Chapter 9

1K 19 10
                                        

Tun's Mom: Good Morning Son! Late ka na naman gumising ah?! 

Tun: Ganito naman po ako dati ah.

Tun's Mom: Umalis na si Jo. Ikay lang ba na iniwan ka niya.

Tun: Mag-aaral pa yun.

Tun's Mom: I heard you last night. Nag-away kayo?

Tun: Ma, wala ka na dun.

Tun's Mom: Martinez, bisita natin si Jo. Dapat pinakikisamahan mo siya.

Tun: Yun naman po ginagawa ko eh. Sobra pa nga po eh. Kaso hindi ko po maintindihan kasi nagagalit ako... kasi.... (natigilan)

Tun's Mom: Napagdaanan ko na rin yan. Selos ba? Sino ba pinagseselosan mo? May right ka bang magselos? Dapat ka nga bang magselos? Ano ngayon ang resulta ng pagseselos mo?

Tun: Ma? Kailangan ba talagang marami kang tanong? Dinadagdagan mo pa yung problema eh.

Tun's Mom: Ang sinasabi ko lang naman, makipagbati ka. Ikaw din, baka maagaw pa siya sayo.

Tun: Ano???

Tun's Mom: Deny  ka pa eh. Anak ka nga ng tatay mo! Pareho kayo!! 

Tun: Ma? Idamay pa naman ang pumanaw na?

Tun's Mom: makipagbati ka ha! Kundi sa sofa ka matutulog!!

Tun: Ma??! (padabog dabog)

Tun's Mom: pag-isipan mo sinabi ko!

Tun: Opo! Alis na po ako.

Tun's POV

Pinag-iisipan ko naman talaga eh. Kaso pinangungunahan ako ng galit. Lahat na ng klaseng pag-iisip nagawa ko na. Ginawa ko na din yung ginagawa ni Jo, nag-isip na din ako sa loob ng banyo. Pero hindi ko alam kung paano ako mag-sosorry. I know kasalanan ko. Nainis tuloy ako sa sarili ko!

Sa campus... Sa food court....

Chexia: Hello? Mas malalim pa ba sa balon yang iniisip mo??

Dumating pala si Chexia?!

Tun: Oh? Nandito ka pala. 

Chexia: Pwedeng makiupo? Wala akong kasama eh.

Tun: Palagi tayong nagkikita ah.

Chexia: Destiny?? 

Biglang pumasok ng food court si Jo, kami agad yung nakita niya. Mag-isa siya at walang kasama. Palapit siya samin. Lumapit ka naman oh? Please??? 

Jo: (dinaanan sina Tun)

Ai? Ganun? Deadma lang kami?

Chexia: Si Jo yun ah!  Jo!! (pasigaw)

Pasigaw na tawag ni Chexia. Napalingon sa amin si Jo. She just smiled. I miss that smile.

Chexia: Dito ka oh. (turo sa vacant seat)

Jo: No! I'm with ....

Jo's POV

Maaga akong umalis at pumasok para maiwasan si Tun. Pero kapag minamalas ka nga naman! Kahit iwasan ko siya, nagkita pa rin kami?! Pagpasok ko pa lang ng food court si Tun agad nakita ko. And he's with Chexia. Oo na! Sila na sweet. Naglakad ako papunta sa direction nila. I really wish na tatawagin o pipigilan ako ni Tun. Pero hindi nangyari yun.  Tinawag na lang ako ni Chexia at napalingon naman ako. Niyaya niya ako na maupo sa table nila pero.....

Chexia: Dito ka oh. (turo sa vacant seat)

Jo: No! I'm with ....

Napatingin ako sa kanan, pero wala akong kasama. Napatingin din ako sa kaliwa, pero wala talaga akong paraan para magdeny. I'm really alone. 

Bryan: With me??

What? Who??? Napatalikod ako.

Jo: I'm with him. (turo kay Bryan)

Napatingin sa amin si Tun nang sinabi ko yun.

Chexia: Sino siya? Boyfriend mo? 

Napatingin ulit sami si Tun. Tingin ng masama. Nagseselos ba siya? Ang cute niya.

Jo: Hmmm.. No? Mauna na kami. 

Hinatak ko na lang papalabas ng food court si Bryan. Nang nakalabas na kami....

Bryan: Mabuti naman natatandaan mo pa pangalan ko.

Jo: Ah... Yun ba? Wala yun.  (napapatingin sa loob ng food court)  Ahm... Paano mo pala nalaman na dito ako nag-aaral?

Bryan: Ah... I asked my Dad.

Jo: Huh??

Bryan: I'm John Bryan Andrada. 

What? Andrada?? Andrada University. Does it mean, may-ari siya ng school namin??

Bryan: Kung iniisip mo  na....

Jo: Anak ka ng may-ari ng school namin?

Bryan: Tumpak!!

Jo: Oh my gosh! 

Pabulong na sabi ko sa sarili ko.

Bryan: Ano?  Gusto kitang kaibiganin.

I just smiled back. 

Jo: Sorry dun sa nangyari nung isang araw ha?! Nasigawan kita.

Bryan: Okay lang ba sayo kung.... ihatid kita?

Jo: Huh?? 

Bryan: Yan lang naman ay kung okay lang sayo. Pero okay din naman kung ayaw mo.

Jo: No.. I mean. Okay lang. 

Bryan: Good!

Tun's POV

Sh*t!! Anong nagawa ko? Dapat nakipagbati na ako eh. Pinalagpas ko lang yung opportunity na makipagbati sa kaniya. Sana nang dumaan siya sa table namin..... Hai... Puro sana na lang ako.... 

If We Fall In Love (KRISJOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon