto ko masubukang gumagapang pauwi ng bahay dahil sa labis na kalasingan." sabi nya "Gusto ko munang takasan ang masalimuot na realidad na 'to."Bago pa ako umangal namalayan ko nalang ang sarili kong nakaupo sa harap ni Pipay at pinapanood syang tumungga ng alak. Nakakailang bote na sya ng red horse pero patuloy pa din sya paglagok ng mga boteng nasa harapan nya. Hindi ako umiinom at etong strawberry cake lang ang kinakain ko. Bwisit. Bakit sa bar ko kinakain 'tong cake? Ang out ko masyado pero kasi hindi ako pwede uminom, e. Mukhang lasing na si Pipay at walang mag-aalalay sa kanya kapag parehas kaming nalasing."Tama na nga 'yan," sabi ko sa kanya saka inagaw 'yun boteng hawak-hawak nya "Ang dami mo na nainom. First time mong uminom pero mag dadalawang case na ng red horse ang naitumba mo. Babae ka ba talaga? Ang laki ng space ng tyan mo para sa alak, e.""Akin na nga 'yan," inagaw nya ulit 'yun bote at nilagok. Isang straight na inuman at naubos na naman nya 'yun laman ng bote. Ibang klase 'tong si Pipay. "Bakit ganito ang lasa ng alak? Ang pakla pero hindi ako nalalasing. Shutang inerns naman. Wala na bang mas hahard dito? Gusto kong malasing. Gusto kong malasing, e." napayuko na si Pipay sa may lamesa habang binabanggit nya 'yun mga salitang gusto nyang malasing. "Gusto kong malasing..Gusto kong malasing. Pakiusap..Gusto kong malasing..Please, nagmamakaawa ako. Gusto ko si Josh..Mahal na mahal ko si Josh. Gusto ko syang makita. Mahal na mahal ko 'yung lalaki na 'yun, e." sabi nya habang tumutulo na naman ang luha nya sa lamesa. "Hays! Pipay naman, e. Pwede ba tama na. Mapagod ka naman!" sabi ko sa kanya.Napatingin sya sa akin saka ngumisi ng nakakaloko. Pero 'yun mga mata nya lumuluha pa din, "Pagod na pagod na ako, Prince. Pagod na pagod na talaga. Etong lintik na puso ko lang ang hindi pa napapagod shutang inames, oh." sabi nya. "Happy 7th Monthsary JoPay. Wala daw iwanan, pemsters! Futa lang! Pero bakit nag-iisa ako ngayon!!" sigaw nya saka nilaklak na naman ang boteng hawak nya. "Para sa lalaking nanloko sa akin na hanggang ngayon hindi ko pa din makalimutan. Para sa mga tanga sa mundong kagaya ko. Magpapatayo ako ng rebulto sa luneta para sa kagaya kong tanga." tumawa si Pipay "Wag na pala. Mahal ang semento, e." sininok na si Pipay dahil sa kalasingan "Magpaparada nalang kaming mga tanga sa Pilipinas. Kailangan ako ang nasa unahan kasi ako ang pinakatanga sa kanilang lahat. Hehe.""Lasing ka na. Gago!" inis na sabi ko kay Pipay.Binato nya sa akin 'yun boteng hawak nya. Buti nalang nakaiwas ako pero may tinamaan naman na babae na nasa likudan ko. Napatingin ako sa babaeng tinamaan sa mukha ng boteng binato ni Pipay. Boom tulog si ate."Hindi ako lasing." sabi nya saka bumagsak ang ulo sa lamesa at mukhang tuluyan ng nakatulog. Leshe. Paano ko 'to iuuwi sa kanila?Tatayo na sana ako para buhatin si Pipay nang may tumayo sa harapan ko."Ako na bubuhat sa kanya," sabi ni Josh."Anong ginagawa mo dito? Pati dito sinusundan mo kami?" tanong ko sa kanya."Kailangan kay Pipay ko lang itutuon ang pansin ko ngayong araw ng monthsary namin kaya lagi akong nakasunod sa inyo," sabi nya "Asan na 'yun kwintas?"Dinukot ko 'yun box sa bulsa ko at binigay sa kanya "Eto."Kinuha nya 'to saka binuksan. Sinuot nya naman 'yun kwintas kay Pipay "Nakakainis naman si Pipay. Kailangan pa ba 'to natuto mag lasing.""Ngayon lang at nang dahil sayo pa." inis na sabi ko sa kanya "Tarantado ka kasi, e.""Alam ko." sabi nya saka binuhat na si Pipay. Yun bride style pa."Saan mo sya dadalhin?" tanong ko "Hindi mo pwede iuwi 'yan ganyan ang itchura nyan. Mabubugbog 'yan ng nanay nyang bosingera.""Sino ba may sabing iuuwi ko sya?" balik tanong nya "Hindi ko papabayaan si Pipay. Sabi ko nga kailangan namin magsama ngayong monthsary namin.""So saan mo sya dadalhin?""Dyan sa malapit na hotel. Dun nalang kami matutulog ni Pipay pero bago sya gumising kailangan wala na ako sa tabi nya." sabi ni Josh saka ngumiti "Salamat sa tulong, pre.""Wala 'yun." sabi ko "Happy monthsary nalang.""Ge. Aalis na kami ni Pipay." sagot ni Josh "Mag ha-honey moon pa kami, e." saka tuluyan na nyang binuhat si Pipay paalis ng harapan ko at palabas ng bar.Pero, teka. Nag loading ako sa huli nyang sinabi, ah.Mag-ha-honey moon daw?WHAT? Sic: Cut! HAHAHAAHAHHA! Bitin ba kayo bh3? Kawawa XDD gusto ko lang sabihin na may book signing kami sa June 8, 1-5pm sa SM CITY PAMPANGA! Mga LIB writers po. Punta kayo kung gusto nyo ko makita and makausap. Meet and greet kasi 'yun. Sa mismong precious heart romance store powsxz. Dalhin nyo na din ang book nyong A WRITER'S OWN LOVE STORY para mapirmahan ko. Kung wala pa, pwede dun nalang bumili. P89 pesos only. Punta kayo pemsters, ah? See you! Mwa mwa####################################EXTRA :p####################################MIMAY NA SUPER ITIM ANG KULAY AT TABA NA MAIHAHALINTULAD ANG KATAWAN SA BALYENANG BABOY RAMO DAHIL ANG TABA TABA TALAGA MY GAD SHUTANG INAMES NYA AS IN TO THE HIGHEST LEVEL ANG ITIM NG KILIKILI AT BATOK NI GAGA NA ANAK NG PUTA NG KARAGATAN SA PAGIGING POKPOK NG RED SEA AT BERMUDA TRIANGLE'S POV.Sabi ko na, e. Hindi ako matiis ni author at bibigyan nya ako ng POV. Ang ganda ko---PEMPEM NI PIPAY'S POV....SIC'S POV.HAHAHAHAHAHAHAHAHA! Bye####################################MadraNDI 26####################################Nasa page ang picture ni Pipay. Visit the page. Search nyo lang sa fb : Diary ng hindi malandi (Slight lang!) by owwSICDear Diary,Nagising na lang ako na parang binibiyak ang ulo ko dahil sa sobrang sakit. Mas masakit pa 'to kaysa sa pempem kong namula ang gilid pati ang singit ko dahil ilang linggo akong hindi naligo nuon. Pinikit ko muli ang dalawa kong mata para maibsan kahit papaano ang pag sakit ng ulo ko. Shutang inerns, bakit sumasakit ng ganito ang ulo ko? Ay, shet. Nag-inom nga pala ako kanina sa bar kasama si Prince. Nag celebrate nga pala ako ng 7th monthsary namin ni Josh. Monthsary naming ako na lang ang nag patuloy. Muli kong minulat ang mga mata ko at inikot sa paligid. Umusog ako nang maramdaman kong may katabi ako mula sa kamang hinihigaan ko kaya agad ako napalingon. Nakatalukbong sya ng kumot at tanging buhok nya lang ang nakikita ko habang nakatalikod sya mula sa akin. Si Prince 'to malamang. Hindi nya siguro alam kung saan ako dadalhin kaya dito sa isang motel nya ako dinala. Tiyak kasi na magiging dragona na naman si Inay kapag nalaman nyang nag-inom ang pretty nyang anak, e. Baka masuntok pa si Prince ng wala sa oras. Teka, kailan ba ang tamang oras para masuntok si Prince ng boksingera kong mudra?"Prince.." kinalabit ko si Prince habang tinatawag ang pangalan nya "Prince.. Gising.." muli kong pag tatawag sa kanya at tumingin sa orasan na nasa dingding. 02:30 am palang ng madaling araw. Kaya pala madilim pa ang paligid at pati dito sa loob ng kwarto. Pinikit ko mula ang mata ko dahil umiikot ang pagilid ko. Gusto ko din sumuka dahil pakiramdam ko masyado akong maraming nainom na alak kanina. Inaantok pa din ako. Bwisit na buhay 'to. Bakit kasi nag-inom pa ako? Yeah, right. Para makalimot kahit panandalian? Pero kahit ilang beses ko lunurin ang sarili ko sa alak, hindi pa din nya kayang lunurin ang mga alala naming dalawa ni Joshua. Pak that shet, diary. Ayoko na umiyak, please lang. Tama na. Naramdaman kong biglang may humawak sa mukha ko at pinunasan ang luha sa gilid ng mata ko habang nakapikit ako. Shet na 'yan. Sinabing ayoko na umiyak, e. Kahit kailan traydor 'tong mga mata ko, e. Bwisit kayo mga eyeballs. Isa pang iyak tignan nyo, dudukutin ko kayo at gagawing adobong eyeballs. "Umiiyak ka na naman.." narinig kong nagsalita si Prince. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses nya. Bakit kaboses nya si Josh?Agad kong minulat ang mga mata ko para tignan si Prince. Nanigas ako nang makita kong mukha ni Josh ang nasa harapan ko. Shutang inames, Pilar. Lasing ka lang, okay? Produkto lang ng malikot mong imahinasyon 'yang nakikita mo. Hindi si Josh 'yan. Si Prince 'yan. Hindi mo maaaring makasama si Josh sa mga oras na 'to dahil unang una, hindi na kayo. Pangalawa, hindi ka na nya mahal. Ikatlo, si Monicalandi ang gusto nya laging kasama. Ikaapat, hindi posible ang naiisip mong sya ang kasama mo ngayon.Muli kong binuksan ang mga mata ko at tumitig kay Prince. Pero kahit anong isipin ko mukha talaga ni Josh ang nakikita ko na malapit sa mukha ko. Ganito ba talaga kapag sobrang lasing, diary? Nakikita mo ang mukha ng taong gusto mong makita sa mukha ng ibang tao? Pero nagpapasalamat pa din ako dahil kahit lasing ako hindi hinahadlangan ng tadhana na makasama ko si Josh kahit na ilusyon lang 'to."Pasensya na, Prince.. Pasensya na talaga." sabi ko habang tumutulo pa din ang luha sa mga mata ko. Hindi ko maalis ang tingin ko kay Prince dahil mukha ni Josh ang nakikita ko, "Ang dami ko nga atang nainom kanina kaya mukha ni Josh ang nakikita ko ngayon sa mukha mo." ngumiti ako ng tipid habang lumuluha. Ang saya sa pakiradam na makita ko si Josh ngayon at the same time masakit dahil hanggang pag ilusyon nalang ang kaya kong gawin.Napatitig si Prince - na mukha ni Josh - sa akin saka ngumiti, "Ayos lang. Isipin mo lang na ako si Josh sa mga sandaling 'to. Sabihin mo lahat ng gusto mong sabihin sa akin, Pipay. Lahat-lahat ng nasa puso mo sabihin mo.." sabi nya. Oh, God. Pati boses ni Josh kuhang-kuha, diary. Sana forever nalang akong lasing para lagi ko talaga nakikita ng ganito kalapit si Josh."Pwede?" tanong ko saka hinaplos na din ang mukha ni Prince. Mukha naman ni Josh ang nakikita ko kaya ayos lang. Magkatitigan kami ngayong dalawa. Muli ko na naman nakita ang kulay brown na mata ni Josh. Ang mga matang isa sa mga naging dahilan kung bakit ko sya minahal."Josh, alam mo until now mahal na mahal pa din kita." paninimula ko habang hinahaplos ko ang pisngi nya. Nakatitig pa din sya sa akin. Napansin kong lumunok sya at nangilid ang luha, "Kahit nasasaktan na ako sa mga nangyayari sa akin, mahal na mahal pa din kita. Gusto kong magalit sayo pero shutang inerns, ang lakas ng kapit mo sa puso ko, e. Ayaw ng puso ko na tuluyang magalit sayo kaya mas nangibabaw ang pag mamahal ko kesa sa galit ko sayo." muli na namang tumulo ang luha ko sa unan. Pero hindi ko inaalis ang tingin ko kay Josh. Ayokong alisin ang paningin ko sa kanya dahil baka sa oras na kumurap ako, mukha na ni Prince ang makita ko."I love you, sobra pa sa sobra, Josh. Yun pagmamahal ko sayo hindi 'to mapapatanyahan o malalampasan ni Monica, promise. Sana bumalik kana sa akin tapos kalimutan nalang natin ang lahat ng nangyari. Magsimula nalang tayo ulit," napansin kong naluluha na din si Prince - si Josh. Kaya mabilis akong tumawa ng peke, "Joke lang 'yun. Ayokong pahirapan ang sarili mo, Josh. Alam kong mahal na mahal mo si Monica kaya nga nagawa mo akong iwan, di ba? Shit. Sobra-sobra na naman ang luha ko. Bakit ba kasi hindi ako nauubusan ng luha, e." patuloy lang sya sa pag pupunas ng luha. "Alam mo Josh pinagmamalaki kita sa lahat. Lagi ko sinasabi sa ibang tao na dapat kung mag boboyfriend sila 'yung katulad mo. Ikaw 'yung taong sobra kung mag mahal. Ikaw 'yun lalaking super protective. Ikaw 'yun lalaking nagagalit kapag nilalait ang girlfriend nya. Paulit-ulit ko na 'to sinasabi pero sana ang hiling ko lang. Tumagal kayo ni Monica. Sana mahalin ka talaga nya, Josh. Pero kung nagbago na ang isip mo at naisip mo ng bumalik sa akin.. Tatanggapin pa din kita." tumawa ulit ako ng peke."Pero Josh kung babalik ka sana hindi ka matagalan. Baka kasi may mahanap na ako na ibang lalaki na mamahalin ko, e. Wag ka sana magalit kapag dumating 'yung araw na 'yun, ah? Pero mukhang hindi naman talaga, e. Kasi wala ka ng pakialam sa akin, di ba?" gusto ko pa sana dugtungan 'yun sasabihin ko pero puro iyak nalang ang nagawa ko. Punong-puno na din ang ilong ko ng sipon kaya ngongo na ang mga nasasabi ko, "Nyosh, manyakit nya nyalaga, nyeh. Nyubrang nyakit nya nyito nya nyuso nyo."Napansin kong nakatitig lang si Josh sa akin habang nagsasalita ako. Tumutulo na din ang luha sa mga mata nya. Kung si Josh lang kaya talaga 'to at hindi si Prince iiyak din ba ng ganyan si Josh tulad ni Prince? Malamang, oo. Kasi si Prince naiyak na dahil sa mga sinabi ko, e. Matigas na patola lang ang hindi maiiyak sa mga sinabi ko.Bigla akong hinila ni Prince at yinakap ng mahigpit. Napansin kong naka-topless lang sya at may balat din sya sa balikat tulad ni Josh. Shutang inerns, ang bangis ng alak. Eto pala ang tama kapag nalasing ang isang tao, e. Kaya nyang lokohin ang mga mata mo na parang kasama mo ang taong malayo sayo. Kung ganito pala ang tama ng isang alak, aba, lagi na akong mag-iinom para makita lang si Josh lagi. Magiging tumadera ako. Sige, mag dudurog na din ako ng shabu at baka mas malakas tama 'nun."Mahal na mahal kita, Pipay. Mahal na mahal higit pa sa inaakala mo." narinig kong nagsalita si Prince na boses ni Josh. "Wag mong iisipin na kinalimutan ko lahat ng pangako ko sayo. Wala akong kinakalimutan it's just... hindi ko lang kayang tuparin ang mga iyon dahil sa sitwasyon natin." naramdaman kong tumulo na ang luha nya kaya napatingala ako. Nakapikit lang sya habang tumutulo ang mga luha nya. Taray ni Prince. Dalang-dala sa eksena namin ngayon. Feel na feel nyang sya si Josh, ah. Career na career, e."Pag katiwalaan mo lang ako, Pipay. Lahat ng ginagawa ko para sa kapakanan mo lang. Sana..Sana lang hindi pa huli ang lahat kapag naayos ko na ang nangyayari sa akin at sa atin. Sana may babalikan pa din ako sayo. Sana matatanggap mo pa din ako.. Pero kung hindi mo kaya.. Kung nakahanap ka na ng lalaking ipapalit sa akin at ipaparamdam sayo na mahal ka nya. Don't worry hindi kita pipigilan.." napalunok sya "Hindi kita pipigilan para sumaya, Pipay. To the pempem and back, remember? Laging kaligayahan mo ang hangad ko kaya kung saan ka masaya susuportahan kita.""Ang sarap sana pakinggan nyang sinabi mo kung si Josh talaga ang nagsabi, Prince." lumayo ako sa kanya saka ngumiti "Pero tama na. Ayoko na umasa. Alam ko naman at tanggap ko ng hindi na babalik si Josh sa akin. Hindi nya na din masasabi 'yang mga bagay na 'yan." bigla akong may nakapang nasabit sa leeg ko kaya tinignan ko 'to. "Kwintas? Saan 'to galing?" tanong ko sa sarili ko nang makita kong isang kwintas na may design na kalangitan at mga bituin at bwan ang pendant."Hindi ka lang bituin at bwan sa akin. Ikaw ang buong kalawakan ko." muli akong napatingin kay Prince. Kahit na medyo okay na ang paningin ko mukha pa din ni Josh ang nakikita ko. "Kung nahihirapan ka na, Pipay. Pwede ka na bumitaw. Pwede ka na mag move-on. Hindi na kita pipigilan. Ayoko ng nakikita kang nahihirapan sa akin. Marahil tama nga sila. Hindi mo makakatuluyan ang great love mo, ang makakatuluyan mo ang right love mo. Siguro nga, ako ang great love mo kaya hindi ako ang makakatuluyan mo." ngumiti sya kahit lumuluha na "Shit. Puro luha nalang ako every chapters, ah. Akala ko ba comedy 'tong story. Bakit naging drama." humalakhak sya."Marahil, tama ka nga, Josh. Siguro hindi lang tayo para sa isa't isa." ngumiti ako "Pangako, after ng gabing 'to. Pag sikat ng araw hindi na kita iisipin pa. Ayokong makita mong umiiyak na naman ako dahil sayo. Kakalimutan na talaga kita at bubuksan ang puki este puso ko para sa ibang lalaki na gusto akong mahalin." tumawa ako "Tama na nga, Prince. Naiiyak lang ako, e." sabi ko saka yinakap ang sarili ko't umiyak na naman. Bigla ko nalang na naramdamang hinila ako ni Prince at hinalikan ng marahas. Diniin nya 'yun labi nya sa labi ko. Biglang kumabog ng mabilis ang puso ko sa nangyayari ngayon. Gusto ko syang itulak dahil sa biglaan nyang pag hahalik sa akin pero sinisigawan ako ng puso ko na wag. Bakit ganito ang labi ni Prince? Bakit parang labi ni Josh ang nararamdaman kong nakadikit sa labi ko? No, hindi 'to pwede.Patuloy lang sa pag halik sya sa pag halik sa akin habang ako iniisip kung nag toothbrush ba ako? Ay, tama nag toothbrush pala ako. Pinag-iisipan ko din kung gaganti ba ako ng halik sa kanya pero bago pa ako tuluyang makapag-decide, nahuli ko nalang ang sarili kong gumaganti ng halik kay Prince. Halik na mapangahas. Parang nagugutom sa halik nya. Shutang inerns. Ang tagal ko na hindi natitikman ang halik ni Josh. Kahit hindi si Josh 'to ayos lang. Basta maramdaman ko lang ulit ang labi ni Josh na nasa labi ko.Ilang minuto kami na puro halikan ang ginagawa. Tahimik ang buong kwarto at tanging buga lang ng aircon ang naririnig namin. Napapahawak pa ako sa batok nya dahil kinakagat nya ang mga labi ko. Gumanti din ako at kinagat ko din ang labi nya. Kaya napalayo sya sa akin at napangisi. Shit, diary. Pati pag ngisi ni Josh kuhang-kuha. Paano ako makakatanggi sa kanya at sa mga oras na 'to? Alam mo namang babae ako't marupok, e. Nakangisi lang sya sa akin at dinaganan ako bigla. Ngayon nasa ibabaw ko na si Josh na tanging short lang ang suot. Nararamdaman ko na ding may matigas na bagay na tumatama sa tiyan ko. Ano ang bagay na 'yun? Muli nya akong hinalikan sa labi hanggang sa leeg. Parang minamarkahan nya ang buong katawan ko at sinasabing pag-aari nya ako. Naramdaman kong tinatanggal na nya ang suot kong blouse kaya tinaas ko ang dalawang kamay ko para hindi na sya mahirapan. Ngayon, bra nalang ang suot ko kaya napayuko ako."Bakit ka nakayuko?" tanong nya habang nasa ibabaw ko pa din sya. Nakakadikit na ang mga balat namin, diary, kaya libu-libong bultahe na naman ng kuryente ang nararamdaman ko ngayon."Nahihiya ako." sagot ko habang nakayuko pa din.Hinawakan nya ang baba ko para mapatingin ako sa mga mata nya. Nakangiti sya sa akin. Gusto kong isipin na si Prince talaga 'to at hindi si Josh pero nabibigo ako, e. Masyado akong nalulunod sa pagkamiss ko kay Josh at samahan pa ng espiritu ng alak kaya si Josh ang nakikita ko."Maganda ka." sabi nya "Etong view na 'to mula dito sa ibabaw mo ang pinakamagandang view sa lahat ng view sa mundo," dugtong nya "Pero alam mo ba ang pinakamasarap na view sa lahat? Yun masarap sa pandinig?""Hmm.. mountainview? Favorite softdrink ko 'yun, e." ngumiti ako.Natawa sya, "Sira, hindi. Kundi.." nilapit nya ang mukha nya sa akin. Naaamoy ko na ang hininga ni Prince. "I love view.." shutang inames, bakit pati hininga nya amoy ni Josh?"Wag ka na mag joke," sabi ko "Rakrakan nalang. Rak na bh3." sabi ko.Humalakhak na naman sya saka muli nyang hinalikan ang katawan ko. Pababa ng pababa ang halik nya hanggang makarating sya sa pusod ko. Shuta, nakapaglinis ba ako ng pusod ko? The last time I checked, ang dirty ng pusod ko. Hmm, hayaan na nga. Madilim naman kaya hindi nya na yan mapapansin.Nararamdaman kong sinisimulan na nya ang pag hubad sa pantalon kong suot. Tinaas ko pa ang balakang ko para hindi na sya mahirapan. Napangisi naman sya ng tuluyan nyang nahubad ang suot kong pants at hinagis 'to sa gilid. Ngayon, tanging bra at panty nalang ang suot ko. Mabuti nalang talaga madilim ang kwarto at tanging lamp shade lang ang nag sisilbing ilaw namin ngayon.Nakaluhod sya sa kama at nakatingin sa akin ng seryoso. Napansin kong tinatanggal na ni Josh ang short na suot nya kaya napalunok ako. Mas lalo akong nalunok ng tanging brief nalang ang suot nya. Brief na puti at bakat na bakat na ang patola nyang sintigas ng bakal na krus ni Juan Dela Cruz. Hubog na hubog 'to. Shet, Pipay. Lunok pa. Mukhang mapapalaban ka.Biglang syang humiga sa gilid ko at binuhat ako papunta sa ibabaw nya. Nararamdaman na ni pempem ang bakal na krus, diary. Habang nasa ibabaw nya ako bigla nyang tinanggal ang bra ko. Pero dedma nalang ako dahil busy ang katawan ko sa matigas na bakal na nakadikit sa akin. Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil dito. My Godness. Ganito pala ang pakiradam 'nun. OMG lang, diary.Naramdaman ko namang tinatanggal na nya ang panty ko. Nung natanggal na nya sinunod na nya ang brief nya. Ngayon, parehas na kaming nakahubad habang nakahiga."Teka lang.." sabi ko "Gagawin ba talaga natin 'to?""Ayaw mo ba?" tanong nya "Mahal naman natin ang isa't isa, di ba? Kaya walang masama dito.""Eh kung mabuntis ako?" sagot ko "Wala ka bang proteksyon dyan?""Wala, e." umiling sya "May plastic ng ice candy ata akong nakita duon sa banyo kanina.""Tingin mo kasya ang plastic ng ice candy dyan?" tinuro ko pa 'yun patola nyang singtigas ng bakal na cruz na nakatutok sa akin na parang inaasar ako. Kagatin kita dyan, e. "Ang laki-laki nyan.""Eh, okay na 'yun kesa wala." napakamot pa sya ng ulo "So, anong gagawin natin? Wag nalang?""Bumili ka ng proteksyon ngayon." sabi ko."Sa oras na 'to mismo? Wala na atang bukas na bilihan nun." "Meron. Sa 7eleven at ministop." sagot ko "Bilisan mo na para rakrakan na."Tumayo sya, "Tsk. Pwede namang hindi na, e." sabi nya habang nagsusuot ng short nya. Hindi na sya nag suot ng brief kaya 'yun eggyok nya gumagalaw habang naglalakad sya papunta sa pintuan."Bilisan mo, ah? Hihihi." sabi ko habang nakahiga pa din sa kama."Oo," ngumiti sya sa akin saka tuluyang lumabas ng pintuan.Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa namin ngayon. Masama ba 'to? Masama ba dahil mukha lang naman ni Josh ang nakikita ko pero hindi talaga sya 'to? Hindi ko talaga alam dahil mas nag uumapaw ang sinasabi ng puso ko kesa sa sinasabi ng utak ko. Sorry, brain. After naman nito tuluyan ko na kakalimutan si Josh, e. Pangako, last na pag-iisip ko na 'to sa kanya.Hindi ba unfair para kay Prince 'tong nangyayari sa amin? Sya ang kasama ko pero si Josh naman ang nakikita ko? Bigla na namang bumigat ang pakiramdam ko. Gumagamit ako ng ibang tao para sa sarili kong kaligayahan. Sorry, Prince. Pangako, kahit ngayon lang. Ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa din sya bumabalik. Yun minuto biglang naging oras pero ang futa hindi pa din bumabalik dito sa kwarto namin. Saan ba bumili ng proteksyon 'yun lecheng 'yun, sa china pa ba? Shutang inerns. Inabutan na ako ng pag sikat ng araw na mulat pa din at nakahiga sa kama na walang suot na kahit anong damit pero wala pa din sya. Shutang inames talaga, oh.Alas otcho na ng umaga at tirik na ang araw pero hindi pa din sya bumabalik. Naiwan pa ang brief nya dito sa ibabaw ng kama. Wala na atang planong bumalik 'yun lecheng 'yun, e.Naku, Prince. Masasapak kita sa atay mo kapag nakita kita.Paasa ka masyado, pakingshet.Hanggang dito nalang muna, diary. Nakakagigil talaga si Prince.Nabitin,Pipay.P.S.Eh kung may selfie nalang ako para makaraos? Anong sa tingin mo, diary?P.P.S Mag comment kayo!! Bilisan nyo para mag type at update ulit si author. Masakit sa puson, shutang inerns. Josh, comeback home.. ♪♫####################################MadraNDI 27####################################Comment is a must! Hahahahahaha!May mga pictures sila Pipay, Josh, Prince and Mimay sa page ng story. Tignan nyo! =)Dear Diary,Ginawa ata ang araw na 'to diary para malasin ako, shutang inames. Una ; akala ko mabubutas na ang donut ko kaninang madaling araw. Kahit ayaw ko na si Prince ang unang makakabutas sa akin pikit mata ko nalang ginawa para lang matuloy. Pero ang shutang Prince na 'yan sa Europe pa ata bumili ng proteksyon dahil nasa itaas na si Haring Araw pero hindi pa din sya bumabalik. Kapag nakita ko talaga 'yang walangya na 'yan bigla akong mag huhubad at papatong sa kanya para lang matuloy ang naudlot naming butasan session. Hindi ako makakapayag na mabitin ako. Ang ganda ganda ko tapos bibitinin lang ako? Syempre, chos lang.Palabas na ako ng motel habang nakasuot ang kamay ko sa loob ng panty ko at hinihimas si pempem. Ramdam na ramdam ko kasing malungkot sya dahil walang nakapasok na bakal na krus sa kanyang kweba. Pinaghandaan pa naman nya 'yung mga oras na 'yun dahil akala nya may bubutas na ng kanyang kampo pero wala pa din. Hanggang ngayon masikip pa din ang butas kaya kaunting liwanag lang ang nakikita ni pempem. Punong-puno pa naman na makakapal na itim na gubat si pempem kaya puro kadiliman lang ang nakikita nya."Ayos lang 'yan, pems. Dadating din ang time para dyan." sabi ko habang patuloy pa din sa pag himas sa kanya. Napahinto ako sa lobby at sa paglalakad dahil na feel kong humihikbi si pempem at malapit na umiyak. "Pems, wag ka umiyak. Madaming tao sa paligid, oh. Nakakahiya baka sabihin nila inaaway kita." pag papatahan ko kay pempem nang mapansin kong nakatingin lahat ng tao sa akin at nakanganga."Hala, nabitin ata sya, oh. Nag se-selfie habang naglalakad.""OH, jusko. Ang gandang babae pero mukhang may sayad.""Shet. Ang bangis. Live action ng pag se-selfie. Kailangan ko 'tong videohan at mapost sa facebook para makakuha ako ng maraming likes. Ang mga tao pa naman sa facebook hayok sa mga nakakalaswang bagay."Narinig ko 'yun mga bulong-bulungan ng mga tao na nasa paligid ko kaya yumuko ako bigla at binulungan si pempem. "Tignan mo ginawa mo. Ayan, pinag-uusapan na tayo ng mga tao sa paligid natin. Wag ka na kasi mag-inarte, leche." huli kong sinabi kay pempem at tinaas na ang panty ko at pantalon na suot ko.Nagpatuloy na ako sa paglalakad nang bigla akong tawagin nung babae sa reception. Agad naman akong bumalik sa kinatatayuan nya dahil baka may naiwan ako."Ano 'yun?" tanong ko."Nakalimutan mong magbayad. Hindi free ang pag stay dito sa motel namin. Aba, pagkatapos magpakasarap, hindi na magbabayad?" mataray nyang sabi sa akin.Napataas naman ang kilay ko, "Ako ba hina-highblood mo? Anong nagpakasarap. Shutang inerns. Hindi na nga bumalik 'yun rarak sa akin, e. Nabitin ako 'te. Alam mo ba 'yun? Nabitin ako. Pinaasa lang ako, te. Ang sakit sa puson at puso, te." sabi ko sa kanya saka nagsisimula ng maiyak."Ay, sorry. Hindi ko alam, girl." lumapit sya sa akin at hinagod-hagod ang likod ko para hindi ako lalong maiyak. "Hindi ko talaga alam, girl. Sana sinabi mo na hindi na bumalik 'yung rarak sayo para nag bigyan kita ng pang substitute sa kanya. Ang daming gulay sa fridge namin, girl. May talong, pipino at okra. Kung gusto mo naman ng hard meron ding upo, patola at kahit kalabasa." mangiyak-ngiyak nyang sabi sa akin."Huhuhuhu. Gaga ka, late na, e." sabi ko "Ang sama-sama mo, te. Wala ka na ngang suso wala ka pa ding puso. Ang sama mong tao." nag punas kunwari ako ng luha para naman effective ang pag dadrama ko."Eto panyo, oh." inabot nya sa akin 'yun panyo na hawak nya pero hindi ko tinanggap."Wag na, te. Meron akong pamunas." sabi ko saka nilabas ang pamunas na nasa bulsa ko. Pinamunas ko 'to sa mga mata ko at ilong ko. Bigla naman akong may naamoy na mapanghi ng ipunas ko sa ilong ang hawak ko. "Futa! Ano ba 'tong pamunas ko. Bakit ang panghi?" tanong ko sa sarili ko. Tinignan ko agad kung ano ba 'tong pamunas na hawak ko at nakita kong brief pala 'to ni Prince na naiwan nya kanina. "Brief pala 'to. Kaya pala ang panghi. Ang sakit sa ilong.""Ay, talaga? Brief 'yan?" tanong ni ateng receptionist."Oo, gusto mo iyo na lang?" tanong ko."Really?" tumango si ate saka inabot ko 'yun brief na puti ni Prince na naiwan nya kanina "Thanks, girl. Isasama ko 'to sa collection ko."Nagpaalam na ako kay ate at umalis na ng motel ng tuluyan. Nung pasakay na ako ng jeep nakita ko pa syang inaamoy-amoy ang brief na binigay ko sa kanya. Boom adik si ate. Fetish nya ata 'yun mga salawal ng mga lalaki, e. I wonder kung ilan na ang brief na nasa kanya na naiiwan ng mga lalaking nag che-check in sa motel na pinagtatrabuhan nya.Mabuti nalang nagoyo ko si ate at hindi na ako pinagbayad ng pag stay ko sa motel. Yari talaga sa akin 'yang Prince na 'yan. Hindi na nga bumalik, pinaasa na nga ako tapos hindi pa din pala nya binayaran 'yun fee sa motel? Yung lalaking 'yun galing ng america pero ang kuripot. Kawawa naman ang magiging girlfriend nya dahil paniguradong eto lagi ang sasagot ng pang date nila.Pag-uwi ko ng bahay naabutan ko si Inay na nakasuot ng two-piece na bikini habang may suot na sunglasses at malaking sumbrero at nakahiga sa may garden namin. May orange juice pa syang nakalagay sa gilid nya habang nag sa-sun bathing. "Ano na namang kaadikan 'yan, Inay?" tanong ko at huminto sa tapat nya.Tinanggal nya 'yun headset sa tenga nya na may tugtog na Blurred Lines at 'yun sunglasses nya saka tumingin sa akin ng seryoso."Can't you see it? I need to have a tan skin." nag rolled eyes pa sya "Gumanda nga ang anak ko pero mas lalo atang naging bobo. Simple logic can't undertand, My Godness." nag suot ulit sya ng sunglasses nya."Jusko. Nag papa-tan pa kayong nalalaman e mukha namang tanso ang mukha nyo," sabi ko "Inay saka bakit nyo suot-suot 'yang carpet natin brown." pinisil ko pa ang balat ni Inay "Ay, shuta. Akala ko carpet, Inay. Balat mo pala 'yan? Puro kulubot na kasi.""Haha. Very funny, anak." sabi ni Inay saka tumawa ng sarcastic "Porket nabitin ako ang pinagdidiskitahan. Pretty ka naman pero bakit ka insecure sa akin?""WOW! Insecure daw. Big word, Inay." napahalakhak ako "Dyan ka na nga. Insecure pa, ah. Lagyan mo din ng lotion ang singit mo, Inay. Puro kamot, e." tumawa ako at dumiresto na sa loob ng bahay. Isasarado ko na sana 'yung pintuan nang mapansin kong nilalagyan na nga ni Inay 'yun singit nya ng lotion. Napailing nalang ako at inuntog ang sarili kong ulo sa pintuan.Alas nuebe na ng umaga at may isang oras pa ako para mag handa papunta sa school. Kailangan kong pumasok ngayon since ilang araw na akong absent nakaraan. Hay, naku. Makikita ko na naman 'yun pag mumukha ni Monica at ni Josh. Mukhang kailangan ko na naman i-on ang pagiging bitch ko. Sorry, old Pipay. Nangako ako sayong hindi na magiging bitch pero hindi ko mapigilan, e. Usapan naman natin di ba as long as walang ginagawa sila sa akin hindi ako gaganti? Sige. Hindi ko sila gagalawin hanggang hindi nila ako tatarantaduhin.Habang nag bibihis nag che-check ako ng instagram account ko. Nakita kong finollow ako ni Mirasol. Ang taray ng balyenang negra umi-instagram account na. Ano kaya ang ipopost nyang picture nya dito? Puro sea shells and sea creatures? LOL! May iniwan pa syang comment sa isang picture ko."Huy, Pilar. I-like mo din ang lahat ng picture ko, comment and share mo na din, ah? Kung mabait ka pwede mong i-print ang picture ko tapos ipa-frame mo at isabit mo sa kwarto mo." sabi nya sa comment.Napatawa nalang ako at agad ni-report ang account ni Mirasol. Report as a spam. Ngayong araw naka-uniform ako pero lumulutang pa din ang ganda ko. Tinali ko ang buhok ko kaya mas lalo akong gumanda. Napangiti ako nang makita ko ang sarili kong reflection sa salamin. Naisip ko kasing buksan na ang puso ko para sa ibang lalaki na gusto akong mahalin. Siguro, eto na ang time para i-give up ko na ng tuluyan si Josh. Ayoko na mag hold-on sa taong ako mismo ang pinakawalan pa. Marahil nakakapanghinayang 'yun mga memories namin at mga pinagdaanan naming dalawa pero wala, e. Kailangan ng kalimutan for the sake of my future lovelife. Hindi lahat nang nagmamahal nagkakatuluyan. Josh is never a mistake, he's just a lesson. Kaya nagpapasalamat akong dumating ang tulad nya sa buhay ko.Char! Tama na ang drama. Sayang ang make-up 'uy.Lumabas na ako ng bahay nang makita ko naman si Inay na nag tu-twerking sa garden. Ginagaya nya si Miley Cyrus. Hindi na ako magtataka kung isang araw magpapagupit ng buhok ang boksingera kong nanay. Alam nyo naman ang matatanda these day. Pinipilit magpakabata.Pag dating ko ng school may pinagkakaguluhan ang mga kaklase ko. Agad ko silang tinulak at nagsalita para makita 'yun tinitignan nila sa table ng professor namin."Tabi kayo dyan. Makikitingin ang maganda." sabi ko at tinulak ang ChaKa twins na nakikisulyap din. Agad naman silang napalingon sa akin at sasagot sana pero inunahan ko na sila "Sssshhh. Don't talk when a beautiful like me is talking." sabi ko saka tinalikuran na sila."Bakit hindi ka sumagot, Twinie. Nakakainis ka." narinig kong bulong ni Charry kay Kathy."English 'yun, Twinie. Alam mo naman sa paglalandi lang ako magaling." sagot naman ni Charry."Ako din, e. Sa paglalandi lang magaling kaya nga nilalandi ko boyfriend mo kagabi, e." "What? Kaya pala hindi sya nag rereply sa akin, e. Nilalandi mo pala sya. Siguro sayo nya pinasa 'yung load na hiningi nya sa akin kagabi. Gaga ka, Twinie." napalingon ako dahil sa huling sinabi ni Charry at nakita kong nag sasabunutan na silang dalawa sa likuran namin. Mga ChaKa na 'to. Sa sobrang landi pati kalandian ng sariling kadugo pinapatos. Poor bitches."What's this, sir?" tanong ko kay sir. Napalingon naman sya agad sa akin at parang nagningning ang mga mata nya ng makita ang kagandahan ko. "Sir, nagtatanong po ako.""Ay! I'm so sorry, Ms.Payoson. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapatitig sa maganda mong mukha everytime na nakikita kita." sabi nya saka ngumiti. May bungi si sir. "Next week na ang foundating day ng SOGO University kaya kailangan ko ng pumili ng magiging muse ng department natin. Kaso wala akong mapili dahil walang may gustong sumali.""Ha, bakit naman? Sa sobrang feeler ng mga classmates kong mga girls malamang maraming mag pi-presinta para maging muse ng department natin.""Yun nga, e. Maraming gusto pero nung sinabi kong lahat ng muse ay lumalaban sa girls boxing match. Kaya lahat nag atrasan. Hays! Sumasakit na ulo ko. Kailangan talaga natin ng muse. Ikaw nalang kaya?"Umiling ako, "No, sir. Thanks but no thanks. Ayoko masira ang mukha ko dahil lang dyan. Si Mirasol nalang, sir. Tutal basagulera 'yun at gangster pa. Tiyak sure win tayo dun." "Oo nga, sir! Ako nalang kasi!" biglang sigaw ni Mirasol at hinawi ang mga students para makadaan sya sa umpukan ng mga classmates namin. "Ako nalang, sir. Tutal pretty ako tapos malakas pa. Babasagin ko lahat ng mga mukha nila, promise. Ano ba kailangan ko gawin? Mag diet ba ako para mas lalo akong maging sexy o lieposuction nalang, sir?"Tinignan sya ni sir ng seryoso, "Hindi lieposuction ang kailangan mo Ms.Mayosa kundi reincarnation na." Biglang nagtawanan 'yun mga kaklase namin dahil sa sinabi ni sir."King ina. Aping-api talaga ako sa story na 'to." bwisit na sagot ni Mirasol saka nag walk out. "Futa! badtrip!" sigaw nya saka pinag susuntok sa mukha 'yun ChaKa twins na nag-aaway pa din sa likuran namin."Sino-sino na bang mga kasali, sir?" tanong ko ulit."We have Dane Avellosa, Faith Alexandra Gupit, Mary Grace Seromines, Jennica Marie Bona and the Queen Monica Gordon." sabi ni sir saka napatingin sa akin "Gusto mo na bang sumali? Perfect ka para dito, e. Puro magaganda kasi 'tong mga kasali. Plus, may ibubuga din sa suntukan."Agad akong napangisi nang marinig ko ang huling pangalan na sinabi ni sir. "Sige, sir. Count me in. Ipapanalo ko ang laban ng department natin." sabi ko na hindi natatanggal ang ngisi sa mga labi ko.Tuwang tuwa si sir dahil napasali nya ako sa competition lalo na at nasabi ko sa kanyang former boksinger ang may sayad kong inay kaya paniguradong may advantage na kami. Hindi na din nag klase si sir dahil nga tuwang-tuwa sya. Sinabi nya lang sa akin na lunch break ay kailangan namin pumunta sa school gym para sa screening ng mga contestant. Sabi ko naman pupunta ako at tumango nalang sya.Nung lunch break na agad akong nag handa para pumunta sa school gym kung saan gaganapin ang screening. Nag re-touch pa ako ng make-up ko para naman mas lalo ako maging dyosa at kabahan na 'yun mga kalaban ko dahil kasali ako sa competition. Ako ang reyna ng baranggay namin nung January kaya hindi na ako kinakabahan pag dating sa mga ganitong bagay. Ngayon pang mayroong boxing match ang mga contestant? I'm free para bugbugin at tuluyang wasakin ang mukha ni Monica.Pag dating ko sa gym marami ng tao. Nasa stage 'yun mga contestant at panlaban ng iba't ibang college department ng SOGO University. Nasa ibaba naman 'yun mga estudyanteng manonood ng screening. Lahat sila napatingin sa akin ng pumasok ako and I could say 'yun iba sa kanila nagulat at napanganga nang makita ako."I'm Pilar Payoson of Business Department. Ako ang panlaban nila." sabi ko dun sa isang professor na nasa harapan ko."Ah, okay. Sige umakyat ka na sa stage." sabi nya kaya agad naman akong umakyat.Pag akyat ko ng stage nakatingin na ng masama sa akin si Monica habang nakaupo sya. May bakanteng upuan sa tabi nya kaya duon ako umupo."In all fairness, Pilar. Ang ganda mo pala sa malayo." sabi nya saka tumawa. Napatingin ako sa kanya pero hindi sya tumingin sa akin. Nakatuon lang ang pansin nya sa mga students na nasa harapan namin."Oh, thank you, dear." sagot ko "Mabuti nga ako ang ganda sa malayo, e. Eh, ikaw? Ang layo mo maging maganda." this time ako naman ang tumawa. Kaya napatingin sya sa akin at kinindatan ko lang sya."I thought pang magaganda lang ang pwedeng sumali dito sa pageant. Pero bakit may panget?" muli nyang sabi sa akin. Ngumisi ako, "Oo nga, e. Bakit ka nga pala kasi nandito? Saka kung bawal ang panget, ang malandi na kagaya mo lang pala ang pwede?" napaatras ako "Tsk. Tsk. Kung palandian lang 'to malamang screening pala panalo kana. Wala kasing tatalo sa kalandian mo, e." She gritted her teeth. Mukhang napipikon na. "I don't take insult from a monkey that transformed into a human like you." sabi nya saka inirapan ako. Naglabas sya ng salamin at tinignan ang sarili nya habang ngumi-ngiti-ngiti pa sa harap ng hawak nyang salamin."Mirrors don't talk, and lucky for you, they can't laugh, either." pang-iinsulto ko sa kanya. Padabog nyang nilagay sa bag nya 'yun salamin at tumingin sa akin, "I so hate you, bitch." saka nya ako inirapan."Hahaha. Funny, dear." tumawa ako ng sarcastic. Nilabas ko mula sa bag ko ang cellphone ko saka may text kunwari na binasa, "Monica, nagtext 'yun alaga kong higad sa bahay.""Anong sabi?" tanong nya."Nahihiya daw sya sa sobrang kati mo." tumawa ako."You're getting into my nerves." tumayo na sya sa harapan ko at akmang sasampalin na sana ako ng biglang may humawak sa balikat nya."Stop it, Monica. Wag na pumatol sa tulad nya." sabi ni Josh na biglang sumulpot sa harapan namin ni Monica. Agad naman kumalma ang mukha ni Monica saka yumakap kay Josh."Thanks for reminding me, Josh KO." sabi ni Monica saka tumingin sa akin at ngumisi "Pero minsan hindi ko maiwasang pumatol sa mabababang uri ng tao, e."Tinigasan ko ang mukha ko at hindi nagpahalatang naapektuhan sa sinabi ni Josh. Wag daw pumatol sa katulad ko? Pero he did. Pinatulan nya ako, diary, di ba? Bullshit."It's funny na sabihin mong wag na pumatol sa katulad ko, Josh." tumingin ako ng seryoso kay Josh "It's very contradicting sa ginawa mo." I laughed out loud.Hindi ko na sila pinansin at tinuon nalang ang pansin ko sa harapan ng stage. Ayoko ng mag-paapekto sa kanila pero sadyang sinasagad nila pasensya ko. That bullshit couple. Napangiti ako ng makita ko si Mong na pumasok ng school gym. Pero agad nawala ang ngiti sa labi ko ng may kasama syang babae. They are both laughing to each other na parang may nakakatawang pinag-uusapan. Halos mawala na ang mata ni Mong dahil sa sobrang ngiti nya sa babaeng kausap nya. May pahampas-hampas pa ang babae na 'to sa tyan at braso ni Mong. Double bullshit.Who's that girl?Sabaw ang sinulat sa diary ko,Pipay.####################################MadraNDI 28#################################### COMMENT OY! HAHADear Diary,Hindi ko ma-explain ng maayos at maintindihan ang nararamdaman ko ngayon, diary. Parang may kung anong nag-iinit sa loob-loob ko habang nakatitig kay Monjie na masiglang nakikipag-usap sa babaeng katabi nya. Patuloy pa din ang screening para sa foundation day na magaganap pero hindi ko magawang makinig sa sinasabi ng professor na nasa gilid namin. Focus lang ang dalawang mga mata ko kung paano ngumiti at tumawa si Monjie habang kausap ang babaeng 'to. Nag-iinit ang ulo ko, diary. Gusto kong kaltukan ang noo ng pempem ng babaeng 'to ngayon.Sa hindi sinasadyang pagkakataon biglang napalihis ang tingin ko. Naabutan kong nakatitig si Josh sa akin. Kaya naman napatingin ako sa gilid ko dahil baka nagkakamali lang ako ng inaakala at hindi talaga sya sa akin nakatingin at kay Monicalandinakinginanitongbabaenatoforever talaga. Pero sa akin talaga sya nakatingin, e. Nakatitig 'yun dalawang mata nya sa akin na parang may ibig sabihin. Medyo nakabukas ang mga labi nya na parang may gustong ipahiwatig sa akin. Pansin ko lang sa sarili ko na hindi na ganoong kasakit kapag nagkakatingin kaming dalawa ni Josh. Wala 'yung dating kirot. May sakit pa din akong nararamdaman pero hindi na tulad ng dati. Bigla akong napangiti dahil finally hindi na ako ganung nasasaktan. Kaunti nalang. Kaunti nalang talaga, diary, at tuluyan ko ng maiaalis sa sistema ko si Josh. Siguro kaunting landi este kembot nalang makakaya ko na syang ngitian ng walang halong kabitteran sa buhay at sa sexy kong katawan. Ang puso pala ng tao ay hindi nakakalimot sa sakit ng nakaraan, nasasanay lang 'to. Marahil tuluyan lang akong nasanay. Aba, ilang weeks na din, e. Move din dapat.Ilang segundo din akong nakatitig kay Josh hanggang sa ako na ang unang umiwas at muling binalik ang paningin kay Monjie. Patuloy pa din sila sa pag-uusap dalawa. Andyan 'yun biglang hahampas si malanding babae sa braso ni Mong dahil sa sobrang tawa. Meron pa ngang kahit nakatagilid si Mong hahanap talaga ng paraan si malanding babae para mahampas nya ang abs ni Mong, e. Shutang inerns na mga 'to. Feeling ata nila nasa park sila. More talk more fun ang mga tukmol. Nakakaimbyerna at the same time nakaka-bwisit na talaga."Okay, that's for to now. Tandaan nyo 'yun mga sinabi ko girls, ah?" biglang nag salita 'yun professor na kanina pa nag to-talk. Talk pa sya ng talk kahit wala namang nakikinig sa kanya. Busy kasi kaming lima sa mga kanya-kanya naming landi sa buhay. Si Monicalandinapakarat hawak ang cellphone nya at nag se-selfie. Yun babaeng si Jennica naman nag re-retouch ng make-up nya. Ang lakas mag lagay ng makapal na foundation, feeling maputi. Nag mukha lang syang crinkles. Yun si Mary Grace naman na jejemon mukhang nag G-GM. Yung Dane naman at Faith nag kukutuhan. O, di ba? Hindi sila busy. Bigla tuloy akong napaisip. Sila ba talaga makakalaban ko sa boxing? Mukhang isang upper cut ko lang sa mga maarteng 'to tulog na agad, e. "Yes, Ms." sabay-sabay nilang sagot pero ako dedma lang. Tumayo na ako at nilagay sa braso ko ang shoulder bag ko. "Ah, Ms.Payoson. It looks like na hindi ka nakikinig sa mga sinasabi ko kanina." baling sa akin ng professor."Nakikinig kaya ako, duh?" sagot ko."Weh? Sige nga kung nakinig ka. Ano 'yun mga sinabi ko?" muli nyang tanong sa akin."Bakit ko sasabihin? Sinabi nyo na tapos sasabihin ko ulit? Paolit-olit lang, Mam?" sagot ko "Saka kakasabi nyo lang, ah? Nakalimutan nyo na agad. Nag durog ba kayo ng bato?" biglang nagtawanan 'yun mg estudyanteng nakarinig ng sinabi ko."OMG! Walang galang sa nakakatanda." nag parinig si Monicalandi."OMG! Walang galang sa nakakaganda." pag paparinig ko din sa kanya."Excuse me, are you referring to me?" mataray na tanong ni Landi sa akin.Tumingin ako sa kanya ng seryoso saka nag taas ng kilay, "Excuse me din. Bakit, maganda ka ba?" Inirapan nya ako, "Whatever. I still have Josh. You still have none." nag rolled eyes pa sya."Iyong-iyo na si Josh mo. Saksak mo sa pempem mong maluwang, sa boobs mong lawlaw at sa katawan mong laspag." tumawa ako."Such a waste of time talking to a nonsense monkey like you." she rolled her eyes."Such a waste of time talking to a slut like you." I mimic her. Tumalikod na ng tuluyan si Monica at pasimpleng nangulakot. "Yak. Ilong na nga lang virgin sayo fini-finger mo pa. Ang landi talaga." sabi ko."I'm not fingering my nose, duh?" inis na sabi nya sa akin. "Wag mo nga ako kausapin. Girls, look, oh. May bago akong flower. Bagay 'to sa akin tignan nyo." sabi nya mga babaeng makakalaban namin. Nilagay nga ni Monica 'yun bulaklak sa tenga nya at todo puri ang mga gaga sa ginawa ni Monica. Kesho ang ganda daw ni futa. Kesho ang pretty daw. Shutang inerns na mga 'to. Ang hilig mag platiskan.Bigla akong humalakhak, "Naglagay ka pa ng bulaklak sa tenga mo. So feeling mo dyosa ka na nyan? Nag mukha ka lang paso." sabay baba ko ng stage. Narinig ko pang sumigaw si Monica sa akin na puro panlalait. Kaya humarap ako sa kanya at nagsalita muli "Hindi ako tumatanggap ng insulto na galing sa taong mas panget pa sa akin." ngumisi ako sa kumindat. "BOOM BASAG BH3? ARAY KO BH3!" sigaw ng mga students. Sumigaw ulit si Monica pero hindi ko na pinansin. Asar talo si gaga.Tuluyan na akong naglakad. Dahil may hinahalungkat ako sa bag ko hindi ko na namalayan na may nabunggo pala ako at nawalan ako ng balanse. Mabuti nalang may taong mabilis nakahawak sa katawan ko kaya naalalayan nya ako at hindi tuluyang bumagsak sa sahig."Mag-iingat ka sa susunod, ah? Tignan mo muntik ka ng mahulog. Mabuti nalang nasalo kita." sabi nya sa akin.Mabilis akong tumayo at inayos ang sarili ko saka nagsalita "Sana hinayaan mo nalang akong mahulog. Masakit nga mahulog sa sahig pero mas masakit pa din 'yung iwanan ka dahil sa hindi ka kagandahan at ipagpalit sa mas magandang babae." sagot ko sa kanya."Pipay.." binanggit ni Josh ang pangalan ko. Pero hindi na din tulad ng dati. Hindi na bumilis ang tibok ng puso ko sa tuwing binabanggit nya ang simple kong pangalan. Wala na 'yun dati na parang nagkakaroon ng special na meaning 'yun pangalan ko kapag sya ang bumabanggit nito.Tumawa ako saka hinampas sya sa braso nya "Just kidding, Josh. Wala na 'yun sa akin. Past is past, right? Never say die because tomorrow is another guy. Nasa inyo na ng tuluyan ni Monica ang basbas ko. No hard feelings. Basta ba ay invited ako sa kasal nyo if ever, ha?" mas lalo akong natawa "It's weird pala na pag-usapan ang kasal lalo na tayong dalawa ang unang nag plano 'nun." saka ako tumalikod.Binanggit muli ni Josh ang pangalan at hinawakan ako sa braso. May kuryente pa din pero hindi na malakas ang tama sa buong katawan ko. Muli akong humarap sa kanya saka tinanggal ang pagkakahawak nya sa braso ko at seryoso muling nagsalita."You don't have any rights to hold me in any parts of my body. You dropped my heart and soul, remember?" napabuka ang bibig ni Josh. Akala ko may sasabihin sya pero humugot lang sya ng malalim na buntong hininga at napayuko."Patawad." sabi nya na halatang sincere naman."Sa palengke nalang ginagawa 'yang tawad. URUR!" saka ako nag walk-out.Tuloy lang ako sa paglalakad palabas ng school gym. Chin up para makita nila ang ganda ko. Pout lips para alam nilang masarap halikan ang labi ko. Stomach in para kunwari malaki boobs ko. Hehe. Nung malapit na ako kay Monjie at dun sa babaeng kausap nya sa mismong gitna pa nila ako dumaan. Bigla silang napatigil sa pag-uusap at napatingin sa akin."Oh, bakit? Daanan 'yan. Hindi 'yang talking way." sarcastic na sabi ko sa kanila.Natawa lang si Monjie habang si malanding babae napaasim ang mukha."May sasabihin ka ba, 'te? Nakakahiya naman sayo. Extra ka na sa story ko pero wala ka pa ding line." umiling lang sya. Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa pero naconfused ako mga pemsters. Hindi ko mawari kung nasan ba ang ulo o paa nya, e. Magkamukha kasi. Sa huling pagkakataon sinulyapan ko si Mong. Nakangisi sya sa akin kaya inirapan ko sya.Lumabas na ako ng gym nang marinig kong tinatawag ni Mong pangalan ko. Hindi ako lumilingon at patuloy lang ako sa paglalakad. Mas binilisan ko pa kahit natatapilok na ako dahil sa taas ng takong kong suot. Akala ko nakakalayo na ako mula kay Mong pero bigla nyang hinawakan ang braso ko at hinarap sa kanya."Ano ba, Pipay. Kanina pa kita tinatawag, e. Nakakahingal ka naman habulin." sabi nya habang nakayuko dahil sa hingal. Hinahabol nya din ang hininga nya."Sino ba kasi nagsabing habulin mo ako?""Matic na 'yun, baliw. Kapag nag walk-out ang babae, responsibilidad na ng lalaki na habulin sya para mag explain." sabi nya saka tumingin sa akin at ngumiti. Mas lalo tuloy sumingkit ang mga mata ni Mong. Ngayon ko lang napansin na ang kinis pala ng kutis ni Monjie. Ang pinkish din ng lips nya. Ang nipples nya kaya pink din?"Ano naman ipapaliwanag mo? Hmm.. Sige explain mo sa akin kung bakit sa ibaba ang pempem ng isang babae? Pwede naman sa noo o kaya sa kilikili."Tumawa sya, "Syempre mas masarap kapag nasa ibaba. Ang panget naman kung ang pempem ng babae nasa noo o kilikili nya. Ang awkward butasin nun." tawa lang sya ng tawa."Korni mo. Leche." inis na sagot ko pero sa totoo lang natatawa na din ako. Sasagot pa sana ako pero biglang may tumawag sa pangalan ni Mong kaya napalingon sya. Tinawag sya nung babaeng malandi na kausap nya kanina. Pansin ko lang sa kwento kong 'to, ano? Ang daming mga higad. Nakakahiya ang slight na kalandian ko sa mga kalandian nila sa katawan."Monjie, salamat, ah? Sana makapunta ka!" sabi nung babae at todo pa-cute pa. Mukha namang pakyu ang mukha. "Finally! May nasabi ka na din na linya sa kwento ko. Oh, wala ng samaan ng loob, ah?" sabi ko dun sa babae saka umirap."Wala 'yun, April. Try ko pumunta!" kumaway pa si Mong "She's so pretty, right?" pagsasalita ni Mong habang nakatingin pa din dun sa babae habang naglalakad ito palayo sa amin. "And she's so fun to be with."Napasimangot ako, "Hindi kaya sya maganda. Maputi lang sya." sagot ko "She's so fun to be with. Mas magaling kaya akong mag joke sa kanya. Alam nya ba ang mga pempem jokes?""Don't compare yourself to other girls. Every girls are beautiful in their own unique way." sagot ni Mong saka ngumiti na naman."Whatever. Kung maganda edi ligawan mo." naglakad ulit ako palayo kay Mong.Bwisit sya. Talaga bang kailangan nya sabihin sa akin na maganda 'yun babaeng 'yun? Oo na. Maganda na. Kailangan talaga ipamukha sa akin na may maganda syang nakikita na babae? Nakakainis. Hindi ba alam ng mga lalaki na naiinis kami kapag may ibang babae silang sinasabihan na maganda? Hindi ko magets ang sarili ko pero naiinis talaga ako, e. Naiinis ako sa mga nakita kong ginagawa ni Mong dun sa babaeng 'yun. Parang ang saya-saya nilang dalawa. Yun tipong nakakalimutan nila na may tao sa paligid nila dahil sa sobrang kaligayahan nila sa isa't isa? May kung anong sumasakit sa puso ko dahil dun, e."Pipay, ano bang problema mo?" muli na naman hinawakan ni Mong ang kamay ko at hinila paharap sa kanya. "Bakit ka ba nagkakaganyan? Bakit-- teka, bakit ka umiiyak?""Anong umiiyak ka dyan?" bigla akong napahawak sa mga mata ko at tama nga si Mong dahil umiiyak na ako. Bakit ba ako umiiyak? Hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako habang iniisip ko na masaya si Mong na kausap 'yun babae. Bumigat 'yun pakiramdam ko sa ideyang isang araw magkakaroon na ng girlfriend si Mong at iiwan na nya din ako. Siguro, masyado lang akong na-trauma dahil sa ginawa ni Josh sa akin. Yun sumama sya sa ibang babae dahil maganda ito at sexy. Ayoko lang matulad si Mong na iwanan ako dahil sa babaeng 'yun."Wala.." sabi ko saka pinunasan 'yun luha ko "Tears of joy 'to. Masaya lang ako dahil finally mukhang may babae ka ng nagugustuhan. I'm happy for you, Mongoloid." sabi ko sa kanya saka tinapik pa ang balikat nya.Hinawakan ni Mong ang kamay ko saka tumingin dito at tumingin sa mata ko. "Wag mo ko gawing tanga. Mga bata palang tayo alam ko na ibig sabihin ng mga luha mo." sabi nya "Seryoso, Pilar. Ano ba nangyayari sayo? Bakit mo ko sinusungitan? Bakit ka umiiyak?"Napaiwas ako ng tingin, "Natatakot lang ako.." mahina kong sagot sa kanya. Shutang inerns. Ayoko talaga ng ganito, e. Nahihirapan akong sabihin 'yun gusto kong sabihin."Natatakot saan? Tumingin ka nga sa akin." hinawakan nya ang pisngi ko saka hinarap sa kanya. Ang seryoso ng mukha ni Mong. Parang 'yun itchura nya kapag ayaw nya akong nasasaktan at may inaalala "Saan ka natatakot?""Natatakot ako sa ideyang iiwan mo din ako dahil sa babaeng maganda. Shutang inerns. Ang feeler ko, 'nuh? Feeling ko boyfriend kita kaya ayaw kong may kinakausap kang babae. Naguguluhan ako Mong. Ang bigat sa dibdib, e. Ang bigat sa dibdib nung nakita kitang may kausap na babae. Parang any moment iiwan mo din ako tulad ng ginawa nya."Nakatingin lang sya sa akin at pinapakinggan 'yun every words na sinasabi ko. Bigla nyang nilapit sa dibdib nya 'yun kamay ko kung saan nakalagay ang puso nya. "Anong sinabi ko sa'yo, Pipay? Hindi ba sabi ko ako ang batman ng buhay mo? Di ba ako ang bahala sayo?" sabi nya saka ngumiti "Wala akong balak na mag girlfriend na ibang babae, Pipay.""Bakit?" tanong ko."Hindi mo ba natatandaan 'yun sinabi mo sa akin nung mga bata pa lang tayo?" nakangiti pa din sya."Alin dun? Nabibigyan kita ng gamit kong panty para may remembrance ka sa akin? Yun ba? Hindi naman ako sisira sa pangako, e. Gusto mo etong panty na suot ko na ang ibigay ko sayo?" itataas ko na sana 'yun palda ko para hubarin ang panty ko at ibibigay kay Mong ng bigla nya akong pigilan."Wag kang dugyot. Hindi 'yan," natatawa nyang sagot "Hindi ba sinabi mo nung mga bata palang tayo na ako lang ang lalaking papakasalan mo?" pagkasabi nya nun saka ko naalala 'yun mga usapan namin nung maliliit palang kaming dalawa."Sinabi ko ba talaga 'yun?" hindi ko makapaniwalang sagot sa kanya."Oo naman." sabi nya "Hindi ko sisirain 'yun pangako natin sa isa't isa tulad ng ginawa nya." bigla naming napansin na nakatayo na pala sa gilid namin ni Mong si Josh at Monica. Magkahawak pa silang dalawa ng kamay kaya mas lalo akong nagulat sa ginawa ni Mong.Bigla syang humarap kay Josh at nagsalita "Pre, hihingiin ko na ang basbas mo. Since mukhang masaya ka na kay Monica and It's unfair for Pipay kaya magpapaalam na ako sayo na liligawan ko na sya." nagulat ako sa sinabi ng Mongoloid na 'to. Halatang nagulat din si Josh dun at napatingin sa akin. Parang sinasabi ng mga mata nya na tumanggi ako o feeling ko lang.Ilang sandali na nakatitig si Josh sa akin nang bigla syang sikuhin ni Monica. "Ba..Bahala ka." malamig nyang sagot saka nag-iwas ng tingin."Thanks, pre." sabi ni Mong saka muling humarap sa akin "Pipay, would you give me a chance to pick up the pieces of your broken heart? Would you let me to mend it and make it as a whole again? Pipay alam kong hindi dapat to tinatanong pero papayagan mo ba akong manligaw sayo?" sunod-sunod na sinabi ni Mong at lumuhod pa sa harapan ko na parang tinatanong kung gusto ko ba sya pakasalan.Napatingin ako kay Josh na kasalukuyang nakatingin lang din sa akin. Habang si Monica naman ay nakangisi habang nakasandal ang ulo nya sa balikat ni Josh. Tumigas ang bagang ni Josh habang nakatitig ng seryoso sa dalawang mata ko. Bigla akong napalunok.Siguro hindi naman masama kung bibigyan ko si Mong ng chance, right? After all, single naman ako and ready to finger este to mingle pala."Bukas. After ng klase. Kita tayo sa lugawan ni Aling Nena para malaman mo ang sagot ko." sagot ko kay Mong saka nakangiti."JOSH!!" bigla akong napaharap kay Monica dahil sumigaw sya. Napansin kong wala na si Josh sa tabi nya kaya tinignan ko din kung saan nakatingin si Monica. Kitang kita ko kung paano tumakbo palayo si Josh mula sa aming tatlo.Anong eksena nun? Mang-aagaw ng exposure, ha? Tse.Hanggang dito muna, diary. Sabaw pa din si author, e.Ready to finger este to mingle,Pipay

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 01, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DAIRY NG HINDI MALANDI (SLIGHT LANG) SEASON 2Where stories live. Discover now