Owen: Oo anak, babawi ako sayo. Babawi ang papa mo.

Angeline: Pangalawa, ayaw ko na po ulit mawala kayo sa tabi ko. Dahil hindi ko na po kakayanin ang mawala kayo ulit.

Owen: Oo anak, hindi na ako aalis sa tabi mo kahit kailan.

Angeline: Ipangako mo sakin Pa? Please?

Owen: Pangako anak, pangako. *Sabay yakap kay Jel*

Angeline: Pa, ang ikatlo ko sanang hiling,

Owen: Hmm?

Angeline: Ayaw kong magkaroon kayo ng relasyon ni Mame Reyana.

Reyana: *Nagulat at unti unti muling napaiyak*

Owen: *Napatingin kay Reyana*

Angeline: Pa, please kung gusto mo talagang mapatawad kita susundin mo lahat ng kahilingin ko. Mame please?

Reyana: Oo naman anak. *Sabay ngiti at pinigilan ang luha* Pagbibigyan ka ng Papa mo. Gagawin yan ni Owen. Diba Owen?

Owen: *Umiling si Owen*

Reyana: Owen, *Pinpigilan ang pag-iyak at pinilit na ngumiti* Congrats mapapatawad kana ng anak mo.

Owen: Reyana...

Reyana: Alam ko alam ko. *Unti unti ng pumatak ang luha niya* Owen, thank you sa lahat.

Owen: Jel?

Angeline: *Nakatungo* Bakit po?

Owen: Pwede bang iwan mo muna kami ni Reyana? Kailangan lang namin mag-usap. *Pumapatak na din ang luha*

Lea: *Umiiyak*

Owen: Lea? Pwede bang sa pumasok na kayo sa loob ni Jel.

Lea: Osige Jel. Tara na?

*Pumasok sina Jel at Lea sa loob ng bahay*

Owen: Reyana. *Sabay yakap kay Reyana*

Reyana: *Patuloy pa din sa pag-iyak* Narinig mo naman siguro ang sinabi ni Jel diba? *Patuloy ang pagngiti para pigilan ang luhang pumapatak sa kaniyang mga mata*

Owen: Reyana, kaya kong ibigay ang lahat pero hindi ko kayang isuko ang pagmamahal ko sayo.

Reyana: Pero Owen, siguro hindi talaga ito yung nakatadhana para sating dalawa.

Owen: Reyana please noooo. Reyana. *Sabay yakap ng mahigpit kay Reyana*

Reyana: Bitawan mo na ako Owen. *Sabay muling ngiti*

Owen: Huwag mo kong layuan, hindi ko kakayanin.

Reyana: Hindi naman kita lalayuan e hahaha. Araw-araw pa nga siguro tayong magkikita, pero yung relasyon natin hindi na talaga pwedeng magpatuloy.

Owen: Reyana naman, walang sukuan, Reyana. *Sabay hawak sa kamay ni Reyana habang bumubuhos ang kaniyang luha*

Reyana: Owen, tama na.

Owen: Hindi, Reyana hindi please.

Reyana: Tanggapin na lang natin ito Owen, hindi tayo pwede.

Owen: Hindi ko kaya. *Umiiyak at hawak ang kamay ni Reyana*

Reyana: Kayanin mo, kakayanin natin. *Sabay tagtag sa kamay ni Owen na nakahawak sa kamay niya* Siguro mas mabuti kung magiging magkaibigan na lang tayo. Mas maapapalaki natin ng tama si Jel diba? *Pinilit niyang ngumiti at patuloy sa pag-iyak*

Owen: *Niyakap si Reyana*

Reyana: Salamat sa lahat Owen, maraming maraming salamat sa pagpapasaya sakin. Sa pagpaparamdam nang tunay na pag-ibig na kahit kailan hindi ko naramdaman sa ibang tao. Nagpapasalamat ako at nagkaroon ako ng pagkakataong mahalin ka at makasama ka. Siguro hindi Pa tayo ang para sa isa't isa.

Owen: Hindi ako naniniwala,  Reyana please wag ganito please.

Reyana: Salamat sa lahat. *Sabay awit sa kant* Ikaw ang tunay na ligaya tanging ikaw sinta sa hapon at sa magdamag tanging ikaw sinta hindi magsasawa sa piling mo.

Owen: *Sabay din niyang awit*
Kilangan ko'y ikaw dito sa piling ko, kailangan kong madama ang pag-ibig mo.

Reyana: *Sabay muling awit ng* So before I let you go I want to say I loveyou. *Sabay halik sa noo ni Owen.  At naglakad palalayo kay Owen*

Reyana's Pov
*Naglalakad pa din papalayo kay Owen* Ang sakit sakit magpaalam sa taong mahal ko. Pinipilit ko na lang ngumiti para mabawasan ang pangamba niya para di na tumulo yung luhaa ko pero deep inside para na akong namamatay ang sakit at ang hirap hirap pero kailangan ko na siyang pakawalan para sa ikakabuti ng lahat. *Sabay punas ng kaniyang luha*

MY ONE LONG LAST (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें