"I'm sorry, Claire. I really can't do this whole relationship thing right now,"
Agad na lumapat ang kamay ko sa kanang pisngi niya habang parang baha na umaagos ang luha mula sa mga mata ko. Hindi ko parin maintindihan. I thought we were something! Pinaasa lang pala ako ng hayup na 'to! At ako namang si tanga, umasa talaga! Pinaghahampas ko pa siya but all he did was say 'sorry'. As if it would make everything okay. As if it would lessen the pain I'm feeling. Ang sakit!
"You asshole! You lead me on! I believed you! I believed in your sweet gestures! I...I...ewan! Hayup ka! Naniwala ako!" Umiiyak na sagot ko sa mga walang kwenta niyang sorry. Pano niya nasasabing mahal niya ako when what he's doing right now says otherwise?! Pinagmumura ko pa siya sa salitang Tagalog, wala na akong pakialam kung hindi niya ako naiintindihan.
Tahimik akong nagtatrabaho sa ospital tapos bigla niya akong lalapitan at patatawanin. Papakitaan ng mabuti. Aayain lumabas at manood ng sine. Nag-kiss na kami, nag-sex! He is my first but I didn't care! Kahit walang label, I never cared! Because I thought, label wasn't an issue here in California at lalo na sa kanya. I thought we didn't need that for us to be an 'us'. Kasi lahat ng ginawa namin. Lahat 'yon akala ko may pagmamahal. Pero p*ta! Ano to?!
"I'm really sorry Claire,"
Paulit-ulit akong umiling.
No. It wasn't enough.
Sabi ni mama, kapag humingi ng tawad, patawarin ko raw, dahil mahirap daw humingi ng tawad at umamin sa pagkakamali. Kahit nga raw hindi pa hinihingi, dapat ibigay ko pa rin ang kapatawaran, dahil lahat daw ng tao, deserve 'yon. But I can't. Hindi ko kayang patawarin ang isang gago na tulad ni Theodore. Not when I know, I gave him my all. I can't. Ang hirap!
. . .
"Sigurado ka na ba dito Claire? Hindi ka man lang ba muna magpapakita kay Theo? At least let him know?" tanong sa 'kin ni Cecil.
Tumango lang ako sa kanya dahil baka maiyak lang ulit ako kapag nagsalita pa ako. It's been a week pero umiiyak parin ako. Nakakapagod na.
Three days after the incident with Theodore, I resigned sa ospital na pinagtatrabahuhan ko. I can't stand the sight of that place. It reminds me of all the shits he made me believe, and it's not helping me. Lalo lang akong nasasaktan. Mas mabuti siguro kung uuwi nalang ako sa Pilipinas.
"Claire, he has the right to know about-"
"No. He has no fucking right on my baby," madiin kong putol sa sinasabi niya. It's not as if he loved me. Baka itakwil niya lang yung anak ko kagaya ng patanggi niya sakin. I'd never want that for my child.
"Fine, fine. Take care then and I hope you stop crying over that guy soon," she then said instead, dismissing the topic. "I-kamusta mo nalang din ako kina Tita Eva at Tito Oscar ha." Na-sense niya siguro na hindi ako magiging matinong kausap kapag yun ang topic namin.
Ilang sandali pa ang lumipas at nag-decide na akong pumasok sa airport at mag-check in. Cecil and I hugged for the last time, then I waved at her while muttering 'bye'.
Habang naglalakad ako papasok sa eroplano, I caressed my tummy.
Baby, we're going home.
YOU ARE READING
PERFECT PORTRAIT
RandomNang nalaman ni Claire na walang balak si Theo na totohanin ang relasyon nila, she decided to leave him without telling that she was pregnant with his child. She resigned from her work and returned to the Philippines for good.
