Chapter 2: Moving On?

Start from the beginning
                                    

Yumuko na lang din ako.

"Alam mo ang gawin mo? Ibaling mo ang sarili mo sa ibang bagay. Hindi iyong puro si Jeremy lang ang tumatakbo riyan sa isip mo!" sabi ni Melody.

"Hindi ko na naman iniisip si Jeremy eh. Hindi na-"

"Hindi raw pero anong ibig sabihin ng mga ito? Pagtatanggalin ko na ah-"

"Huwag!" Pero huli na dahil bago pa ako makakilos ay tinanggal na isa-isa ni Harmony ang mga pictures namin ni Jeremy na naka-display sa wall ng kwarto ko. "Sabi ng huwag eh-" Inagaw ko iyong picture ni Jeremy na hawak niya. Kinulumot niya kasi. Saka ko hinimihimas ang picture na iyon at kinausap na parang aso. Pero ang ginawa ni Melody ay inagaw niya lang ulit mula sa akin.

"Sabihin mo nang kontrabida kami sa buhay mo pero concern lang kami sa 'yo. Hindi ka makaka-get over sa lalaking 'yan kung patuloy lang na nakabalandra ang pagmumukha niya rito sa kwarto mo. Tigilan mo na ito, Serenity. Just move on, okey? Dahil siya ay hindi ka na inaalala." Napahinto ako sa sinabi ni Melody. Lalo lang akong nalungkot. Wala na nga kayang pakialam sa akin si Jeremy? Balewala na lang ba talaga para sa kanya lahat ng pinagsamahan namin?

"Alam mo ang dapat gawin mo? Maghanap ka ng bagong lalake. Kapag nabaling ang atensyon mo sa ibang lalaki mawawala na sa isip mo 'yang Jeremy na 'yan. Tapos ang problema," nakangisi na si Lyrica. Tiningnan naman ito ng masama ni Melody.

"Lyrica, tigilan mo nga yan. Hindi matatama ng pagkakamali ang isa pang pagkakamali. Magiging unfair do'n sa guy kung sasagutin siya ni Serenity kahit hindi naman siya nito mahal," sabi ni Melody.

"Eh 'di kung ayaw ni Serenity sa lalaki, mambabae na lang siya!" pagbibiro naman ng tomboyin na si Harmony. Natawa tuloy bigla si Lyrica, hanggang maya-maya ay nadamay na rin si Melody. Tawanan na ngayon ang tatlo na nakapagpantig naman sa tenga ko.

"Tama na nga! Wala rin namang naitutulong ang mga advice ninyo eh! Problema ko ito kaya ako na lang bahalang lumutas! Magsilabas na kayo!" napikon na rin ako at napasigaw.

Natahimik na lang ang tatlo. Saka na tumayo at iniwan ako sa kwarto. Alam ko naman na pinakikiramdaman lang nila ako at alam nila na kailangan ko lang talaga ng oras para maglubag ang dibdib ko.

Habang mag-isa ay muli kong tiningnan ang picture naming dalawa ni Jeremy sa camera ng cellphone ko. Sa picture na iyon ay punong-puno pa siya ng pagmamahal sa akin. Doon ay unti-unti na namang nagbalik sa akin ang mga masasayang pinagsamahan namin. Iyong paulit-ulit niyang sinasabi sa akin noon na mahal na mahal daw niya ako at ako raw ang "forever" niya. Pero nasaan na ang forever na iyon? Bigla na lang niyang tinapon lahat ng pinagsamahan namin ng dahil lang sa babaeng iyon na parang wala lang nangyari.

Hindi ko maintindihan kung anong nagawa ko at iniwanan niya ako. Malambing naman ako, siya lang talaga ang nanlamig na sa akin. Maganda naman ako, nagpaganda talaga ako alang-ala sa kanya at binago ang sarili ko para lang magustuhan niya. Hindi ako kasing talino katulad ni Ate Melody pero at least hindi naman ako kasing bobo ni Ate Lyrica. Mabait din naman ako. Pero bakit?

Hindi kaya dahil bad breath ako?

Hiningahan ko ang kamay ko para mapunta sa ilong ko ang amoy ng bunganga ko. Hindi naman amoy imburnal. Pero bakeeettt?

Bakit, Jeremy? Bakit mo ako iniwan?

Iyon na lang ang naging tanong ko sa sarili ko. Madali lang para sa iba ang sabihin na kalimutan ko na lang si Jeremy. Madali lang para sa kanila ang sabihin na mag-move on na dapat ako dahil wala na namang katuturan pa ang pagiging martir at katangahan ko. Pero hindi naman kasi gano'n kadaling gawin iyon eh. Hindi naman kasi basta-basta mawawala lang ang feelings ng isang tao purkit niloko ka lang nito. Isang taon ko ring naging boyfriend si Jeremy. Siguro nga para sa iba ay hindi pa iyon gano'n katagal pero para sa akin ay katumbas na ng 'walang hanggan' ang mga sandaling kasama ko siya. Pangarap kong lalaki si Jeremy at mahal na mahal ko siya. Ang saya-saya ko noon no'ng naging boyfriend ko siya. Pakiramdam ko noon ay ang swerte-swerte ko dahil sa dami ng babaeng naghahabol sa kanya ay ako ang nagustuhan niya. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na nangbabae na si Jeremy noon pa mang kami na. Hindi ko na lang sinasabi sa mga kapatid ko dahil alam ko na magagalit lang sila pero wala naman akong pakialam doon. Dahil alam ko na kahit anong pangbababae ni Jeremy ay in the end, sa akin din ang bagsak niya. Dahil ako pa rin naman ang palagi niyang binabalikan eh.

19. The Girl Between Us (PUBLISHED BY LIFEBOOKS)Where stories live. Discover now