Kabanata 1:Ship

11 7 1
                                    

June 26, 2013

Malayo ang tingin ni Jhainhnine habang nagpapaalam sa ate niya na si Keishia. Sampung taong gulang pa lamang si Keishia at may bumalak na kuhain siya at sponsoran ang kanyang pag-aaral sa Manila. Kakilala ni Alfredo- tumatayong ama niya- ang kumukuha kay Keishia kaya hinayaan niya itong makaalis.

Malapit na kapatid ni Jien si Keishia kaya ganoon na lamang ang lumbay nang aalis na si Keishia sa kanila.

Ang daming tanong na nasa isip niya katulad ng "S'an kaya pupunta si ate?", " Bakit kaya kailangan pang umalis ni ate?", "Bakit kailangan pa akong iwan ni ate?"...

Naramdaman niyang may namumuong luha sa mga mata niya kaya kaagad niya itong pinunasan.

"Jien, babalik rin naman ako kaagad. Wag ka nang umiyak para papasalubungan kita ng maraming chocolates, ok ba yun?" Niyakap siya ng mahigit ng ate niya at pagbitiw nito ay sumama sa isang pamilyar na babae.

Unti unting nanlabo ang paningin niya, marahil sa namumuong luha sa mga namumulang mata nito.

"Atee..." ito ang huling katagang binitawan niya saka siya inuwi ng kanyang ama.

September 5, 2019

"Happy Birthday ate Jien!!" sabay na bati sakin nina Natasha at Seaiden.

"Thankyou Asha, thankyou Deng." Ngingiti kong sambit at tinanggap ang mga nakalahad nilang regalo para sa akin.

"Male-late na kayo,pumasok na kayo at kunin ang baon sa may lamesa. Mag-ingat ha." Nagpaalam rin sila at nagtungo na sa eskwela.

Dumungaw ako sa may bintana at tumingin sa kalangitan.
"It's the 6th time..." napabuntong- hininga ako at ngumiti ng mapait. Pagpasok sa BNHS, dumiretso ako sa room namin kung saan nagaabang si Vieronnhica.

"J! Hababuuu baklaaa!" patiling bati nito saakin.

"Ang ingay mo V." naupo ako sa tabi niya at dumukdok sa desk.

"Hoy J, wag mong sabihing iiyak ka nanaman diyan at magmumukmom ka kung bakit iniwan ka niya?" Anagtaas ako ng tingin sa kanya at ngumiti.

"Hindi noh, ano ka ba tanggap ko na, Keishia won't come back to us kahit na magmakaawa at umiyak ako sa harap niya."sabi ko. Ngumisi lang siya.

Ever wonder kung bakit V at J ang tawag namin sa isa't isa?
Simply the first letter of our name na kahit kami ay hirap sa pagbigkas ng tama.

"J, may 2 months vacation tayo...luwas tayo sa maynila, ako ang magpapaalam sa iyo kay tito." Ani V.   " I'll try--"hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa pumasom na ang prof namin na si Professor Hernandez.

Umupo s tabi ko si V at sa kabilang side ay si Kaifer Le'Mamuivos, my suitor.

Sinubukan kong ituon ang aking atensyon sa discussion pero di mo maiwasan na magisip...Pano kapag nagkit kami ni Keishia sa Maynila.

I was too preoccupied na halos wala nang pumasok sa utak ko na lessonnamin.

Pagkatapos namin magschool ay diretso ako sa bahay para makapagpaalam kay papa na aalis papuntang maynila.

"Uhm...Papa, pwede po ba magtanong kung...may 2 months vacation po kami, gusto po sana namin ni V na pumamaynila kung papayag kayo?" Bahagyang napatango si papa.

"Tutal hindi ako nakabiling regalo para sayo, sige... pero dalawang buwan lang at walang lalaki Jien." Ani papa.

Halos magtatatalon ako sa tuwa at nagimapake hanggang sa dumating si V para sunduin ako. Barko ang sasakyan namin. Limang oras ang biyahe dahil malayo ang Baileryan sa siyudad.

Sinama ko si Cherry ang pusa ko at isinilid siya sa cat box niya.Nagpaalam ako kay Papa, Asha at Seaiden nang paalis na ko.

Pagtuntong namin ni V sa barko ay natulog kami sa silid na binayaran namin.

Maya-maya ay nagising ako sa gutom kaya napagpasiyahan kong lumabas at bumili ng makakain sa foodstall habang nagchacharge ang phone ko. Bumili ako ng tinapay at juice. Tjirty minutes nalang siguro ay dadaong na ang barko.

Habang naglalakad ako ay nabundol ako ng isang lalaking nakaheadphones at nakapikit na akala mo eh may ari ng buong barko.

"Tang...i....na." napasinghap ako pero tinaasan niya lang ako ng kilay at dumiretso sa paglakad.

"Thankyou haa!" I sarcastically said pero liningon niya ko at sinagot ng "You're welcome." At nagpatuloy sa paglakad, bastos!

"We are about to reach our destination in 5 minutes."anang announcer, dali dali kong pinuntahan si V at ginising.

Pagbaba namin ng barko ay napangiti ako...

I hope to see her here...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 22, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her Will (Soon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon