Chapter 1

47 2 0
                                    

Chapter 1

Gusto ko ng magmulat ng mata ko pero masyadong mahapdi. Dahil siguro sa sikat ng araw. Panigurado din na masyado ng namamaga ang mata ko dahil sa kaiiyak ko kagabi.

Tumayo ako at kita ko ang paa ko na marumi at may galos. Hindi ko naisuot ang tsinelas ko kaya siguro ganito.

Lumingon ako sa paligid.. Nasa kalagitnaan ako ng kagubatan. Nagtuloy ako pumasok pa sa gubat. Dumampi sa mukha ko ang malamig na simoy ng hangin hanggan sa maamoy ko ang dagat.

May dagat na malapit dito?

Mabuti na din yun para makapaglinis ako ng katawan ko.

Kahit na sobrang hapdi ng mga galos at masakit na ang talampakan ko ay nagtuloy-tuloy pa rin akong pumasok hanggang sa nakita ko na nga ang dagat.

Pagkalapit ko ay agad akong nagdive. Dahil sa naging bobo ako..iyak na naman ako ng iyak dahil mas lalong humapdi ang mga sugat ko sa alat ng dagat.

Naalala ko na naman ang nangyari kagabi. Walang nangyaring panggagahasa pero pakiramdam ko ang dumi-dumi ko. Ramdam ko ang mga haplos ng lalaking yun sakin.

Nandidiri ako sa sarili ko kaya hindi ko mapigilan ang sumigaw ng malakas, dala na rin galit ko sa kanila.

Nanatili lang ako dagat, hanggang tuhod ko taas ng tubig kaya umupo lang ako at nagmukmuk.

San na ako nito ngayon? Pano na ang pag-aaral ko? Hindi ko na ba matutupad ang pangarap ko?

Mas lalo akong naluha sa isiping yun. Wala akong pamilya ngayon, ako na lang mag-isa. Wala man lang akong kapera pera.

Kung anu-ano na ang iniisip ko hanggang sa maamoy ko na naman ang bango na yun. Lumingon ako sa paligid pero wala akong makita. Ano ba ang amoy na yun? pagkain?

Tumayo ako at naglakad sa puno na malapit lang sakin at sumilong. Ang sakit na sa balat ang sikat ng araw.

"Wear this." muntikan na akong mapatalon ng may magsalita sa gilid ko at inabot sa akin ang leather jacket niya.

Hindi ako umimik at hindi rin gumalaw sa pwesto ko. Nanlaki ang mata ko ng siya na mismo ang nagsuot sakin ng jacket niya. Nagtama ang balat namin at ganun na lang ang gulat ko uli dahil para ako kinukuryente at ang amoy niya. Ang amoy na palagi kong nalalanghap.

"S-sino ka?" nanginginig kong tanong.

"Vladir." maikling sagot niya. Tumingin siya sa mata ko. Kita ko sa kanya ang galit sa mga ito pero hindi para sakin. At kahit ganun para akong hinihipnotismo na tawirin ang pagitan namin at halikan siya.

"My mate."

Naguluhan ako sa sinabi niya, anong my mate? Mate o meat?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 24, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Keeping you with me YasminaWhere stories live. Discover now