Chapter 1

216 2 0
                                    

"Hey babe, are you busy tonight? Would you mind if we will go out for a while?" yan ang sabi ni Zeno sa akin

"Sure thing babe, wala din naman kasi akong ginagawa dito sa bahay. ako lang mag-isa. umalis kasi sila dad and mom for some business matters. " I replied.

.......VERONICKA ANNE NIOMA.......

Hey! ako pala si Nicka, short for VERONICKA ANNE NIOMA. 15 years old po ako at nag-aaral ako sa isang sikat na School na ang nagmamay-ari ay ang bestfriend ng Mommy ko, sa AJA Academy. i forgot kung anong ibig sabihin  nun, parang yun ngalan ata ng anak ng bestfriend ni Mommy. So  balik tayou sa story ko. Si Zeno pala ang one and only forever of my life koh...1 one year pa lang kami pero alam ko na siya na talaga. Lahat ng mga good things na hahanapin ng isang babae sa isang lalake ay makikita mo kay Zeno. Gwapo, matalino, matangkad, mabait at mayaman pa. San ka pa? all-in-one na dba? So ang mommy and daddy ko pala ay may business, isa sa mga pinakamalaking companies here in the Philippines and around Europe. Pero kahit palagi silang busy ay hindi sila nawawalan ng time sa akin. One and only child kasi ako.

.........................................................................................................................................................

SA MALL!

Nakita ko na na nag-aabang si Zeno sa akin.

"Babe, kanina ka pa?" tanong ko agad sa kanya.

"ahh, oo, heheh,, ok lang your worth to wait naman." sabi niya iyon sabay kiss sa cheeks ko. Ang sweet talaga niya.

Nag-ikot ikot lang kami. pagkatapos namin bumili ng mga damit ay dumeritso kami sa paborito naming restaurant ang THE LIGHTNING THIEF!

Pumasok agad kami at umupo sa isang table at umorder ng paborito naming lasagna and a large sundae for the both of us. Pagdating ng waiter ay agad kaming kumain. Pero napansin kong parang may pinagkakaabalahan si Zeno, text lang ito ng text, kaya tinanong ko...

" 'no gingawa mo?" -ako

" ahh,,.. wala ano ka ba, nag text lang si Dharon.. tinatanong nila kung sasama ba ako sa kanila nila ni Jayman. Pero sinabi ko na may date ako kaya hindi pwede." -Zeno

" ahh, okey. sweet talaga ng babe ko. *tsup* " sabay kiss ko sa cheeks niya, pero wala siyang reaksyon doon. Ewan ko ba kung bakit. Pero never mind na nga lang.

At pagkatapos noon ay umuwi na kami at hinatid niya ako. Hindi na siya pumasok sa bahay dahil gabi na daw at malayo pa naman daw ang bahay nila dito sa amin....

Kaya ayon.  Umuwi na siya pero nagtaka ako dahil kapag nagkakahiwalay na kami ng landas ay palagi niya ako sinasabihan ng i love you, pero ngayon bakit wala?

Ahhhh,,, Baka napagod lang yun Nicka. 'Wag kang mag-alala.. Mahal ka nun.

At dahil weekend ay lumabas kami dahil natural wala namang pasok . ' yun, napapasyal lang kami sa mga park at mga mall. 'yun lang ang ginawa ko nung weekend.

My Attractive Devil FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon