Deep breaths escaped at his mouth as he ran away trying to escape someone.
"Shit hah shit shit shit" bigla na namang kumirot ang sugat niya sa tiyan mula sa pagkakahulog niya sa bangin. "Ba't ba kasi ngayon pa. Fuck!" malutong na mura niya habang tinatakpan ang sugat niya gamit ang mga kamay.
Wala siyang dala except for his very own gun. Nagmamadali siyang tumakbo hindi alam kung saan papatungo. Puro mga puno at ingay ng mga kuliglig ang sumasalubong sakanya habang papalakad. Hindi niya alam kung bat siya tumatakbo o sino man ang tinatakbuhan niya.
Nagsimulang umulan at malutong na naman na mura ang kumawala sa bibig niya.
"Really? I-is it Friday the 13th or karma ko na talaga 'to?"
galit na bulong niya dahil unti-unting nawawala ang kaniyang lakas dahil sa dami ng dugo na nawala sakanya.
Naramdaman niyang hindi na siya hinahanap ng kung sino man kaya bumagal ang kanyang paglalakad at dinamdam ang sugat niya. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa may nakita siyang ilaw sa dulo ng punuan na iyon. Baka iyon na ang daan papunta sa siyudad at makakahanap na siya ng matutuluyan o di kaya tulong upang tawagan ang kanyang mga kasamahan.
Hindi siya sumuko at patuloy na naglalakad kahit na hinang-hina na siya at nanlalabo na ang kanyang mga mata. Hindi na niya talaga alam kung na saan siya basta ang alam niya hinahabol siya ng kung sinong hindi niya maalala at ngayon nawawala na siya.
Papalapit na siya sa ilaw at nang makita na niya ito, hindi ito yung inaasahan niya. Isa itong lumang bahay na yari sa kahoy. Naisipan niyang dito muna magpahinga dahil hindi na niya kaya ang sakit ng sugat niya. Naiisip niya kung ito na ba ang kanyang oras.
Napailing siya sakaniyang iniisip dahil gusto pa niya mabuhay at matuklasan kung sino siya.
"Not w-what I expected" inihanda niya ang kanyang baril na nakatago sakanyang bulsa. Baka isa itong patibong o di kaya ibang nilalang ang kanyang makakasalubong niya. Kung tao man ito, he'll use this to threaten whoever it is.
Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at sumalubong sakanya ang isang nakangiting babae na naka corporate attire. May malaki itong kurba sa mapupula nitong labi. Bago pa niya maitutok ang kanyang baril ay tinutukan na siya nito ng baril.
"Hi Stranger, I don't know who the fuck you are and I guess you're not welcome here" at pinalo siya sa ulo gamit ang baril na iyon.
....
Binuksan niya ang kanyang mga mata at sinubukang tumayo ngunit dumaing lang siya. Nakita niyang wala siyang pang-itaas at ang sugat niya ay may benda na.
"Dahan dahan lang baka lumala yung sugat mo" malambing na sabi ng isang babae. Nagulat siya at umatras ng konti.
"Hahahaha! para kang nakakita ng multo" tumawa ang babae na para bang baliw. Bumaba ang kanyang tingin sa dibdib nito at napansin ang laki nito.
"Andito yung mata ko sir!" sabay turo sa mga mata ng babae na napakaganda.
Napahaplos siya sa ulo niya habang inaalala ang nangyari sakanya at paano siya napadpad sa kamang kanyang hinihigaan. Tama! may isang babaeng pumalo sa ulo niya kagabi. Tinignan niya ng maigi ang babaeng kaharap niya ngayon ngunit napakalayo sa babaeng nakita niya kagabi.
"Sabi na nga ba" may bumukas sa pinto at may nakita siyang napakaganda at napakatangkad na babae na para bang modelo sa Victoria Secret. Nakahalukipkip ito habang nakakunot ang noo.
"Hala! Hindi ko kaya siya ginising. Nagising siyang mag-isa noh!" sabi ni Myla. Tinignan siya ng mabuti ng babae at binaling ang tingin sakanya.
"O? Kamusta na ang pakiramdam mo?" tinitigan lang siya ng lalaki. Nalilito pa nga siya kung siya ba talaga ang kinakausap nito.
YOU ARE READING
Blurred Memories
RandomHe lost his memories. He doesn't know who he is. He doesn't know what the truth is
