Kyle smells something FISHYY

134 2 0
                                    

~Author's Note: HEHEHHEHEHEHE oh diba, nag update ako. =))) This chapter will be Kyle's P.O.V =)) Di niyo kilala? Problema niyo na yun. Joke. Si kyle yung bestfriend ni Max. :D

~Kyle's P.O.V 

Hmmm, napaka boring talaga ng school na ito. Tapos na yung mga exciting activities na inaabangan ko, kabanas. Sana naman may bago silang even na gawin. I mean, who doesn't love school events anyway? Walang lessons. Puro gawa lang. Parang free time. Pwede bang hindi pumasok. Oh diba, ang saya?

Ang problema lang eh, tamad ako. Nakakatamad kayang gumawa ng mga props para sa mga events. Nakakapagod pa. Edi sana kung yung pagod na yun eh nagamit mo sa pagtratrabaho, nakakita ka pa ng pera.

I know, I know. Napaka bipolar ko. Hindi niyo naman ako masisisi. At, hindi lang ako ang nagiisa. :P

"PAKSHET NA BREAST BINDING TO!!!" Sigaw ng isang.... babae? huh? 

Dali dali kong sinundan kung saan nanggaling ang "GIRL" voice na yun. Nakaka curious. Bakit may bose ng isang babae dito sa all boys school na to? Teacher kaya yun? Janitress? Pero hindi eh. Parang hindi. Parang may MALI.

"ARGHHHHH MATANGGAL KA NANG PESTE KA!!" Sigaw ulit ng babae. Aha, nasa cr ng boys na abandonado. Wait, bakit nandun siya? Hm... 

..

..

..

Pagbukas ko ng pinto.... may nakita ako.... babaeng... maikli ang buhok na... kinakalikot yung benda na nakabalot sa dibdib niya... nakatalikod siya....

"Um.... TRESSPASSER?" Sigaw ko. Holy mother effin' shit. What the pakers. 

"KYLE?!" Sigaw ni... SAM. Oh my god.

"SAM?!" Sigaw ko naman habang gulat na gulat sa aking nakita. Gulat? Hindi ko alam kung gulat nga eh. Parang mangha. 

Dali daling tumakbo papunta saakin si Sam sabay sinara agad ang pinto at ni-lock ito. Nagtitigan kami. Ako naman ay tinitignan ang katawan niya. Wait, kelan pa naging mala babae ang boses ni sam? At kelan pa nagka sugat ang dibdib niya? 

"Para san yang benda, sam? Anong trip yan?" Tanong ko sakanya habang nakangiti.

"Wag ka ngang ngumiti, muka kang reypis." Sagot naman ni sam habang sinusuot ang kanyang hawak hawak na t-shirt.

"Ako pa mukang reypis ngayon ah? Eh ikaw nga mukang prostitute. Tsaka yang katawan mo, pang babae. At yung sigaw mo kanina, parang babae." Sabi ko sakanya.

Nagiwas ng tingin si sam. "Sorry naman." 

Nilapitan ko siya. "Sam, isang tanong, isang sagot. Bakla ka ba?"

Tinignan niya ako... at biglang tumawa ng sobrang lakas. Huh? May gana pa siyang tumawa?

"Hindi no! Ano ba, baka nagkamali ka lang ng rinig ng boses. At yung benda, para sa sugat ko yun sa likod ko."

Ngumiti ako at napatango. "Ahhh, okay. Eh anong ginagawa mo dito? Inaayos yang benda mo? Bakit dito pa? Pwede namang sa hindi abandonadong banyo."

Tinignan niya ako ng masama. Wow ah? Galit epek?

"Eh kasi gusto ko dito. Why do you even care, anyway?" Mataray na tanong niya. 

"Taray mo. Sige, sige, tapusin mo na yang pagaayos mo ng benda at ako naman at ipagtutuloy ang aking pagmumuni muni." Sagot ko sakanya at tuluyan na ngang lumabas.

..

..

..

Hmmm, this is what I needed. Fresh air. Joke, fresh air? Ano daw.

Pero, ang weird. Bakit dun sa may benda eh parang may umbok na ewan? Ano yon, foam? Pero kung foam man yun, bakit kailangan ng ganun ni Sam? Eh yung sugat niya nasa likod.

Tapos yung boses niya talaga. Hinding hindi ako magkakamali. Alam kong sakanya nanggaling yung babaeng boses. Pero bakit niya itinatanggi?

Hmm, I SMELL SOMETHING FISHY.

[ EDITING ] The Love Cupids in an All Boys SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon