PROLOGUE

14 0 0
                                        

"Anak, dito ka muna pansamantala ah? Magpakabait ka dito kay Auntie Vicky mo at tulungan mo siya sa mga gawaing bahay, okay?"

Tumango ako ng hindi nakatingin kay mama. Nakakainis lang na iiwan niya ulit ako at magtrabaho na naman sa ibang bansa. At ngayon nandito ako kay Aunti Vicky na bunsong kapatid ni Mama, at dito muna ako pansamantalang titira kasi wala na akong papa. May iba na siyang pamilya ngayon na inaalagaan at minamahal.

Masakit pero kaya ko namang tanggapin. Ganyan talaga ang buhay, kahit masakit dapat tatanggapin mo nalang ang nangyari kesa magpakalunod sa nakakahibang na sakit at kalungkutan.

Niyakap ako ng mahigpit ni mama at hinalikan sa noo. Gusto ko ang gawaing ito ni mama hinahalikan ako sa noo kasi biglang gagaan ang pakiramdam ko and I felt secured. Kahit nagtatampo ay niyakap ko si mama ng mahigpit.

"Mama mag-iingat ka po doon ah? Wag niyong pabayaan ang sarili niyo saka wag po kayong mag-alala sa 'kin mama, safe naman po ako dito kila Auntie Vicky."

Maikling oras lang na pagpapaalam ang inilalaan namin ni mama sa isa't isa pagkatapos ay umalis na siya sakay ang nirentahan niyang tricycle. Humarap ako sa may kalakihang bahay na may dalawang palapag. Napangiti ako at kumatok sa pintuan. Bumukas 'yun at bumungad sa 'kin si Auntie Vicky na nakangiti.

"Iha, nandito ka na pala. Pumasok ka na. May hinanda akong salo-salo para sa 'yo." nakangiting sambit ni Auntie Vicky at kinuha ang dala kong maleta.

Mabilis kong iginala ang aking paningin sa loob at ang unang bumungad sa 'king paningin ay ang malaking painting na nakasabit sa may gilid ng hagdan. Si Auntie Vicky 'yun at ang anak niya na si Cassandra. May isang anak si Aunt Vicky na si Cassandra at sampung taon na ito, at baliw. Ang asawa naman ni Auntie ay maagang namatay dahil sa pneumonia.
Bigla akong napapitlag sa gulat ng may kamay na humawak sa kamay ko at malamig 'yon.

"Ate R-rosalie."

Nakangiting mukha ni Cassandra ang bumungad sa akin. Napahinga ako ng malalim at ngumiti.

"Cass, kumusta ka na?" Kahit kinakabahan ay niyakap ko pa rin siya ng mahigpit. Bigla akong napahinto ng may makapa ako sa likod niya. Basa 'yon pero may pagkamagaspang.

"Ate, papatayin kita." Bulong niya sa 'king tenga.

Napaayos ako ng tayo at nilunok ang laway na nakabara sa lalamunan ko. Bigla akong kinabahan, alam ko na baliw si Cassandra pero parang hindi siya 'tong kaharap ko. Parang may iba, parang may ibang gumamit sa katawan niya. Kanina nakangiti ang kanyang mukha at ang amo pero ngayon nanlilisik na ito at nakangiti ng malaki na abot hanggang tenga. Shit! Cassandra possess by a demon!

"Rosalie! Rosalie!"

Bigla akong napakurap ng niyuyog ako ni Auntie sa balikat. Tiningnan ko ulit si Cassandra at nakita Kong bumalik sa dati ang ekspresyon ng mukha niya. Namamalikmata ba 'ko?

"Okay ka lang ba Rosalie? Natulala ka."

"Okay lang ako auntie." mahina kong sambit. Tiningnan ko si Cassandra na ngayon ay kinakain ang kanyang kuko sa kamay.

"Tara na sa kusina para makakain na tayo."

Napabuntong hininga nalang ako at sumunod kay Auntie papuntang kusina.

-------------------

AN: End of Prologue

The possession of Cassandra (On-going)Historias para obsesionarse. Descúbrelo ahora