"Y-yeah," pagsusinungaling niya.

"Okay, sinabi mo, eh."


Mayamaya ay pinatay na niya ang cellphone at hinintay na lumabas si Bambi ng boutique. Hindi nagtagal at lumabas ang kaibigan niya't kinausap si Conrado. Kitang-kita niya ang pag-igting ng mga bagang ng lalaki. Naikuyom pa nito ang mga palad tanda nang matinding galit. Kahit si Bambi ay tila natakot sa reaksyon ng lalaki.

Panatag naman siyang hindi kayang manakit ni Conrado kahit galit ito. May sinasabi ito kay Bambi at tila maamong tupa naman ang kaibigan niya't tumatango lang. Mabuti na lang at kahit nagpipigil si Conrado sa harapan ni Bambi ay maayos nitong tinanggap ang sinabi ng kaibigan niya't umalis na sa harapan ng boutique niya.

Ngunit bago ito tuluyang pumasok ng sasakyan nito't inilibot muna nito ang mga mata sa paligid na tila ba tinitiyak na wala nga siya doon. Mabuti na lamang at tinted ang salamin ng kanyang kotse kaya hindi siya makikita nito. Nang makaalis ito nang tuluyan ay saka pa lamang siya nakahinga nang maluwag.

Binuhay niya ulit ang makina at pinaandar ang sasakyan. Biglang ayaw na muna niyang bumalik sa trabaho. Gusto niyang umuwi ng kanyang bahay at mag-isip. Nawala ang sigla niya kanina nang makita si Conrado. Bumalik na naman ang sakit ng damdamin niya. Ang biglang paglitaw nito ay talagang nagdulot na naman sa kanya ng isipin. Bigla na namang tumunog ang cellphone niya't tumawag sa kanya si Sidney.



"Yes, hello?"


"What is wrong with you?" tila pagalit na sita ni Sidney.


Tumaas ang kilay niya sa tono ng boses nito.

"What?"


"Bakit ganoon ang sagot mo kay Lorraine kahapon? Dont you know how much effort she take just to tell you her heartbreak?"

Napamaang siya. Bakit parang siya pa ang may kasalanan? Siya itong pinaglihiman ng bestfriend niya at pinaglaruan pa ng magaling ang kawawang kapatid niya!


"And so? She made her own heartbreak, not me!" pasinghal na sagot niya.


"Oo nga pero nagsisisi na siya. She really love your brother!"


"What are you trying to say, Sid?" Medyo napipikon na siya.


"Forgive her, Sophia! She's your bestfriend!"

"Forgiveness is earned not dictated, Sid!"


"When did you become this vindictive, Sophia? You used to be so kind hearted and sympathetic!"

Hindi na niya itinuloy ang tawag at pinatay agad ang kanyang cellphone. Nairita siya nang tuluyan. Wala siya sa mood na makipag-argumento sa kahit na sino dahil magulo ang isipan niya.
Minabuti na lamang niyang i-focus ang atensyon sa daan habang nagmamaneho.

Gusto na niyang makauwi at pagplanohan ang mangyayari sa buhay niya lalo pa't magkakaanak na siya. Nang makarating siya sa gate ng kanyang mansyon ay nakita na naman niyang nakaparada sa labas ang sasakyan ni Conrado! Nasapo niya ang ulo. Paano nito natunton ang bahay niya?

Don't be silly, Sophia. Your life is an open book, you're famous, remember?. Malamang nakapagtanong-tanong 'yan!

The Runaway Groom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon