Chapter 2 - When They Talked About Us

122K 2.6K 211
                                    

To Karl - simply because I can force you to read my work... ahahahaha!

____________________________________

Kumain muna kami tapos nagtungo sa 4D Max Ride. Teka, eto ba ‘yung sinakyan nina Drake Palma at Alys Perez sa Seducing Drake Palma kung saan Wild, Wild West ang pinili ni Alys. Mejo wild ang reaction ni Alys according sa nabasa ko so nung tinanong ako ni Marco kung anong gusto kong sakyan, I told him siya na lang ang bahala.

“Well then. Miss, sa Jurassic Park nga,” sabi niya.

WT*! Siguro dapat ako na lang ang pumili.  So we went inside and wore our shades.  Nung simula, I tried to pretend na okay lang ako but then nagsimula nang magsulputan ang mga dinasaurs kaya hindi na ako nakapagpigil. I was so scared and screamed when he took off my shades and gave me MY FIRST EVER KISS.

Teka nga – may Fairygod-Wattpad mother ba ako? Bakit halos lahat ng nangyari sa amin ni Marco ay kahawig sa mga favorite parts ng mga favorite Wattpad stories ko? Nakakaloka!

Well anyway, nakuha na ni Marco ang first kiss ko. So ano pa nga ba ang pwedi kong ipagkait na pweding mangyari sa first date ko? Kaya nung niyaya niya akong mag-star gazing, hindi na ako nagpakipot. 

Nakapatong kami ngayon sa hood ng car while we are enjoy the view of the stars.  Ang sarap ng feeling kasi nakapatong ang ulo ko sa braso niya and in a little while, he rolled over me and gave me a nice long, French kiss.

Totooot…. Totooot…. Totooot….

Nagising ako sa katotohanan.  Kaya pala mala-Wattpad ang love story namin, panaginip lang pala. Haayzzz… in-love na ba talaga ako?

Pinuntahan ko agad si Arlene sa library matapos kong maligo.  Doon kasi kami lagi nagkikita. 

Datirati, si Arlene ang madaldal pero ngayon, ako na ang maingay.  Kinukwento ko kasi sa kanya ang nangyari sa panaginip ko. Pero siyempre, dahil panaginip ko yun, dinagdagan ko pa ng additional kilig moments at dinetalye ko talaga.

“Buds, nasaktan ako kasi ikaw ang dinate ni Marco,” nagpout si Arlene, “pero okay lang at least ngayon nagkaroon ka na ng totoong love life,” sabi niya sa akin.

“Ewan ko Arlene,” Umupo ako sa harap niya, “Ganito pala pagna-inlove? Hindi mo ba talaga mapipili kung kanino titibok ang puso mo?”

“A basta! Masaya ako sayo. Tara, nagutom ako sa kwento mo. Brunch muna tayo”

Paalis na sana kami nang makita namin ang Gossip queens na nagmamadaling tumakbo palabas ng library.  Ano kaya ang nangyari sa kanila? Siguro may nasagap nanamang tsismis kaya ayon hindi makapaghintay at kailangan pa talagang tumakbo.

Marami kasing tao sa cafeteria kaya napagpasyahan naming doon na lang kumain sa Jollibee.  Kumakain ako ng favorite kong Garlic Pepper Beef nang may narecieve akong message.

From: Ate  Judice

Bakit ‘di mo sinabi sa akin na nagdate na pala kayo ni Marco? Ang daya mo! Magkasama tayo sa iisang apartment pero nalaman ko pa sa ibang tao.

Nagulat ako sa textmessage ni ate Judice kaya nagreply ako.

To: Ate  Judice

Ano ang pinagsasabi mo ate? Anong date ang sinasabi mo?

 Message Sent.

Hinintay ko ang reply niya.

From: Ate  Judice

Kalat na sa buong school ang tungkol sa date niyo ni Marco. Nag-4D Max Ride pa kayo tapos ninakawan ka niya ng halik.  You owe me the whole story. Nakakainis ka.  Bakit hindi mo man lang ikinuwento sa akin?

Bigla kong nalunok ang kinain ko nang hindi ko nanguya. Date? 4D Max Ride? Nakaw na halik? Panaginip ko ‘yun ah! Tapos naalala ko ang Gossip queens na tumatakbo palabas ng library.

“Oh no!” Napasigaw ako.

“Buds bakit?” Tanong ni Arlene.

“Buds naalala mo nung kinukwento ko sa’yo ang tungkol sa panaginip ko kagabi?”

“Oo, bakit?”

“Nakita mo bang dumaan ang isa sa Gossip queens habang nagsasalita ako?”

“Hmmn,” napaisip si Arlene, “Nakita ko ‘yung isa sa kanila sa may bookshelves na hindi masyadong kalayuan sa atin.  Bakit?”

“Patay!” tinago ko ang mukha ko sa mga kamay ko, “Buds, narinig nila ang kwento ko and akala nila totoo ‘yung nangyari. Kalat na sa school na nagdate daw kami ni Marco.”

“I’ll be damn,” napatayo si Arlene, “seryoso?”

Hindi na ako sumagot.  Binigay ko na lang ang cellphone ko sa kanya para siya na lang ang bumasa sa convo namin ni Ate.  Hindi pa niya natapos basahin ang convo, may nagbeep na na mga anim na messages.  Natakot ako sa mababasa ko kaya si Arlene na lang ang pinacheck ko sa inbox.

                OMG Janine, kayo na pala ni Marco! Kaya pala tayo ang napiling front act sa Valentine’s concert nila. Yayain mo naman siyang manood ng practice natin oh… - Patricia (president ng Dance troupe)

                Are you sure si Marco talaga ang ka-date mo? Kapal naman ng mukha mong managinip ng gising! – Donita (ang feeling sikat na kasama ko sa Drama club)

 

                SERIOUSLY! Bakit hindi ko nakitang pinansin ka ni Marco sa campus. – Jenna (kaklase ko sa isa sa mga minor subjects ko dati)

                YOU MUST BE JOKING! Kahapon lang naging boyfriend ni Nathalia si Marco ah. Hindi ako makapaniwala na tino-two time ni Marco si Nathalia at ikaw pa ang third party.  If that is true, bumaba na pala ang taste ni Marco – JP (hindi ko na naalala kung bakit nakaregister ang number niya sa phone ko, but he is the gay friend of Nathalia)

                Miss Del Rosario, this is from the guidance office. We would like to see you at 2PM today – 0917*****

                WHY WOULD I DATE YOU? I DO NOT EVEN KNOW YOU! I AM BEING CALLED IN THE GUIDANCE OFFICE BECAUSE OF YOUR LIE. AND BECAUSE NATHALIA BELIEVED YOUR STORIES, I GOT BUSTED.  YOU ARE GOING TO PAY FOR THIS! – 0917*****

Now I am definitely dead.  Di bale, para lang ‘tong My Tag Boyfriend.  Ate MaevelAnne pa-advise naman please L  Sana lang maging boyfriend ko talaga si Marco tulad nung nangyari sa My Tag Boyfriend.

“Asa ka pa!” sabi ng utak ko.      

 

               

When the Foolish Heart Beats (Adonis Series 1)Where stories live. Discover now