First

9 0 0
                                        

8:00 am. Konting tiis na lang, makalalabas na ako sa classroom na ito.

Habang nage-explain si Prof. Spain sa harap namin. I'm on my usual seat– pinakadulong upuan. Walang nakakausap, walang kasamang gagawa ng projects at walang kasabay kumain. But I liked it that way. I like isolating myself, I like going out alone. I like eating alone. Solitude it is. I like the air I'm breathing, 'Yong tipong wala kang kasalo, ayos na ako d'on.

8:15. 15 minutes na lang. This has been my routine every time na papasok ako sa classroom; babantayan ang oras at unang lalabas. None of my classmates get too close to me, kung may kakausap man, tinatapos ko agad ang usapan.

"Okay, class. You may now proceed to your next class. Don't forget to read the First language acquisition and Second language acquisition. We'll have oral recitation next meeting. Have a great day."

Pagaanunsiyo ni Prof. Lagi rin siyang ganiyan, kakaiba sa ibang prof namin. Si Sir, ahead of time naga-annouce ng mga future activities and all. Yung iba naman, bigla-bigla na lang nagpapaquiz.

"Lory, nahulog mo." Nilingon ko ang kaklase kong lalaki, hindi ko naman alam pangalan no'n kaya nagulat ako nang kausapin niya ako at alam niya ang pangalan ko. Tinignan ko ang hawak niya, nang napagtanto kung ano iyon ay bigla kong kinuha at umalis.

Gash! Baka isipin no'n na ang weird ko. Paano ba naman kasi, sa dami-dami nang pwedeng kong mahulog yung Parchment pa ba 'yon. Hindi man lang ako nagpasalamat. Baka nabasa pa no'n laman nito, e.

Lory, ang tanga mo naman.

Sinubukan ko na lang na ilihis 'yong nangyari kanina.

9:30, next class. Nakahinga rin nang maayos. Babalik na ako sa madalas kong pinagtatambayan. Sa likod ng College building ko.

Walang tao, as usual. Sophomore na ako sa university na ito, pero hindi pa talaga ako nagkaroon ng totoong kaibigan na makakasama ko lagi. And the weird part here is that I don't find if alarming. I love it, actually. Again, I love isolating myself.

Dito na rin ako kakain, dito na rin ako gumagawa ng projects, nagrereview at nagbabasa. But most of the time, I listen to music here. Tahimik ang lugar, madaming puno kaya hindi mainit. It's so refreshing. Kahit may limang benches dito, wala pa ring may gustong tumambay dito kasi nga they find this place too boring and creepy.

I'm not antisocial, I simply consider myself a loner. May mga times naman na gusto kong kumausap ng ibang tao, but the way they speak and the way they showcase themselves, natatakot ako. They're too careless, while I'm too careful. Their judgments aren't fair, kaya mas gugustuhin ko na lang mag-isa.

"Lory,"

Nilingon ko kung kaninong boses iyon. To my shock, it was the same guy who handed me my parchment. I'm doomed. Why can I not speak back?

"Oh. Sorry, do I make you feel awkward?"

"Ahh. Yeah – I mean, No. Hindi. May kailangan ka?"

Bakit ba ako nabubulol?

"Nothing. I just noticed your alone here. You won't mind if I'll sit here?"

What was this guy playing at?

"Hindi naman. It's okay."

"Thanks."

I eyed him curiously, ano bang ginagawa nito dito? Baka talagang may nabasa 'to. Ang tanga ko talaga. Hinayaan ko na lang siyang maupo sa harapan ko at pinagpatuloy ang binabasa kong article na tungkol sa pinapabasa ni prof. Spain sa amin.

"I'm sorry, hindi ko sinasadyang nabasa 'yong papel kanina. Nagtaka lang ako kung kanino ba iyon. Nagmamadali ka kasi, I didn't really intended to read whatever is there, I was looking for the owners name and found out it was yours. But the content bothers me, Lory."

Nagulat ako sa sinabi niya. Tinignan ko siyang muli at nakikita ko sa mga mata niya ang pagtataka.

Natatakot ako, kinakabahan.

"Why do you want yourself, dead?"

The Undead's Dead StoryStories to obsess over. Discover now