"Hey Zyrus... may dala nga pala ako sa para sayo," inabot ko sa kanya yung isang box ng cupcakes. Alam kung gusto niya yun. Mahilig rin kasi siya sa sweet just like me.
"Thanks Keah," sabi niya at ginulo ang buhok ko.
Sinuklian ko siya ng isang napakatamis na ngiti. I love him. Alam kung alam niya... kasi nag confess na ako before. Kahit isang ngiti lang ang isinagot niya sakin ok na ako. Atleast alam niya.
"Wooa! Chocolate flavor... magugustuhan to ni Glenn,"
Napakunot ang noo ko sa binanggit niya.
"Sinong Glenn?" Tanong ko.
Mas lumapad ang ngiti niya ng banggitin ko yung 'Glenn'
"Nililigawan ko yung babaeng inaway mo before kasi natapunan ka niya ng mainit na kape,"
Biglang sumakit ang dibdib ko nung bagitin niya yung word na nililigawan. It means ba na wala na akong pag-asa sa kanya?
Pero bakit? Ano bang nakita niyang mali sakin? Top student ako, maganda kahit simple lang minsan. Saka as far as I know mabait ako wala akong kaaway sa school. Sa katunayan nga eh madaming gustong magingclose sakin. Is there something wrong with me?
"Hey ok ka lang?"
Mas lalo akong nasaktan ng hawakan niya ang kamay ko. Lagi siyang ganito, lagi niyang pinaparamdam sakin na iniingatan niya ako. Lagi niyang pinapakita sakin na mahalaga ako sa kanya. Na sa bawat oras o minuto ay lagi niya akong kinakamusta. Lagi niyang pinaparamdam sakin na napaimportante ko. Isang bagay na dapat laging ingatan. Kaya nga nafall ako diba. Kasi pinapakita niya sakin na importante ako.
"Yes," sagot ko. Habang pinipigilan ang luha na nagbabadyang tumulo.
"Teka... pupuntahan ko pa pala si Glenn. Ok lang ba na ibigay ko sa kanya tong cupcake?" Tanong niya
Tumango lang ako. Kasi kung magsasalita pa ako baka hindi ko na mapigilang maiyak.
"Ahm, Keah magbabake ka pa ba bukas? Pa bake naman oh para kay Glenn," sabi niya pa.
"Saka... antayin mo ko mamaya ha, hatid kita sa bahay niyo..." sigaw niya at tuluyan ng umalis.
Tuluyan naring tumulo ang luha. Di ko kayang isipin na may nililigawan na siya. Dati kasi lagi kaming magkasama yung tipong para na kaming mag syota. Hinahatid-sundo niya ako. Sabay kaming kumain ng lunch. Every weekends naman nasa bahay siya at nakikipagkwentuhan sa parents ko. Sabay kaming nagsisimba at after eh nanunuod kami ni sine.
Naalala ko pa nga nung pinakabest moments namin. Magkahawak-kamay kami habang naliligo sa ulan. At nung nakaramdam ako ng ginaw niyakap niya ako. And that time, I thought it's the right to confess my feelings.
Flashback
Kumalas ako sa pagkayakap ni Zyrus sakin at humarap sa kanya.
"Zy, I think I'm already fallen' for you, no... I love you,"
Nakayuko ako ng sinabi ko yun. Hinawakan niya ang chin ko at inangat yun para magkaharap kami.
He smiled at me. At nung panahong yun eh. Nasatisfy na ako sa smile niya. Kaya di na ako humiling pa ng sagot...
The next day wala namang nagbago except sa pagiging mas close niya sakin. Mas lalo niya akong pinoprotekhan
Pinunasan ko ang luha ko. That's it. I'm not too late. Kung tutuosin eh mas matimbang ako. Mas madami kaming memories ni Zyrus kesa sa Glenn na yun.
Pagkahapon ay nag-antay ako sa kanya ngunit 5:30 na ng hapon wala pa siya. Nakatanggap ako ng message na 'di niya raw ako masusundo kasi sasamahan niya si Glenn dahil may group study siya at gagabihin raw siya.
YOU ARE READING
Kathang Isip
FanfictionPara to sa mga taong minsan ay napaasa. Sa mga taong umibig ngunit 'di pinalad. Try to read this guys. Makakarelate kau... kasi ako? Yes, nagmahal narin ako... but unfortunately he love someone...that...is prettier than me.
