35 3 2
                                        

Isang malalim na hinga ang pinakawalan ko. Kasabay ko ang hangin na dumadampi sa aking balat
Nakakalungkot lang isipin na pasko na mamaya pero ang lungkot parin.

Sumagi sa isip ko ang pamilya ko. Darating nga pala sila ngayon araw. Pangako nila sakin yun kasi Birthday ko ngayon. December 24, 2018

Dali dali akong bumaba papunta sa kusina at tinignan amg niluluto ni Manang Ester.

"Manang! Ano iyan?" Sigaw ko habang tumatakbo papunta kay manang.

"Nako hija, ito ang paborito ng mama at papa mo, ang Tinola ala manang ester!" Sabi nya habang sumasayaw sayaw pa.

Narinig ko ang pagbukas ng gate, nanjan na siguro sila mama. Pumunta agad ako sa lalagyan ng Plato namin saka ako kumuha ng apat na plato, kinuha ko ang paboritong kutsara ni mama para mapasarap ang kain nya sigurado akong pagod sya

Inilatag ako ang mga plato sa lamesa, sakto namang dating ni manang para ihain ang niluto nyang tinola. Kinuha ko ang sandok ang sinandukan ang bawat hawong na nakalaan sa bawat isa.

"Pak-pak para kay papa, lagyan narin natin ng papaya at malunggay na marami" sabi ko habang nilalagyan ang bawat lalagyan.

"Ito naman ang hita para kay mam--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko.

"Franco! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na naluluge na ang kumpanya natin! Ano nalang sasabihin ng ibang tao kapag nakikita nilang bumabagsak ang isang gaya ko!?" Nagaaway nanaman sila, ang inaakala kong masayang kainan ay naudlot.

"Isabella! Kasalanan ko bang tatanga tanga ka pagdating sa ganyang bagay" tuloy tuloy parin ang bangayan nilang dalwa. Hindi ko na napigilan ang luha ko.

Tumakbo ako papalayo, papalayo nang papalayo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta takbo lang ako nang takbo. Bahala na kung saan ako mapunta.

EnvisageHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin