Chapter 1 - The Moment I Laid Eyes On You

241K 3.3K 474
                                    

To Aekisa - Challenge accepted! So eto na, magsusulat na ako... taglish nga lang... hahahaha

____________________________________

EEEEEEKKKK!

Nagulat ako nang marinig kong sumisigaw si Arlene habang nakatingin sa poster.

"OMG buds, hindi dapat natin tong palagpasin," sabi niya habang nangigil.

Concert kasi ng Adonis band, isang bandang kinagigiliwan at tinitilian ng mga babae ng St. Mary's University dahil ang mga membro nito ay ubod ng gwapo, palibhasa kasi ipinanganak silang may dugong banyaga.

"Ewan ko sa'yo," I nonchalantly answered. Ayoko kasing makipagsiksikan sa mga babaeing OA kung makipag hiyawan na parang kung sinong artista ang tinitilian. Mga schoolmates lang kasi namin ang mga membro ng Adonis band.

"Buds naman," sabi ni Arlene habang nakasunod sa akin, "Palibhasa naman kasi puro Wattpad lang ang nasa isip mo. Hindi ba pwedeng maglanding ka muna sa totoong mundo? Hello? Earth to Janine," sabi niya sabay hablot sa tablet ko.

"Hey!" sabi ko habang inaagaw ko pabalik ang tablet.

"Ano ba yan Janine? Magkaroon ka na nga ng tunay na crush. Nakakatakot ka na kaya. Last week si Drake Palma ang crush mo, ngayon naman si Twain Crawford. Eh hindi mo naman yan sila mahawakan, puro kaya yan mga characters sa Wattpad stories na binabasa mo," reklamo ni Arlene.

Yep, isa akong certified WATTPAD ADDICT. At maliban kay Arlene Mejorada, bestfriend ko ang Wattpad. Nagigiliw kasi ako sa mga characters at feeling ko, ako yung babae na nasa mga stories. Hindi ako engot, hindi rin naman ako pinakamagaling sa class. Hindi ako sikat sa school pero hindi rin naman ako nobody. Si Arlene lang ang lagi kong kasama sa school, pero hindi rin ako anti-social dahil member ako ng drama club at ng school dance troupe. Oo nga pala, aside from academic school, nag-aaral din ako ng dancing, ballet in particular.

"Tapos na kami ni Twain, kay Kent Fuentabella na ako ngayon," sabi ko habang pinasok ko yung tablet sa bag.

"So sino kana ngayon?"

Napadreamy look ako sabay sabi, "Ako ngayon si Phoebe Isabelle Bernal-Fuentabella."

"Naku buds gumising ka. Kasi paghindi ako makapagpigil baka dadalhin kita ngayon sa mental hospital," inis na sabi ni Arlene habang naglakad palayo.

"Buds naman," habol ko sa kanya, "Oo na. Hanapan ko ng paraan, makakakuha tayo ng front seat sa concert."

"You're the best buds!" sabi niya sabay yakap sa akin.

Hindi man sa pagmamayabang pero kahit hindi ako sikat, marami rin naman akong kakilala sa student council. Dahil kasi lagi nila kaming tinatap for intermission numbers sa mga programs nila kaya nagging ka-acquainted ko sila. Student council kasi ang sponsor sa concert ng Adonis band kaya alam ko, makakakuha ako ng VIP tickets.

"Oy! Janine, buti nakita kita,"sabi ni Benjo habang papalapit sa amin. Si Benjo nga pala ang president ng student council.

"Pakisabi naman sa president niyo na kayo ang magbibigay ng opening act sa valentine concert ng Adonis band," sumabay siya sa amin.

"So ibig sabihin magbibigay ka ng special privilege?" nakangiting tanong ko.

"Siyempre naman, sa front row kayo pagkatapos niyong sumayaw," sabi niya habang may sinusulat sa planner niya.

When the Foolish Heart Beats (Adonis Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon