Angeline: Bakit po?

Owen: Ahh wala naipit yata yung kamay ko hahahahaha.

Angeline: Ahhh!

Reyana: *Tumayo*

Owen: Reyana?

Reyana: Bakit?

Owen: Gusto mo bantayan na lang kita habang nagpapahinga ka?

Angeline: Pa?!

Owen: Ah kasi I mean syempre baka mamaya diba kailangan niya ng magpapainit sa kaniya ng TUBIG alam mo na.

Angeline: Kailangan mo ba ma ng magpapainit sayo?

Owen: *Inaakit si Reyana at nagkakagat labi*

Reyana: Huh?? Ahh ee?? *Nakatulalang pinagmamasdan ang mapupulang labi ni Owen*

Angeline: Hmmm?? *Sinamaan ng tingin si Reyana at Owen*

Reyana: Hindi anak, ahh aakyat na ako.

Angeline: Okay po. Tara pa! Movie marathon tayo! *Sabay hila kay Owen*

Owen: Ahh! Osige.

Angeline: Ano bang gusto mong panoorin Pa?

Owen: Kahit ano anak, ikaw bahala hahaha kung anong gusto mo gusto ko din.

Angeline: Sige Pa horror na lang!

Owen: Okay. *Sabay ngiti*

Angeline: Papa?

Owen: Oh bakit anak?

Angeline: *Niyakap si Owen*

Owen: Ang lambing naman ng anak ko.

Angeline: Ganito po pala ang pakiramdam ng may isang ama.

Owen: *Nihigpitan ang yakap sa anak* Araw-araw akong babawi sayo anak. Pagpasensyahan mo na si Papa ha.

Angeline: Sana wala ng maging dahilan pa Papa para maghiwalay tayo.

Owen: Wala na anak, wala na. Oh akala ko ba horror pinapanood natin bakit nagdradrama tayo? HAHAHA. *sabay punas sa luha ni Jel*

Angeline: Hahaha mabuti pa mag-enjoy na lang tayo sa pinapanood natin hahahaha.

Owen: Hahahaha, kaparehong kapareho mo talaga ang mama mo.

Angeline: Sana Pa, hindi kana maghanap ng kapalit ni Mama kahit nasa langit na siya.

Owen: *Ngumiti na lang siya*

*Sa kalagitnaan ng panonood ay nakatulog si Angeline at napatulog ss binti ng Ama*

Owen: Jel, hinding hindi kana iiwan ni Papa kahit kailan. *Sabay halik sa noo ni Jel*

Reyana: Jel? Jel? Jel?

Owen: Reyana?

Reyana: Nakatulog na pala si Jel.

Owen: *Binuhat si Jel at ihiniga sa sofa*

Reyana: May kailangan kapa ba Owen? Dun na muna sana ako sa taas.

Owen: Pwede ba kitang makausap?

Reyana: Osige kukuha lang ako ng tubig ha. *Tumalikod at naglakad papuntang kusina*

Owen: *Sinundan si Reyana at niyakap ito* Reyana, I'm badly inlove with you and I can't explain why.

Reyana: Owen. *Sabay kalas sa pagkakayakap ni Owen* Hindi pwede, itigil na natin to. Pigilan na natin ito Owen.

Owen: Bakit ba kailangang itigil? Pigilan? Bakit?

Reyana: Kasi ayaw ni Jel na magkaroon ng ibang taong papalit sa mama niya.

Owen: Pero mahal kita. Mauunawaan din tayo ni Jel hindi man ngayon.

Reyana: Owen naman, kilala ko si Jel kapag yun ang gusto niyang mangyare yun ang mangyayare at kapag ayaw niyang mangyare hindi yun mangyayare! Hindi mo pa kilala si Jel, bago mo sabihin sa kaniya na mahal mo ko mahalin mo muna si Jel. Bumawi ka muna sa anak mo yun na lang muna ang isipin natin ang isipin mo.

Owen: Pero paano tayo?! Paano ka?!

Reyana: Hindi na mahalaga yun ang mahalaga. Tuluyan ng maging okay kayo ni Jel yun muna ang unahin natin.

Owen: *Niyakap muli si Reyna* Mahal, maghihintay ako hangga't maging pwede na. Sana kapag pwede na pwede pa. Sana kasama kitang maghintay mahal.

Reyana: Mahal kita yan lang ang sigurado ngayon pero ang sinasabi mong paghihintay tila malabo. *Sabay kalas sa yakap ni Owen*

Owen: Mahal kita! Mahal mo ko! Bkit hindi pwedeng maging tayo?!

Reyana: Dahil nasa mali tayong panahon nasa mali tayong pagkakataon.

Owen: Maling panahon?! Maling pagkakataonn??

Reyana: Panahong kahit kailan hindi magiging sapa't na mahal natin ang isa't isa, ang pagkakataong meron tayo ay pareho tayong nasa maling sitwasyon. Tatay ka at ako ang nakapatay sa Ina ng anak mo. Kaya hindi na ako magtataka kung miski si Jel may hinanakit sakin. *Sabay niyang iyak*

Owen: *Niyakap si Reyana* Alam kong hindi madaling maghilom sayo ang lahat pero ang paulit ulit na sisihin ang sarili mo sa pangyayaring hindi mo naman gustong mangyari ay isang kahibangan lamang. Hayaan mong buuin kita, hayaan mong makasama mo ako sa paghilom ng sugat mo kahit sa patagong paraan. Muli kitang tatanungin Reyana. Mahal mo ba ako?

Reyana: Kahit kalaban natin ang mundo! At kung malaya ka lang kung pwede lang isisgaw ko sa mundong mahal kita.

Owen: *Hinalikan si Reyana*

*Slowly kissing*

MY ONE LONG LAST (COMPLETED)Where stories live. Discover now