"Debate"

16 0 0
                                    

"May dalawang uri ng tao pagumiibig. Una ay yung taong ipaglalaban yung pagmamahal nila para sa isang tao. Pangalawa ay yung taong kayang magpaubaya para sa mahal nila." Sabi ni Ma'am Jennie.

Pagkatapos ko marinig ang sinabi ni Maam ay lumingon ko sa direksyon niya. Tahimik siyang nakikinig kay Maam. I wonder...sino ka kaya duon sa dalawang taong yun? Kung sasabihin ko ba na gusto kita ipaglalaban mo din ako?

Siya si Tyrone Mendez. Isa sa mga pinaka-pogi at pinakamabait na lalaking student dito sa School. Gusto ko siya since first day. Ewan ko ba anlakas kasi ng charms nitong lalaking toh.

"Gusto ko marinig ang mga opinyon ninyo sa paraan ng pagdedebate. Girls and boys piliin niyo na ang mga representative ninyo."

Hindi na ako nakigulo sa mga classmates ko. Alam ko naman na ang pipiliin nila ay Si Cindy. She is everyone's favorite. Syempre maganda,mahinhin,matalino, at kung ano ano pang magandang traits. Wala naman akong pake kaya nagdoodle na lang ako.

"Ok class, Sino ang representative ng boys?"

"Ma'am si Tyrone po! Yes par galingan mo ah!"

Sinabi ko bang wala akong pake? Ngayon meron na. Wahh si Lalabs ko lalaban. Andaming weird thoughts ang naiisip ko. Paano kung maging sila ni Cindy!? Waah wag naman sana.

"Tyrone dito ka na sa harap." "Girls Sino ang sa inyo."

"Ma'am si Ashley po!! Hehe sorry Ashley hindi namin sinabi!"

Nagulat ako Si Bev nagsabi. Si Bev or Beverly ay bestfriend ko. Nakita kong nangunot ang noo ni Cindy. Syempre alam mong ikaw ang lalaban tapos pinalitan ka. Shock pa din ako patay 'to saking babaeng 'to. Pero thank u pa din hehe.

"Ashley punta ka na din dito sa harapan."

"O-ok po Ma'am" Kinakabahan talaga ako ikaw ba naman labanan mo yung crush mo eh.

"Alam niyo naman na kung ano ang topic hindi ba?" -Ma'am

"Kay Tyrone ang ipaglalaban ang minamahal. Sayo naman Ashley ang magpapaubaya. Understood?" - Ma'am

"Opo" Sabay naming sabi.

"Toss Coin or Bato bato pick?"

"Bato bato pick nalang po Ma'am." Suhetsyon ni Lalabs.

"Oh sige ang mananalo,siya ang pipili kung sino ang mauuna."

Nag-bato bato pick na nga kami. Ang malas ko at ako ang talo. Pinili niya ako(charot). Pinili niya akong mauna. Kinakabahan talaga ako.

"Bago ang lahat. Meron tayong kaunting patakaran. Bawal ang bad words. Kahit b*b* pa yan bawal! Walang oras kaya free kayo sagutin ang kalaban pagkatapos nila magsalita. Yung lamang proceed."

"Para sa akin mas maganda nang magpaubaya kesa lumaban. Kasi kahit ipaglaban kita hindi ka din naman sasaya. Magpapaubaya na ako kasi kahit gawin kitang mundo ko...hindi naman ako yung mundo mo." Hindi ko alam kung saan nanggaling yung sinabi ko, maybe from the deepest part of my heart? Ay ewan.

"Sa aking pananaw mas mabuting lumaban kesa magpaubaya. Kasi kung ipaglalaban kita baka ipaglaban mo din ako. Atlis masasabing kong sinubukan ko hindi yung aatras agad ako. Ipaglalaban kita kahit hindi mo ako ipaglaban. Ipaglalaban kita hanggang sa ipaglaban mo ako. Ipaglalaban kita para ako naman yung maging mundo mo."

"Sana lahat kayang ipaglaban yung mahal nila... Ikaw kasi kaya kong magpaubaya para sayo. Magpapaubaya na lang ako kasi yun ang alam kong mas makakabuti sayo. Magpapaubaya ako kasi mahal kita Tyrone... Masakit man na makita ka sa piling ng iba. Titiisin ko para sayo kaso mahal kita eh, kaya nga ako magpapaubaya." halaaaaa kinakabahan ako kasi sinabi ko yun. Masakit mareject pero ok lang para sayo lalabs.

" *nagblush* Sana lahat kayang magpaubaya. Sorry Ashley 'di ko kayang magpaubaya eh. Kaya lang kitang ipaglaban. Kaya sana 'wag mo akong ipaubaya sa iba. Kasi kaya naman kitang ilaglaban at sayo lang naman ako sasaya eh *winks* "

Ang ingay ng mga classmates ko. Puro kantyaw sa amin. Pero sakanya lang ako nakatingin at nakangiti pa ito sa akin. Mas lalo akong naiinlove sa kanya.

Inakbayan niya ako pagkatapos niyang sabihin yun. Loading pa din ako. So gusto niya din ako? Kinikilig ako. Wahhhhhhh

"Oo gusto di kita Ashley at kayang kaya kitang ipaglaban."

A/N: Sana magustuhan niyo mga nekos hehehe

Sana AllWhere stories live. Discover now