National Tournament - Hello

13 0 0
                                    

Chapter 5 - Hello.

JASPER POV..

"AKO PO SI CAMILLE DE LOS REYES!!"

Naagaw ng babaeng nagngangalang Camille De Los Reyes ang attensyon ko. Nasa unahan na ako at naghihintay sa magiging kapartner ko pero siya lang pala yun?

Matangkad ..

Nakapusod ng mataas ang buhok ..

Tan ..

Chubby ..

Simple ..

Ang alam ko kilala siya ng kapatid kong babae, Oo. Nakita ko siyang binati ng kapatid ko kaninang umaga. Ito pala yung bago pero mukhang pamilyar na mukha kanina sa hallway. Bushido pala siya.

Lumapit siya at tumabi saakin sa unahan. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya matingnan ng ayos ni hindi ko magawang ilingon ang mukha ko sakanya.

"Woooh! Senpai!!" Mga bata kong nasigaw dahil nasa unahan ako. Nakakatuwa talaga sila.

Kinawayan ko sila para matahimik.

"Oh, para naman kayong mga tuod diyan at ilang na ilang, halatang di niyo kilala ang isa't isa..unwari naman CLOSE KAYO." Pagsasalita ng Coordinator.

Hindi ko malaman kung bakit pero bigla akong ginanahang magpakilala.

"Hello!"

"Uh.. Hi.." ilang na pagkakasabi niya.

"Ako nga pala si Jasper, ikaw?" At iniabot ko ang kamay ko para makipagkilala.

"Um.. Camille" tsaka inabot siya ang kamay niya at nakipag shake hands.

"Ayan close na tayo ah?" Sabay hila ng kamay ko at harap sa mga studyante ko. Haaay. Hindi ko maintindihan pero, masaya ako buti nalang at pagraduate palang ako kundi magiging busy rin ako sa Company.

--

CAMILLE POV..

"Ayan close na tayo ah?" Sabay alis ng kamay at tingin sa Madla. Pft! Plastic! Taray nitong Jasper na toh ah? Tadiyakan ko to eh! Ang yabang niya grabe.

Haaay. Pero iisa lang ang goal ko dito, hindi dapat ako magpadala sa ibang tao. Ba malay ko ba dito kung mabait ba ito o hindi? Tsaka isa pa. Kailangan kong protektahan ang team ko, mamaya kaibiganin ako tapos pababagsakin ng unti unti ang grupo ko. Ang team niya ay taga Manila, mahirap na. Kapag International Tournament pili lang ang kinukuhang players kada LUZON-VISAYAS at MINDANAO. Baka mamaya gusto lang kami nitong utuhin.

Nag-aalala pa rin ako sa grupo ko pero di ko akalain na ganito ang tiwala saakin ni Sir Bandong, na pinili niya akong maging taga pagsalita sa OATH OF SPORTMANSHIP kahit Daan daan ang naandirito sa Gymnasium na ito. Nakakahiya talaga.

Tumingin nalang ako sa Team ko na may kakaunting miyembro hinanap ko kaagad si Kuya Donnie para mawala ang kaba ko pero isa ang nahagilap ng mata ko... si Llord!

(*/////////*)

Hindi ko alam kung bakit masama ang tingin saakin ni Llord.

Saakin at sa katabi ko.

"Very Good! Pwede na kayong bumalik sa upuan niyo."

Pagbalik ko sa upuan ko ay parang may kakaiba, parang may tensyon akong nararamdaman. Nakatingin ba si Sir Bandong?

Lingon Lingon.

(>…>)

(<…<)

Hindi naman ii, pero may kakaiba..

It's started from DEAR.Where stories live. Discover now