Enticement

12 0 0
                                        

"Next!"

"Applicant no. 231"

Sa wakas naman tinawag na ako. Tumakas pa ako sa klase ko para lang makapag audition. Hindi rin biro yung traffic na dinaanan ko makarating lang dito sa ABC Towers. Sana naman makapasa ako sa audition na ito.

Bago pa man pumasok si Enticement sa loob ng audition room, muli nyang pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng kwarto na puno ng aplikante na nangangarap maging artista. Pare-pareho sila ng pangarap. Sumikat. Maiahon ang pamilya sa hirap. Maging influential. Ngunit para kay Enticement, ang pag aartista ay para maiwasan nya ang mga bagay na para sa kanya ay mahirap bilang isang senior high school student. Lalo na ang Math.

"What makes you the next big star of ABC TV?"

"I can sing, dance and act po."

"You know iha," sabi ng talent scout, "A lot of aspiring artist can do that. What I want to know is, what makes you outstanding than any other applicants?"

"Uhm.. Gusto ko po mag artista kasi ayaw ko po ng Math. Pwede po ba yun?"

Sa sinabi niyang iyon, napamulagat sa kanya ang mga panelists ng talent audition council.

Ineng? Seriously?

Habang naglalakad pauwi, hindi mapigilan ni Vex ang mainis sa kaibigang si Enticement habang kinukwento nito ang nanyari sa kanya sa talent audition. Pakiramdam nya ay nabaliwala ang pagsasakripisyo at pag sisinungaling para lang mapagtakpan ang pagkacutting classes ng kaibigan para lang makaattend sa pa-audition ng ABC TV.

"Girl naman, sa dinami-dami ng pwede mo sabihin, bakit yun pa?"

"Eh syempre pressure cooker na ate mo. Tsaka totoo naman ah. Kaya gusto ko mag artista ayaw ko ng Math. Imagine mo, pag nag college tayo tapos may entrance exam, sureness na hindi ako papasa. Alam mo naman na hindi ako kasing brainy mo."

"Ano ba kasi kasalanan ng Math sayo?"

Sa tatlong magkakapatid, si Enticement ang masasabing mahina sa kanila. Ang nakakatanda nyang ate at kuya ay parehong lisensyadong civil engineer, gayundin ang kanyang ama at ina. Kaya minsan hindi maintindihan ni Enticement kung bakit gaano man katalino mga kapatid nya, ibang-iba sya sa mga ito lalo na sa akademiks.

"Ah basta! Ako gagawa ng sarili kong destiny!"

"Ewan ko sayo." Napakamot ulo na lang na wika ni Vex. Nang makarating na sila sa plaza, "Since tinulungan kita makatakas sa 3 subjects mo ngayong hapon, dapat lang ilibre mo ko sa StartBax ng latte!"

"Sige ba!" Masayang tugon ni Enticement. Kahit papano, tanging si Vex lang lagi tumutulong sa kanya na maabot nya ang kanyang mga pangarap. "Pag naging artista na ako, ililibre kita sa lahat ng branches ng StartBax!"

"Ayaw ko! Ibili mo ko ng isang branch ng StartBax!" at nagtawanan ang magkaibigan sa mga munting kalokahan nila.

Papasok na sana sila ng establishment ng mabunggo ng isa sa kanila ang humahangos na lalaki na may dalang latte. Natapon karamihan ng kape sa suot nyang V-neck white shirt samantalang namantsahan naman ang manggas ng blouse ng uniform ni Enticement.

"Hinahabol ka ba ng mga zombie sa loob at nagmamadali kang umalis para banggain mo lahat ng madadaan mo" Wika ni Vex at dali-daling kinuha ang panyo sa bulsa para punasan ang namatsahang manggas ng uniform ni Enticement.

"Kayo itong naghaharutan sa doorway ng hindi tumitingin kayo pa may ganang magalit?"

"Excuse me! Ikaw itong hindi tumitingin sa daan at nagmamadaling lumabas kaya natapunan ako ng kape!"

"Sya.. sya.. eto na 1000 pa dry clean mo na lang uniform mo" ani ng lalaki sabay abot ng 1000 pesos sa kamay ni Enticement.  "Shit! Late na ako!" at nagmamadaling sumakay ng black van na pumarada sa tapat ng StartBax ang lalaki.

"Friend okay ka lang?" at pinag masdan ni Vex yung coffee stains sa damit ni Enticement. "Hala girl! Ang yagit mong tingnan sa coffee stains, bili na lang ako ng takeout at sa apartment na lang tayo magkape." 

"Sige wait na lang kita dito sa labas" wika ni Enticement na patuloy iniisip kung san nya nakita ang pagmumukha ng lalaking nakabanggan nila sa entrance ng StartBax, habang pinupunasan ang sarili ng wet wipes.

Habang nasa sasakyan papuntang ABC towers, hindi mapatid ang paglilitanya ni Joy ng makita ang alaga pagsakay ng van. "Jusko! nakuha mo pa maligo ng kape, late na nga tayo!"

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Aug 20, 2019 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

LOVETEAMHistórias para pegar e não largar. Descubra agora