Nagsimula ang lahat sa chat
Aminin karamihan satin ang ganyan sa chat nagsisimula
So ito ang kuwentong tampok ko sainyo
Una kaming nagkakilala sa school,walang usapang naganap kundi ngitian lamang.
Una din siyang nakipag-communicate sakin, kami ay nagusap hanggang 5 buwan, kami ay naging kaibigan bagamat hindi kami nagsasama sa personal dahil may hiya pang-namamagitan.
Lumipas ang ilang buwan ay bigla nalang siyang nagchat sakin.
"Mave may aaminin ako sayo" tugon niya
Nangilabot ako na nagugulat sa kanyang sinabi.
"Ano naman yun?" Sabi ko
Siya'y nagchat ng
"Maverick meron nakong nararamdaman para sayo pero satin satin lang ito"
Nagulat ako sa kanyang binanggit na para bang tumigil ang mundo ko dahil sa mga oras na iyon din ay meron narin akong pagtingin sakanya.
"Oo naman" sabi ko
Nagtuloy tuloy ang amin usapan hanggang sa sinabi niyang
"Sige mag M.U na tayo"
Like for me ano yung MU? Ang alam ko kasing MU mutual understanding hanggang sa nagsasama na kami sa lahat umabot kami ng 8 months at 2 weeks if im not mistaken. May mga araw na masasaya ngunit sa pagsasama namin ay meron ding bibihirang tampuhan,awayan, at matinding selosan. Dumating din sa point na muntik na kaming magbreak dahil sa babaeng kaibigan ko na sobrang malapit sakin. Ngunit nagpakatatag kami. Umaabot kami kung saan saan upang magpasyal lamang, minsan nga sinasabi ko sa mga magulang ko na may pasok maka pasyal lang kami.
Dumating ang petsang January 15,2019 nagbago ang lahat sa kadahilanang meron akong ka-picture na babae na kung saan naka swimsuit, ang di niya alam is pinsan ko yung ka-picture ko.
Bigla nalang akong nagulat ka nagchat sa sakin ng
"Mave ayoko na niloloko mo nalang ako ayaw ko nang-palakihin at ayoko nading magdamdam ng mabibigat at masasakit"
Tapos nang-maseen ko yun bigla niya akong binlock. Diba dito natin masusukat kung gaano ba katapang katatag ang isang tao.
Hintayin ang susunod na baytang ng istoryang ito.......
