Pagkatapos magkita nila Jade at Althea sa isang LGBT parade ay nag desisyon silang kumain na muna sa isang restaurant na malapit sa pinangyarihan ng event, todo tukso naman ang magkasintahang Wila at Batchy sa dalawa habang si Miggy ay tuwang-tuwa sa muling pagkikita nila ng mommy Jade nya..
"mommy Jade, akala ko po di ko na talaga kayo makikita, sobrang saya ko po talaga na kayo na ulit ni mama Althea" sabi ni Miggy
"Miggy, di naman kayo nawala sa puso ko eh, may mga bagay lang talaga na dapat ayusin ni mommy jade noon kaya matagal akong nawala sa tabi nyo ni mommy Althea mo. Hayaan mo, simula ngayon di na ako mawawala sa tabi nyo okey?" ngiting sagot ni Jade sa bata
" at hinding-hindi na ako papayag na mawala ka pa sa amin lovelove, mahal na mahal ka namin ni Miggy Jade" sabi ni Althea
" ano ba kayo, mamaya na nga muna kayo mag drama, kumain na muna tayo, nagugutom na tong pangga ko oh" sabi ni Wila habang yakap si Batchy
"oh ayan na pala order natin!" sabi ni batchy"
Masayang silang nagkwentuhan habang kumakain tungkol sa mga nangyari na di sila magkasama dalawa, pagkatapos ay nagpasya silang umuwi na pra makapagpahinga, dahil napagod sila sa kakalakad kanina sa parade..
Hinatid ni Jade sina Althea at Miggy sa tinitirhan nito para malaman na din nya kung saan ito nakatira, dahil simula nung nagkahiwalay sila, di pinaalam sa kanya ang bahay nito dahil sa takot na rin ni Althea sa pamilya ni Jade, pero ngayon wala ng rason para magtago pa si Althea, sigurado na silang dalawa na kakayanin nilang magkasama ang mga pagsubok na darating pa..
Umuwi si Jade na may ngiti sa mga labi, di nya maitago ang saya nya dahil sa wakas, nagkabalikan na sila ni Althea, di na nila kailangan magtago para maprotektahan ang relasyon nila, sigurado na syang di na tututol ang dada nya sa mga desisyon nya sa buhay, alam nyang di pa totally tanggap ng dada nya kung ano sya, pero nangako naman ito sa kanya at sa mama nya na di na sya gagawa ng kahit ano na makakasakit sa kanila ni Althea..
"hello mama!" bati ni jade sa mama nya na suot pa din ang magandang ngiti sa labi..
"oh anak anjan kana pala, kumusta lakad mo at bakit parang ang ganda yata ng ngiti mo ngayon, may nangyari ba anak?" tanong ni Amanda sa anak..
"uhmm.. Ma, nagkita po kami ni Althea kanina sa parade.. and guess what, nagkabalikan po kami, and I'm so happy that finally di ko na kailangan magmukmok sa kwarto at maghintay kung kailan babalik sa Althea" ngiting sagot ni Jade sa ina..
"good to hear that anak! Ano, kumusta na si Althea? I'm so happy for you Jade, imbitahin mo sa Althea dito bukas for dinner, para naman makapahingi ako ng tawad sa kanya sa lahat ng nagawa ko sa kanya noon anak, sasabihan ko dada mo" sabi ni Amanda sa anak
Tumango lang si Jade sa ina, at nagpaalam na itong umakyat ng kwarto pra ibalita sa Amang niya ang nangyari..
Nag ring ang cellphone ni Jade ng papasok na sana sya sa kwarto ng Amang niya, napangiti siya ng mabasa kung sino ang tumawag...
"hello lovelove! Namiss mo yata ako agad" sabi ni Jade sa nobya
"I just want to check kung nakauwi ka na ba love?" sagot ni Althea
"ah oo nga pala, kanina pa ako nakauwi love, sorry kung di ako nakatawag agad.. Kinuwento ko kasi kay mama na nagkita tayo"
"oh talaga? Ano sabi ng mama mo?"
"iniimbitahan ka nya bukas for dinner love para naman daw makahingi sya ng tawad para sa mga nangyari noon, I hope di ka tatanggi please?"
"ahmm.. pag isipan ko muna love okey?"
"Althea, are you still afraid kay dada? He promised me na hindi na sya mangingialam sa desisyon ko, and love I can assure you na di kana masasaktan okey? Please love" lambing ni Jade sa nobya
"aysus, hmm sge na nga. Pupunta ako jan bukas mga 6pm?"..
"really? Ahw.. Thankyou love, sige sige i'll pick you up tomorrow okey? Para sabay na tayo dito bukas"
"hehehe, okey lovelove.. I love you Ms. Jade Tanchingco"
" I love you too Ms. Althea Guevarra"
"Jade, is that Althea?"
Nagulat si Jade sa biglang tanong ng dada nya na di nya namalayan na nasa likod na nya pala....
(hello guys! So ayun.. Ginawan ko na ng karugtong yung ending ng THE RICH MAN'S DAUGHTER.. HOPE YOU LIKE IT GUYS! and sorry sa mga mali kung meron man, kasi first time ko po mag sulat.. Hehehe GodBless and enjoy reading 😘🌈) abang-abang po tayo sa next part 💜
YOU ARE READING
THE RICH MAN'S DAUGHTER (karugtong)
RomanceHi guys, i wrote this story for the hopia kids out there na nabitin sa telebabad na THE RICH MAN'S DAUGHTER 😉 hopia like it 💜
